''SANA pala talaga bumili ka ng popcorn.''''Kaya nga po,'' ganting-bulong ni Amira sa sinabi ng abuwela. "Mukhang box-office ito."Parehong walang kurap na nakatingin ang dalawa sa pagkakatulos nina Jade at Miko nang magtagpo ang mga mata ng mga ito.''May 'spark' pa nga talaga sila. At tama ka. Parang gusto na nilang yakapin ang isa't isa.''Marahang tumango si Amira. ''Sino kaya sa kanilang dalawa ang gagawa ng unang hakbang para sa second chance?''''Mukhang wala kaya unahan na natin.''''Ho?''''Aray, aray!'' daing ulit ni Lola Tasing.Muli namang nataranta si Miko at saka lang din pumasok si Jade.''Doc, mamamatay na ba ako?''''Hindi pa po, Ma'am.''Isinantabi muna nito ang pagdaing saka ngumiti kay Jade. ''Puwede bang LOLA na lamang ang itawag mo sa akin? Parang pormal na pormal kasi ang MA'AM. Baka ma-trigger ang diabetes ko.''''Anong kinalaman ng diabetes mo roon?'' usisa ni Amira.''Wala po kayong diabetes,'' wika ni Jade. ''Lahat po ng resulta ng lab tests niyo ay normal.
GUSTO muna sanang lumabas ni Amira upang bumili ng inumin at popcorn. Para kasing masarap isabay ang mga iyon sa kuwento si Lola. Baka nga lang pagbalik niya ay magbago na naman ang isip nito."Paano ko ba sisimulan?""Noong una silang nagkita at nagkakilala," suhestiyon ni Amira."Masalimoot ang una nilang pagkikita.""Ho? Masalimoot agad? Wala munang kilig-factor?""Hindi lahat nang kuwento ay nagsisimula lagi sa kilig tulad nang mga napapanood sa mga teleserye at pelikula.""Bakit nga po ba naging masalimoot?""Nang gabing iyon ay naaksidente ang kuya mo dahil sa kakaiba niyang sakit.''''Ano po bang sakit niya?''''Nagkaroon siya ng selective amnesia.''''Amnesia? Nakakalimot siya?''''At nangyayari lang iyon tuwing umuulan.''''Lola, niloloko niyo po ba ako? Parang fantasy naman ang genre ng kuwento niyo!''''Hindi ba kapani-paniwala?''''Sinong maniniwala sa ganyan?''''Hindi rin kami naniwala noon, pero nangyari iyon sa kuya mo. Nasaksihan namin ang hirap na pinagdaanan niya da
"MAGPAHINGA na po muna kayo rito habang hinihintay natin ang resulta ng mga ginawang test.""Salamat po, doc."Ngumiti lang si Jade kay Amira bilang tugon. At matapos tingnan ang heart monitor, lumabas na rin ito."Lola, nakikilala mo po ba siya?"Malungkot na tumango si Lola Tasing. "Siya nga.""Ang alin?""Ang greatest love ng Kuya Miko mo.""Talaga po?"Tumango ulit si Lola Tasing. "Ano kaya ang naramdaman nila nang muli silang magkita pagkatapos nilang magkalayo sa loob ng mahabang panahon?""Malungkot ang mga mata nila, pero punong-puno pa rin ng pagmamahal."Tinangala nito ang apo na nakaupo sa gilid ng higaan. "Nakita mo 'yon?""Crystal and clear. At naramdaman ko ang kanilang pangungulila. Para ngang nang mga oras na iyon, gustong-gusto na nilang yakapin ang isa't isa.""Mukhang ikaw ang magmamana ng kakayahan ko sa matchmaking."Binalewala niya ang sinabi ng abuwela. She is more interested in hearing their story. "Bakit nga po ba sila naghiwalay?""Mahabang kuwento."Napasuly
