Share

Chapter 7

February’s POV 

“Good morning!” Halos masemplang naman ako sa bike nang may bumati sa akin. 

“Shit..." bulong ko nang magpagewang gewang ako, mabuti na lang ay nahawakan nitong si Sapphire. 

“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa kanya. 

“Jogging?” nakangiti niyang tanong. 

“Your grandma said you’ll go to the market today," sabi nito at ngumiti. 

“Kakapalengke mo lang kahapon," sabi ko sa kaniya na pinangkitan pa siya ng mga mata. 

“Yeah, but I forgot something,” sabi niya at ngumiti. 

“Sa dami ng pinamili mo, may nakalimutan ka pa?” tanong ko sa kanya na naiiling. 

Napakibit naman siya ng balikat at sumabay sa pagbabike ko. Ni hindi naman jogging ang ginagawa nito dahil sa bilis din ng pagmamaneho ko. 

“Mamamalengke ka na ba, Febi? Pupwede bang pasabay naman ako ng suka." Huminto naman ako nang nagpapasabay si Aling Juana. 

“Ako nga rin, Febi, mantika naman sa akin," sabi naman ni Aling Gloria. Tumango naman ako at pinalista sa kanila ang mga gusto nilang bilhin. 

“Kasama mo pala si Pogi, magandang umaga, Sir,” sabi nila kay Sapphire. Napalingon naman ako kay Sapphire na medyo nag-aalinlangang ngumiti. 

“Zeal na lang po," sabi niya at tipid na ngumiti. 

“Ang gwapong bata talaga no?” bulong-bulong ni Aling Juana. Napangiti na lang ako sa kanila at nagpaalam na. 

“This neighborhood really wakes up early," sabi ni Sapphire habang tinitignan ang mga kapitbahay kong ang aga-aga ay buhay na buhay na. 

May mga nagkakape na sa labas at katulad nila Aling Juana, mayroon na rin namang nagchichismisan ng maaga. 

“Magandang umaga ho,” bati ko kay Mang Sonny. 

“Magandang umaga rin, Hija. Kape muna tayo," sabi niya na tinaas pa ang mug. 

“Sige lang po, salamat po," sabi ko at ngumiti. 

“Sino ‘yang kasama mo, hija? Boyfriend mo ba?” tanong niya sa akin. Madalas kasing sa bahay lang ito ngunit impossible namang hindi niya alam na ito ang apo ni Donya Emilya. 

“Nako, Sonny, apo ‘yan ni Donya Emilya, tigil tigilan mo si Febi,jl" sabi ni Aling Marites. 

“Gwapong bata naman pala kamukha ko no’ng kabataan ko," sabi ni Mang Sonny kaya natawa kami ng mahina. Kita ko naman na napangiti lang sa tinuran ni Mang Sonny si Sapphire. Tahimik lang ito habang nasa tabi ko. 

“Mauna na po kami, Aling Marites, Mang Sonny," pagpapaalam ko at ngumiti sa mga ito. 

“Ganoon ba? O siya sige," sabi nila at ngumiti. 

“You seems really close with your neighbors," sabi niya sa akin nang tuluyan na kaming makaalis doon. 

“Ahh, oo, halos paglaki ko ba naman dito na ako lumaki. Mababait ang mga ‘yon,” sabi ko at napangiti. Naalala ang unang araw kong tumapak dito. 

Halos lahat sila ay nagbigay ng mga pinaglumaang damit ng anak nila. Iniwan kasi ako ng Papa at Mama ko kina Lola na walang kahit na ano. Siguro dahil sa awa kaya nila ako binigyan ng mga lumang laruan o kahit na ano pang hindi na ginagamit ng mga anak nila. Naappreciate ko naman ‘yon dahil halos lahat din sila ay walang-wala pero nagawa pa ring tumulong sa kapwa. 

