WALA pa ring kibo at hindi man lamang natinag sa pagkakasalampak sa sahig si Yeonna nang humupa ang tensiyon sa pagitan nila ni Khal.Halos kalahating oras na ang lumipas. Kaya ramdam na niya ang pangangalay ng katawan mula sa posisyon. At gusto sana niyang maghilamos o magmumog man lang, pero nag-aalangan siya dahil sa presensiya ng binata."Ano bang plano niya?" bulong ni Yeonna sa sarili nang masulyapan na naman ang amo na nakatutok lang sa hawak nito na cellphone. "Wala ba siyang pakiramdam?"Mabilis siyang umiwas ng tingin nang madako sa kanya ang mga mata ni Khal na may kasama na namang pagbabanta nang itaas nito ang kamay na nasaktan niya kanina nang pilipitin iyon matapos siyang magising na katabi ito."Mahina lang naman ang ginawa ko," pabulong uling depensa ni Yeonna sa sarili. "Haist! Anak-mayaman kasi kaya parang posporo ang mga buto.""May sinasabi ka ba?" asik ni Khal. "Bakit hindi mo lakasan nang marinig ko?"Umiling si Yeonna habang mahigpit pa ring nahahawakan ang nak
MULING sumilip si Yeonna sa peephole ng main door. Halos kalahating oras na ring nakaalis sina Magenta at Khal. Pero naniguro muna siya dahil nakasalalay sa paglabas niya ang kanyang baril at tsapa.May nakikita siyang ilang staff at ibang tao na marahil ay hotel guests. But she's a little hesitant to walk out from the door. Baka may reporter na nagbabantay pa sa paligid."Bakit ba kasi hindi niya pa ako isinama? Haist!"Nagpalakad-lakad muna si Yeonna sa loob ng silid habang nag-iisip. Nakaalis na si Khal. Ito lang naman ang tiyak na inaabangan ng mga reporter. At nakita niya kanina na naglagay ng pantakip sa ulo si Magenta. Marahil ay na-divert na nito ang atensiyon ng mga naghihintay sa labas."Bahala na."Sumilip uli muna si Yeonna sa peephole. Klarado ang paligid. Wala siyang nakikita o naririnig na komosyon sa labas."Magandang senyales na ligtas na akong makakalabas. Okay. Go for it!"Nagpakawala muna siya ng malalim at mahabang buntong-hininga matapos palakasin ang loob saka
DAY 5NAGISING sa pagkakahimbing si Yeonna nang marinig ang tunog ng cellphone na pikit-mata niyang kinapa sa ibabaw ng bedside table. Pero sa halip na sagutin, inilagay niya iyon sa loob ng drawer na pinatungan pa niya ng mga gamit na naroon at saka marahas na isinara."Istorbo!"Tumalikod siya ng higa, inilalim ang sarili sa kumot at bumaluktot habang mahigpit na niyakap ang katabing unan. Itutuloy niya ang naudlot na panaginip. Maganda iyon dahil natagpuan na niya roon ang 'man of her dream'."Haist!"Inis na nagpapadyak si Yeonna nang hindi tumitigil sa pag-ring ang kanyang cellphone na nanunuot ang tunog mula sa pinagtaguan dito."Sino ba ang walang-pusong istorbo na ito? Gusto ko pang matulog!"Kung kanina ay nag-uulap ang kanyang mga mata dahil sa antok, ngayon may kasama iyong kidlat nang idilat niya na nagbabadya ng masamang panahon. Sisiguraduhin niyang pauulanan niya ng masamang salita ang taong umabala sa kanyang pamamahinga at pagpapantasya."Sino ka ba?" singhal ni Yeonn
DAY 6NAPASULYAP si Yeonna sa rearview mirror matapos maiparada ang kotse sa driveway ng bahay ni Khal nang lumipas na ang ilang saglit na nanatili pa rin ang amo sa loob.Nagtagpo ang mga mata nila. Saka lang niya naunawaan ang ibig ipahiwatig ng tingin nito. Mag-iisang linggo na rin siya, pero hindi pa siya sanay na kailangan na pagbubuksan niya ito ng pinto.He's a lazy man who knows nothing but to bully her and adds salt to her everyday torture of being with him."Papasok ka ba bukas?"That was the mark of her one week suffering. Gusto niyang magpahinga, pero gusto rin niya na madaliin na ang kabuuan ng kanyang kontrata. "Yes, sir.""Good. Pick me up at seven.""Gabi?"Napatigil sa paghakbang si Khal at saka lumingon. "You know how much I valued time, right? Ano pang mga magagawa ko sa gabi?""Umaga?""Seven at sharp."Napakuyom ng kamao si Yeonna. Gusto na niya iyong paliparin sa mukha ng amo na wala yata siyang balak na bigyan man lamang nang mas mahaba-habang oras na makatulog