"MAY sakit ka ba?""Wala po.""Wala rin akong sakit.""Alam ko po.""Pero bakit nandito tayo?"Hila-hila ni Amira sa kamay ang abuwela habang papasok sila sa ospital. "Dahil po nandito ang isa rin sa mamahalin mong apo.""Ang alam ko, nakalabas na noong isang araw pa sina Yeonna.""Opo.""Naka-duty ba rito ang Kuya Miko mo?""Hindi po. Pero iyon ang magiging misyon natin.""Bakit? Nagsara na ba ang clinic niya? Wala na ba siyang trabaho?""Lola, maayos na kami ni Hardhie kaya kailangan mo nang mag-ship sa ibang loveteam.""No, thanks. Puwede ko pang pagtiyagaan ang lolo mo.""Hindi po kayo ni Lolo!""Sino?"Hindi na nakasagot si Amira nang tumapat na sila sa information area. "Hi. Puwede po bang magtanong?""Ano 'yon?""Naka-duty ba ngayon si Dra. Jade Fortaleza?""Parating na 'yon. May appointment ba kayo sa kanya?""Magpapa-appointment pa lang.""Pumunta na lang kayo sa admission area.""Ah, okay. Salamat."Hindi binibitiwan ni Amira si Lola Tasing dahil baka tumanggi ito sa plano n
''SAAN ba tayo pupunta?''''Basta sumama lang po kayo.''''Kailangan ako ng lolo mo rito.''''Wala po siya ngayon sa bahay. Nasa sabungan.''''Ano?'' asik ni Lola Tasing. ''Kaya pala kanina ko pa siya hindi nakikita! Sinabihan ko siya na huwag aalis, ah?''''Lola, hayaan niyo na pong mag-enjoy si Lolo. Matanda na siya kaya kailangan din niya ng ibang mapaglilibangan.''''Bakit nagsasawa na ba siya sa akin?''''Malapit na kung araw-araw niyo siyang laging bubungangaan at pagbabawalan sa mga bagay na nakakapagpasaya sa kanya. Sige na po...'' Pinagbuksan niya ng pinto ng kotse si Lola Tasing, ''Pasok na po.''''Ayoko nga talagang umalis ng bahay ngayong araw. Gusto ko na muna na magpahinga.''''Sige na, Lola. Exciting ang gagawin natin.''''Teka. Hindi ka naman maghihiganti sa pagdala ko sa iyo sa sementeryo, 'di ba?''''Hindi ko po iyon gagawin sa inyo kahit ginawa niyo iyon kay SUV.''Puwersahan na niyang pinasakay sa kotse niya ang abuwela kahit panay reklamo nito.''Alam mo bang puri
NAKANGANGA ang lahat at hindi halos makapaniwala nang matapos ilahad ni Lola Tasing ang kasaysayan sa likod ng pangalan na SUV sa kasisilang lang na anak nina Khal at Yeonna."Lola, hindi tamang gantihan mo ang bata."Inirapan lang ni Lola Tasing si Khal. "Mas masama ang manlait ng isang bagay na mahalaga sa akin. Hindi ninyo alam ang mga pinagdaanan namin ng lolo niyo sa pagbili ng SUV na iyon. Dugo at pawis ang ipinuhunan namin doon!""Lola..." Ginagap ni Amira ang kamay ng nagtatampong abuwela, "Nagbibiro lang naman po kami. Gusto lang sana noming i-relax sa pagda-drive.""Hindi ako na-relax!""Hon," pagtawag ni Yeonna sa asawa. "Naisip ko na may benefits din naman sa anak natin ang pagkakaroon ng maikling pangalan lalo na kapag nag-aral na siya.""Tama," sang-ayon ni Hardhie. "At unique ang SUV.""And whoever love your son will be very proud of," singit ni Miko. "Sasabihin lang nilang 'May SUV ako!' Surely, no one will bully them."Nagkatawanan ang lahat. Dahan-dahan nang naglaho