Share

Chapter two

       THE CLOCK strikes at five pm. Nagmadali si Mark na makabalik ng office ni Joan.

           "Shit! I'm late." mabilis siyang tumayo sa kanyang swivel chair at in-off ang computer at agad na naglakad palabas ng kaniyang opisina.

        "Kailangang masundo ko si Joan," kinuha niya ang cp sa bulsa at kaagad na tinawagan ang kaibigan upang hintayin siya.

       "Hello, Joan? Nariyan ka pa ba sa workplace mo? Tanong n'ya sa kaibigan. 

       "Yeah still here, Mag-o-over time ako, ang daming paper works, Kailangan na kasi ito bukas kaya tapusin ko na 'to ngayon. Baka mga 8 or 9 pm na ako maka-uwi, Ayoko nang balikan ito bukas." Paliwanag nito kay Mark.

       "Okay, Sige hihintayin na lang kita or if you want, dalhan kita ng dinner diyan para hindi ka na maabala" wika niya rito.

     "Ang thoughtful talaga nang boyfriend ko!" Malambing na biro nito kay Mark habang nagtitipa ng letra sa computer..

     "Tigilan mo nga yan, Joan, kinikilabutan ako sa pagtawag mo sa akin nang ganyan." saad niya rito.

     "Bakla ka ba?" Tanong ni Joan sa kaibigan.

    "What did you say? Don't you dare say that to me or else .." banta niya.

      "Or else what?" Hamon na tanong ni Joan.

      "Or else, I'll kiss you till you drop!" anito kay Joan.

     "You can't scare me just like that, Mark! Boyfriend naman talaga kita ah!. Boy na friend!"

      "What ever" sagot ni Mark. "Anong gusto mo para makadaan muna ng restaurant."

     "Anything, You know what i like. kaya bahala kana."

     "Wait for me okay, h'wag kang aalis diyan!" wika niya rito. 

      "Niloloko mo ba ako, Mark. Nagwo-work ako sa tingin mo makakaalis ako rito?!" Pikon niyang pinatay ang cp. "Parang sira, Bilisan lang niya at nagugutom na ko." Nakasimangot siya habang nagtatype sa computer, nang biglang may kumalabit sa kanya. Nilingon niya ito at nakita niyang si Shane iyon.

      "Joan, uuwi na ko. tapos na ako sa mga trabaho ko. Ikaw?" tanong nito sa kanya.

     "No, not yet, Mukhang matatagalan pa ako dito bago ko matapos lahat ito."

    "Pasundo ka na lang kay Mark" Nagingiti at kinikilig na tudyo niya kay Joan. 

    "Sira!, kahit hindi ko iyon sabihan pupunta yon. Iyon pa!. Tumawag na siya at susunduin niya ako. ibibili na rin daw niya ako ng dinner." saad ni Joan.

     "Talaga namang napaka thoughtful ng kaibigan n'yo!" May pagdidiin sa salitang "ibig" at sinusundot nito ang kanyang pisngi. Hindi talaga siya makakawala sa pangtutudyo ng kanyang kaibigan. 

     "Stop that shane! umuwi kana nga! h'wag mo na ko abalahin sige na go!"  Pagtataboy niya sa kaibigan. 

 Wala na si Shane ngunit natatawa pa din siya dahil sa kalokohan nang kaibigan. narinig niyang tumunog ang kanyang cp at tinignan.

       "May message galing kay mark." Agad niya itong binuksan at binasa. 

       "Narito na ko sa ibaba. anong ginagawa mo? Dala ko na dinner natin." text nito na may smiling face emoji pa, ngunit biglang napatigil si Joan at napa-isip. 

       "Wait, did he say "natin"? It means sabay kaming kakain dito?" Nasa malalim siyang pag-iisip nang biglang may humawak sa kanyang balikat, kaya nagulat siya.

       "Kabayo ka! Sira ulo ka talaga, nagulat ako! Ang bilis mo naman?" Tanong niya rito habang sapo pa din niya ang kaniyang dibdib.

    "Kain na muna tayo." Anito, habang hawak ang isang paper bag.