“Kaya huwag ka ng magtangkang gumawa ng masama, may back up ako," biro ko kahit na alam ko naman na hindi niya kayang gumawa ng kung ano. Inirapan niya ako dahil dito kaya natawa na lang ako sa kanya. 

“What will I even do to you?” sabi niya na nginiwian ako. 

“Ano? Natatakot ka ba?” natatawa kong biro sa kaniya. 

“Medyo?” sabi niya kaya parehas kaming natawa. Kwentuhan lang kami nang kwentuhan. Naging mabagal ang pagpedal ko para lang sabayan siya. 

“By the way, you woke up early today,” sabi ko sa kanya at ngumiti. 

“Yeah, I tried to sleep early dahil halos wala ng tao sa paligid," sabi niya sa akin. Hindi naman lahat ng tao sa amin ay natutulog ng maaga, siguro ay ang mga matatanda lang. Nakasanayan na rin ng mga katawan na matulog ng maaga at magigising din ng maaga, body clock kumbaga. Katulad sa bahay. 

Habang patungo kami sa mini palengke dito sa lugar namin, parehas kaming natigilan nang makitang may nagkukumpulan na aso sa paligid. 

“Oh fuck...” bulong niya. 

“Bahala ka diyan!” natatawa kong saad at binilisan ang pagmamaneho. Ang mga aso ay nagsitakbuhan din patungo sa amin. 

“Shit," bulong niya nang maiwanan ko siya sa sobrang kaba. Maski ako rin ay takot na malapa. Aba, mukha namang mas siksik ang laman nito kaysa sa akin. 

Mabilis din siyang nakatakbo at hinintay ko lang siya nang tuluyan na akong makalagpas. Sinamaan niya ako ng tingin habang hinihingal. Pinipigilan ko naman ang matawa dahil naaalala ko ang itsura nito. 

“Wow, Febi.” Hindi siya makapaniwalang tinitignan ako. Hindi ko naman na maiwasang mapatawa. 

“Takot na takot ka, boi?” Humagalpak ako ng tawa. 

“Shut up, Febi, iniwan mo ako, muntikan na akong malapa,” hinihingal pa rin niyang saad. Hindi ko naman na mapigilan pang mapahagalpak ng tawa sa kanya. 

Sinamaan niya lang ako ng tingin habang ako naman ay tawang-tawa pa rin sa itsura nito kanina. 

“Sakay ka na, pambawi,” natatawa kong saad na pinapasakay siya sa upuan sa likod ng bike. Sinamaan niya pa rin ako ng tingin ngunit sumakay din sa bike. 

Parang pinagsisihan ko naman ‘yon nang humawak siya sa beywang ko. Ramdam ko bigla ang pagbilis ng tibok ng puso. Agad ko ‘yong inalis sa aking isipan. 

“Hoy, tiyansing ka, ah!”sigaw ko sa kanya habang nagpapagewang-gewang kami dahil sa kabang nararamdaman. 

“What?” Nakikita ko na agad ang pagkunot nito ng noo kahit na nasa likuran ko pa siya.

“Jusmiyo...” bulong ko sa sarili nang tuluyan na kaming bumagsak dahil sa akin. 

“You’re really clumsy, aren’t you?” tanong niya na napailing-iling pa sa akin. Nilahad niya naman ang kamay. Inirapan ko siya pagkatanggap ko no’n. Mabuti na lang ay sa damuhan kami nasemplang. 

“Ang bigat-bigat mo kasi! Saka bako-bako kaya ang daan," sabi ko sabay tulak dito at inirapan siya. Napapailing na lang siya sa akin. 

Tinayo niya naman ang bike at hinayaan niya na akong sumakay, hindi na siya nag-abala pang umangkas. Sinabayan niya lang ako sa pamamagitan ng pagtakbo. Natatawa ko namang binilisan ang pamamaneho. 