DAY 7MAAGA siyang gumising. Kumain na rin siya para kung sakaling gutumin uli siya ng walang puso niyang amo ay kargado ng lakas at enerhiya ang kanyang tiyan.Matapos maligo, sinumulan na niyang mag-ayos ng sarili. She bought the red cocktail dress paired with black stiletto heels. Pinaresan din lang niya iyon ng kuwintas at hikaw.She's not into fashion, but she knew how to use her beauty to capture everyone's eyes. That cold-hearted CEO will surely be one of those people. "Teka." Napatigil siya sa paglalagay ng makeup nang may maisip. "Ano ba ang klase ng party ang pupuntahan niya at napakaaga naman?"Napasulyap si Yeonna sa nakasabit na relo sa dingding. 5:30 pa lang. Seven at sharp ang sinabing oras ni Khal."Baka kasalan. At baka malayo ang venue kaya kailangan naming agahan. Tama."Itinuloy na ni Yeonna ang paglalagay ng makeup. Pero muli siyang napatigil nang tumunog ang kanyang cellphone. Isang mensahe ang nakita niya sa screen. At mula iyon kay Khal."Gosh! This jerk!"Ila
DAY 8“KUMUSTA naman ang unang linggo mo?”Sinulyapan ni Yeonna ang nagtanong na si Macoy. "Hindi ba obvious?""Pagpasok mo pa nga lang dito, kita na naming parang pasan mo ang mundo."Tumango ang lahat bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Macoy."Bakit nga ba para kang pinagbagsakan ng langit at lupa?" usisa ni Aldrich.Sinaid naman muna ni Yeonna ang laman na alak ng baso at saka iyon pabagsak na ibinaba. "Dahil malas ako."Kahapon pa niya tinatawagan ang mga kaibigan para samahan siyang uminom. Pero abala ang mga ito. At ngayon lang sila nagkaroon ng oras na magkita-kita.Natapos kanina ang ikawalong araw sa hambog at arogante niya na amo. And being with them will lighten the burden from stress and overworked. Mailalabas niya sa mga ito ang inis at galit niya kay Khal.Nakagawian na rin naman nila noon pa ang gumimik, kumain o mag-inuman sa mga pagkakataong sabay-sabay sila ng araw ng day-off sa trabaho.Kahit madalas siyang maging sentro ng usapan sa presinto nila dahil puro lalaki an
“MISS Officer? Ikaw ba ‘yan?”Naiiling na inalalayan ni Yeonna si Amira na hindi na halos makatayo. “Lasing ka na naman.”“Gosh! Huwag mo ngang agawan ng linya ang kuya ko!”Kinuha niya ang isang braso ng dalaga at isinampay iyon sa kanyang balikat upang mabalanse ang kanilang magkaabay na paglalakad."Miss Officer..."Iniiwas niya ang mukha sa paghaplos sa kanya ni Amira na namumungay rin ang mga mata dahil sa kalasingan."I feel like you and Kuya are meant to be," sabay hagikhik nito. "But can you tame a tiger? It will be hard." Tumango-tango ito. "Hayaan mo. Tutulungan kita. Paaamuin natin ang tigre na 'yon. At baka puwede na niya akong tanggapin bilang kapatid kapag napaamo na natin siya. What do you think, Miss Officer? Isn't it a good idea?"Binalewala ni Yeonna ang pagtatanong ni Amira. “Nasaan ang sasakyan mo? Ihatid na kita. At saka wala ka bang kasama na bodyguard?”Natawa ito. “I’m just a nobody, so why would I need them?”“Kapatid ka pa rin ng isang kilala at mayamang tao.