    "Bakit tayo? hindi ka pa ba nagdi-dinner?" tanong niya rito.

   "Oo, galing pa ako sa office may mga inasikaso lang akong importante." sagot nito.

       "Akala ko, hindi ka busy?" anito kay Mark. "Biglaan lang, kaya napapunta ako. May unknown texter ako, I ask one of my hackers to track it, pero hindi na n'ya matrack marahil patay na ang cellphone nito. kaya sabi ko hayaan na lang baka prank texter or caller lang iyon. magsasawa din iyon kakatext." mahabang paliwanag ni Mark. tumango-tango lang si Joan sa mga sinasabi nang kaibigan. 

     "Kain na tayo hanggat mainit pa ito." Itinabi muna ni Mark ang mga papeles na aasikasuhin ni Joan at inilapag ang pagkain sa harap nito.

     "Ano ba iyan?" tanong nito habang kinakalkal na ang laman ng paper bag. 

     "Yung fave mo! para naman makakain ka nang maayos."

     "Yeyy!" sambit nito na parang batang nagmamadaling inayos ang pagkain at hinarap ito kaagad. Nakita ni Mark ang tuwa sa mukha ng kaibigan, dahilan upang siya'y mapangiti.

       "Kain na tayo" masayang wika niya kay Joan. Kasabay noon ay ang masayang kwentuhan ng dalawa. Ikinukuwento ni Joan ang mga nangyari sa kanilang opisina.

       "Alam mo bang dumating si Vince kanina, nakita ko siyang papunta sa office ni boss Jayse. sure akong nagkita sila ni Glaze!"

      "Sure yan, o tapos ano pa? tanong niya kasabay din ng pagsubo ng pagkain.

      "Ayun kanina lang sinabihan siya ni boss na mag leave na muna. kasi nga daw puro na lang daw siya work. do you believe, binigyan siya ni boss ng 2 weeks leave and take note, sinagot ni boss ang lahat ng gastusin niya plus! may pocket money pa! naku Mark pinangarap ko ang two weeks leave na iyon!" 

      "Wow! that's a long vacation, saan daw nasabi ba ni Azey?

      "Hindi niya sinabi e, tawagan mo siya, ngayon na!" Dali-dali namang tinawagan ni Mark si glaze. Pagtapos ng tatlong ring ay sumagot ito kaagad, ni-loud speaker niya ang phone para marinig din ni Joan ang usapan.

    "Mark! sigaw sa kabilang linya. "Would you believed pinag bakasyon ako ni boss!" pagbabalita nito. 

     "Yeah, binalita sa akin ni Joan ngayon lang kaya nga napatawag ako, I'm with her!.

      "Hi glaze,! bati ni joan dito.

      "Wait it means magkasama kayo? wow that's a change. anyare?"

      "Well, we are having dinner here in the office." paliwanag ni Mark.

     "Really, why? tanong ni glaze sa dalawa. "kayo na ba?" natatawang tanong nito.

     "No!" sabay nilang sambit.

     "Overtime kasi ako ngayon. alam mo na daming paper works at kailangan na ni boss bukas. so i have to get some overtime to finish it. e, itong si mark susunduin daw ako kaya nagpadala na din ako ng dinner." Paliwanag ni joan.

     "Okay i get it, well ikaw na muna ang bahala diyan kay boss Jayse, Joan. Nagbilin na din ako kay shane, alam na niya ang mga gagawin habang wala pa ako, two weeks akong mawawala sa office kaya paki alalahanan si boss Jayse na may mga important meetings yan ngayong week kaya you know what to do.." bilin nito sa kaibigan.

      "Dont worry about him, he'll live kahit wala ka. Just enjoy your vacation, okay." Wika ni Mark kay Glaze. "I'm sure matatagalan bago maulit ang bakasyon mo."

      "Oo nga Glaze dont worry about everything here in the office, alam ko na naman ang gagawin, kaya ko na si boss." Wika ni Joan.

     "Ok sige salamat, love you both!

     "We love you too, Azey!" Wika ni Mark.