Halos hingalin na siya nang makarating na kami sa mini market dito sa lugar. Malayo layo rin kasi kung sa bayan pa kami na mamalengke kaya mayroon na rin dito para kapag madalian talaga ang bibilhin. Kulang kulang pa rin naman ang mga bilihin dito kaya minsan ay gugustuhin mo na lang na bumili sa bayan kaya lang ay matagal-tagal din bago ka makarating lalo na kung wala kang sasakyan. 

“Magandang umaga, Febi!” bati sa akin ni Rebecca. 

“Maganda umaga rin, Bec, lima nga," sabi ko sa kanya pero napansin ko naman na hindi siya sa akin nakatingin. Ang atensiyon ay nabaling kay Sapphire na palingon lingon sa paligid. Tila kinakabisado ang lugar. 

“You really have mini market here, ha?” tanong niya na tinitignan ang iba pang tindahan dito. 

“Te, sino ‘yan?” tanong ni Rebecca sa akin. 

“Ang gwapo, Mamsh, ah. Katawan pa lang ulam na," sabi ni Rebecca na pinagmamasdan pa rin si Sapphire na palingon lingon lang naman dito. 

“Anong ulam-ulam ang sinasabi mo diyan, Bec?” tanong ng Kuya niya at tinuktukan pa ito gamit ang sandok na hawak. 

“Magandang umaga, Febi!” nakangiting bati nito sa akin. 

“Magandang umaga rin, Lane," sabi ko at ngumiti dito. Binigay naman na nito ang binibili kong itlog. 

“Te, pakilala mo naman ako diyan,”s,abi niya sa akin. 

“Gaga, apo ‘yan ni Donya Emilya," natatawa kong saad. 

“Ayy, kaya pala fafa, Mami," natatawang saad nito. Naiiling na lang akong natatawa sa kanya bago umalis. 

“Wala ba si Fafa Isaac, Febi?” tanong ni Danielo nang makita ako. 

“Kasama mo si Isaac kapag namamalengke?”,pabulong na tanong ng kasama kong si Sapphire. 

“Minsan," sagot ko naman. 

“Hay nako, Danielo, patay na patay ka pa rin ba kay Isaac?” natatawa kong tanong habang na kumukuha ng mantika. 

“Anong Danielo ka diyan, Febi? It’s Daniela," sabi niya na pairap pa akong tinignan. Natawa naman ako sa kaniya. 

“Hay nako, kay Isaac lang ata napupunta ang tubo mo. Paload ka nang paload. Hindi ka naman tinatawagan," natatawa kong sambit sa kanya. Nginiwian niya naman ako at tinignan ng masama. 

“Ni hindi ka nga pinapansin ng kupal na ‘yon!” sabi ko pa sa kanya. 

“Well, malay mo naman ay yayain na ako ng date kapag nagtagal," sabi niya pa. 

“Ewan ko sayo, Girl, bakit hindi mo na lang ipunin ‘yan? Hindi rin naman nagagamit ni Isaac,” natatawa kong saad dahil madalas lang niya iyon gamitin sa kung ano. 

“Hayaan mo na, Friend. Minsan lang naman," sabi ni Danielo. Nailing na lang ako sa kanya at nagbayad. 

“Pero, Friend, ang gwapo naman niyang kasama mo, baka pwedeng pamalit kay Isaac," natatawa niyang saad kaya binatukan ko na. 

“Ewan ko sa'yo, Gurl, magtinda ka na lang diyan,” naiiling kong saad sa kanya bago ko siya tuluyang lagpasan. 

“Aba, binabakuran na agad, Te?” natatawa niyang tanong. Naiiling ko lang siyang inirapan. Mabuti na lang ay abala si Sapphire sa pamimili ng mga mansanas. Hindi ko nga lang alam kung naririnig niya ba ito. 

“Febi, Magandang umaga!” bati sa akin ni Mang Ric. 

“Magandang umaga rin ho!” sabi ko at kumaway pa. 

