공유

Chapter 4

작가: EL Nopre
last update 최신 업데이트: 2024-12-05 16:55:16

NAGISING ang diwa ni Yeonna dahil sa ingay ng iyakan. Napakipagtitigan muna siya sa kisame at hinagilap sa nag-uulap niyang isip ang kinaroroonan. Saka lang nag-unahan sa paggulong ang kanyang mga luha nang maalala ang dahilan kaya siya umuwi ng Quezon.

Muli siyang pumikit at tinakpan ng unan ang magkabilang tainga. Pero sa kabila niyon ay nanunuot pa rin doon ang iyak ng paghihinagpis mula sa labas ng silid.

"Gising ka na?"

Narinig niya ang tinig ni Mark. Pero mas pinili niyang nakasara ang mga mata at lalo pang diniinan ang pagkakatakip ng unan sa dalawang tainga.

"Tumayo ka na riyan..."

"Ano ba?" asik niya nang pinuwersa siya na itayo ng binata. "Bakit nandito ka pa rin?"

"Hindi ka man lang magpapasalamat?"

"Salamat!"

"Hindi ako tumatanggap ng pasasalamat nang hindi galing sa puso."

Ikinulong ni Yeonna sa mga palad ang mukha saka pinakawalan ang malakas ang iyak.

"Sige lang..." Hinaplos nito ang likuran ng dalaga, "Ilabas mo ang nararamdaman mo para hindi mabigat sa dibdib mo."

"Hindi ko alam ang gagawin ko," wika ni Yeonna sa pagitan ng paghagulhol. "Si Yessa ang lahat-lahat sa akin. Siya ang buhay at lakas ko. Ano nang gagawin ko ngayong wala na siya?"

"Hindi siya nag-iwan ng suicide note. Wala ring nakakaalam ng dahilan nang pagpapakamatay niya. Nang makausap mo siya, wala ba siyang nabanggit kahit ano tungkol sa problema niya?"

Umiling si Yeonna.

"Isipin mong mabuti. Kahit maliit na hint ay baka makatulong sa 'yo para malaman ang pinagdaanan niya."

Pinahid ni Yeonna ang mga luha at saka bumaling ng tingin kay Mark. "Pagod na raw siya. At isa siyang failure."

"Ate..."

Natuon ang tingin ng dalawa kay Veb, isa sa mga nakababatang pinsan ni Yeonna.

"Gusto mo na bang makita si Yessa?"

Sunud-sunod ang naging pag-iling ng dalaga. Hindi pa siya handa na makita ang kapatid sa loob ng kabaong.

"Sige. Lumabas ka na lang kapag kaya mo na."

"Veb."

Tumigil sa aktong pagtalikod ang babae at tumingin kay Yeonna. "Hmm?"

"May boyfriend ba si Yessa?"

Sandali itong nag-isip. "Wala naman, ate."

"Tama. Hindi niya ililihim sa akin ang bagay na iyon. Halika. Maupo ka. May mga gusto akong itanong."

Tumalima naman si Veb.

"Kailan pa pumasok sa Deliemar si Yessa?"

"Halos magtatatlong buwan na. Pero kumukuha siya ng mga commissioned and on-call jobs."

Walang alam si Yeonna sa bagay na iyon. Hindi magsasabi sa kanya ng ganoon si Yessa dahil alam na alam nito na hindi siya papayag.

Gusto niya na mag-focus ang kapatid sa pag-aaral at e-enjoy nito ang pagiging estudyante. Tama nang siya lang ang nahihirapan.

"Anong klaseng mga trabaho?"

"Tutorials, editing, paper works. Pero mostly sa party gatherings kasi mas malaki raw ang kinikita roon."

"Napansin niyo ba ang pagbabago niya bago o nakapasok na siya sa Deliemar?"

"Nakapasok na siya sa Deliemar. Recently lang siya naging tahimik at umiiwas lagi sa amin."

Muling napasapo sa ulo si Yeonna at napapikit. Kilalang-kilala niya si Yessa. Hindi nito magagawang magpakamatay nang walang mabigat na dahilan. Hindi nito magagawang basta na lamang siya iiwang mag-isa. They had promised that they'll grow old together, travel together, laughed together, and live well together. Humingi lang siya rito ng ilang taon para makasama na ito.

"Ate..."

"Dalhin mo ako kay Yessa."

"Kaya mo ba?" pag-aalala ni Mark.

Tumango lamang si Yeonna. Tinanggap naman niya ang pag-alalay ng dalawa.