MULING napasulyap si Yeonna sa relo. Halos kalahating oras na ang lumipas na nagpaikot-ikot lang siya sa pagda-drive. Nakatulog na kasi si Amira nang hindi pa ibinibigay sa kanya ang address nito.Ilang beses niyang naisip na tawagan si Khal. Pero inabandona niya sa huli ang ideya na iyon. Her pride is higher than the diesel's price.Nang makaramdam na ng pananakit ng katawan si Yeonna ay itinigil muna niya ang sasakyan at ipinahinga ang likod sa kinauupuan. Pero kasabay naman niyon ang paggising ni Amira."Miss Officer." Ngumiti ito, "Bakit nandito ka pa rin?""Ano sa tingin mo?""Hhhmm..." Napaisip si Amira, "Dahil takot kang may mangyari sa aking masama?""Ibigay mo sa akin ang address mo nang maihatid na kita. Kailangan ko na rin na magpahinga.”"Address ko? Bakit naman hindi mo agad hiningi? Sana kanina pa tayo parehong nakauwi."Napatirik ng mga mata si Yeonna habang itinipa ni Amira sa GPS ng sasakyan ang address ng tinitirahan nito.“Magkasama lang kami ni Kuya Khal sa iisang
"WE are one step ahead to our enemies..."Nagkasulyapan sina Khal at Yeonna na nasa backseat habang nakaupo naman sa front seat si Chief Bragaise. Kasama nito ang isa sa mga pinagkakatiwalaan na tauhan na nagmamaneho ng kotse na sinasakyan nila."I just hope that it won't alarm them.""Unless there's a mole," kumento ni Khal."Mapagkakatiwalaan ang mga tauhan ni Chief," wika ni Yeonna nang sulyapan ng asawa ang driver. "Isa na roon si Bart.""Maaasahan niyo ako."Tinanguan ni Khal ang driver nang magtama ang mata nila sa rearview mirror. "No offence. Sa dami ng mga taong nagtraydor sa akin, mahirap na para sa akin ang magtiwala.""We understand." Ginagap ni Yeonna ang isang kamay ng asawa at marahan iyon na pinisil. "But I can tell you na puwede kang magtiwala sa amin.""Of course, I trust you."Ngumiti si Yeonna. "And I trust them," tukoy niya kina Chief Bragaise at Bart.Tumango-tango lang si Khal."Malapit na tayo," anunsiyo ni Chief Bragaise nang matanaw ang isa sa pinakamataas na
MULING napapikit si Yeonna nang sumalubong sa pagdilat niya ang nakakasilaw na liwanag."You're finally up."Idinilat niya ang isang mata. Nakita niya si Khal sa kanyang tabi na nakatagilid ng higa paharap sa kanya. "Hhmmm," maikli niyang tugon saka bumaling ng tingin sa direksiyon ng mga bintana. Nakahawi na roon ang mga kurtina kaya pumapasok na ang sikat ng araw sa loob. "Ano na bang oras?""Oras na para bumawi ka."Sinulyapan muna ni Yeonna ang alarm clock sa ibabaw ng bedside table. Alas onse na. Saka niya ibinalik ang tingin sa asawa nang inis itong bumangon."Clearly, wala ka na namang maalala."Napasapo siya sa ulo. Ramdam niya ang pananakit niyon. "Anong nangyari? May ginawa ba ko?""Pinaghintay mo lang naman ako.""Pinaghintay? Bakit? Saan?"Itinuro nito ang kama, "Right here.""At nasaan ako?""Right there..."Sinundan naman ng tingin ni Yeonna ang pagturo ni Khal sa direksiyon ng banyo. "Anong ginagawa ko roon?""What do you think?""Uhm, naligo? Alam mong matagal akong ma
