PAGKABABA sa kotse ay si Gab agad ang bumungad sa akin. Halatang galit na galit at gusto na akong saktan.
Tinignan ko ang oras sa suot na relo. “Hindi ako late,” ang sabi ko sa kanya.
“Tang*na mo!” isang malutong na mura ang sinagot niya sa akin. Buti na lang at pabulong niya iyong sinabi dahil baka marinig siya ng staff na nasa paligid.
“Bakit na naman?!” ang reklamo mo.
Hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko na kulang na lang ay baliin. “Ngumiti ka,” ang utos niya sa akin.
Kahit gustong-gusto ko ng mapaaray sa sakit ng pagkakahawak niya ay sumunod ako. “Masakit, gag*!” ang pabulong kong reklamo. Gusto nang tanggalin ang kamay niya.
“’Di ba sabi ko sa ‘yo ‘wag mo munang puntahan ‘yang babae mo… putulan kita ng ano r’yan, eh, makita mo.”
“May pangalan siya.”
“Wala akong pakialam kung may pangalan man siya o wala. Babae mo naman ‘yan kaya wala akong paki. Ang akin lang baka may makakita sa ‘yong paparazzi.”
“Wala naman, eh, at saka maingat ako. Walang makakahuli sa ‘kin.”
“Dapat lang dahil mapapatay muna kita bago may makahuli sa ‘yong paparazzi,” ang pagbabanta niya sa akin na lagi ko namang hindi siniseryoso. Palagi naman siyang nagbabanta sa akin pero hindi naman magawa-gawa.
“Oo na, oo na… tapos ka na? Kasi magpapa-ayos pa ako sa make-up artist.”
Ngiting-ngiti si Gab sa akin kaya agad akong kinilabutan. Iba ang hatid na kilabot sa akin ng ngiti niya… may hatid na kamatayan.
Napa-sign of the cross tuloy ako nang makalayo sa kanya.
Akala ko ay hanggang doon lang ang kilabot na mararanasan pero nagkamali ako. Dahil kahit inaayusan na ako ng make-up artist ay napapansin ko naman sa reflection ng salamin ang mga titig ni Gab. Nandoon pa rin iyong ngiti niya. Na may kasama pang bulong, “Ang kati ng kamay ko ngayong araw.”
“Po?” ang tanong naman ng make-up artist na nag-aayos sa akin.
“Wala, bigla kasing nangati ang kamay ko… parang may gustong saktan.”
Nakita ko sa reflection ng salamin na naguluhan iyong make-up artist.
“Ituloy mo na ‘yang ginagawa mo,” ang utos ko—baka bigla na lang akong bumulagta kapag nagtagal pa ako rito kasama si Gab.
NAKAPUWESTO na ako at pati ang partner para sa scene na ito. Hinihintay na lang namin ang cue ng director.
“Nakahanda na ba ‘yang pisngi mo?” ang tanong ni Kim—co-artist at ang ka-loveteam ko sa dramang ginagawa namin.
“Siyempre hindi, sinong tao ang gustong masampal?” ang sagot ko.
“Dapat kasi nagkontra-bida ka para ikaw ‘yong nananakit,” ang komento niya.
“Nagsalita ang babaeng laging papel sa drama ay kawawa.”
“Ako na kaya ang sumampal sa ‘yo sa halip na si Jessa.”
Inismiran ko lang siya at hindi na pinansin.
“Wow! Salamat, ah… hindi ko alam kung bakit kita naging kaibigan ng ilang taon.”
“I love you, Kim,” ang komento ko na lang.
“Yuck! Nakakasuka.”
Tinawanan ko na lang ang reaksiyon niya sa sinabi ko.
“Kim, Aaron, handa na ba kayo?” ang tanong ng staff na lumapit sa amin.
Tumango lang kaming dalawa bilang sagot at naghanda na.
“Okay, ulitin ko lang ang scene niyo ngayon… kumakain kayo ng biglang dumating si Jessa at susugurin ka Kim.”