     "Take care, at ang pasalubong ko huwag kalimutan!" Paalala ni Joan habang ngumunguya pa ng pagkain. 

      "Yeah sure, hindi ko kakalimutan promise," natatawang sagot nito. "Sige na mag-aayos pa ko nang mga dadalhin ko, bye!

     "Bye!" sabay na nagpaalam kay Glaze si Mark at Joan.

Nang mawala na ang nasa kabilang linya, nagkatawanan na naman sila. Kaya tinapos na nila ang kanilang pagkain at niligpit ang kanilang kinainan.

      "Sige na mag start kana ulit, itatapon ko lang ito. hihintayin na kita dito." Saad no Mark.

      "Salamat," wika ni Joan at muli niyang hinarap ang kaniyang trabaho. 

Nang maitapon ni Mark ang basura ay naupo muna siya sa may sofa na nakalaan para sa mga empleyado na nais magpahinga.

    Habang naghihintay ay kinuha niya ang cellphone sa bulsa at tinignan kung may text o miss call mula sa misteryosong babae na si "Summer" Ngunit wala kahit isa. kaya ang ginawa niya ay naglaro na lamang ng games sa cp upang magpalipas nang oras. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ng makarinig siya ng kaluskos sa di kalayuan, kaya tumayo siya, ibinalik niya ang kaniyang cellphone sa bulsa at kinuha ang baril sa kaniyang holster. Sinundan niya kung saan niya narinig ang kaluskos at marahan siyang lumapit dito. Ngunit wala naman siyang nakita, kaya bumalik na lang siya sa sofa. 

        Alas nuwebe na ng gabi nang matapos ni Joan ang kaniyang trabaho.

       "Goodness nakakapagod ang araw na to!" kaya tumayo siya at ininat ang likod at mga braso. Nang maalala niya ang kaniyang kaibigan, kaya nagpalingalinga siya, ngunit hindi niya nakita si Mark. "Nasaan na ba ang lalaking iyon?" aniya, kaya naglakad na muna siya upang hanapin si Mark at para maigalaw na din niya ang kaniyang mga hita at binti. Dahil napagod kasi ito sa matagal na pagkakaupo.

   Hindi naman nagtagal ay nakita niya kaagad si Mark, ngunit parang may naramdaman siya na tila may sumusunod sa kanya kaya lumingon siya sa kaniyang likod, ngunit wala naman siyang nakita. nagkibit-balikat na lang siya at lumapit na kay Mark upang gisingin.

        "Mark gising na, umuwi na tayo." Niyugyog niya ang balikat nito upang magising. Agad naman ito nagising at bumangon kaagad.

      "Okay, tapos kana, tara at nang makauwi na tayo. Sigurado ako na nag-aalaa na ang iyong papa." tumayo siya at inayos ang nagusot na damit.

   "Okay wait lang kukuhanin ko lang yung bag ko.

   "Sige," kaya sinundan niya si joan.

Nang makuha ni Joan ang bag ay kaagad siyang hinawakan ni Mark sa kamay at hinila na pasakay nang elevator.

    Habang nasa loob, isinandal si joan ang kaniyang likod sa gilid nang elevator at pumikit, maya maya'y naramdaman niyang lumapit si Mark sa kaniya at minasahe ang kanyang mga balikat.

    "Pagod?" tanong nito habang patuloy na minamasahe ang balikat ng kaibigan.

    "Yeah, super! Parang gusto ko nang pumikit at matulog." kaya humarap Siya kay mark at yumakap. "hayaan mo na muna akong gawin ito mark just this time, i think i need a hug." aniya, kaya hinayaan na lang ni Mark si joan. Ang ginawa na lang niya ay ang yakapin na rin ito. malapit na sila sa parking area nang maramdaman niya na parang tutumba na si joan. kaya tinignan niya ito. 

      Mukhang makakatulog na, mabuti na lang at yakap pa din niya. Kaya bago bumukas ang pinto ng elevator ay agad niyang kinuha ang susi ng kotse sa bulsa at binuhat niya si joan. Yumakap naman si Joan sa kaniyang leeg at isinandal ang ulo sa balikat nito. Narinig ni Mark ang pagbulong ni Joa , "thank you" bulong nito sa kaniya. Ngumiti lang si Mark at hinintay ang ang pagbukas ng elevator. 

