"HEY, sandali!"
Hindi pinansin ni Yeonna ang pagtawag ni Mark na muntikan nang matumba sa motor nang bumaba siya na hindi pa iyon maayos na naihihinto at naipaparada. Kahit hilam sa luha, tinakbo niya ang direksiyon ng bahay ng tiyuhin. Wala na siyang pakialam kung may nababangga man siyang tao na nakaharang sa kanyang daraanan. Ang mahalaga sa kanya ay mawala na ang takot at kabang nararamdaman niya. "Yessa!" Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ang pangalan ng kapatid ang una niyang tinawag. Mahigit "Yessa!" Napatayo ang tiyahin ng dalaga na inaalo sa pag-iyak ng mga anak nito. "Yeonna?" "Tita Elvie, nasaan si Yessa?" Pinagala ng dalaga ang tingin sa buong kabahayan. "Tumawag siya sa akin kanina. May gusto lang akong linawin sa mga sinabi niya. Nasaan siya?" "Yeonna," sambit na hagulhol ng ginang. "Nasaan siya?" sigaw ni Yeonna. "Nasaan ang kapatid ko?" "Wala na siya, ate." Nabaling ang tingin niya sa isa sa mga pinsan na babae. "Anong wala na siya?" "Patay na siya." Napasapo sa ulo si Yeonna nang biglang umikot ang kanyang paningin. Maagap siyang nahawakan ni Mark na nakasunod sa likuran niya. "Tawagin niyo si Yessa. Gusto ko siyang makausap." "Ate..." "Tawagin niyo!" "Patay na siya!" sigaw ng isa sa mga pinsan na lalaki ni Yeonna. "Yessa!" Hinawi niya ang pagkakahawak sa kanya ni Mark. At kahit umiikot ang paningin ay inihakbang niya ang mga paa patungo sa silid ng kapatid. Wala ito roon. Pumunta siya sa kusina at likuran. "Yessa!" Hindi niya pinansin ang mga taong nakatingin sa kanya o maging ang reaksiyon ng mga ito. Binalewala niya rin ang pag-awat sa kanya ng mga kamag-anak. "Yessa!" Natuon ang tingin ng lahat sa humintong sasakyan ng funeral service. Ibinaba roon ang mga gamit para sa lamay partikular ang mga ilaw at patungan ng kabaong. Wala pa roon ang katawan dahil nasa ilalim pa ito ng pag-eembalsamo. "Alisin niyo iyan dito!" Tinakbo ni Yeonna ang mga lalaki, "Wala ng patay rito!" Muling pinigilan ng mga kamag-anakan at ilang nagmamalasakit na mga kapitbahay ang nagwawalang dalaga. "Dalhin niyo sa akin si Yessa! Gusto kong makita ang kapatid ko! Yessa! Yessa!" "Ipasok niyo na muna siya sa kuwarto," utos ng tiyahin ni Yeonna. "Ako na pong magdadala sa kanya," boluntaryo ni Mark. Napansin nito ang masamang tingin ng mga kamag-anak ng dalaga. "Huwag po kayong mag-alala. Bakla ako." "Sige na, Sige na!" pag-aapura ni Elvie. "Samahan niyo na siya na ipasok ang pinsan niyo sa kuwarto!" "Bitiwan niyo ako! Gusto kong makita ang kapatid ko! Nagmamakaawa ako! Dalhin niyo sa akin si Yessa!" Kinarga na ni Mark ang dalaga at dinala sa itinuro ritong silid. "Dino," tawag ni Yeonna sa pinsan. "Nasaan si Yessa?" "Ate, lakasan mo ang loob mo." "Nasaan siya?" "Nagpakamatay si Yessa." Tigalgal si Yeonna. Kahit naisip na niya iyon, Hindi niya pa rin matanggap na gagawin iyon ng kanyang kapatid. "Alam kong mahirap paniwalaan. Pero 'yon ang nangyari." "Hindi magagawa ng kapatid ko ang sinasabi mo! Hindi!" "Wala kaming alam. Pero lately ay nagging tahimik siya at madalas pinipili niyang mag-isa." Pinahid ni Yeonna ang mga luha. Kailangan niyang malaman ang totoong nangyari. Hinarap niya si Dino. "Ano pa? Ano pang napansin mo?" "Hindi ba siyang nagsasabi o nagkukuwento sa 'yo?" Sandaling napaisip si Yeonna. Madalas may mga tawag sa kanya ang kapatid na hindi agad niya nasasagot. Hanggang nakakalimutan na niyang tumawag pabalik dito dahil na rin sa pagod at puyat. "Hindi rin siya sa amin nagsasabi. Kilala