“Okay,” ang sagot ni Kim habang nakatingin sa script.
“Tapos aawatin mo naman si Jessa—" sabay tingin sa akin. "At sasampalin ka pagkatapos… nakausap ko na si Jessa sa scene na ito. Kailangan niyo itong ma-perfect para hindi ka masampal ng paulit-ulit.”
Tumango naman ako kahit gusto kong sabihin na ‘nobody’s perfect’.
“Sige, akin na ang mga script niyo at magsisimula na raw sabi ni Direk.” Umalis din siya matapos makuha ang script.
Ilang beses kong hinimas ang mukha para ihanda sa sampal mamaya.
“Okay! Humanda na ang lahat…” ang sigaw ng director. “In 3…2…1…action!”
PASAKAY na kami sa elevator nang mag-ring ang cellphone ni Gab. Agad kong nakita ang pangalan ng isang babae na naka-registered sa caller ID.
“Mauna ka na sa taas… sasagutin ko lang ‘to,” ang utos niya sa akin.
Siguradong isa na naman iyon sa mga fling na tinataguan niya.
Pagkarating sa tamang floor ay agad akong nagtanong sa secretary ni Mr. Ben—ang CEO ng T. R. Entertainment Company.
“Nasa loob ba si Mr. Ben?”
“Lumabas lang po sandali, pero ang bilin sa akin ay papasukin ka raw agad sa loob,” ang sagot naman nito.
Tumango lang ako at nagtuloy-tuloy na sa loob ng office. Medyo natigilan pa ako nang makita ang anak ni Mr. Ben.
“Nandito ka pala,” ang bati ko sa kanya agad.
“Hello…”
Tumaas ang kilay ko ng akalang may sasabihin pa siya. “Ngayon na lang ulit kita nakita after…”—ilang months na nga ba? Hindi ko na matandaan.
“7 months, 12 days and 4—“
Bigla akong natawa. “Grabe, tinandaan mo talaga?”
Bahagya siyang tumalikod sa akin… marahil nahihiya.
“Hinihintay mo si Daddy?” ang pag-iiba niya ng usapan.
Umupo ako malapit sa tabi niya at agad napansin ang balikat niyang naninigas.
Naalala ko tuloy noong huli kaming nagkita.
Inamin niyang crush niya ko. Grabe ang itsura niya noon… parang paiyak na.
Hindi ko tuloy alam ang gagawin… maraming beses ng may nag-confess sa akin. Pero bukod tanging siya lang ang nag-confess at pagkatapos ay umiyak.
Mabuti na lang at hindi nagtanong si Mr. Ben matapos niyang makitang umiiyak ang anak… baka wala akong maisagot kapag talagang nagtanong ito.
“Hanggang ngayon ba crush mo pa rin ako?” ang tanong ko pabalik.
“Hala!” ang tangi niya lang nasagot at agad yumuko.
Natawa tuloy ako ng malakas. “Ang cute-cute mo talaga kapag nahihiya,” ang komento ko pa.
“Kaya ayokong magpunta rito, eh! Tutuksuhin mo lang uli ako."
“Eh, ba’t ka kasi nag-confess? Alam mo namang tutuksuhin talaga kita.”
Tinignan niya ako ng masama. “Crush lang naman, eh… at saka pawala na rin ‘to. Baka sa susunod nating kita ‘di na kita crush,” ang tugon niya.
“Huwaw! Lupet, ah,” ang nasabi ko na lang at pagkatapos ay niyakap siya. “Na-miss kita,” ang bulong ko.
Yumakap din siya pabalik sa akin. “Ako rin.”
“Ikaw kasi, eh… dapat hindi ka nagkakagusto sa akin… ‘yan tuloy hindi mo ako nakita ng ilang buwan.”
“At kasalanan ko pa? ikaw kaya ‘tong masiyadong pa-fall.”
Tinignan ko ang mukha niya. “O, ba’t naging kasalanan ko? Kapatid lang kaya tingin ko sa ‘yo… ‘yun pala may pagnanasa ka na sa ‘kin.”
