Chapter 8

BIGLA akong napabangon nang makaramdam ang sakit sa likod. Agad kong nilingon kung sino mang walangh*yang sumuntok sa akin.

"Tang—"

"Oo! Ina mo rin!"

"Anong problema mo?!" ang tanong ko sa kanya.

Kinuha niya ang unan sa tabi at hinampas sa ulo ko. "Hindi ka nagtatanda!" hampas ulit. "May nakakita sa 'yo kagabi!" hampas ulit pero this time sinalag ko na.

Nag-agawan pa kami ng subukan kong kunin sa kanya ang hawak.

"Ano ba! Ang sakit-sakit na!" ang reklamo ko at nagawang maagaw ang unan at mabilis na hinagis sa labas ng bintana. Wala sanang matamaang tao sa ibaba.

Napatalikod si Gab sa akin at may kung ano-anong binubulong sa sarili. Tumitingala pa at parang nagdadasal.

Bahagya akong lumapit para marinig siya pero agad ring napaatras nang marinig ang binubulong.

"Pumangit sana siya, umitim at bumaho, para iwan siya."

Wow! At talagang nagawa pa akong isumpa. Hindi ko na lang siya pinansin at muling nahiga. 4 a.m. na ako nakauwi galing kay Noreen at talagang inaantok pa ako.

"Gusto ko pang matulog kaya 'wag ka munang magulo."

"Aaron..."

Napatingin ako sa kanya. Malumanay at walang halong galit ang tono ng boses niya.

"You're the most obedient person I know, pero hindi ko na alam kung bakit ka nagkakaganito. Ayokong manisi pero simula nang makita mo uli 'yang babaeng 'yan, nag-iba lahat."

"Girlfriend ko siya."

"Alam ko, so anong gusto mong mangyari? Malaman ng publiko na may non-showbiz girlfriend ka? Tapos ano?..."

Napabuntong-hininga ako. Biglang nawala ang antok sa mga sinasabi niya.

"Ikaw na ang nagsabi na nahirapan kang ligawan siya dahil masiyadong magulo ang mundo mo at hindi siya sanay sa patagong relasiyon."

Bumangon ako at marahas na nagkamot sa likod ng tenga. Nag-uumpisa na akong mairita. "Alam ko naman 'yon... kaya nga lagi akong nag-iingat kapag nakikipagkita sa kanya."

"Hanggang kailan? Eh, muntik ka na nga kagabi? Alam ba 'yan ni Noreen? Sinabi mo ba sa kanya na may sumusunod sa 'yo kagabi?"

"Hindi niya kailangang malaman."

Namewang siya sa harap ko—ibig sabihin ay nag-uumpisa na uling maubos ang pasensiya niya.

"At bakit hindi? Involved siya rito! Sige nga, pa'no kung sa susunod may makaalam na talaga at bigla na lang siyang puntahan sa apartment—"

"I'll make sure that it'll never happen."

"Hoy!" pinitik niya ang daliri sa harap ko. "Hindi sa lahat ng oras alam mo ang nangyayari at mangyayari pa lang sa kanya. Kaya gumising ka r'yan sa kahibangan mo. Kung gusto mo siyang protektahan sa mga psychotic na paparazzi, bawas-bawasan mo 'yang katigasan ng ulo mo at sundin mo 'ko."

Hindi ko na nakuhang makipagtalo. May punto naman siya. Pero mas priority ko pa rin si Noreen kahit anong mangyari.

PAGBABA sa van ay agad kaming sinalubong ng isang staff. Kinausap nito si Gab habang papunta kami sa dressing room.

Pinag-uusapan ang guesting ko ngayon sa TV show. Pinapaalam ang mga dapat gawin at sabihin sa harap ng camera.

Bumabagal ang lakad nila kaya nauna na lang ako. Sasabihin din naman mamaya ni Gab kung anong pinag-usapan nila.

"Aayusan ko na po kayo," ang sabi ng make-up artist na lumapit matapos kung maupo sa harap ng salamin.