mo naman siya. Gusto no'n na mas kinikimkim ang problema kaysa ang sabihin sa amin." Napasapo sa ulo si Yeonna. Pumikit muna siya para ikondisyon ang sarili. Hindi masasagot ng pagbuhos ng emosyon niya ang mga tanong na bumabagabag sa kanyang isip. Pagkatapos ng ilang minuto ay dumilat siya at muling ibinalik ang tingin sa kaharap na pinsan. "Anong sinabi ng mga pulis?" "Isinara agad nila ang kaso dahil lumabas na suicide ang nangyari." Napatingin si Yeonna sa suot na relo. "Halos pitong oras pa lang mula nang magkausap kami ni Yessa. Paanong naisara agad ang kaso? At dinala agad siya sa punerarya? Hindi siya idinaan sa autopsy?" "Nag-suicide ang kapatid mo..." Natuon ang tingin ng lahat sa pagpasok ng tiyuhin ni Yeonna. "Walang foul play na nangyari. Umakyat siya sa rooftop ng Deliemar at lumundag doon." "Deliemar?" Napatayo si Yeonna nang banggitin ang isa sa pinakakilala at malaking call center sa Quezon. "Bakit siya nakarating doon? Paano siya nagkaroon ng access doon?" "Kumuha ng part-time job si Yessa," tugon ni Dino. "Part-time? Hindi ba't nagpapadala ako ng pera para sa lahat nang mga pangangailangan niya?" Mula sa bulsa ng tiyuhin ay kinuha nito ang isang bank book. Inilahad nito iyon. "Iniipon niya ang mga ipinapadala mo. Para raw may pandagdag ka sa gastusin kung maisipan mong magtayo ng sariling law firm." Nanghihinang muling napaupo si Yeonna. Hindi kaya ng isip niyang tanggapin ang nangyayari. "Ate!" sigaw Dino. Tuluyan na ngang nawalan ng ulirat si Yeonna.WALANG imikan sina Hardhie at Amira habang magkaabay sila sa paglalakad. Pareho silang nagpapakiramdaman at naghahanap ng tiyempo na magsalita.Dinaanan na nila ang isang convenience store, pero nilagpasan nila iyon. At katulad nga ng sinabi ni Lola Tasing, naghanap sila ng malayo. "Maganda ang panahon ngayon." Hindi na rin nakatiis si Hardhie sa namamagitan na katahimikan sa kanila. "Sana lang ay hindi umulan sa mga susunod na araw.""At bakit naman?""Hindi magandang mamasyal nang umuulan.""So, may panahon ka nang mamasyal?""May lugar ka bang naiisip na gustong puntahan?""Busy ako.""At anong pinagkakaabalahan mo? Wala ka namang trabaho!" asik ni Hardhie."Busy ako dahil may mga lakad kami ni Kenji.""Whoa! Ngayong araw lang kayo nagkita, pero nakapagplano na agad kayo?""Dahil malakas ang loob niya. Hindi siya natatakot na sumubok."Lihim na naikuyom ni Hardhie ang mga kamao. Alam niya na para sa kanya ang sinabing iyon ni Amira.Hindi naman dinadaga ang kanyang dibdib na ipagt
"KAILAN pa ba kayo riyan matatapos?"Natigil sa paghihilahan ng itatayo na tent sina Hardhie at Kenji sa pagsita sa kanila ni Lola Tasing na komportable sa kinauupuan nitong folding chair. Si Amira ay nakamasid lang at napapailing sa inaasal ng dalawa."Ikaw..."Itinuro ni Kenji ang sarili nang tukuyin lang ito ng tingin ng matanda."Oo, ikaw nga. Gumawa ka ng bonfire.""Lola," himig-protesta ni Amira. "Bisita ko po siya.""Chef siya, 'di ba? Siguradong magaling siyang gumawa ng apoy. Tulungan mo roon si Hardhie.""Kaya na niya iyan nang mag-isa.""Baka bago pa siya matapos, tirik na ang araw.""Lola, alas dose pa lang. Hindi siya riyan aabutin ng anim na oras.""Bakit ba ang dami mo pang sinasabi? Sige na."Hindi naman masama o mabigat ang loob ni Amira nang sundin ang utos ng kanyang lola. Natutuwa nga siya dahil mas boto ito kay Hardhie para sa kanya. Kaya lang hindi nito alam ang sitwasyon nila na wala silang malinaw na relasyon."Bakit ba ang tagal mo riyan?""Hindi ako marunong.
