Share

Chapter 3

PATAPOS na ang pag-aayos sa akin nang pumasok sa dressing room si Jackson—my co-artist in T. R. Entertainment.

At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit mainit ang dugo niya sa akin. Para siyang si Gab.

“Kumusta?” ang bati nito at naupo sa tabi ko. Pasimpleng inaayos ang buhok sa harap ng salamin.

“Ayos lang.”

“Galingan natin mamaya sa show,” ang sabi niya at naupo pakaliwa para ibigay sa akin ang buong atensiyon.

“Tapos na po,” ang singit ng make-up artist kaya agad kong sinenyasan na maari na itong umalis.

Hinintay ko lang na maisara nito ang pinto at saka ko hinarap si Jackson. “Ano na naman ang trip mo?”

“Wala, gusto lang kitang kausapin.” Habang may ngiting nakakaloko.

“’Wag na tayong maglokohan… anong kailangan mo?” Hindi ko gusto ang pinapakita niyang ngiti.

Umismid siya at kalaunan ay natawa. “Narinig ko lang kanina sa mga staff na balak ka nilang pakantahin.”

Agad ko siyang tinignan nang masama. “Plano mo ba ‘to? Ang pahiyain ako?”

Nagkibit-balikat lang siya, pagkatapos ay tumayo. Lumapit sa akin at bumulong sa tenga ko, “Natutuwa kasi ako ‘pag nakikita kang ganyan,” sabay turo sa mukha ko. “’Yong ganyang mukha… ‘yong nakangiti kahit asar na asar na. Nakaka-frustrate, ‘no?”

Napa-ismid ako sa sinabi niya. “Sorry to say, pero walang epek sa ‘kin ‘yan. Kahit anong gawin mo… hindi mo makukuha ang satisfaction na hinahanap mo,” pagkatapos ay tinignan ko siya sa mata. “Alam mo ‘yong madalas sabihin ng iba? ‘yong ‘mamatay ka sa inggit’.”

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at lumabas na sa dressing room bago pa siya maka-isip ng pang-counter attact sa sinabi ko.

I sigh after I closed the door. Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung anong naging mali… we used to be friends. Naging close kami during the singing competition.

Akala ko ‘no hard feelings’ para sa kanya ang lahat… 

Pero akala ko lang pala.

Dahil ba ako ang nanalo? O dahil ako ang unang nakatanggap ng offer sa T. R. Entertainment… ang pangarap niyang kompanya.

Ilang beses ko siyang sinubukang kausapin pero talagang nag-iba na. Kahit noong makapasok na siya sa kompanya ay wala pa ring nangyari. Hindi na siya tulad ng dati.

Siguro dahil talagang may mga bagay na hindi na maibabalik… kahit ilang beses pang subukan.

Huminga ako ng malalim at saka lumabas sa dressing room para magtungo sa studio. Naghihintay na ang iba para sa cue ng director para sa tv show.

Hindi nagtagal ay nangyari na nga ang isa sa mga bagay na iniiwasan ko. Pinapuwesto ako sa gitna at pinakanta sa harap ng mga audience.

Hindi maiwasang manlamig ang kamay at buong katawan pero hindi ko pinahalata. Lalong-lalo na sa harap ng mapanuring mata ni Jackson.

[Kung Puwede by Aaron]

"Paano mapadadama sa 'yo kung hindi naman ito ang nais

Sa 'yong mga mata ano nga ba'ng dapat?

Nahihirapan na sa t'wing nakikita ang 'yong luhang pumapatak

Puwede bang sa 'kin mo na lang ibaling ang lahat..."

Nagiging raspy na ang boses ko. Kaya ipinikit ko na lang ang mga mata para makapag-focus at maituwid ng mabuti ang pagkanta.

"Heto ako, lagi sa 'yong tabi't handang gawin ang lahat

Ngunit huli nang lahat, dahil ika'y hawak na ng iba..."

“Hindi ko na tatapusin at baka humaba pa ang oras,” sabi ko sa host.

“Of course, palakpakan naman natin si Aaron,” ang tugon nito at udyok sa mga audience na nanunuod.

Ngumiti naman ako sa lahat at lalong-lalo na kay Jackson… at hindi naman ako nabigo dahil bahagya kong napansin ang pag-igting ng panga niya.

Bingo! Akala mo, makakaisa ka sa akin ngayon? Asa ka boy!

Kahit ikamatay ko pa, hindi ko hahayaan manalo ka sa akin.

At matapos ang guesting naming sa tv show ay agad akong pinuntahan ni Gab.

“Ayos ka lang?” ang tanong nito. "Ilang beses kong sinabi na 'wag kang pakantahin!"

Nagkunwari akong nagulat sa sinabi niya. “Did I hear it wrong… or talagang nag-aalala ka sa ‘kin?”

“Gag*, natural Manager mo ako,” ang tugon niya at bahagyang t-in-ap ang likod ko. “Pumasok ka muna sa loob ng van… dito lang muna ako sa labas. Tawagin mo na lang ako kapag tapos ka nang umiyak.”

I raised my middle finger. Magbibiro lang napaka-sira*lo pa.

Pero sinunod ko naman at pumasok sa van… in-adjust ang upuan para makahiga nang kaunti at saka pumikit. Kailangan ko lang ng ilang sandali.

Dito ako nag-umpisa… sa pagkanta.

Ito ang nagbigay sa akin ng daan para makapasok sa entertainment industry.

Sobrang mahal na mahal ko ang pagkanta... pero hindi man lang ito nagtagal sa akin.

Hinawakan ko ang leeg… matagal ng nawala ang sugat pero nananatili pa rin ang sakit.

Dahil sa sugat na natamo noon ay hindi ko na kaya pang kumanta tulad ng dati.

At hanggang ngayon ay tandang-tanda ko pa ang araw na muntik ng mawala sa akin si Mama… kung hindi ako kumilos agad.

Isa mang bangungot ang nangyari ay hindi ako nagsisising niligtas ko si Mama. Na siya ang una kong inisip kaysa sa sariling buhay.

Paulit-ulit mang pinapaalala sa akin ang lahat ay hindi ko hahayaang magtagumpay ang tulad ni Jackson. Hinding-hindi ako magpapakita ng kahinaan sa harap niya at sa katulad niya.

Huminga ako ng malalim. Hinayaang ibuhos lahat ng sakit na nararamdaman.

Nang bumuti na ang pakiramdam ay saka ko lang dinilat ang mga mata. Pinunasan ang luhang pumatak sa mukha.

Kung pwede nga lang burahin sa alaala ang pangyayaring iyon ay matagal ko ng ginawa. Para hindi na ako nagkakaganito.

Isinuklay ko ang kamay sa buhok saka binuksan ang pinto ng van. Hinanap sa paligid si Gab.

"Oh, ano? Okay na?" ang tanong niya.

"Inom tayo?"

Tumitig siya ilang sandali. "Tara, nauuhaw na rin ako."

Napangisi ako.

"Tubig lang sa 'yo."

"Ang KJ!" reklamo ko.

"Kung hindi kaya, 'wag magkunwari. Pwede kang magpakatotoo sa 'kin. Nandito lang ako, hindi lang basta Manager kundi kaibigan din."

Kumurap ako at ilang sandali ay napangiti. "Kaya ko... kasi nand'yan ka naman." At saka siya inakbayan.

Mabuti na lang at nandito siya kasama ko. Nawala man si Jackson... may pumalit namang mas higit at maaasahan.

***<[°o°]>***

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status