Share

Chapter 10- LIA'S SADNESS

MAAGANG gumising kinabukasan si Leopold. Tutal sabado naman at walang pasok sa eskwela si Lia ay itutuloy na niya ang plano niya nang nagdaang gabi.

Maaga siyang naligo at naghanda ng almusal. Inihanda na rin niya ang susuoting damit ni Lia para sa araw na iyon. Ibinilin na lamang niya kay Harmony ang Lia’s gourmet at ipinaalam niya na rin sa lalaki na hindi muna siya magtutungo dito sa araw na iyon.

Nang matapos lutuin ang paboritong almusal na at maihain ito sa hapag ay agad na inalis ni Leopold ang suot na apron at nagtungo na sa silid ng bata upang gisingin ito.

“Lia? Gising na anak, aalis tayo mamaya,” bulong ni Leopold sa bata kasabay nang mahinay na pagyugyog dito.

Papungas-pungas na bumangon si Lia.

“Saan po tayo pupunta?”

“Secret! Huwag ka na lang mag tanong para surprise kung saan man tayo magpupunta ngayon, okay?”

Tumango lang si Lia sa kaniyang ama at agad na nagpakarga rito. Nakangiti naman siyang binuhat ni Leopold at dinala sa hapag-kainan.

Nagningning ang mga mata ni Lia nang mabungaran ang pinaka-paborito niyang almusal. Tocino na pinarisan ng fried rice at itlog. Agad na nilantakan ito ng bata.

“Dahan-dahan Lia, baka mabulunan ka.” Nakangiting saway ni Leopold sa anak na parang isang preso kung kumain.

Matapos makapag-agahan ay kagyat na naligo si Lia.

Kahit hindi man nito sabihin kay Leopold ay batid ng binata na nasasabik din ito para sa kanilang napipintong pamamasyal.

NANLALAKI ang mga mata ni Lia dahil sa labis na pamamangha sa paligid.

Maya’t-maya ang ginagawang paglingon nito sa bawat rides na nadadaanan nila. Kasalukuyan kasi silang nasa Enchanted Kingdom ng ama.

Maraming bata ang nagtatakbuhan sa paligid ng mga oras na iyon. At hindi lamang mga bata ang bumibisita sa lugar na ito kundi maging ang mga magkakasintahan na gustong mag enjoy din.

“Wow! Ang ganda naman po rito, Daddy!”

Napangiti naman si Leopold dahil sa nakikitang kaligayahan sa mata ng anak.

Dahil abala siya sa pag-aasikaso sa kaniyang restaurants ay hindi na niya nagagawang ipasyal pa si Lia.

Hindi na rin niya nagagawang aliwin ang sarili. Umiikot na lamang sa pag-aasikaso kay Lia at pagpapalago sa kaniyang Negosyo ang buhay ng binata.

Marahil ay magandang pagkakataon ito upang makapag-unwind si Leopold.

Nadaanan nila ang isang food stall na tanging corn dog at cucumber juice ang itinitinda kaya naman agad na bumili si Leopold at ipinakain kay Lia na abalang-abala sa pag-ikot sa paligid ang mga mata.

“Saan mo gusto unang sumakay baby?” tanong ni Leopold sa anak nang makaupo sila sa upuan na nakalaan para sa mga customers ng corn dog.

“Talaga Daddy? Pwede tayo sumakay sa kahit anong ride?” Nagniningning ang mga matang pagkumpirma ni Lia.

“Oo naman. Kaya nga tayo naririto eh,” tugon ni Leopold.

Muli pa’y nagpalinga-linga si Lia sa paligid.

“Ayun! Doon ko po gustong sumakay, Daddy!”

Sinundan ng tingin ni Leopold ang itinuturo ng anak. Kaagad siyang namutla at alanganing napangiti. “A-are you sure baby? Hindi ka ba natatakot sumakay sa roller coaster na iyan?”

Sunod-sunod na umiling si Lia sa kaniyang ama. Nakikita naman ng binata sa mga mata ng kaniyang anak na talagang gusto nitong masubukan ang katakot-takot na roller coaster.

“S-sure! Diyan tayo sasakay after natin maubos ang mga ito.”

“Yey!” Masayang pagpupunyagi ni Lia.

Matapos ang ilang minuto nang pagsakay sa bakal na sakayang tila hatid ni kamatayan ay nanghihinang bumaba mula rito si Leopold. Nakasunod naman sa kaniya ang ligayang-ligaya na si Lia.

“Daddy puwede po bang isa pa?”

“What? Pang limang beses na natin ito anak, hindi ka pa ba nagsasawa?”

