HINDI malaman ni Yeonna kung paano makakauwi nang mabilis mula Maynila hanggang Quezon. Bukod sa puno na ang mga bus nang dumating siya sa terminal, wala rin siyang sapat na pera na ipambabayad kung kukuha siya ng pribadong sasakyan na maghahatid sa kanya sa probinsiya.
Isa lang ang naiisip na paraan ng dalaga nang mga oras na iyon. She's too desperate. And she has no other choice. Lalakasan na niya ang loob. Kakapalan na niya ang mukha. Kinuha niya ang cellphone at itinipa roon ang number ni Mark. Sa unang ring pa lang ay sinagot na iyon. Alam niyang nakaabang ito at naghihintay sa kanyang tawag. "Yeonna?" "Mark." "Whoa! Yeonna Agravante, ikaw ba talaga iyan?" "Huwag ka ngang OA." "Nakapagtataka lang. Anong himala ang nagtulak sa 'yo na tawagan ako? Well, as far as I remember, tatlong buwan na rin mula nang ibigay ko sa iyo ang number ko." "Kailangan ko ang tulong mo." "Anytime!" masigla nitong tugon. "When?" "Ngayon." "Ngayon? Maghahatinggabi na." Napasulyap din siya sa suot na relo. "Gising ka pa naman. At Linggo pa lang bukas. Walang pasok sa school. Please? Kailangan ko ngayong makauwi agad ng Quezon." "May emergency ba?" "Sana wala. Pero gusto kong makasiguro. Puwede ka ba?" "Oo naman. Nasaan ka?" "Nasa bus terminal ng Pasay." "Good. Malapit lang ako. I'll be there in five minutes." Napahugot si Yeonna nang malalim na buntong-hininga matapos patay!n ang cellphone. Isa si Mark sa masugid niyang manliligaw na halos dalawang taon nang nanunuyo sa kanya. Umiiwas siya. Hindi dahil hindi niya gustong magkarelasyon kundi para maka-focus siya sa kanyang pangarap. Marami naman siyang mga kakilala na parehong napagsabay ang pag-aaral at pag-ibig. Pero para sa kanya dapat ay may priority. Hindi iyon puwedeng mahati sa ibang bagay. And besides, finding love is not a requirement for happiness or life's success. It's just one of the ingredients na hindi masyadong kailangan sa isang putahe. "Hey!" Mula sa malalim na pag-iisip habang naghihintay sa labas ng bus terminal, nadako ang tingin ni Yeonna sa isang bigbike na hindi niya namalayan ang paghinto sa kanyang harapan. "Eksaktong limang minuto!" wika ni Mark nang hubarin ang suot na helmet. Hahakbang na sana si Yeonna na bigla niyang maalala ang pag-uusap nila ni Yessa. Humingi ito sa kanya ng limang minuto para lamang makausap siya. "Halika na," wika ni Mark nang mapansin ang tila tuod na pagkakatayo ng dalaga. "Akala ko ba nagmamadali ka?" Mabilis na siyang humakbang palapit kay Mark at tinanggap ang inabot na helmet sa kanya. "Okay, brace yourself." Paalala ng binata nang makasakay na sa likuran si Yeonna. "Puwede mo akong yakapin nang mahigpit na mahigpit, pero hindi mo ako puwedeng panggigilan." "Haist! Sige na!" Binalewala ni Yeonna ang pagtawa ng binata. Yumakap siya rito nang pinaandar na nito ang motor. At nagdulot sa kanya ng dagdag na kaba ang lamig ng hangin na humahampas sa kanila gayundin ang katahimikan sa mangilan-ngilan na lamang na motorista sa hi-way. Sanay kasi siya na maingay at crowded ang buong kalye ng Maynila. Maingat naman si Mark sa pagmamaneho kahit mabilis itong magpatakbo. Ang biyahe na dapat ay mahigit tatlong oras, mukhang magagawa lang nito na dalawang oras. Hindi ito nagpahinga. Sumaglit lang sila sa isang gas station na kinuha naman niyang pagkakataon para tawagan ang mga kakilala at kamag-anakan sa Quezon para makapagtanong. Malas nga lang dahil na-lowbatt siya. Nahihiya na siyang humingi ulit ng pabor sa kasama. "Iliko mo riyan sa kanan!" pagbibigay niya ng direksiyon nang makapasok na sila sa Atimonan. "Okay! Malapit na ba?" "Oo! Twenty kilometers, turn right!" "Teka! GPS ka ba?" sigaw nito. Kailangan nilang lakasan ang boses dahil sa hampas ng hangin. "Basta sundin mo na lang