DAY 1"100 days?"Tumango lang si Yeonna sa pag-uulit ni Aldrich sa kanyang sinabi. Binigyan siya ng oras ni Khal para kunin niya ang mga gamit sa locker."At magiging private bodyguard ka ng lalaking iyon?" paglilinaw naman ulit ni Isko."Huwag naman sanang 24 hours ang trabaho mo sa kanya," singit ni Dante. "Guwapo pa naman. Baka mahulog pa ang loob mo sa kanya."Mapaklang natawa si Yeonna. "No way. Hindi siya ang tipo kong lalaki. Kahit na yata sa panaginip, hinding-hindi ko siya papangarapin. Baka maging bangungot lang siya sa buhay ko.""Mas mataas pa sa kanya ang standard na hanap mo?" Napailing si Macoy. "Tsk! Kaya naman pala hanggang ngayon ay wala ka pang boyfriend. Medyo babaan mo naman ang mga qualification mo sa pagpili nang hindi ka maging old-maid. Mahirap at malungkot din ang mag-isa.""Huwag niyong ibahin ang usapan," saad ni Melan. "Bakit pumayag ka?""Kailangan kong maisalba ang career ko. Alam niyo kung gaano sa akin kahalaga ang promotion. Hindi puwedeng mauwi sa w
"HOW come it was delayed despite the preparation? Apat na buwan pa lang ay nakausap niyo na ang logistic, hindi ba? They should inform the company right away!"Palihim pa ring napasulyap si Yeonna sa rearview mirror sa kabila ng ilang ulit na pagsita sa kanya ng amo na nakaupo sa backseat. Nahahatak kasi ang atensiyon niya dahil mula sa pag-alis nila sa police station, wala na itong tigil sa pagsasalita habang nakikipag-usap sa cellphone. At twenty minutes na rin iyon."I don't care about their reason. You must find a way to have our shipment ready at the agreed time. Understood? You know how much I valued the client's feedback. And do your job well!"Pakiramdam ni Yeonna, tainga niya ang umiinit sa matagal na paggamit ng amo sa cellphone nito. At sumasabay pa rito ang init ng ulo nito na halata naman sa taas ng boses nito at hitsura ng mukha."Hello, Mr. Li? Of course. The pleasure is always mine..."Napakagat sa labi si Yeoona para pigilan ang nagbabantang tawa dahil sa biglang pagb
“KUYA.”Nilagpasan lang ni Khal ang nakangiting si Anthony na sumunod naman agad sa kanya kahit na halata ang pag-iwas niya rito."Ako nang magdadala niyan..."Mabilis na hinawi ni Khal ang kamay ng kapatid nang akto nitong kukunin ang bitbit niyang bag.“I told you not to come here,” iritang saad niya kay Anthony."I know. Pero bawal na ba kitang bisitahin?"Tinalikuran na ni Khal ang kapatid at tumungo na sa hilera ng mga elevator."Kuya, nami-miss lang kita.""Leave," madiin niyang utos.Sa halip na umalis ay agad na sumunod sa loob ng elevator si Anthony at mabilis na pinindot ang 'Close' button gayundin ang palapag na kanilang pupuntahan."Totoo ang sinabi ko, Kuya. I just want to see you.”"Kahit isang libong ulit mong sabihin iyan, hindi ako maniniwala.""Kapag ginawa ko bang isang milyon, maniniwala ka na?"Pinukol niya ng matalim na tingin ang namimilosopong kapatid."I'm just kidding. Masyado ka kasing seryoso.""Do you think I have time to joke around?""Oo nga pala. Ang mo
