Kabanata 1

Mga di mapakaling yapak ang kanyang unang narinig sa muling pagbabalik ng kanyang malay. Nakaramdam siya ng takot dahil sa pagkakaalam niya siya lang ang nakatira sa inuupuhan niyang kwarto at malabong sa kanyang kapatid iyon dahil nasa dorm ng eskwelahan ito nakatira. Kaya kahit na napakasarap ng kanyang tulog ay napilitan nalang siyang imulat ang kaniyang mga mata upang malaman kung sino ang mga taong umiistorbo sa kanyang pagtulog. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at tumambad sa kanya ang puting kisame na nakapagpakunot sa kanyang noo.

"Nasaan ba ako?" naguguluhang tanong niya sa kanyang sarili at agad na sinuri ang kabuuan ng kwartong kinalalagyan niya. Sa paglilibot ng kanyang mga mata ay napagawi ito sa isang babaeng nakatalikod sa kanya, ito ay nakasuot ng puti at animo'y abala sa pagsusulat sa isang papel. Siguro ay dahil nakatalikod ang babae at dagdagan pa na abala ito sa pagsusulat ay hindi nito napansin na gising siya.

Akma sana niyang kukublitin ang babae upang itanong kung nasaan siya nang napahinto siya at napatingin sa kanyang kamay.

"Bakit parang lumiit ang kamay ko at bakit parang kuminis ang balat ko?" tanong niya sa kanyang isip habang sinusuring mabuti ang kanyang kamay.

Habang abala siya sa pagsusuri sa kanyang kamay ay di inaasahang humarap sa kanya ang babaeng nakaputi at bakas sa mukha ng babae na nagulat ito ngunit agad naman itong napalitan ng tuwa.

"Mrs., gising na po kayo?" ang masayang tanong ng babaeng nakaputi. Nais niya sanang bigwasan ang babae dahil sa katangahan nito sa pagtatanong ngunit hindi niya magawa dahil sa salitang narinig niya.

"M...mrs?" may halong inis ang kanyang tono sa pagtatanong sa babae dahil sa tanang buhay niya ay ngayon palang may nagtangkang tawagin siyang misis, sa gwapo ba niya naman pagkamalan siyang babae ngunit di parin maikukubli ang pagkautal niya.

"May problema po ba Mrs. Castro?" nag-aalalang tanong ng babae.

Dahil sa sinabi ng babae ay mas lalong nag-init ang kanyang ulo, napagkamalan ata siyang ibang tao nito. Nakakasiguro siya na hindi siya ang Mrs. Castro na tinutukoy ng babae dahil una sa lahat isa siyang lalaki, pangangatawan palang niya sumisigaw na ito na purong lalaki siya at pangalawa hindi Castro ang apelyido niya kundi Diano, napakalaking kaibahan sa spelling ng dalawang apelyido at mas lalong magkaiba ang letrang D sa C.

Hindi niya maitago ang inis sa babaeng kausap niya ngayon at upang maiwasang basagin niya ang pagmumukha ng babae dahil sa katangahan nito, ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata at iniyuko ang kanyang ulo upang sa ganun ay mawala kahit papaano ang inis niya.

"Ayos lang po ba kayo? Tatawagin ko lang po muna ang doktor." Nag-aalalang saad ng babae at dali-daling lumabas ng kwarto.

Dahil sa sinabi ng babae ay lubos siyang natuwa, salamat naman at may makakausap na akong matino mamaya.

Sa kanyang pagmamasid ay nalaman niyang nasa hospital pala siya. Pilit niyang inalala kung bakit napunta siya sa dito at lubos siyang nanlumo nang maalalang nasagasaan pala siya.

Napabuntong hininga siya nang malalamin at unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata, dahil sa nakayuko siya ay kitang-kita niya ang kanyang dibdib at lubos siyang nagulat sa kanyang nakita dahil may dalawa itong umbok, kung babae sana siya ay matutuwa pa siya sa kanyang nakikita ngunit isa siyang lalaki at ang mga lalaki ay hindi dapat nagkakaroon ng dalawang hinaharap. Ang dapat lang na meron ang mga lalaki ay ang kanilang junior. Napalunok naman siya dahil sa kanyang naisip at napatingin sa bandang ibaba niya.

Dahan-dahan niyang ibinaba ang kumot na nasa kanyang katawan at ipinikit ang kanyang mga mata na animo'y inihahanda ang kanyang sarili sa kanyang makikita.

Nang buksan niya ang kanyang mga mata ay halos takasan na siya ng ulirat sa kanyang nakita, ang pinakamamahal niyang junior, ang yaman ng kanyang pamilya ay wala na. Anong ginawa nila saakin bakit ako naging babae? Napaluha siya sa kanyang nakita at wala sa loob na itinakob ang kumot sa kanyang katawan.