Bigla niyang hinampas ng ilang beses ang balikat ko. “Ang kapal mo! Hindi ka naman gwapo!”
“O, ba’t ikaw? Maganda ka ba?” balik asar ko sa kanya.
“Sabi mo kaya kanina ang cute ko!”
“Magkaiba ‘yun—” bigla niya akong tinulak… naku, mukhang nagtampo na talaga.
Ilang sandali kaming natahimik bago ako nag-decide na kausapin siya ulit. “Balita ko ay mag-o-on-the-job training ka na this month?”
Magsasalita pa sana ako dahil mukhang wala siyang balak kausapin ako nang ilang sandali lang ay sumagot siya, “Yup, this month na… sana lang maging maganda ang experience ko.”
“Sigurado ‘yan… ikaw pa.” Sabay gulo sa buhok niya.
Dahil siya iyong batang nakilala ko ten years ago na laging positibo ang tingin sa buhay… kahit sobrang toxic na ng mundo.
***<[°o°]>***
[Thalia’s Pov] UNANG HAKBANG, hingang malalim. Pangalawang hakbang, humigpit ang hawak ko sa bulaklak at sa pangatlo ay halos tumulo na ang luha ko. Ganito pala ang feeling kapag naglalakad na sa aisle tapos nasa dulo ang taong minamahal mo, naghihintay. Marami ang nakatingin sa akin pero nasa kanya lang ang atensiyon, hindi inaalis ang tingin kay Aaron. Nang nasa tapat na niya ako ay hinarap ko si Daddy na kanina pa iyak nang iyak. Kailan ko nga unang nakitang umiyak si Daddy? Ah, no’ng nalaman niyang buntis ako sa kambal. Umiyak siya dahil hindi niya akalaing maaga siyang magkakaroon ng apo. Pareho silang umiyak ni Mommy no’ng time na iyon. Ramdam na ramdam ko ang init nang yakap niya. “Masaya ako para sa ‘yo Thalia.” “Thank you Dad.” Pagkatapos ay hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko saka pinasa kay Aaron. “Ilang beses ko nang sinabi ‘to, pero nagpapasalamat ako kasi ikaw ang magiging katuwang ni Thalia.
MAHIGPIT na yakap ang natanggap ko matapos yakapin ni Noreen si Thalia. Nang matapos kasi kaming mag-usap ay lumipat kami sa office ni Mr. Ben at sandali niyang kinausap si Thalia o tamang sabihin na humingi ng tawad.“So, pa’no, kailangan ko nang umalis bago pa bumalik ang mga employee from lunch,” aniya.“Mag-iingat ka.”“Thank you, and congratulations—“ humugot muna siya nang malalim na hininga. “Sa kasal mo,” ang pigil hininga niyang patuloy. “Sorry, medyo mahirap pa rin kasing tanggapin na ikakasal ka na sa i—ba.” At bahagyang napatingin kay Thalia.Pero sa halip na mailang ay muli lang yumakap si Thalia sa kanya. “Sorry talaga Ate Noreen.”“Okay lang, matatanggap ko rin paunti-unti saka alam ko namang nasa mabuting kamay si Aaron, sasaya siya nang sobra sa ‘yo,” bahagya siyang lumayo kay Thalia. “Sige, aalis na ‘ko, maraming
ISANG LINGGO ang nakalipas at halos hindi na ako gaanong pinag-uusapan ng lahat. Nakakalabas na ako kasama si Thalia at ang mga bata. Paminsan-minsan ay pinagtitinginan pero hindi ko na iyon pinapansin. Ang mahalaga ay nakakasama ko na sila na walang inaalala na baka may makakita. Sa trabaho naman ay medyo nabawasan ang mga project dahil sa issue pero ayos lang, sulit naman dahil kapag free time ay agad akong pumupunta sa mga bata para makipaglaro. Sana pala ay matagal ko nang inamin sa publiko ito para hindi nasasayang ang mga oras na pwede ko pala silang makasama nang hindi nagtatago. Hawak sa magkabilang kamay sina Theo at Timothy ay pinuntahan namin si Thalia. Gusto kasi ng dalawa na makasamang mag-lunch ang ina. Dahil sa trabaho ay hindi na sila nagkakasamang mananghalian at namimiss na nila ito. “Maghintay na lang muna tayo sa office ni Lolo habang wala pang-LUNCH break, ‘kay?” ang sabi ko sa kanila habang nasa elevator. Pero mabilis ang