"PLEASE, clean up his mess before it spread out and ruined the company's image.""Okay. I will call Atty. Marben to settle the problem," pagbanggit ni Melandro sa isa pang abogado ng pamilya Dee.Napasandal sa kinauupuan si Khal saka nagpakawala ng malalim at mahabang buntong-hininga, “Tell me. Am I doing the right thing?”“Gusto mo bang marinig ang sarili kong opinyon?”“Please. Do me a favour.”“Sa simula pa lang ay hindi mo na dapat kinonsinte ang kasamaan ng kapatid mo. Habang tinutulungan mo siya ay lalo lang siyang nagkakaroon ng lakas ng loob na ipagpatuloy ang mga ginagawa niya dahil alam niyang nandiyan ka para ayusin ang bawat gusot na kanyang mga pinasok."Napahilot sa sintido si Khal at sandaling napapikit."Kung umaasa ka na magbabago siya, sana noon pa."Dumilat si Khal at tumingin sa kausap, “I was just protecting my company.”“Pero sa maling paraan.""I know. Pero iyon lang ang alam kong paraan. And the worst thing about this situation, sinusuportahan pa ni Daddy ang g
DAY 2MABIGAT ang pakiramdam ni Yeonna nang magising. Hindi tulad ng dati na may excitement sa bawat pagbangon niya.Since last night, inihanda na niya ang sarili para sa ikalawang araw na iyon. Pero hindi pala ganoon kadali.She can not undo what she has done. Nangyari na kasi ang nagawa niya na pagkakamali. She just needs to comply with the condition of his employer only to save her career.Pinilit ni Yeonna na bumangon. Nanatili muna siyang nakapikit para ikondisyon ang sarili bago marahang dumilat. Pero lalo lang bumigat ang pakiramdam niya nang makita niya ang nakasabit niyang uniporme. Si Yessa ang unang pumasok sa kanyang isip."Fine. Let's do it!" pampalakas niya ng loob.Niligpit muna niya ang higaan saka niya sinimulan ang preparasyon sa pagpasok sa trabaho. Yesterday, she counted it the first day. Kaya may ninety-nine na araw pa siyang natitira. She had to complete it no matter how difficult it was. Nang matapos si Yeonna na maligo, muli siyang napatingin sa kanyang unipor
BINIGYAN si Yeonna ng puwesto na nasa may tagiliran lamang ng working table ni Khal.Wala siyang ibang ginawa sa ikalawang araw niya kundi maupo, tumunganga at bumuntot sa amo. And thinking another 98 days with that kind of routine will be like a t○rture to her.Mas gusto niya ang aksiyon. When she's in the field, she is lively and excited. Lalo na tuwing may nahuhuli siyang kriminal."Let's go."Hindi pa umiinit sa upuan si Yeonna nang magyaya na naman si Khal na aalis na tila nagmamadali ulit tulad nang ilang ulit na nangyari kanina na animo'y pupunta sila lagi sa karera. Pero hindi iyon ang uri ng aksiyon na gusto niya. Paa niya lang ang napapagod. Kahit nga yata utak niya ay hindi nagana sa ganoong trabaho."Are you tired?"Napahinto sa paghakbang si Yeonna at napatingin kay Khal."I heard you sighed."Napatikhim si Yeonna. Napalakas pala ang pagbuntong-hininga niya."Want to cut our contract?""No, sir.""Pero mukhang pagod ka na?""Kayang-kaya ko pa, sir." Pinasigla niya ang tin
"MAS guwapo ka pala sa personal."Napatingin ang dalawa kay Yeonna nang lumikha ng ingay sa pagkakataon na iyon ang pagpipigil ng pagtawa. Totoo naman na guwapo si Khal. Pero masyado kasing 'cheesy' ang linyahan ng babae. Taliwas sa aura nito na sophisticated at halata namang edukada o galing sa elite clan. Hindi bagay rito ang maging 'pabebe'."Anyway, let's meet from time to time. Para naman makilala natin ang isa't isa.""There's no need for that. I think kilala na kita," wika ni Khal.Napangiti ito. At muling nagpapungay ng mga mata sa binata. "Talaga?""As I have known, kilala kang 'shopaholic' sa fashion world."Nabura ang ngiti sa labi ng babae. "That's not the right term. I just love to shop.""In any way, it's still called 'add!ction'. And I would be very straightforward. I hate women who love luxuries rather than working hard for the future.""Fine. I can work. But I can't force myself to stop shopping. It's my happiness.""You're not working?""Well, my parents do. At mayam