Habang patungo sila sa sala, unti-unting nagliliwanag ang paligid. At alam niyang mula iyon sa mga ilaw na nakapalibot sa kabaong.

Nag-unahan na naman ang mga luha sa mata ni Yeonna at napahagulhol na siya nang makita ang kapatid. Walang-wala sa isip niya na muli itong masisilayan sa ganoong kalagayan.

"Yessaaaaaa!"

Sumabay sa sigaw ng dalaga ang iyak din ng mga taong naroon na naging saksi sa malapit na relasyon ng magkapatid.

"Yessa, nandito na si Ate. Nandito na ako. Hindi ba sinabi ko sa 'yo na hintayin mo ako? Alam mong babalikan kita."

Ilan sa mga naroon ang sumaklolo nang gustong buksan ni Yeonna ang kabaong. Pero walang nagawa ang mga ito kundi ang umalalay na lang.

"Yessa, bakit hindi mo ako nahintay?"

Nang mahawakan niya ang malamig na kamay ng kapatid, pakiramdam niya ay binagsakan siya ng langit.

She'd never imagined that moment to have an end so soon. Masyado pa itong bata. Marami pang magagandang bagay na puwede ritong mangyari. She wanted her to experience the luxury of life. Pero nasayang lang ang lahat nang kanyang pagsisikap. Wala na ang nag-iisa niyang inspirasyon at lakas.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
댓글 (1)
goodnovel comment avatar
Yette Marcos
Naiiyak nmn ako🥲🥲🥲🥲
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Book 2: Chapter 12

    WALANG imikan sina Hardhie at Amira habang magkaabay sila sa paglalakad. Pareho silang nagpapakiramdaman at naghahanap ng tiyempo na magsalita.Dinaanan na nila ang isang convenience store, pero nilagpasan nila iyon. At katulad nga ng sinabi ni Lola Tasing, naghanap sila ng malayo. "Maganda ang panahon ngayon." Hindi na rin nakatiis si Hardhie sa namamagitan na katahimikan sa kanila. "Sana lang ay hindi umulan sa mga susunod na araw.""At bakit naman?""Hindi magandang mamasyal nang umuulan.""So, may panahon ka nang mamasyal?""May lugar ka bang naiisip na gustong puntahan?""Busy ako.""At anong pinagkakaabalahan mo? Wala ka namang trabaho!" asik ni Hardhie."Busy ako dahil may mga lakad kami ni Kenji.""Whoa! Ngayong araw lang kayo nagkita, pero nakapagplano na agad kayo?""Dahil malakas ang loob niya. Hindi siya natatakot na sumubok."Lihim na naikuyom ni Hardhie ang mga kamao. Alam niya na para sa kanya ang sinabing iyon ni Amira.Hindi naman dinadaga ang kanyang dibdib na ipagt

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Book 2: Chapter 11

    "KAILAN pa ba kayo riyan matatapos?"Natigil sa paghihilahan ng itatayo na tent sina Hardhie at Kenji sa pagsita sa kanila ni Lola Tasing na komportable sa kinauupuan nitong folding chair. Si Amira ay nakamasid lang at napapailing sa inaasal ng dalawa."Ikaw..."Itinuro ni Kenji ang sarili nang tukuyin lang ito ng tingin ng matanda."Oo, ikaw nga. Gumawa ka ng bonfire.""Lola," himig-protesta ni Amira. "Bisita ko po siya.""Chef siya, 'di ba? Siguradong magaling siyang gumawa ng apoy. Tulungan mo roon si Hardhie.""Kaya na niya iyan nang mag-isa.""Baka bago pa siya matapos, tirik na ang araw.""Lola, alas dose pa lang. Hindi siya riyan aabutin ng anim na oras.""Bakit ba ang dami mo pang sinasabi? Sige na."Hindi naman masama o mabigat ang loob ni Amira nang sundin ang utos ng kanyang lola. Natutuwa nga siya dahil mas boto ito kay Hardhie para sa kanya. Kaya lang hindi nito alam ang sitwasyon nila na wala silang malinaw na relasyon."Bakit ba ang tagal mo riyan?""Hindi ako marunong.

