author-banner
MEI_SUMMER
MEI_SUMMER
Author

Novels by MEI_SUMMER

Capturing The Billionaire's Heart

Capturing The Billionaire's Heart

Kung gusto may paraan, kung ayaw naman, ay siguradong may dahilan. Matapos mahiwalay naglakas-loobsa kaniyang kababata sa loob ng apat na taon, si Shevanee na hanapin ito sa Manila. Ngunit laking gulat niya na parang ibang Ralph Timothy Villanueva ata ang nahahanap niya sapagkat hindi na siya nakikilala nito. Ginawa niya ang lahat upang makuha ang pansin nito at nagbabakasakaling maalala siya ni Ralph, ngunit may isang lalaki ang humarang sa mga plano niya. Si Gaven Lance Galvez, ang sempatiko na pinsan ni Ralph na namamahala ng isang kompanya. Wala itong ibang ginagawa kundi bantayan ang bawat kilos at hakbang niya dahilan upang mawalan siya ng pag-asa na makilala ulit ng kaniyang kababata. Sa pag-aakala ni Shevanee na makukuha niya muli ang puso ng kaniyang kababata, ay ibang puso pala ang nabingwit niya. Ngunit isa lamang ang dapat niyang piliin. Sa pagkakataong ito, ano kaya ang mas matimbang para kay Shevanee? Ang minahal niyang kababata o ang lalaking si Gaven na mahal siya?
Read
Chapter: CHAPTER 11
KINABUKASAN, gusto kong batukan ang sarili ko. Paano ba naman kasi, hindi ko alam kung ano ang dapat gawin, kung ano ang nararapat at tamang maramdaman. Gustong-gusto kong mainis kay Sir Lance dahil mukhang sinadya niyang utusan ako upang hindi matuloy ang pag-uusap namin ni Tim. Pero ano naman ang mapapala niya roon? Ngunit may parte rin sa akin na gustong pasalamatan siya sa pagmamalasakit na ipinakita niya sa akin noong nilalagnat ako nang matindi.Naiinis kong sinuklay ang aking buhok gamit ang aking kamay. Halos mag-iisang oras na akong nakaupo sa harap ng aking vanity mirror at hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na akong bumuntong-hininga.I'm done putting on my make-up. Tapos na rin akong magbihis. Sa madaling salita, handa na ang katawan kong pumasok sa trabaho. Pero ang puso ko ang hindi handa.Bumuntong-hininga ako at tumayo sa harap ng salamin. Mataman kong tinitigan ang aking sarili. Nakasuot lang ako ng sleeveless shirt, at pinatungan ng pulang coat na pinarehan ko
Last Updated: 2025-08-09
Chapter: CHAPTER 10
NAALIMPUTAGAN ako nang makaramdam akong may biglang nagrambulan sa harapan ko. The moment I opened my eyes, I was face to face with two mice, having a quarrel, I presume. I let out a loud gasp. Naglakihan ang mga mata ko at agarang napatayo. Ngunit napakurap-kurap ako nang maramdamang parang pinukpok ng martilyo ang aking ulo. Shit, ang sakit. I flinched when it continue to throb. I was about to move my head but I failed when I felt pain on my neck. Mukhang magkaka-stiff neck pa ako nito. Hindi rin nakatulong ang mainit na singaw ng aking hininga—mukhang lalagnatin pa ako. Bumuntong-hininga ako nang marinig kong tumunog ang aking tiyan. Hinawakan ko ito. Wala akong kain na tanghalian. Ilang oras kaya akong nakatulog? Mabilis kong sinulyapan ang aking wrist watch. It's already 9:30, lampas dinner time na pala. Pinasadahan ko ng tingin ang storage room. Hindi gaya kanina, nasa maayos ng kalagayan ang mga dokumento—malinis na nakasalansan. Hindi pa ako tapos. Pero kailangan ko
Last Updated: 2025-06-28
Chapter: CHAPTER 9