PARANG BULA na nakalimutan ng mga tao ang pag-alis ni Noreen sa showbiz at napalitan ng panibagong nakakagulat na balita. Sa loob lang ng ilang oras matapos kong sabihin sa buong mundo na may relasiyon kami ni Thalia at may mga anak kami ay nag-trending agad ako. Nag-top rin sa most search celebrities at pati pangalan ni Thalia ay most search rin. Ang daming curious kung paano nangyaring naging kami ng ganoon katagal ng hindi alam ng publiko. Sa pagsikat ng araw ay dumagsa pang lalo ang mga reporter sa labas ng subdivision. Nahirapan ngang makalusot si Gab kahit sobrang aga niyang nagpunta. “Coffee lang ang ma-i-o-offer ko,” ang sabi ko sa kanya sabay lapag ng kape sa table dahil kagigising rin lang ng mga katulong. “Kalmado ka ata ngayon? Ibang-iba sa labas bago ako makarating rito. Halos dumugin ang kotse ko para makakuha ng interview.” “Ewan ko ba, gan’to siguro talaga kapag walang inililihim,” ang tugon ko at hindi maawat ang sarili sa pag
KAUNTING gasgas sa kamay at tuhod ang tinamo ni Thalia matapos ko siyang maitayo. Walang tigil rin ang pasasalamat ko sa driver ng kotse na mabilis nakapreno. Kung hindi lang naging mabilis ang reflexes nito ay hindi ko na alam ang gagawin. Maingat kong inalalayan papunta sa tabi ng kalsada si Thalia na hanggang ngayon ay tulala pa rin. Sobra siyang na-shock kaya niyakap ko siya nang mahigpit. “Okay lang, 'wag ka ng matakot. Nandito na ako,” ang bulong. Hindi ko na alintana ang mga matang nakatingin sa amin. Tanging si Thalia lang ang inaalala ko. Pero parang mahirap hindi pansinin ang mga taong nakapalibot lalo na sa mga kumukuha sa amin ng walang paalam. “Please! Kunting respeto naman, ‘wag niyo kaming kunan!” ang sigaw ko habang pilit tinatakpan ang ulo ni Thalia para hindi makunan. Hanggang sa bigla ko na lang narinig ang boses ni Mr. Ben, “Aaron, anong nangyari?” mabilis itong nakalapit sa amin at tiningnan si Thalia na mabilis umiyak nang makita ang ama
MATAPOS ang pag-uusap namin ni Gab sa cellphone ay si Thalia naman ang sunod na tumawag. Puno ng pag-aalala ang boses niya at sa tingin ko ay naiiyak siya kahit hindi ko naman nakikita. Garalgal at sumisinghot-singhot na kasi siya.“I’m must be there with you.”“Mas lalo lang akong mahihirapan kung nandito ka dahil si Mama pa lang ay hirap na ako. Iyak nang iyak, ‘di ko nga alam kung nakatulog na nga ba ‘yun sa kwarto,” ang sagot ko.“Natatakot ako para sa ‘yo Aaron. What if dito ka muna sa bahay? Mas secured rito, isaman mo na rin si Tita at mga katulong niyo sa bahay.”“May nagbabantay na sa amin ditong pulis kaya ayos lang talaga, ang mga bata?”“Natutulog na, mabuti na nga lang at tulog na ang mga ito nang ibalita sa TV ang nangyari, kundi ay magpupumilit ang mga ‘yun na puntahan ka.”Mariin akong napapikit nang sumagi sa isip ko sina Theo at Timoth