Nagpapaawang tumingin naman si Lia sa kaniya. Nakanguso ito at nag puppy eye pa kung kaya naman ay hindi na rin nakatanggi pa si Leopold at muling tinungo ang ticket booth para sa nasabing ride.

Don’t die, Leo. Don’t die.

HAPON na nang matapos nina Leopold sakyan ang lahat ng mga rides sa parke.

Pakiramdam ni Leopold ay lalabas ang lahat ng mga kinain niya sa tuwing sasakay sila ni Lia.

Subalit dumating na ang oras na napagod na rin sa wakas ang kaniyang anak at nagyaya nang umuwi. Walang mapaglayan ang kasiyahan ni Leopold sa isiping hindi na siya muling sasakay pa sa mga rides na inimbento ng sangkatauhan upang pahirapan sa mental na aspeto ang mga kagaya niyang mahihina ang loob pagdating sa mga ganitong klase ng bagay.

Kasalukuyan silang nakapila sa isang food stall upang bumili ng dalawang slice ng pizza at French fries upang mayroon silang makain habang sila ay nasa biyahe pauwi.

Ilang katao na lamang ay pagkakataon na ni Leopold upang bumili nang mapansin niya ang pananahimik ni Lia sa kaniyang tabi.

Inobserbahan muna niya ang anak upang malaman ang dahilan nang pananahimik nito. Sinundan niya ang tingin nito at napag-alaman niyang natuon ang atensyon nito sa isang pamilyang masayang naghahabulan sa ‘di kalayuan.

Halos madurog ang puso ni Leopold sa nakikitang ekspresyon sa mukha ni Lia.

Magkahalong inggit, pananabik at kalungkutan ang mababanaag sa mukha ng bata.

Inilapat ni Leopold ang kaniyang mga palad sa ulo ni Lia dahilan upang malipat sa kaniya ang atensyon ng bata.

Pilit na na inalis ng binata ang bikig sa kaniyang lalamunan at ngumiti.

“Is there something wrong baby?”

“Bakit po wala akong mama?”

Inaasahan na ni Leopold na ito ang itatanong sa kaniya ng bata subalit hindi pa rin niya naiwasan ang mabigla. Kung nag hahanap na ito nang kalinga ng isang ina, ang ibig bang sabihin nito ay hindi niya nagagampanan nang maayos ang pagiging magulang nito?

Lumuhod si Leopold sa harapan ni Lia.

Bahagya pa niyang inayos ang nagulo nitong buhok. “Nasa heaven na si mommy mo baby. Pero every night niyang ibinubulong sa akin na mahal na mahal ka niya at palagi ka raw niyang babantayan.”

“But I want her to be here not in heaven,” tugon ni Lia na hindi natitinag ang kalungkutang nadarama.

“It’s okay. Narito lang naman ang Daddy.”

Binigyan niya ng isang mahigpit na yakap si Lia upang pawiin ang lungkot ng paslit. “Let’s go somewhere. May ipapakilala ako sa’yo.”

Tahimik lamang sa sasakyan si Lia habang tinatalunton nila ang daan patungo sa lugar na tinutukoy ni Leopold. Hindi matatagpuan sa mga mata nito ang pagkasabik sa kanilang patutunguhan.

Ipinarada ni Leopold ang sasakyan sa designated parking space para sa mga nagtutungo sa lugar. Sumalubong sa kanila ang halimuyak nang sari-saring bulaklak sa paligid.

Mga bulaklak na sumisimbolo sa pagmamahal ng mga pamilyang naiwan ng mga yumao.

“Daddy, why are we here?” Nagtatakang tanong ni Lia.

“I want to you to meet them,” tugon naman ni Leopold.

“Them?”

Hindi na sumagot pang muli ang binata, bagkus ay iginaya na lamang niya ito patungo sa harapan ng dalawang magkatabing nitso. Nilagyan niya ng tig-isang bulaklak ang mga ito at bahagyang umatras hanggang sa maging kapantay niya si Lia na walang ideya kung sino ang mga nakalibing doon.

“I want you to meet your Papa Bart and Mama Beatriz.”

Nanlaki ang mga mata ng bata dahil sa narinig. Even though she knew that her parents were both dead, hindi pa rin niya inaasahan na dadalhin siya ng kaniyang Daddy Leo sa puntod ng mga ito.

Lumuhod ang bata sa pagitan ng dalawang puntod at nilagyang ng tig-isang bulaklak ang mga ito. “Hi, Papa and Mama! I’m Malia Zoe, your daughter. I just want to ask something. Hindi niyo po ba ako love? Sabi po kasi ng mga classmates ko kapag iniwan daw ng parents nila it only means daw po na hindi ninyo ako tunay na love.”