"WOMEN!"Napasulyap si Yeonna sa rearview mirror. Pinupunasan pa rin ni Khal ang nabasang damit nito habang nagngingitngit sa inis."Full of lies and pretentious!"Napailing na lang si Yeonna. Kalmado si Khal kaninang pag-alis ni Liz. Lumabas nga sila ng restaurant na nakataas ang noo nito at nakaliyad ang dibdib.Baka gusto lang nito na itago ang inabot na kahihiyan. Pero hindi naman kasi nito ipinagtanggol ang sarili laban sa maling akusasyon dito."Ganoon ba talaga kayong mga babae? Hindi lang naibigay ang gusto, magagalit na kayo? Magsisinungaling na? And even pretended like a victim?""Ako po ba ang kausap niyo, sir?""Bakit? Hindi ka ba babae?"Tumikhim siya, "Minsan lang.""What?""Walang nanliligaw sa akin kasi para raw akong lalaki kung umasta. Ah, may isa rin pala na nagtiyaga." Hindi na binanggit ni Yeonna ang pangalan ni Mark. "Madalas niya ring sabihin sa akin na 'no feminine' at all sa kabuuan ng aura ko. So, I might be a man by heart na nagkatawan lang bilang babae.""D
MULING napapikit si Yeonna nang sumalubong sa pagdilat niya ang nakakasilaw na liwanag."You're finally up."Idinilat niya ang isang mata. Nakita niya si Khal sa kanyang tabi na nakatagilid ng higa paharap sa kanya. "Hhmmm," maikli niyang tugon saka bumaling ng tingin sa direksiyon ng mga bintana. Nakahawi na roon ang mga kurtina kaya pumapasok na ang sikat ng araw sa loob. "Ano na bang oras?""Oras na para bumawi ka."Sinulyapan muna ni Yeonna ang alarm clock sa ibabaw ng bedside table. Alas onse na. Saka niya ibinalik ang tingin sa asawa nang inis itong bumangon."Clearly, wala ka na namang maalala."Napasapo siya sa ulo. Ramdam niya ang pananakit niyon. "Anong nangyari? May ginawa ba ko?""Pinaghintay mo lang naman ako.""Pinaghintay? Bakit? Saan?"Itinuro nito ang kama, "Right here.""At nasaan ako?""Right there..."Sinundan naman ng tingin ni Yeonna ang pagturo ni Khal sa direksiyon ng banyo. "Anong ginagawa ko roon?""What do you think?""Uhm, naligo? Alam mong matagal akong ma
DALAWANG beses nang nagpalit ng ice sa bucket si Khal. Pinatay at sinindihan niya na rin ng ilang ulit ang mga scented candles. Inayos ang mga ikinalat niyang petals ng mga red roses sa sahit at kama. Naiinip na siya. Nawawala na ang init ng kanyang katawan na nasasabik na para sa haplos at dantay ng asawa.Muling napasulyap si Khal sa direksiyon ng pinto ng banyo. At saka siya tumingin sa alarm clock na nakapatong sa ibabaw ng bedside table. Halos kalahating oras na sa loob si Yeonna. Naririnig naman niya ang lagaslas ng tubig sa dutsa."Women!" wika niya nang naiiling.Alam ni Khal na matagal mag-ayos ng sarili si Yeonna lalo na kapag mayroon silang mahalagang lakad. Ganoon din naman si Amira. Madalas iyong ipaalala sa kanya ng dalawa sa tuwing bagot na bagot na siya sa paghihintay."Haist! What took her so long?" Tumayo siya at saka maingat niyang idinikit ang tainga sa nakasarang pinto. Pinakinggan niya ang komosyon sa loob. "Sweetie?"Walang tugon na narinig si Khal maliban lang