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Book 2: Chapter 10

    "WALA ka man lang sasabihin?""Ano bang dapat kong sabihin?""Khal had Yeonna with a 100-day contract. It's interesting, right?""Alam ko iyon.""Oh, really?""Actually, it was my idea.""Wow. Tama nga ang first impression ko sa iyo kanina. You're an interesting person.""Ang ideya ko lang ay magpanggap sila na may relasyon. Para tumigil na si Jacquin na kulitin nang kulitin ang kapatid ko. You know that woman, right?""She's a nuisance.""Exactly. But the rest of my idea, Kuya did it.""So, ideya niya ang tungkol sa kontrata. Matalino siya to come up with that idea. And the result came out so well for him.""Ibig sabihin, they are meant for each other.""Naniniwala ka sa tadhana?"Umiwas siya nang tumitig sa kanya si Kenji nang nakangiti. "Oo naman.""Tadhana ba ang nagdala sa akin dito ngayon?""Hindi," deretsahan niyang tugon sa naging tanong ni Kenji."Huh?""Si Kuya ang nagdala sa 'yo rito."Malakas na natawa si Kenji na nagpainit naman ng ulo ni Hardhie na nakatanaw pa rin mula

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Book 2: Chapter 9

    "MASARAP magluto ang pamilya mo."Ngumiti si Amira. "Salamat.""Kahit isa akong chef at nakatikim na ng maraming klase ng mga pagkain sa iba't ibang restaurants ay iba pa rin talaga ang lutong-bahay lalo na kapag niluto iyon ng mga taong nagpasaya sa puso ko."Ngiti lang ang naging tugon ni Amira. Wala siya sa mood para sa mahabang usapan. Or, baka hindi niya lang gusto ang topic na kanilang pinag-uusapan.No. She just does not want the one she is talking to. Guwapo naman si Kenji, mukha ring mabait. But her stupid heart goes to someone na nasa harapan lang nila.Iba nga ang tingin ni Hardhie sa dalawa na magkatabing nakaupo sa lover's swing."Huwag ka ngang obvious diyan," sita ni Yeonna. "Sinabi ko na sa 'yo na maging natural ka lang.""Bakit ba kailangan nilang maupo roon? That's only for lovers!""That's for everyone," pagtutuwid ni Yeonna. "Haist! Magda-drama ka. Kasalanan mo rin kasi dahil masyado kang makupad.""Gusto ko lang paghandaan ang lahat.""Pero tingnan mo ang nangyari

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Book 2: Chapter 8

    "YOU know her, right?" "Yes, of course!" magiliw na tugon ni Kenji sa naging tanong ni Khal nang ipakilala ito kay Amira. Hindi nito halos inaalis ang tingin sa dalaga. "The sweet, charming and beautiful sister of yours." Natuon ang tingin ng lahat nang lumikha ng ingay ang pagpigil ni Hardhie sa tawa niya. "I guess someone disagrees with you," wika ni Khal. Tumikhim lang si Hardhie at iniiwas ang tingin sa matalim na mga mata ni Amira. "He's my close friend," singit ni Yeonna. "He is funny sometimes, so don't mind him." "Hindi siya imbitado rito," mahinang saad ni Alona na narinig naman ni Lola Tasing kaya nakatanggap ito ng hampas sa braso nito. "Ma." "Halina na kayo sa komidor bago pa lumamig ang mga pagkain," pagyaya naman ni Pablo na hinarang muna si Hardhie na hahakbang na sana para paunahin si Kenji. "Ganyan talaga ang mga magulang," bulong na saad ni Yeonna sa kaibigan. "Over-protective sila sa mga anak." "Mukha ba akong hindi gagawa ng tama?" "Kaya nga dapat magpaki

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Book 2: Chapter 7

    LALO lamang namutla si Hardhie nang matuon sa kanila ang tingin ng buong pamilya dahil sa pagkakasigaw niyang sagot sa sinabi ni Yeonna. "Pasensiya na po." Natuon ang tingin niya sa hawak ng ina ni Amira na inilabas nito mula sa hawak pa rin na paper bag. "Ano naman 'yon?" pabulong niyang tanong sa katabing kaibigan. "Vitamins ng mga manok ni Lolo Dan. Darn!" mura ni Yeonna nang makita ang reaksiyon ng ginang. "Haist! Hate na hate pa naman niya ang bisyo ng kanyang asawa." "Tapos sinuportahan mo pa!" "Malay ko bang magkakamali ka nang bigay! Kung napunta iyon kay Lolo Dan, sigurado sanang plus one ka na. Maliit kasing bagay, hindi mo pa natandaan." Napabuga na lang ng hangin sa bibig si Hardhie habang nakatanaw sa pamilya na inuulan pa rin ng panunukso si Lola Tasing dahil sa two-piece bikini nito. "Uy, huwag ka nang panghinaan ng loob. Sigurado akong kayo pa rin ni Amira ang nakatadhana sa isa't isa." "You think so?" Tumango si Yeonna. "Pero mukhang si Lola Tasing lang ang m

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status