LUMIKHA ng ingay sa loob ng operating room ang scalpel na nabitiwan ni Jade nang iabot iyon sa kanya. Isang nurse na nakaantabay lang sa likuran ang mabilis na nagdala ng sterilize solution at inilubog doon ang nalaglag na surgical instrument."Doc, okay ka lang ba?" puna ng assistant.Natauhan si Jade sa biglang pagkawala ng isip sa trabaho. May naramdaman kasi siyang pagbundol ng kaba sa dibdib. "Y-yes. Sorry. Let's proceed."Ipinagpatuloy ng grupo ang pag-oopera sa nakahimlay na pasyente sa operating table. Binura muna ng dalaga ang mga sumisingit na alalahanin. Makalipas ang halos dalawang oras ay matagumpay rin silang natapos.“Good job, everyone!”“Isang buhay na naman ang nailigtas mo, doc.”“I’m not taking the credit alone. We are team here.”"Salamat, doc."Ibinilin na lang ni Jade ang huling proseso ng surgery sa assistant at lumabas na ng operatingroom. Agad na sumalubong sa kanya ang mga umiiyak na pamilya ng pasyente."Doc! Kumusta ang anak ko?""Lumalaban po siya. Kaya h
HINDI maiwasan ni Miko ang maya't mayang pagngiti sa tuwing napapasulyap siya sa cartoon plaster na itinapal sa kanyang sugat ng nakatabing babae kanina sa bench.Maganda at maaliwalas lang ang panahon kaya siguro para siyang nakalutang sa alapaap. Gumaan ang bigat na nararamdaman niya dibdib.“This is great,” usal niya na tiningala pa ang maulap na kalangitan.The weather forecast says that the rainy season is not yet over. Pero kahit na bumuhos pa ng malakas na ulan o tumirik ang araw, nothing can stop him. Gagawin niya ang lahat para maalala ang taong espesyal sa kanyang buhay.“I’ll come and find you. Pangako ko iyan.”Natuon uli ang mga mata ni Miko sa nakadikit na plaster sa braso. Pinasadahan niya iyon ng daliri. The warmth of it reminds him again of her. Pinagala niya ang tingin. Nararamdaman niya sa paligid ang pamilyar na presensiya. Para bang naroon si Jade at lihim na nakamasid sa kanya.If he can only remember her face, it won't be hard for him to recognize her. But if sh
BUMABA na ng sasakyan si Jade matapos siyang makahanap ng pagpaparadahan niyon. Maaga pa kaya maluwang pa ang parking area.Sandali muna siyang huminto at pinagala niya ang tingin. Maaliwalas ang paligid. At hindi pa rin matao kaya hindi pa gaanong maingay. Mayamaya lang ay marami na ang mga bata, teenagers, at couples doon. Pero hindi siya pumunta sa lugar na iyon para mamasyal o mag-relax. She missed the place, so as the person whom she shared memories in there.Napabuntong-hininga si Jade habang naglalakad at pinapagala ang tingin sa loob ng public park.Umuulan ng gabing iyon nang matagpuan niya roon si Miko na hindi sumipot sa kanilang usapan. Manonood dapat sila ng concert. He was lost, alone and in pain of the past.Nalaman niya nang araw na iyon ang sakit na dinaranas nito. At nangako siyang handa niyang gawin ang lahat para matulungan ito.Hindi ang pagiging doktor niya ang nagpagaling kay Miko. It was their love. Kaya kahit masakit at mahirap ang maghintay, magtitiis siya a
PINALIPAS muna ni Miko ang ilang minuto bago niya muling iniangat ang landline ng studio niya at inulit ang pag-dial.Pero ganoon pa rin ang resulta, nakapatay ang cellphone ni Yolly na hindi naman nito ginagawa. Kung lowbatt ito, naghahanap lagi ito ng paraan na makapag-charge. Dahil may mahahalaga itong tawag mula sa trabaho nito.Hindi na niya inabutan sa studio ang dating nobya. At ipinagpapasalamat naman niya iyon. May gusto nga lang siyang itanong dito."Haist! Nasaan ba siya?"Naisipan ni Miko na tawagan ang sariling numero dahil wala sa pinaglalagyan ang kanyang nasira na cellphone. Alam niya kung saan niya iyon iniwan.Napakunot ang noo ng binata dahil sa pagtataka nang biglang tumunog ang kabilang linya.At napalingon siya nang maulinigan ang pamilyar na ringtone. Kasunod niyon ang pagbukas ng pinto.Biglang itinulos si Yolly sa bungad nang madatnan si Miko na hawak-hawak ang landline. Huli na para maitago nito ang cellphone na patuloy nanag-iingay sa loob ng bag nito."May
"DOC, may bisita po kayo sa loob."Napatingin si Jade sa direksiyon ng opisina niya na nagpakunot sa kanya ng noo dahil sa halos pabulong na pagkakasabi ng nurse sa kanya. "Sino raw?""Dati niyo pong pasyente, pero wala naman siyang appointment schedule ngayong araw. Gusto kang makausap. Nangugulit kaya pinapasok na namin.""Sige. Salamat."Sandali muna siyang nakipagtitigan sa seradura ng pinto bago iyon pinihit. Napatingin sa kanya ang bisitang naghihintay sa harap ng kanyang office table."What brings you here?""Iba yata ang lamig ng boses mo ngayon, doc."Dumiretso si Jade sa upuan. "Normal lang 'yon sa ganitong nakakapagod na propesyon, Miss Santuario.""Pumunta ako rito para muling magpasalamat sa mga advice na ibinigay mo sa akin. Lahat ng mga sinabi mo, sinunod ko. I have no regrets. Mayroon kasi iyong naidulot na magandang resulta.""Good to hear that. And good for you.""Miko and I are planning to get married."Napakuyom ng kamao si Jade na hindi naman nakalagpas sa paningi
GUMAMIT na nang puwersa si Miko nang hindi niya mahanap ang susi ng kanyang sariling kuwarto. Wala ring ibang tao sa bahay para sana mapagtanungan niya niyon.Para bang lahat ay umiiwas sa kanya. Napansin na nga niya iyon kanina sa matanda nilang katulong."Arghh!" daing ni Miko sa unang pagbangga ng tagiliran niya sa nakasarang pinto.Pero hindi siya sumuko. He has to open it at all costs.Makailang ulit niyang ginawa iyon bago tuluyang nabuksan ang pinto. Napatakip siya sa ilong nang sumalubong sa kanya ang malakas na amoy. Pero agad naman niyang natukoy ang pinanggalingan niyon.Humakbang siya papasok ng kuwarto at kunot-noong nilapitan ang isa sa bagong pintura na dingding na bagamat tuyo na ay aninag pa rin doon ang ilalim.Marahil hindi dalubhasa ang naglagay ng pintura o puwede rin na taglay niya ang mga mata ng pintor na kayang alamin lahat nang may kinalaman sa mga kulay at pagpipinta.Bahagya siyang umatras para mas malinaw na matitigan ang humatak ng kanyang pansin. Pinaiku