"MY Prince!""Jeez!" Maagap na nahawakan at nasalo ni Khal ang paika-ikang asawa na muntik nang mawalan ng balanse. "Alam na alam mo ang bahay ko kahit lasing ka."Yumakap si Yeonna kay Khal. "Of course. My heart says that my prince is just right here." Nakangiti itong tumingala. "Honey, did I keep you waiting? But, don't worry, sweetie. I'll compensate it with a kiss..."Iniharang niya ang palad sa tumulis na labi ng asawa. "Hindi kita hinintay.""Haist! You're hurting my feelings. Sa susunod, magsinungaling ka naman. Alam mo ba na habang nasa taxi ako, iniisip ko na ang senaryong ito?""About what?"Namilipit ito sa kilig. "About our intimate kiss.""I'm not in the mood to kiss someone or anyone tonight.""Don't lie. For sure, nagpapakipot ka lang."Muli niyang iniharang ang palad sa harap ng tumulis na naman na bibig ng asawa. "I don't lie.""Hindi nga?"Nakita ni Khal na napaisip si Yeonna sa kanyang sinabi. Marahil ay sumagi rito ang ginawa nilang pagpapanggap para sa isang peken
"DOON tayo!""Bakit lalayo ka pa?""Mas magandang sumayaw kapag malapit sa stage!"Pasigaw ang pag-uusap nina Amira at Hardhie dahil sa halo-halong ingay sa palagid."You know I hate this thing!""You will surely love it kapag nasanay ka na!""Ayokong sanayin ang sarili ko! This is a waste of fortune!""I have a lot of fortune!""Wala kang trabaho! Palamunin ka lang!""Kuya Khal won't let me starve!"Sumasayaw na si Amira habang hindi na namamalayan ni Hardhie na sinasabayan na nito ng indak ang mabilis na tempo ng musika."This is great, right?""No!" tugon ni Hardhie sa naging tanong ni Amira. "I hate dancing!""Pero magaling kang gumiling!" wika niya nang natatawa habang pinagmamasdan ang kasayaw na nakataas pa sa ere ang mga braso at umiindayog ang balakang. "Let's paint the town red!"Hindi na namalayan ng dalawa ang oras. Ilang beses nang nagpalit ng tugtog ang DJ. Pabalik-balik lang sa dance floor ang mga naroon. At lahat ay nag-e-enjoy."Hey, Amira!"Napahinto sa pagsasayaw an
"HI, beautiful."Itinaas ni Yeonna ang isang kamay. At agad namang nakita roon ng lalaki na lumapit sa may pinagpuwestuhan nila ang kumikinang na singsing sa kanyang daliri."Oh, sorry.""Ako!" Itinaas din ni Hardhie ang kamay nito, "I'm not yet taken.""You are," kontra ni Amira. "At mukha ba siyang pumapatol sa kapwa niya lalaki?""Pumapatol ka ba sa mapera at masipag na bakla na kaya kang buhayin kahit na hindi ka magtrabaho?""Umalis ka na nga!" asik ni Amira sa lalaki na napangiti sa sinabi ni Hardhie."Bakit mo siya pinapaalis?" Humatak ito ng isang bakanteng upuan. "Huwag mo siyang pansinin. Halika ka, maupo ka sa tabi ko at pag-usapan natin ang future natin.""This jerk!" inis na bulalas ni Amira.Umalis na lang ang lalaki."Haist!" sambit ni Hardhie. "Puwede ba? Huwag ka ngang handlang sa love story ko!""Ako ang love story mo.""Jeez!""Mukhang normal na kayong dalawa," singit ni Yeonna."Normal ako," wika ni Hardhie. "I don't know about her." Itinuro nito si Amira. "Mukha n
"OUCH!""Haist!" Sandaling itinigil ni Yeonna ang paggagamot kay Amira. "Masakit ba?"Tumango ito."Masakit pala. Kaya huwag mo nang uulitin ang ginawa mo."Napayuko ng ulo si Amira habang itinuloy naman ni Yeonna ang paglalagay niya ng ointment sa bago nitong mga sugat mula sa batong-panghilod."Bago ka magmahal ng iba, unahin mong mahalin ang sarili. Para kung sakali mang saktan ka o iiwan ng taong minahal mo, mayroon pa ring bahagi sa puso mo ang tutulong sa 'yo na muling makabangon at magmahal ulit.""Mahal mo ba si Kuya Khal?"Napaangat si Yeonna ng mukha. "Huh?""Alam ko na nagpanggap lang kayo noong una.""Mahal ko siya.""Kailan mo iyon naramdaman?"Napangiti si Yeonna. "Uhmm, I think on our first kiss. Hindi na siya noon nawala sa puso ko kahit ilang beses itanggi ng isip ko na imposibleng mahalin ko ang tulad niyang arogante at saksakan ng hambog.""Did you give it all?""Huh? Ang alin?""Your heart and love."Muli itong napangiti. Amira is reminding her tungkol sa naging pa
