Share

Chapter 9

February’s POV 

“Ano ‘tong nabalitaan kong nakipag-away ka daw kay Ruby, Febi?” tanong ni Lolo sa akin. Napakagat naman ako sa ibabang labi ko nang mapagtantong alam na pala agad nina Lolo at Lola. 

“Pasensiya na po, Tang...” guilty’ng saad ko. Tahimim lang naman si Sapphire habang pinaghahain ni Lola ng pagkain. 

“Huwag kang humingi ng pasensiya, Febi, hindi mo naman kasalanan,”csabi ni Lola sa akin. 

“’Yan, kinukunsinti mo kasi ang batang ‘yan, Carla," sabi ni Lolo kay Lola at napailing pa. 

“Hindi naman sa ganoon pero alam mo naman ang ugali no’ng Ruby na ‘yon, siguradong may sinabi nanamang kung ano," sabi ni Lola na napangiwi pa dahil dito. 

“’Yon na nga ang punto, Carla, alam na ang ugali no’ng si Ruby pero pinatulan pa rin. Hindi naman ganoon ang tinuturo natin sa kanila, ah," sabi ni Lolo. Napayuko naman ako dahil kahit paano ay tama rin naman talaga si Lolo. Dapat hindi ko na lang pinatulan lalo na’t nakakatanda. Pero siya na nga itong nakakatanda pero mas isip bata pa sa akin. 

“Tama na at kumakain pa tayo,” sabi ni Lola. 

“Hindi naman kasalanan ni Ate Febi, Lo, tatlong beans nga lang naman po talaga ang nakain ko,” sabi pa ni Aya. Sabay sabay naman naming pinatong ang hintuturo sa tapat ng bibig. 

“Shh...” 

“Ano na nga ba ang turo ni Lola, Aya?” tanong ko sa kanya. 

“Huwag sumabat kapag nag-uusap ang matatanda," sabi niya at napanguso. 

Si Sapphire ay nanonood lang sa amin at napapangiti na lang. 

“Tama na ang sermon, kakain na’t nakakahiya rin kay Zeal," sabi ni Lola. Tumigil na rin naman si Lolo. 

“Pasensiya ka na, Hijo, ito lang ulam namin ngayon,” sabi ni Lola na nilalagyan ng manok ang pinggan ni Zeal. 

“Hmm, wala pong problema, ngayon nga lang po ulit ako makakain ng disenteng pagkain," natatawang sambit ni Zeal kaya napatingin kami sa kanya. Ngumiti lang naman siya. 

Tinolang manok ang ulam namin ngayon kaya malakas ang loob ni Lola na magyaya kay Sapphire. 

“Thank you po...” mahinang saad ni Zeal nang bigyan naman siya ng papaya ngayon ni Lola. Nginitian lang siya nito. 

“Nang, akin na lang po ang pakpak,” sabi ni Aya. Iniabot naman sa kanya ‘yon ni Lola. 

“Alam mo, Nang, kanina nanalo si Ate sa sipa," sabi ni Cali na siyang ganadong kumain ngayon. 

“Kailan ba hindi nanalo ang Ate Febi niyo pagdating doon, sanay na sanay iyan. Laging natatalo ang mga kalarong lalaki,” natatawang saad ni Lola. 

“Sabi sa'yo, Aya," sabi ni Cali na tila pinagmamalaki talaga ako. Napangiti na lang ako dahil dito. 

“Sapphire, ito pa ang ulam oh, kain ka pa," sabi ni Lola na nilalagyan ulit ang pinggan ni Sapphire. 

“Salamat po...” sabi niya at ngumiti. Tahimik lamg siya sa tabi ko habang pangiti-ngiti sa mga kwento ng pamilya ko. Pakiramdam ko tuloy ay naoop ito. 

Napatingin ako sa kanya nang makita kong nagpupunas siya ng luha. Agad ko siyang pinagkunutan ng noo dahil dito. 

“What’s wrong?” tanong ko sa kaniya. 

“Huh? Wala naman. Napuwing lang,” sabi niya na natawa pa. Hindi naman na tuloy mawala ang tingin ko sa kaniya. 

“I’m fine,” sabi niya na napailing pa. Napa-buntonghininga na lang tuloy ako at iniwas na ang tingin sa kanya. 

“Bakit ganyan ang itsura niyang dalawa? Hindi ba kayo natutuwa sa ulam?” tanong ni Lola. 

“Hindi po sa ganoon, Lola...” Nag-aalinlangan pa siya sa pagtawag ng lola kay Lola. 

“Ganoon naman pala. Marami pang kanin kaya kumain ka pa ng marami, Hijo," sabi ni Lola sa kaniya at binigyan pa ito ng kanin. Napatitig naman si Sapphire doon. Natigilan din tuloy si Lola dahil tumagal ang titig ni Sapphire sa kanin na binigay ni Lola. 

“Ayaw mo bang may ibang humahawak sa pagkain mo, pasensiya, Hijo,” sabi ni Lola sa kanya. 