"WALA ka man lang sasabihin?""Ano bang dapat kong sabihin?""Khal had Yeonna with a 100-day contract. It's interesting, right?""Alam ko iyon.""Oh, really?""Actually, it was my idea.""Wow. Tama nga ang first impression ko sa iyo kanina. You're an interesting person.""Ang ideya ko lang ay magpanggap sila na may relasyon. Para tumigil na si Jacquin na kulitin nang kulitin ang kapatid ko. You know that woman, right?""She's a nuisance.""Exactly. But the rest of my idea, Kuya did it.""So, ideya niya ang tungkol sa kontrata. Matalino siya to come up with that idea. And the result came out so well for him.""Ibig sabihin, they are meant for each other.""Naniniwala ka sa tadhana?"Umiwas siya nang tumitig sa kanya si Kenji nang nakangiti. "Oo naman.""Tadhana ba ang nagdala sa akin dito ngayon?""Hindi," deretsahan niyang tugon sa naging tanong ni Kenji."Huh?""Si Kuya ang nagdala sa 'yo rito."Malakas na natawa si Kenji na nagpainit naman ng ulo ni Hardhie na nakatanaw pa rin mula
"MASARAP magluto ang pamilya mo."Ngumiti si Amira. "Salamat.""Kahit isa akong chef at nakatikim na ng maraming klase ng mga pagkain sa iba't ibang restaurants ay iba pa rin talaga ang lutong-bahay lalo na kapag niluto iyon ng mga taong nagpasaya sa puso ko."Ngiti lang ang naging tugon ni Amira. Wala siya sa mood para sa mahabang usapan. Or, baka hindi niya lang gusto ang topic na kanilang pinag-uusapan.No. She just does not want the one she is talking to. Guwapo naman si Kenji, mukha ring mabait. But her stupid heart goes to someone na nasa harapan lang nila.Iba nga ang tingin ni Hardhie sa dalawa na magkatabing nakaupo sa lover's swing."Huwag ka ngang obvious diyan," sita ni Yeonna. "Sinabi ko na sa 'yo na maging natural ka lang.""Bakit ba kailangan nilang maupo roon? That's only for lovers!""That's for everyone," pagtutuwid ni Yeonna. "Haist! Magda-drama ka. Kasalanan mo rin kasi dahil masyado kang makupad.""Gusto ko lang paghandaan ang lahat.""Pero tingnan mo ang nangyari
"YOU know her, right?" "Yes, of course!" magiliw na tugon ni Kenji sa naging tanong ni Khal nang ipakilala ito kay Amira. Hindi nito halos inaalis ang tingin sa dalaga. "The sweet, charming and beautiful sister of yours." Natuon ang tingin ng lahat nang lumikha ng ingay ang pagpigil ni Hardhie sa tawa niya. "I guess someone disagrees with you," wika ni Khal. Tumikhim lang si Hardhie at iniiwas ang tingin sa matalim na mga mata ni Amira. "He's my close friend," singit ni Yeonna. "He is funny sometimes, so don't mind him." "Hindi siya imbitado rito," mahinang saad ni Alona na narinig naman ni Lola Tasing kaya nakatanggap ito ng hampas sa braso nito. "Ma." "Halina na kayo sa komidor bago pa lumamig ang mga pagkain," pagyaya naman ni Pablo na hinarang muna si Hardhie na hahakbang na sana para paunahin si Kenji. "Ganyan talaga ang mga magulang," bulong na saad ni Yeonna sa kaibigan. "Over-protective sila sa mga anak." "Mukha ba akong hindi gagawa ng tama?" "Kaya nga dapat magpaki
LALO lamang namutla si Hardhie nang matuon sa kanila ang tingin ng buong pamilya dahil sa pagkakasigaw niyang sagot sa sinabi ni Yeonna. "Pasensiya na po." Natuon ang tingin niya sa hawak ng ina ni Amira na inilabas nito mula sa hawak pa rin na paper bag. "Ano naman 'yon?" pabulong niyang tanong sa katabing kaibigan. "Vitamins ng mga manok ni Lolo Dan. Darn!" mura ni Yeonna nang makita ang reaksiyon ng ginang. "Haist! Hate na hate pa naman niya ang bisyo ng kanyang asawa." "Tapos sinuportahan mo pa!" "Malay ko bang magkakamali ka nang bigay! Kung napunta iyon kay Lolo Dan, sigurado sanang plus one ka na. Maliit kasing bagay, hindi mo pa natandaan." Napabuga na lang ng hangin sa bibig si Hardhie habang nakatanaw sa pamilya na inuulan pa rin ng panunukso si Lola Tasing dahil sa two-piece bikini nito. "Uy, huwag ka nang panghinaan ng loob. Sigurado akong kayo pa rin ni Amira ang nakatadhana sa isa't isa." "You think so?" Tumango si Yeonna. "Pero mukhang si Lola Tasing lang ang m