"WE'LL see you tomorrow."Tumango lang sina Yeonna at Khal bilang tugon sa sinabi ni Chief Bragaise bago ito nagpaalam. Nauna na rito si Atty. Llorin."Mum, really pave my way.""Ganoon naman talaga ang mga ina. Well, siguro hindi lahat ng nanay. Pero marami akong kilala na gagawin talaga ang lahat para sa kabutihan at kaligayahan ng mga anak nila." Humarap siya kay Khal. "Kaya huwag kang masyadong ma-guilty kung anumang klase ng buhay ang naranasan niya rito."Nakangiti nitong ginagap ang kamay ng asawa at masuyo iyong pinisil. "Ano kaya ang gagawin ko kung wala ka?""For sure, maglalasing ka."Natawa ito. "Kilalang-kilala mo na ako.""Kahit hindi ko natapos ang 100-days contract ko, marami na rin akong alam tungkol sa 'yo. Wala ka nang maitatago sa akin."Muling natawa si Khal nang suyurin ng tingin ni Yeonna ang katawan nito. "Are you seducing me right now?""No," sabay papungay niya ng mga mata na may kasama pang pagkagat sa labi. Napatili si Yeonna nang buhatin siya ni Khal. "Hey
HINDI na ipinasok ni Khal ang kotse sa loob ng bakuran. Itinapat lang niya iyon sa nakabukas nang gate. Katabi niya si Yeonna habang nakatulog sa backseat ang kapatid na marahil ay inantok dahil sa matagal nitong pag-iyak.Sandali munang hinayaan ng dalawa na mamagitan sa kanila ang katahimikan."This is the result we really wanted, right?" ani Yeonna nang marinig ang malalim na pagbuntong-hininga ni Khal."Yes. But it's still hard to sink in. Parang panaginip lang.""Gusto mo bang maging panaginip lang ang nalaman natin ngayon?"Umiling si Khal."Nahihirapan ka lamang tanggapin ang totoo dahil nagkaroon ka rin naman ng masasayang alaala kasama ng nakilala mong ama.""No. I was thinking about mum. She's the one who suffered the most. Her marriage with him is a living hell for her."Inabot nito ang kamay ng asawa at saka iyon pinisil. "For sure, pinunan mo naman ang lungkot at pagdurusa niya. Mahal na mahal ka ng mama mo. Hindi ko man siya nakilala, pero nakita ko sa loob ng condo mo a
PINAGPAPAWISAN ang mga kamay ni Yeonna kahit malamig ang atmospera. Inabot naman iyon ni Khal at masuyong pinisil."Everything will be fine."Napabuntong-hininga siya."Humuhugot ako sa iyo ng tapang, so keep valiant katulad nang nakilala kong P02 Yeonna Agravante.""I'm sorry. Hindi ko talaga maiwasang hindi isipin.""What's bothering you?"Sandali muna niyang tinitigan ang asawa. "Paano kung ama mo talaga siya?""Then, we can't do anything about it. Hindi natin iyon mababago.""Kakalabanin mo pa rin ba siya despite your blood relationship with him?""Dapat noon ko pa nga iyon ginawa. I'm a coward before, but having you at my side gives me the courage to fight." Pinisil ulit ni Khal ang kamay na hawak-hawak nito. "I have two women who's precious to me than him. Mas mahalaga kayo sa akin ni Amira. And I'll do everything to protect you. So, don't worry."Natuon ang tingin nila sa pagpasok ng doktor."Sorry, I'm late. May pasyente kasi sa E.R. na kailangan kong unahin."Nasa loob na sil