    Pagbukas nito, mabilis siyang naglakad palapit sa kotse at agad na binuksan ang pinto. 

    Kahit buhat niya si joan ay madali naman niyang nabuksan ang pinto ng sasakyan. Kaagad niya itong iniupo ng dahan-dahan at nilagyan nang seatbelt. inihiga niya nang kaunti ang upuan upang maayos na makatulog ang kaibigan. 

    Nang makitang maayos na ito, maingat niyang isinara ang pinto at mabilis na umupo sa drivers seat. sumulyap muna siya kay Joan at saka niya pinaandar ang sasakyan. mabilis naman ang biyahe kaya mabilis din silang nakarating sa mansyon ng mga leviste.  

     Ihihinto pa lang niya ang sasakyan sa harap ng main door nang makita niyang bumukas iyon at lumabas bigla ang ama ni Joan.

       "Mark, what happen bakit ngayon lang kayo naka-uwi? nag alala ako."

       "Sorry tito, nag over time po kasi si Joan kaya ngayon lang kami naka-uwi, sinamahan ko na siya sa opisina, kaya lang mukhang hindi inabot, nakatulog na siya kaagad." kaya binuhat na niya si joan at dinala na kaagad sa kuwarto nito.

      "Salamat, Mark. Mabuti na lang at nariyan ka.

      "Aayusin ko lang po nang higa si Joan at aalis na din po ako."

      "No!" pigil ng matanda kay Mark. "Dito ka na matulog nakahanda naman ang guessroom para sayo incase sa mga ganitong pagkakataon.

     "Salamat po, tito. Magpahinga na din po kayo." aniya, habang inaalis ang sapatos ni Joan sa paa.

      "Ikaw din, alam kong pagod ka na rin, nasa pangalawang pinto ang guessroom, may mga gamit na rin na nakalaan para sa iyo. naroon na lahat nang kailangan mo." Saad nito.

     "Salamat po tito, goodnight po!" nakangiting wika niya dito.

     "Same to you, hijo." at ngumiti ito sa kanya at lumabas na sila ng silid ni Joan.

    Agad siyang sa kuwarto na binanggit at nagpahinga na muna bago mag shower.

       "I wonder, bakit di pa nagti-text si "mysterious summer" sa akin?" Ngunit natigilan siya sa isiping iyon. "Wait a minute, bakit ba ako naghihintay." Kaya binitawan niya ang cellphone at ipinatong sa side table ng kama, tumayo na siya para maghanda upang maligo. tinignan niya ang mga gamit na sinasabi ng kaniyang tito Ronald. gulat at mangha ang bumakas sa kanyang mukha. 

      "Wow! he really did ready all of this, kahit hindi na pala ako magdala nang mga damit dito. kumpleto na, simula sa mga personal hygene at underwears even cloths are already here." naiiling na lang siya at nag simula na siyang maghubad at maligo.

            Wala pang sampung minuto ay natapos na siya. Sanay siya na naka boxers lang kung matulog, kaya pag tapos niyang magsuot ay nahiga na siya sa kama. kinuha niya ang cellphone at nakita niyang may message ito,nagmamadali niyang binuksan ito at napangiti siya ng mabasa ang mensahe. he really don't know pero, saya ang naramdaman niya ng mabasa ito.

       "Mark, you always makes my day happy, stay as you are," ito ang nakasaad sa mensahe.

        Iyon lang ang mensahe pero sobra siyang natuwa. 

       "I really did make her happy?" Kunot noong tanong niya sa sarili. dahil inaantok na inilapag na lang niya ulit ang cp sa side table at natulog na. 

       "Ano naman kaya ang mababasa ko bukas?" Sabik niyang wika sa sarili at ipinikit na niya ang mata. bakas sa mukha niya ang saya dahil habang nakapikit ay makikita sa mga labi niya ang ngiti.

       "Goodnight, my sweet summer." Aniya, at tuluyan na siyang nakatulog.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status