ako!" "Okay, relax! Binibiro lang kita para mabawasan ang tensyon mo! Ramdam ko kasi sa higpit ng yakap mo sa akin!" Napahiya namang niluwangan ni Yeonna ang nakapulupot na mga braso sa beywang ng binata. "Masyado ka talagang seryoso! Hindi mo alam ang biro sa totoo! Sinabi ko sa 'yo na okay lang sa akin na yakapin mo ako nang mahigit!" Hindi umimik si Yeonna. Asiwa pa rin siya kay Mark. Siguro dahil hindi siya kailanman nagkaroon ng pagkakataon o matagal na oras kasama ng mga lalaki. Kahit sa edad niyang twenty-three, bilang lang sa daliri niya na may nakakausap siyang mga lalaki. Kaya nga akala tuloy ng mga kakilala, kaibigan at kaklase niya ay tomboy siya. "Anyway, tawagan mo pa rin ako kahit wala kang kailangan sa akin!" Ang bagay na iyon ang gusto talaga niyang iwasan kaya nagdadalawang-isip siya kanina na humingi ng tulong kay Mark. Ayaw niyang ma-misinterpret nito ang ginawa niya ritong paglapit. Ayaw niya itong bigyan ng pag-asa. "Don't worry. Sinabi ko sa 'yo na hindi kita pupuwersahin. Dumating ako ngayon bilang kaibigan mo." Nanatili lang tahimik si Yeonna. Hanggang makarating sila sa barangay na tinitirahan ng kanyang tiyuhin. Pero halos tumigil ang tibok ng puso niya nang malayo pa lang sa bahay ay natanaw na niya ang kumpulan ng mga tao sa harap ng bakuran. Gusto niyang iwaksi sa isip ang tumatakbong masamang pangitain doon, pero kusa pa ring naglaglagan ang mga luha sa kanyang mata. Kahit hindi pa siya sigurado, malakas na ang kutob niya. Kaya paulit-ulit niyang hiniling sa Diyos na sana ay mali siya. Sana."SA tingin ko, marunong talaga siyang lumangoy..."Mula sa maya't mayang pagsulyap kay Amira na nakaupo sa kanyang tabi sa pampang ay natuon ang tingin niya sa unahan. Abala si Kenji sa pagtuturo kay Lola Tasing sa paglangoy."Bakit mo naman nasabi 'yon?""Para kasing may nakita akong mga old photos niya sa isang swimming class."Napatikhim si Hardhie. "Uhm, baka naman hindi siya iyon.""Pero bakit kay Kenji siya nagpapaturo?" Binalingan nito ang binata, "Hindi sa iyo?"Mabilis siyang umiwas ng tingin nang magsalubong ang kanilang mga mata. "Hindi kasi ako marunong.""Hindi ka marunong lumangoy?""Tabo lang ang gamit ko at hanggang pampang lang ako."".Sure ka sa sagot mo?"Ibinalik niya ang tingin kay Amira. "Ha?""Paano kung malunod ako? Hindi mo pala ako masasagip.""Kaya huwag kang lalangoy sa malayo at malalim."Tumayo si Amira nang nakaguhit sa labi ang pilyang ngiti.At naalarma si Hardhie. "Saan ka pupunta?" "Lalangoy ako sa malayo at malalim.""Hey!" Napatayo siya nang tumak
NAITAKIP ni Amira ang mga palad sa mukha nang matanaw na patungo sa kinaroroonan nila ang kanyang lola na animo'y model na inirarampa ang suot nitong two-piece bikini na nanggaling kay Hardhie, pero mismong si Yeonna naman ang bumili at pumili niyon."How do I look?" tanong agad ng matanda nang makalapit sa grupo."Ang seksi mo pala, Lola!"Marahan nitong hinampas sa braso si Hardhie na parang teenager na kinikilig dahil sa narinig na papuri. "Maliit na bagay," pagbibida nito. "At saka nasa lahi na talaga namin iyon!" sabay hagikhik nito.Kasalukuyan silang nasa isang resort sa Batangas na pag-aari ng pamilya ni Kenji. Ito ang pumili ng venue para sa una nilang double-date. All agreed, maliban kay Amira na ngayon nga ay nakakaramdam ng hiya dahil sa iginagawi ng abuwela."Lola, hindi ka na bata!"Pinanlisikan nito ng mga mata ang apo. "Bakit? May age limit na ba ngayon ang pagpunta ng beach?""Nagpaalam ba kayo kay Lolo?""Nakita mo ba siya kanina pag-alis natin?'Sandali namang napai