“Hindi po, ayos lang po, salamat po,” sabi ni Sapphire. Hindi ko naman mabasa kung ano ba ang iniisip nito. 

Nang matapos kaming kumain ay tinulungan lang ako ni Sapphire na maghugas ng pinagkainan dito sa loob. Wala kaming gripo kaya kinakailangan pa naming mag-igib. 

“Hayaan mo na si Febi, Hijo, kayang-kaya na niya ‘yan,” sabi ni Lola na nahihiya ring pakilusin si Sapphire. Ngumiti lang naman ito, hindi nakipagtalo pero ayaw pa rin patalo. Tinulungan pa rin ako. 

“Ako na, kaya ko na ito,” sabi ko sa kanya. 

“Alam ko,” sabi niya ngunit inagaw pa rin ang timba. 

“Ayaw na ayaw mo talagang nanghihingi ng tulong sa ibang tao," sabi niya habang nagsisimula ng magsabon. Wala naman akong nagawa kung hindi ang magbanlaw ng mga hinuhugasan niya. 

“It’s not like that, ayaw ko lang magkaroon ng utang ng loob sa ibang tao," sabi ko at napanguso. 

“Pretty same...” bulong niya at ngumiti sa akin. Natahimik naman kaming parehas dahil dito. 

“Minsan nakakatakot kayang masumbatan ng kung sino dahil lang may utang na loob ka sa kaniya,” sabi ko pa. 

“Yeah, as if they own you just because of it,” aniya. Parehas pa kaming natawa nang magsabay na magbuntong hininga. 

“But you know what? Ayos lang na magkaroon ka ng utang na loob sa akin. Asahan mong wala kang maririnig na kahit anong sumbat," sabi niya pa. Pinaningkitan ko naman siya ng mga mata kaya natawa na lang ito. 

“What?” tanong niya na pinagtaasan ako ng kilay. 

“Sus, kakainin mo rin ‘yan. Sino bang nagpapautang ang sasabihing hindi ka sapilitang sisingilin pero pagdating ng araw ng itinakda? Patay na,” sabi ko at napatawa ng mahina. Nagtawanan lang kami habang naghuhugas. 

Nang matapos na ay umuwi na rin siya habang sina Lolo at Lola ay nagpahinga na dito sa sala. Dito kasi silang dalawa natutulog habang kami naman nina Aya ay sa kwarto. Naghalf bath naman na ako at nang matapos ay chineck ng mabuti ang mga dapat tignan bago matulog. Sinara na ang pinto dito sa loob at tinignan ang bintanang kahoy. 

“Ang ganda ng mga bituin,” bulong ko sa sarili bago tuluyang sinara na rin iyon bago ako pumasok sa kwarto para matulog na rin.

Natutulog na sina Aya at Cali, ganoon din naman sina Lola. Isasara ko na sana ang bintana dito sa kwarto kaya lang ay agad akong napahinto nang makita ko si Sapphire na nakaupo doon habang nakatingin sa kalangitan. Napakunot pa ako ng noo nang makita kong umiinom ito. 

Hindi ko siya maiwasang pagmasdan dahil para bang ang lungkot nito habang nag-iisa. Napa-buntonghininga ako bago ko sinara ang bintana. 

Hihiga na sana ako kaya lang ay hindi ako mapakali kaya naman lumabas ako dala dala ang isang monoblock at naglakad patungo sa bahay niya. 

“Hey...” bati ko sa kaniya. Nagulat naman siya ng makita ako. 

“Hey?” gulat na bati niya. 

“Anong ginagawa mo rito?” tanong niya sa akin na medyo nagulat. 

“Well, nakita kita roon...” sabi ko sabay turo sa bintana. Medyo nagulat naman siya dahil dito. 

“Ang lonely mong tignan e!” sabi ko na natatawa at umupo sa tabi niya. Amoy ko naman na agad ang mabangong halimuyak na nanggagaling sa kaniya. Mukhang naligo ang Lolo mo. 

“Saka gabing-gabi na umiinom ka pa riyan!” sabi ko sa kanya. Nakakapagtaka na hindi ko maamoy ang alak mula sa kanya. 

"Gatas lang. Pampatulog," natatawa niyang saad na pinakita ang bote ng gatas niya. Gusto ko naman na agad tuktukan ang sarili dahil sa naiisip.  Akala ko pa naman ay naglalasing na ito kaya ko siya nilapitan. 

“You like the view? Ang ganda no?” tanong ko dahil maski ako ay namamangha sa kalangitan. Ang galing Niya talagang manlilikha. 

“Yeah... He’s really an amazing,” sabi niya at ngumiti ng malapad. Napangiti na lang din ako dahil dito. 

Parehas lang kaming namamangha habang nakatingin sa kalangitan. Natahimik lang kaming pareho habang umiinom naman siya ng gatas. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil dito. Para siyang batang maliit na dapat pang alagaan. 