DALAWANG beses nang nagpalit ng ice sa bucket si Khal. Pinatay at sinindihan niya na rin ng ilang ulit ang mga scented candles. Inayos ang mga ikinalat niyang petals ng mga red roses sa sahit at kama. Naiinip na siya. Nawawala na ang init ng kanyang katawan na nasasabik na para sa haplos at dantay ng asawa.Muling napasulyap si Khal sa direksiyon ng pinto ng banyo. At saka siya tumingin sa alarm clock na nakapatong sa ibabaw ng bedside table. Halos kalahating oras na sa loob si Yeonna. Naririnig naman niya ang lagaslas ng tubig sa dutsa."Women!" wika niya nang naiiling.Alam ni Khal na matagal mag-ayos ng sarili si Yeonna lalo na kapag mayroon silang mahalagang lakad. Ganoon din naman si Amira. Madalas iyong ipaalala sa kanya ng dalawa sa tuwing bagot na bagot na siya sa paghihintay."Haist! What took her so long?" Tumayo siya at saka maingat niyang idinikit ang tainga sa nakasarang pinto. Pinakinggan niya ang komosyon sa loob. "Sweetie?"Walang tugon na narinig si Khal maliban lang
"MY Prince!""Jeez!" Maagap na nahawakan at nasalo ni Khal ang paika-ikang asawa na muntik nang mawalan ng balanse. "Alam na alam mo ang bahay ko kahit lasing ka."Yumakap si Yeonna kay Khal. "Of course. My heart says that my prince is just right here." Nakangiti itong tumingala. "Honey, did I keep you waiting? But, don't worry, sweetie. I'll compensate it with a kiss..."Iniharang niya ang palad sa tumulis na labi ng asawa. "Hindi kita hinintay.""Haist! You're hurting my feelings. Sa susunod, magsinungaling ka naman. Alam mo ba na habang nasa taxi ako, iniisip ko na ang senaryong ito?""About what?"Namilipit ito sa kilig. "About our intimate kiss.""I'm not in the mood to kiss someone or anyone tonight.""Don't lie. For sure, nagpapakipot ka lang."Muli niyang iniharang ang palad sa harap ng tumulis na naman na bibig ng asawa. "I don't lie.""Hindi nga?"Nakita ni Khal na napaisip si Yeonna sa kanyang sinabi. Marahil ay sumagi rito ang ginawa nilang pagpapanggap para sa isang peken
"DOON tayo!""Bakit lalayo ka pa?""Mas magandang sumayaw kapag malapit sa stage!"Pasigaw ang pag-uusap nina Amira at Hardhie dahil sa halo-halong ingay sa palagid."You know I hate this thing!""You will surely love it kapag nasanay ka na!""Ayokong sanayin ang sarili ko! This is a waste of fortune!""I have a lot of fortune!""Wala kang trabaho! Palamunin ka lang!""Kuya Khal won't let me starve!"Sumasayaw na si Amira habang hindi na namamalayan ni Hardhie na sinasabayan na nito ng indak ang mabilis na tempo ng musika."This is great, right?""No!" tugon ni Hardhie sa naging tanong ni Amira. "I hate dancing!""Pero magaling kang gumiling!" wika niya nang natatawa habang pinagmamasdan ang kasayaw na nakataas pa sa ere ang mga braso at umiindayog ang balakang. "Let's paint the town red!"Hindi na namalayan ng dalawa ang oras. Ilang beses nang nagpalit ng tugtog ang DJ. Pabalik-balik lang sa dance floor ang mga naroon. At lahat ay nag-e-enjoy."Hey, Amira!"Napahinto sa pagsasayaw an
"HI, beautiful."Itinaas ni Yeonna ang isang kamay. At agad namang nakita roon ng lalaki na lumapit sa may pinagpuwestuhan nila ang kumikinang na singsing sa kanyang daliri."Oh, sorry.""Ako!" Itinaas din ni Hardhie ang kamay nito, "I'm not yet taken.""You are," kontra ni Amira. "At mukha ba siyang pumapatol sa kapwa niya lalaki?""Pumapatol ka ba sa mapera at masipag na bakla na kaya kang buhayin kahit na hindi ka magtrabaho?""Umalis ka na nga!" asik ni Amira sa lalaki na napangiti sa sinabi ni Hardhie."Bakit mo siya pinapaalis?" Humatak ito ng isang bakanteng upuan. "Huwag mo siyang pansinin. Halika ka, maupo ka sa tabi ko at pag-usapan natin ang future natin.""This jerk!" inis na bulalas ni Amira.Umalis na lang ang lalaki."Haist!" sambit ni Hardhie. "Puwede ba? Huwag ka ngang handlang sa love story ko!""Ako ang love story mo.""Jeez!""Mukhang normal na kayong dalawa," singit ni Yeonna."Normal ako," wika ni Hardhie. "I don't know about her." Itinuro nito si Amira. "Mukha n