"UUBUSIN mo na naman ba lahat nang iyan?"Nabaling ang namumungay na mga mata ni Amira kay Hardhie. "Bakit? Wala ka nang pera riyan?""Lasing ka na."Ikatlong balik na nila sa convenience store. At hindi umaabot sa bahay ang kanilang mga napamili."Darn! What a dumb! I'm not really asking if you have money," wika ni Amira na iika-ika na ang paglakad. "Alam mong wala akong pakialam kung mayaman ka o mahirap. It's you. You alone is more important than any wealth in the world. Manhid ka lang talaga."Hindi nakaimik si Hardhie."But this will be the last time..." Napasinok si Amira, "Hindi na iyon mauulit. Hinding-hindi na ako babalik ng convenience store. 'Couz I already gave you three chances. At lahat nang iyon ay sinayang mo."Napakunot ng noo si Hardhie."Uuwi na ako," sabay tapon nito ng huling lata ng beer matapos sairin ang natitirang laman niyon. "I just waste my time to a man who's not even worthy of my glance. Oppss! Hindi ka nga pala tunay na lalaki."Binalewala niya ang nagin
WALANG imikan sina Hardhie at Amira habang magkaabay sila sa paglalakad. Pareho silang nagpapakiramdaman at naghahanap ng tiyempo na magsalita.Dinaanan na nila ang isang convenience store, pero nilagpasan nila iyon. At katulad nga ng sinabi ni Lola Tasing, naghanap sila ng malayo. "Maganda ang panahon ngayon." Hindi na rin nakatiis si Hardhie sa namamagitan na katahimikan sa kanila. "Sana lang ay hindi umulan sa mga susunod na araw.""At bakit naman?""Hindi magandang mamasyal nang umuulan.""So, may panahon ka nang mamasyal?""May lugar ka bang naiisip na gustong puntahan?""Busy ako.""At anong pinagkakaabalahan mo? Wala ka namang trabaho!" asik ni Hardhie."Busy ako dahil may mga lakad kami ni Kenji.""Whoa! Ngayong araw lang kayo nagkita, pero nakapagplano na agad kayo?""Dahil malakas ang loob niya. Hindi siya natatakot na sumubok."Lihim na naikuyom ni Hardhie ang mga kamao. Alam niya na para sa kanya ang sinabing iyon ni Amira.Hindi naman dinadaga ang kanyang dibdib na ipagt
"KAILAN pa ba kayo riyan matatapos?"Natigil sa paghihilahan ng itatayo na tent sina Hardhie at Kenji sa pagsita sa kanila ni Lola Tasing na komportable sa kinauupuan nitong folding chair. Si Amira ay nakamasid lang at napapailing sa inaasal ng dalawa."Ikaw..."Itinuro ni Kenji ang sarili nang tukuyin lang ito ng tingin ng matanda."Oo, ikaw nga. Gumawa ka ng bonfire.""Lola," himig-protesta ni Amira. "Bisita ko po siya.""Chef siya, 'di ba? Siguradong magaling siyang gumawa ng apoy. Tulungan mo roon si Hardhie.""Kaya na niya iyan nang mag-isa.""Baka bago pa siya matapos, tirik na ang araw.""Lola, alas dose pa lang. Hindi siya riyan aabutin ng anim na oras.""Bakit ba ang dami mo pang sinasabi? Sige na."Hindi naman masama o mabigat ang loob ni Amira nang sundin ang utos ng kanyang lola. Natutuwa nga siya dahil mas boto ito kay Hardhie para sa kanya. Kaya lang hindi nito alam ang sitwasyon nila na wala silang malinaw na relasyon."Bakit ba ang tagal mo riyan?""Hindi ako marunong.
"WALA ka man lang sasabihin?""Ano bang dapat kong sabihin?""Khal had Yeonna with a 100-day contract. It's interesting, right?""Alam ko iyon.""Oh, really?""Actually, it was my idea.""Wow. Tama nga ang first impression ko sa iyo kanina. You're an interesting person.""Ang ideya ko lang ay magpanggap sila na may relasyon. Para tumigil na si Jacquin na kulitin nang kulitin ang kapatid ko. You know that woman, right?""She's a nuisance.""Exactly. But the rest of my idea, Kuya did it.""So, ideya niya ang tungkol sa kontrata. Matalino siya to come up with that idea. And the result came out so well for him.""Ibig sabihin, they are meant for each other.""Naniniwala ka sa tadhana?"Umiwas siya nang tumitig sa kanya si Kenji nang nakangiti. "Oo naman.""Tadhana ba ang nagdala sa akin dito ngayon?""Hindi," deretsahan niyang tugon sa naging tanong ni Kenji."Huh?""Si Kuya ang nagdala sa 'yo rito."Malakas na natawa si Kenji na nagpainit naman ng ulo ni Hardhie na nakatanaw pa rin mula