Habang nagluluksa siya sa kanyang kalagayan ay biglang pumasok ang babae na kausap niya kanina at sa tingin niya ay isa itong nurse, kasunod naman niya ang isang lalaki na sa tingin niya naman ay ang doktor dahil sa suot nitong lab gown.

Nang makita ng dalawa ang pag-iyak ni Mrs. Castro ay naawa sila sa babae.

"May problema ba?" sabi ng doktor kay Mrs. Castro dahil hindi na nito kayang makita ang babaeng umiiyak. Sa tingin niya kasi hindi bagay kay Mrs. Castro ang umiyak dahil sa taglay nitong kagandahan.

"Salamin, may salamin ba kayo?" ang tanong ni Mrs. Castro sa pagitan ng kanyang mga hikbi na lubhang ikinagulat ng doktor at nurse dahil ang akala nila ay umiiyak si Mrs. Castro dahil sa may masakit sakanya, hindi nila inakalang iiyak ito dahil lamang sa isang salamin.

"M...min kumuha ka ng salamin." Nauutal na utos ng doktor sa kanyang nurse. Dali-dali namang naghanap si Min ng salamin at ilang sandali pa ay iniabot niya na ito kay Mrs. Castro.

Seryosong tinignan ni Mrs. Castro ang kanyang repleksyon sa salamin at ilang minuto ding katahimikan ang namayani sa kwarto. At dahil hindi sanay ang nurse na si Min sa katahimikan ay binasag na niya ito.

"Mrs. Castro wala po kayong dapat ipag-alala sa mukha niyo dahil kahit po nabangga po kayo ng isang sasakyan ay galos lamang sa braso ang natamo niyo at hindi po nadamay ang mukha niyo. Maganda pa rin po kayo." Ang masayang saad ni Min sabay thumbs-up pa kay Mrs. Castro.

Ngunit imbes na matuwa si Mrs. Castro ay mas lalo pa itong umiyak. Nagkatinginan naman ang doktor at nurse sa isa't-isa dahil sa inasta ni Mrs. Castro.

"Ang mabuti pa tawagan natin si Mr. Castro." Napabuntong hininga na sabi ng doktor kay Min.

"Mabuti pa nga dok." Pagsang-ayon naman ni Min.

Lumabas ang dalawa na may pagtataka sa kanilang mukha hindi kasi nila mawari kung nag iinarte lang ba si Mrs. Castro o nabaliw na ba ito ng tuluyan dahil sa pagkakabagok ng ulo nito sa cemento nang mabangga ito ng sasakyan.

"Min magsagawa ka ng ilang check-ups kay Mrs. Castro alamin mo kung may problema sakanya. Tatawagan ko lang muna si Mr. Castro." Sabi ng doktor na hindi na hinintay ang sagot ni Min at dumiretso na sa kanyang opisina.

Sakabilang dako naman ay may isang babae na hindi maialis ang paningin sa salamin. Wari'y sinusuri nitong mabuti ang mukhang nakikita niya sa salamin.

Maya-maya pa'y napasabunot ito sa kanyang sarili. Kitang-kita sa mga mata nito ngayon ang galit, kalungkutan, takot at ilan pang mga emosyon.

Nais niyang magwala kanina sa sinabi ng doktor at nurse dahil sa kanyang narinig na puro nalang Mrs. Castro ng Mrs. Castro. Hindi siya si Mrs. Castro siya si Angelo Ian Diano isa sa pinakagwapong lalaki sa buong mundo ngunit sa hindi malamang kadahilanan ay naging babae o pede din namang sabihing nasa katawan ng isang babae na siya ngayon.

Napahinto siya sa pagsasabunot ng kanyang sarili ng may maalalang isang salita.

"Mrs." Agad nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa natuklasan. Hindi "Ms." kundi "Mrs." ibig sabihin kasal na ang babaeng ito. Nasapo niya ang kanyang ulo gusto niyang magwala at sabunutan ang kanyang sarili dahil ngayon lang niya naisip na may asawa na ang katawang napasukan niya.

Ang tanga mo Ian, kaya ka namatay ng maaga dahil sa katangahan mo. Pinagsasampal niya ang kanyang sarili, habang nasaganuong sitwasyon siya ay bigla nalang bumukas ang pinto ng kanyang kwarto at lumuwa dito ang isang hinihingal na lalaki.

Napatingin siya sa lalaki at hindi niya mapigilang hindi kabahan.

Related chapters

DMCA.com Protection Status