Tumango ako. "May dark spot ako rito," sabay turo sa mukha. "Paki-takpan na lang."

"Sige po," at sinimulan na akong lagyan ng foundation. "Stress po siguro kayo lately," ang komento nito.

"Siguro nga," ang sagot ko at pumikit. Nagising akong inaayusan na ang buhok ko.

"Patapos na po ako," ang sabi ng make-up artist ng makitang dilat na ako.

Lumingon ako sa likod at napansin na wala pa rin si Gab. "Nasa'n si Manager Gab?"

"Hindi ko po alam, hindi siya pumasok dito."

Sumenyas ako sa kanyang umalis. "Sige, tama na 'yan. Salamat sa pag-aayos." At tumayo para hanapin si Gab sa labas.

Malapit nang mag-umpisa ang TV show pero missing-in-action siya.

Pagliko ay nakita ko siyang may kausap sa cellphone.

"Gab, kanina pa kita hinahanap." At lumapit sa kanya.

Sinamaan niya ako ng tingin saka binulsa ang cellphone. "Kasalanan mo lahat ng 'to."

Tumaas ang kilay ko—clueless sa sinasabi niya.

"Bakit, anong nangyari?"

"May nangulit na paparazzi kanina. Tinatanong mga personal issues mo."

"Tapos?"

"Tapos!" singhal niya. "Wala akong sinagot kahit isa sa mga tanong niya."

Siyempre! Si Gab pa... kahit ata maputulan ng dila ay hindi ito magsasalita.

"Tara na, mag-uumpisa na ang show," ang sabi ko at saka bumulong, "Wala naman pa lang problema."

"Wala! Kasi ginawan ko na ng paraan," at saka lumapit sa mukha ko at may binulong, "Gag* ka, pinapahirapan mo talaga buhay ko."

Natawa lang ako at nakuha pang tuksuhin siya. "Thank you, Kuya Gab."

Nag-f*ck you sign siya sa akin. "Kuya mo mukha mo. Isang buwan lang tanda ko sa 'yo."

Sige na lang, kahit pinagpipilitan mo pa noon na tawagin kitang Kuya nang unang beses tayong magkakilala.

PAGKATAPOS makapagpalit ng damit ay pinauna na ako ni Gab sa van. Kinakausap niya pa ang director ng TV show.

Naabutan kong may kinakain ang driver kaya bigla tuloy akong ginutom.

"Gusto niyo po ng turon, Sir?" ang tanong ng driver. Marahil ay napansin niya akong nakatingin sa kanya habang kumakain.

Nakakahiya man pero kumuha na rin ako... madami naman siyang binili kaya ayos lang siguro.

"Salamat, Kuya... nakalimutan ko kasing mag-breakfast kanina."

Si Gab kasi. Ang aga-agang nanermon.

Ubos ko na ang turon na binigay sa akin nang dumating si Gab.

"Sa company building po tayo," ang sabi niya sa driver.

"Pinatawag tayo?" ang tanong ko. Dapat kasi ay pauwi na kami ngayon.

"May bagong movie project at ikaw ang isa sa mga napiling gaganap for the lead role. Pero siyempre, kailangan pa ring mag-audition."

"Talaga?" bigla akong na-excite sa narinig.

"Kaya mag-prepare ka kasi marami kayong gustong makuha ang role."

"Nasabi ba sa 'yo kung anong genre?" hindi ko mapigilang itanong dahil sa excitement. Matagal-tagal na rin ang huling movie ko at sobra kong na-enjoy ang bawat shoot.

Well, lahat naman ng projects ko. Movie or drama o kahit ano pa ay ini-enjoy ko talaga.

Matapos makarating ay bumaba na ako sa van, pero agad ring natigilan nang makitang may paparating na mga tao.

Tumatakbo silang lumapit sa akin.

"Aaron~"—ang madalas nilang isigaw.