"OUCH!""Haist!" Sandaling itinigil ni Yeonna ang paggagamot kay Amira. "Masakit ba?"Tumango ito."Masakit pala. Kaya huwag mo nang uulitin ang ginawa mo."Napayuko ng ulo si Amira habang itinuloy naman ni Yeonna ang paglalagay niya ng ointment sa bago nitong mga sugat mula sa batong-panghilod."Bago ka magmahal ng iba, unahin mong mahalin ang sarili. Para kung sakali mang saktan ka o iiwan ng taong minahal mo, mayroon pa ring bahagi sa puso mo ang tutulong sa 'yo na muling makabangon at magmahal ulit.""Mahal mo ba si Kuya Khal?"Napaangat si Yeonna ng mukha. "Huh?""Alam ko na nagpanggap lang kayo noong una.""Mahal ko siya.""Kailan mo iyon naramdaman?"Napangiti si Yeonna. "Uhmm, I think on our first kiss. Hindi na siya noon nawala sa puso ko kahit ilang beses itanggi ng isip ko na imposibleng mahalin ko ang tulad niyang arogante at saksakan ng hambog.""Did you give it all?""Huh? Ang alin?""Your heart and love."Muli itong napangiti. Amira is reminding her tungkol sa naging pa
"WE'LL see you tomorrow."Tumango lang sina Yeonna at Khal bilang tugon sa sinabi ni Chief Bragaise bago ito nagpaalam. Nauna na rito si Atty. Llorin."Mum, really pave my way.""Ganoon naman talaga ang mga ina. Well, siguro hindi lahat ng nanay. Pero marami akong kilala na gagawin talaga ang lahat para sa kabutihan at kaligayahan ng mga anak nila." Humarap siya kay Khal. "Kaya huwag kang masyadong ma-guilty kung anumang klase ng buhay ang naranasan niya rito."Nakangiti nitong ginagap ang kamay ng asawa at masuyo iyong pinisil. "Ano kaya ang gagawin ko kung wala ka?""For sure, maglalasing ka."Natawa ito. "Kilalang-kilala mo na ako.""Kahit hindi ko natapos ang 100-days contract ko, marami na rin akong alam tungkol sa 'yo. Wala ka nang maitatago sa akin."Muling natawa si Khal nang suyurin ng tingin ni Yeonna ang katawan nito. "Are you seducing me right now?""No," sabay papungay niya ng mga mata na may kasama pang pagkagat sa labi. Napatili si Yeonna nang buhatin siya ni Khal. "Hey
HINDI na ipinasok ni Khal ang kotse sa loob ng bakuran. Itinapat lang niya iyon sa nakabukas nang gate. Katabi niya si Yeonna habang nakatulog sa backseat ang kapatid na marahil ay inantok dahil sa matagal nitong pag-iyak.Sandali munang hinayaan ng dalawa na mamagitan sa kanila ang katahimikan."This is the result we really wanted, right?" ani Yeonna nang marinig ang malalim na pagbuntong-hininga ni Khal."Yes. But it's still hard to sink in. Parang panaginip lang.""Gusto mo bang maging panaginip lang ang nalaman natin ngayon?"Umiling si Khal."Nahihirapan ka lamang tanggapin ang totoo dahil nagkaroon ka rin naman ng masasayang alaala kasama ng nakilala mong ama.""No. I was thinking about mum. She's the one who suffered the most. Her marriage with him is a living hell for her."Inabot nito ang kamay ng asawa at saka iyon pinisil. "For sure, pinunan mo naman ang lungkot at pagdurusa niya. Mahal na mahal ka ng mama mo. Hindi ko man siya nakilala, pero nakita ko sa loob ng condo mo a