SA mga nagdaang araw ay mas lalong lumala ang pagsusuka ni Mel. Naging madalas rin ang kaniyang pagkahilo kaya halos buong araw lang siyang nakahiga sa kaniyang kama. Mabuti nga at pinakiusapan ko ang boss namin na payagan si Mel na mag-sick leave. Merkules ngayon at walang masyadong pinapagawa ang CEO namin, bagay na ipinagtataka ko. Kaya naman, heto ako at nakatitig lang sa cellphone number ni Tim. Gusto ko siyang padalhan ng text ngunit may parte sa akin ang natatakot na baka hindi niya ito papansinin. Huminga ako nang malalim at inipon ang natitirang lakas. I closed my eyes and then opened it again. I firmly hold my phone and composed a message amidst the shaking of my hands. To: Timothy Hey, this is Shevanee. Are you free this weekend? I pressed the 'send' button and closed my eyes tightly. I prayed hard na sana natanggap niya at binabasa na niya ngayon. Isinubsob ko ang aking mukha sa aking mesa habang naghihintay ng maaari niyang sagot. Hinanda ko na ang aking sarili sa pa
Last Updated: 2025-06-05
Chapter: CHAPTER 8
LULAN sa sasakyan ng sumundo sa akin patungo sa charity's party, hindi ko maiwasang mamangha sa mga ilaw na galing sa naglalakihang gusali. It gives light in the darkness. Yet sometimes, light can be blinding too. Sa buhay, darating talaga ang panahon kung saan masyado ka nang nasanay sa dilim na hindi mo na makilala ang liwanag. O di kaya'y nasasanay ka na sa liwanag at hindi mo na batid kung ano ang dilim. May mga taong gugustuhin nalang ang manatili sa dilim dahil naging komportable na sila doon. Pero hindi rin naman natin masisi ang ibang tao na nagkukumahig makapunta lang sa liwanag. We don't know what others have been through and don't have the right to judge their choices, but still, we can do something to change their mind. Fresh winds with dust combined from the pollutions of Manila embraced my face as I open the car's window. I let out a heavy sigh when my conversation with Mel yesterday started to replay in my mind. "I—I don't know what to do anymore, She. Masyado na a
Last Updated: 2024-09-19
Chapter: CHAPTER 7
"WHAT do you think you're doing back there?" Hindi pa man ako nakakaupo sa aking upuan ay hinaklit na ni Sir Lance ang aking kamay at mahigpit ang naging paghawak niya rito. Napaigik ako nang mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakahawak nang nanatili akong tahimik. "Ano sa tingin mo, Sir?" Pabalik kong tanong sa kaniya. "Secretary lang kita, any time pweding-pwedi kitang sesantihin at palitan. Hindi ka sumusunod sa usapan natin. Akala ko ba malinaw iyon sa 'yo Miss Montecalvo?" Sabi niya pa at dahan-dahang binitawan ang aking kamay. Napahilot ako rito nang makitang namumula ito dulot sa kaniyang mahigpit na paghawak. "I did not violate any rules nor agreement that we had, Sir Lance. At isa pa, hindi naman naapektuhan ang pagiging sekretarya ko sa ginawa ko kanina. Ano bang mali doon? Hindi porket may agreement tayo ay bawal na akong gumawa ng sarili kong desisyon. Tutulungan kong makaalala si Tim. Wala akong pakialam kung may marami mang humadlang. Let it be Trixxie o kahit ikaw
Last Updated: 2024-09-19
Chapter: CHAPTER 6
"PSST! Mel, may alam ka ba kung bakit tayo pinatawag rito?" Aligaga kong tanong kay Mel nang mahanap ko siya sa gitna ng maraming co-workers na kasama namin. Trabaho ko dapat ang malaman kung anong rason bakit kami narito ngayon sa maliit na social hall ng kompanya. Samo't-saring mga mukha ang nakikita ko na parehas lamang na bago at hindi kilala ng aking mga mata. It's already Friday, and thank God dahil nakakasurvive naman ako for the past four days bilang isang temporary secretary. "Aba'y ewan ko rin. 'Diba dapat alam mo 'yon? Secretary ka diba, like hello?" Pilosopo niyang sagot sa akin na iwinagayway pa ang kaniyang kamay malapit sa aking mukha. "Ganiyan ba talaga kayong mga buntis, nagiging pilosopo?" I fired back at her. Mabilis naman niya akong nilapitan at halos mapasigaw pa ako nang bigla niya akong kurutin ng pinong-pino sa aking braso. "Tumahimik ka! Ayaw kong maging headline ng chismis bukas, please lang!" Naiiritang sabi niya sa akin. I just rolled my eyes at her. H
Last Updated: 2024-09-19
You may also like
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status