"Mga fans mo po kami sa Aaronatics fans club, pwede po ba kaming magpa-picture?" ang sabi ng isa sa kanila na halos hindi ko marinig dahil puro tili ang iba.

Agad namang may humarang na bodyguards para ilayo ako.

"Wait lang, Kuya," ang hawi ko. "Magpapa-picture pa sila." At lumapit ako sa mga fans.

Pumuwesto ako sa gitna nilang lahat. Naka-ilang shot din at iba-ibang cellphone pa ang gamit.

"Aaron," ang tawag ni Gab saka tumingin sa mga fans. "Pasensiya na kayo at kailangan na naming umakyat sa taas. May meeting pa kaming pupuntahan," ang paalam niya at saka ako hinila.

"Thank you, po!"—ang sigaw ng iba habang papalayo na kami.

Nag-umpisa na ang meeting pagpasok namin sa office. Agad kaming pinaupo at d-in-iscuss ang tungkol sa movie.

May binigay sa 'king papel—plot ng movie. Binasa ko naman at agad nagustuhan ang kwento.

It's a medical movie with a big plot twist. May nakalista ng pangalan para sa ibang role, maliban sa main at second lead.

May nakita akong pamilyar na pangalan—mga nakatrabaho ko na dati.

Pero agad natigilan nang makita ang pangalan ng taong hindi ko inaasahan.

Kinalabit ko si Gab na nasa aking tabi. "Ba't andito ang pangalan niya?" ang tanong ko sabay turo sa papel.

Kahit siya ay nabigla rin nang makita ang pangalan. Tumayo siya para kausapin ang staff. Pagbalik ay bumulong sa akin, "Bagong talent, sinali nila dahil nag-audition at nakapasa."

Matapos ibulong sa akin ay maraming tanong ang pumasok sa utak ko.

Bakit Noreen?

PINIGILAN agad ako ni Gab sa pag-alis matapos ang meeting.

"Sa condo ang uwi," ang paalala niya.

"Sandali lang ako, gusto ko siyang kausapin tungkol dito."

"'Di ba napag-usapan na natin 'to?"

"Pero hindi ako matatahimik hanggat hindi ko siya nakakausap."

"Tawagan mo na lang siya. Hindi titigil ang paparazzi last time hanggat hindi nakakakuha ng scoop tungkol sa 'yo."

Bagsak ang balikat na sumunod ako sa sinabi ni Gab. Pag-uwi sa condo ay v-in-edio call ko si Noreen.

Ngiti niya agad ang bumungad matapos ma-connect ang tawag.

"Good news?" ang tanong ko ka-agad.

Mas lalong lumawak ang ngiti niya at saka tumingin sa gilid.

"May surprise kasi ako," ang sagot niya. "Gusto mong hulaan?"

Ngumiti ako at nagkunwaring walang idea. Umakto pa akong tila nanghuhula.

"Sirit na nga," ang sagot ko ilang sandaling pagkukunwari.

Pinakita niya sa screen ang isang script. "May role ako sa isang movie!" sobrang saya ng boses niya nang sabihin iyon.

Ngumiti ako, pinakitang natutuwa ako sa nangyayari. Pero pagkatapos nang tawag.

Hindi ko alam kung bakit parang hindi talaga ako masaya para sa kanya.

Nag-sorry siya dahil hindi niya sinabi na nag-audition siya at nag-sign ng contract sa company. Gusto niya raw akong i-surprise.

Naiintindihan ko naman iyon. Pero bakit kailangan niyang i-give up ang pangarap niya para lang pumasok sa mundo ko?

Pangarap niyang maging chef. Mga bata pa lang kami pangarap na niya iyon at ngayong natupad na ay bakit kailangan niyang bitawan ng ganoon kadali?

Bakit? Bakit niya kailangang i-give up iyon para sa akin.

Hindi niya iyon kailangang gawin. Wala siyang kailangang gawin... kasi handa ko namang gawin ang lahat para sa kanya.

Konting oras lang naman ang kailangan ko para magawa iyon.

***<[°o°]>***

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status