“I never experience eating with my family like that," mahinang bulong niya habang nakatingin sa kalangitan. Ito ang unang pagkakataon na magkukwento siya, madalas kasi ay ako itong maraming kinukwento habang siya ay patango-tango at ngiti lang. 

Napatitig lang ako sa kanya habang nananatili ang tingin niya sa itaas. 

“My Mom was always busy with her shoot, same with my Dad. When we eat? Para lang kaming mga estrangherong nagsama-sama sa iisang hapag," sabi niya na napangisi ng mapait. Pinapanood ko lang ang ekspresiyon nito. His eyes looks lonely as if he’s really sad about it. 

“Para bang kailangan pang bayaran ang oras nila para lang makausap ko ang mga ito," mahinang bulong niya na napangiti pa ng mapait. 

“All they want is fame. Swear if I ever make my own family, I wanted to stay with their sides," aniya. Napatitig lang ako sa kanya, hindi makuha ang tamang salita na pupwedeng gamitin para pagaanin ang loob nito. 

“Kailangan pang gumawa ng kalokohan para lang mapansin nila dahil kung hindi? Para ka lang invisible sa mga mata ng mga ito,” sabi niya pa habang sumisimsim sa gatas niya. 

“Mas gusto pa ata nilang kumain kasama ang mga fans nila kaysa sa akin na mismong anak nila." Napa-buntonghininga ako habang nakatingin sa kanya. 

“Malay mo para sa’yo rin pala ang ginagawa nila,” mahinang sambit ko. 

“Baka gusto ka nilang bigyan ng magandang buhay," sabi ko pa habang nakatingin sa kaniya. 

“What? Hindi ko kailangan ng pera nila, what I need is their love, attention and care,” sabi niya na nakatingin na sa akin ngayon. 

“Ikaw... Ikaw ‘yon... but did you ever tried to put your feet in their shoes? Hindi mo kailangan ng pera ang sabi mo pero baka para sa kanila ‘yon ang kailangan mo," sabi ko at ngumiti sa kanya. 

“They wanted to give you a good life, ‘yong buhay na kailanman hindi mo kailangan mag-isip kung paano ka kakain, kung paano ka gagawa ng paraan para tustusan ‘yong pangangailangan mo, kung saan ka kukuha ng pangbili mo ng projects sa school," sabi ko na napakibit ng balikat. Nakatingin lang naman siya sa akin. Hindi ko alam kung naiintindihan niya ba ang sinasabi ko. 

“Baka... Baka ayaw nilang maranasan mo ang mga bagay na ‘yon. Don’t take things for granted dahil ‘yong bagay na mayroon ka ngayon? Maraming naghahangad niyan," sabi ko na ngumiti sa kaniya. 

“Kasi kung ako? Baka katulad ng mga magulang mo, gagawin ko ang lahat para sa mga magiging anak ko, katulad ng mga magulang mo ayaw kong maranasan nila ‘yong mga bagay na ‘yon. I just want them to live a good life, ‘yong masspoil ko sila ng kung ano,” sabi ko at ngumiti. 

“Pero opinyon ko lang naman ‘yon, nasa sa’yo pa rin naman ‘yon kung isasautak mo," sabi ko na napakibit ng balikat. 

“You know what? Hindi ko na rin alam, hindi na ako sigurado, sana nga para sa akin," sabi niya na ngumiti sa akin ngayon. 

“Baka nga selfish lang talaga ako, sarili ko lang ang naiisip ko but I want their time,” sabi niya. Napatikhim naman ako dahil dito.

“Naiintindihan naman kita, it’s really hard living like you’re alone. I just want you to put your feet in their shoes para maintindihan mo rin sila, para hindi ka magtanim ng galit diyan sa puso mo," sabi ko na tinuro pa ang dibdib nito. 

“Kasi alam mo? Kapag nadiligan ng nadiligan ‘yan? Yumayabong ng yumayabong, pahirap ng pahirap patulin," sabi ko na nginitian pa ulit siya. 

“Baka akala mo lang sila itong lumalayo sa'yo pero ang totoo? Ikaw ang humahakbang hanggang sa tuluyan ng humaba ang distansiya niyo," sabi ko na napakibit pa ng balikat. 

“Pero syempre opinyon ko lang ‘yon,” natatawa kong saad dahil hindi na siya nagsalita pa. 

“Sige na, inaantok na ako," sabi ko dahil nakita ko ang pagkatahimik niya. Nakatulala lang siya sa isang tabi. 

“Good night, Sapphire...” bulong ko na tinapik ang braso nito bago kunin ang upuan at tuluyan na siyang iwan para makapag-isip-isip. 

Dahan-dahan naman akong pumasok sa loob ng bahay. Tulog na tulog na sina Lolo habang patakas-takas lang ako. Dahan dahan naman ako nang makarating na sa kwarto. Pasimple ko namang sinilip si Sapphire sa awang. 

Hindi ko maiwasang pagmasdan ito habang nag-iisip pa rin hanggang ngayon. Halos mapatalon ako sa gulat ng lingunin niya ako. 

“Good night..”he murmured. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status