ALEXANDER’S PLAN Nalunod ako sa malalim na pag-alaala sa nakaraan. Habang nakatitig sa larawan ng ina ni Alejandro. “Maam Maureen sana mapatawad mo ang nanay ko sa mga naging kasalanan niya. Nagmahal lang po siya.” Usal ko sa aking isip. Ilang beses akong humingi ng tawad sa Mama ni Alejandro sa aking mga dasal. Dala-dala ko ang bigat sa aking dibdib nang malaman kong namatay si Maam Maureen nang may galit sa aking ina at maging sa amin na anak nito. Hindi naging maganda ang resulta ng lahat. Nasa piling ni Alejandro ang babaeng pinakamamahal ko. Minsan ang nagsu-suffer ng kasalanan ng mga magulang ay ang mga anak. Gusto ko lang makasama si Cass at ang anak ko. Ngunit kung gaano sila kalapit, ay siya ring nilang layo sa akin. Ang hirap abutin. Sa bawat ngiti at masayang halakhakan nila ay nagsusumidhi ang aking damdamin. Nagngingitngit ang kalooban ko sa mga nakikita ko ngayon. Gusto ko nang umalis. Pero biglang may humarang sa daraanan ko.
ALEXANDER’S CHILDHOOD Kailangan ko nang makuha ang sample na kakailanganin ko para sa DNA testing namin ni Abby. Ngunit sadyang hindi ko magawa masyadong maraming mata sa pagsasalong ito. Lahat ng mga dumalo ay malalapit na mga kaibigan nila Cassandra at Alejandro. May mga CCTV na rin ang buong paligid ng villa at maging sa loob nito. Iniba na rin ang ilang bahagi ng villa. Sa mahabang mesa ng mga larawan ng pamilya. Ay may nakalagay nang wedding picture sila Alejandro at Cassandra. Lahat halos ng dumalo ay malalapit na kamag-anak lamang at iilang malalapit na kaibigan. Parang intimate welcome party para sa pamilya ang inihanda nila. Ganoon pa rin kahit pa magtagal ako ay may tension pa rin sa pagitan ng aming ama at si Alejandro. Ito kasi ang pinaka-naapektuhan sa lahat ng pagtataksil ni Papa sa kanyang ina. Sa totoo lang hindi ko siya masisisi sa kanyang nararamdaman tungkol sa bagay na iyon. Noon pa man walang pakialam ang aming ama sa mga nararamdaman ng kanyang mga a
ALEXANDER’S PLAN Magdadalawang buwan ng wala sina Cassandra at Alejandro para sa kanilang honeymoon. Dalawang buwan ko na rin hinihintay ang pagbabalik ng dalawa. Kasama nila si Abegail, hindi nila ito iniwan dito sa isla. Inagaw na nang tuluyan ni Alejadro ang aking mag-ina. Ayon sa aking source umuwi na lang ng isla ang dalawa mula Maynila na may bata na silang dala-dala at iyon ay si Abby. Walang nakakaalam sa mga taga-dito kung ano talaga ang nangyari sa Maynila. Ipinakilala din ang bata na anak ng dalawa at dinadala ang apelyido ni Alejandro. Sadyang walang impormasyon ang lumabas mula sa dalawang pamilya. At nakarehistro ang pangalan ni Crissa Abegail Montejar Arevalo sa birth certificate niya. Ipinanganak sa isang pribadong ospital sa Maynila. Malinis ang record na nagpapatunay na anak siya ni Alejandro pero alam ko sa sarili ko na anak ko si Abby. Buntis na si Cass nang umalis siya at biglang naglaho, iniwan niya ang pregnancy test na kasama ng cellphone na biniga
ALEXANDER POV “Masokista ka ba o ano?” tanong sa akin nang taong nasa tabi ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Kaibigan ko ang taong ito pero medyo may pagkamatabil talaga. Nasa chapel kami ngayon. Kung saan ginaganap ang kasal ni Alejandro at Cassandra. Simpleng kasal ang pinili nila naging maid of honor ang bunsong kapatid ni Alejandro si Astarte na kapatid ko din a ama. At naging ring bearer ang anak ng doctor nitong pinsan. Merong flower girl’s din. Maraming dumalo sa kasal nila. Halos lahat ng kilalang tao ng Sta. Fe nasa kasal na iyon. Maraming VIP ang kasal na ito. Halatang pinaghandaan at ginastusan ni Alejandro ang kasal nila. Hindi pa dumadating ang bride. Ngunit lahat ng principal sponsors ay nandito na. Lahat ng tao ay excited sa kasalang ito. Maliit lamang ang kapilya kaya nilukop ito ng mga malalapit kapamilya ng mga ikakasal at mga principal sponsor. Nagkasya na lang sa labas ng chapel ang iba pang dumalo sa kasal. Mayroon pang ikinalat na mga upuan sa
Reunion Party Maraming palamuti sa hardin ng Castillo de Aguzar. May nakahilerang mga mesa at upuan. Naka-serve sa isang mahabang mesa ang mga pagkaing Espanyol at Pilipino. Ang nakakatuwa may lechon doon at sadya yatang ito ang best seller dahil sa nangangalahati na ito. Sa katabing mesa naman ang mga wine na mismong gawa sa winery ng hacienda. Pumapailanlang ang isang masayang musika sa paligid. May mga tawanan sa bawat gilid ng hardin. Meron ding mga batang malayang tumatakbo sa paligid. Katabi ko si Sonia habang tinitingnan sa Cairo kung saan ito papunta. Si Abby naman kasama ang mga kaedad niya sa isang mesa at masayang nakikipag-usap sa mga ito. Lahat ng mga taong nasa party ay mga kamag-anak nila Alejandro. Ginagawa ang pagtitipong ito kada taon para magkaroon ng reunion. Para itong celebration ng lahat ng birthdays ng bawat isa, wedding anniversaries at mga mahahalagang araw ng bawat isa sa kanilang pamilya.pwede din itong tawaging Thanksgiving party pasasalamat sa lahat
CASSANDRA POV Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib. Malamig ang hangin sa bukang liwayway pinili ni Alejandro ang isang mataas na bahagi ng lupain upang pagtayuan ng villa. Napapalibutan ng mga halamang dito lang sa Spain makikita. Kitang-kita sa balkonahe ng aming silid ang pagsikat ng araw sa silangan. Nakatitig lang ako sa papasikat na araw. Ito ang bagong simula ng aming relasyon ni Alejandro. Kung noon hindi pa buo ang pagiging partner ko sa kanya sa ilang taong paghihintay ay nangyari din ang minsang pinangarap kong sana totoong ako ang kanyang kabiyak sa puso, sa kanyang katawan at sa isip. Pero ang lahat ng iyon ay sobra-sobra pa niyang tinupad. Ginawa ang lahat maibigay sa amin ng anak ko ang buhay na maalwan at puno ng pagmamahal. Wala na akong hihilingin pa sa aking napangasawa. Pero minsan may bigla-biglang pumapasok sa isip ko. Parang pabugso-bugsong sulyap ng mga alaala ng nakaraan. Wala naman akong makuhang sagot dahil hindi naman ulit ito bumabalik. B