“Sino ‘yan, ha? Boyfriend mo ba? Pakilala mo naman kami,” aniya pa. Natawa naman ako at napailing. 

“Hindi po. Si Sapphire po, apo ni Donya Emilya," sabi ko. 

“Magandang umaga ho,” bati ni Sapphire at bahagya pang yumuko dito. 

“Ang gwapong bata naman niyan,” sabi ng Aling Jane. 

“Ma, kung mayaman lang ako, ganiyan din ako kagwapo!” sabi ng anak nito. Tinawanan lang naman siya ng mga tindera. Nagkakatuwaan ang mga ito dahil kaunti pa lang naman ang tao dito sa market. Natatawa na lang ako at napapailing sa kanila. Kita ko namang namamangha si Sapohire sa tabi ko at malapad din ang ngiti. 

“Kumakandidato ka ba?” tanong niya sa akin kaya napakunot ang noo ko. 

“Halos lahat ata ay kilala mo dito at halos lahat kilala ka," sabi niya pa na napailing. 

“Hindi naman, araw-araw ba naman kasi nilang nakikita ang mukha ko sa loob ng ilang taon, sinong hindi makakakilala?” natatawang tanong ko sa kanya. 

“They’re really friendly,” sabi niya pa at ngumiti habang pinagmamasdan ang market. Paano halos lahat sila ay parang kaibigan lang ang mga bumibili. Pakiramdam ko nga ay kilala na nila ang mga nakatira rito kahit na malawak din naman ang lugar. Kaunti lang din halos ang mga nakatira.

“Yeah," sabi ko at ngumiti. 

“Akin na ‘yan," sabi ko na pinapalagay ang bitbit niya sa basket. Nilagay niya na rin naman. 

“Halika rito.” Hila ko sa kaniya habang hawak-hawak sa kabilang kamay ang bike. Nagtataka man, sumunod pa rin siya sa akin. 

“Magandang umaga, Lola Helen!” nakangiti kong bati sa matanda. 

“Magandang umaga rin, Febi, hyper ka nanamang bata ka," nakangiti niyang saad. 

“Dalawa nga pong puto, Lola,” sabi ko at nilahad ang bayad. 

“Ikaw, Hijo? Bibili ka ba?” tanong ni Lola na tinatanong si Sapphire. Hindi naman alam ni Sapphire ang sasabihin kaya natawa ako sa kanya. 

“Hindi na po, Lola, para ho sa aming dalawa ‘yan,” sabi ko at ngumiti. 

“Ganoon ba? Sino ba ‘yang kasama mo, Apo? Ang gwapong bata naman,” sabi pa ni Lola. Nginitian ko na lang siya. 

Naglakad naman na kami paalis ni Sapphire. Iniabot ko sa kanya ang isang puto. Walang sabi sabi naman na siyang kumagat doon. 

“It taste good," sabi niya na medyo namamangha pa. Nilingon niya ulit si Lola na nakatingin sa amin. Natawa naman ako nang makitang nagthumbs up siya dito. 

Masarap talaga ang puto ni Lola, minsan nga naiisip ko na ito ata ang dahilan kung bakit napapapayag akong mamamalengke araw-araw. Parehas lang kaming tahimik ni Sapphire. Siya na ang nagtutulak ng bike ko ngayon habang paalis kami. Binasag ko naman ang katahimikan namin. 

“Hindi ka ba nagsasawa?” tanong ko kay Sapphire at nilingon siya. Nagtataka naman niya akong tinignan. 

“Kasi ako sawang-sawa na marinig na gwapong-gwapo sa'yo ang mga tao sa paligid. Hindi ka naman ganoon kagwapo, ah," sabi ko na hinawakan pa ang baba nito.

'Talaga ba, Febi? Kaya pala manghang-mangha ka sa pagkakahulma ng mukha nito.'

Agad ko naman siyang nabitawan nang makita ang esmeralda niyang mga mata na tila gusto akong lusawin sa kanyang tingin. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status