Tumingala si Leopold upang pigilin ang mga luha. Pumapatak ang ulan dahil na hindi na kaya pa ng ulap ang bigat—Pumapatak naman ang luha dahil hindi na kaya pang pigilin ng mga mata ang mga luhang pilit na kumakawala.

At nang mga sandaling ito ay natalo si Leopold ng sarili niyang kalungkutan.

Nag-uunahan ang mga ito sa paglalaro sa kaniyang mga pisngi. Hanggang ngayon kasi ay sinisisi pa rin niya ang kaniyang sarili sa pagkamatay ng mga kaibigan.

Iniisip ng binata na kung hindi sana ay hindi maagang nawala ang mga ito ay lumalaki sana sa isang masaya at kumpletong pamilya si Lia. Pinahid niya ang kaniyang mga luha at lumakad patungo kay sa bata.

Hinawakan niya ito sa balikat. “Don’t listen to them, baby. Your Papa Bart and Mama Beatriz loves you very much. They loved you very much that’s why they chose me to take care of you. Because they knew that I will love you until the end.”

Lumuluhang napayakap si Lia kay Leopold.

SAMANTALA, napahinto sa kaniyang paglalakad papunta sa puntod ng kaniyang ina si Andrea nang makakita ng mag-ama na nasa dumadalaw sa yumaong mahal nila sa buhay.

Napansin pa niyang umiiyak na nakayakap ang bata sa kaniyang ama.

Bigla tuloy niyang naalala ang pinakamadilim na yugto ng buhay niya. Ang pagkamatay ng kaniyang ina.

"Everything’s going to be okay, little girl." 

Tinalikuran na niya ang mga mag-ama at ipinagpatuloy na ang paglalakad sa kaniyang patutunguhan. Hindi nag tagal ay narating na rin niya ang puntod ng kaniyang ina. Umupo siya sa harapan niyon at inalis ang ilang mga halamang ligaw na nag sisimula nang tumubo.

“Hi, Mommy! I’m here again! Pasensiya ka na kung palagi akong nangungulit dito ha? Namimiss lang kasi talaga kita,” saad ni Andrea kahit pa alam niya sa sarili na hindi na siya naririnig pa nang yumaong ina.

Nilaro-laro pa ng dalaga ang mga bulaklak na dala. Isa-isa niyang binubunot ang mga talulot nito bago muling nag salita.

“I’m tired, Mom. I’m tired of everything. Since you’ve gone, pakiramdam ko nawalan na ako ng kakampi sa mundong ito. While dad was enjoying his life with his new wife, here I am… drowning deep in this lake of uncertainty.”

Mapait na ngumit si Andrea. “You know what, Mom? I am thinking of following you in the afterlife na. Maybe I can reast easy if I am with you na. But the only thing that keeps on holding me back is Gramps and Dad. Sigurado akong lulustayin lang ng mahaderang asawa ni Daddy ang lahat ng pera ng pamilya natin sa mga bagay na wala namang importansya… and I can’t allow that to happen.”

Napatingala sa kalangitan si Andrea para pigilan ang nagbabadyang mga luha. Noong mamatay kasi ang kaniyang ina ay ipinangako niya ritong hindi na siya muli pang iiyak.

‘Di nag tagal ay napansin ng dalaga ang madilim na kalangitan. Pumasok na yata sa bansa ang naririnig niyang unang bagyo para sa taong ito.

Great! Kung kailan naman ako walang payong saka pa uulan,” usal ni Andrea sa sarili.

Mabilis siyang nagpaalam sa puntod ng kaniyang ina at tumayo mula sa pagkakasalampak sa lupa. Nag sisimula nang bumuhos ang ulan. Huminto siya sa pinakaunang puno na nakita niya para sumilong at hintayin sana na tumila ang ulan.

Ngunit tila yata pinaglalaruan siya ng kamalasan. Higit sampung minuto na siyang nakatayo sa ilalim ng puno pero hindi pa rin tumitila ang ulan. Pakiwari niya ay wala na siyang magagawa kung hindi ang tumakbo patungo sa kaniyang sasakyan para lang tuluyan na siyang makaalis sa lugar.

Pero nakakaisang hakbang pa lamang siya palayo sa puno nang mapansin niyang hindi na siya nababasa ng ulan.

Nang tumingala siya ay nanlaki pa ang kaniyang mga mata nang makita ang kulay pulang payong na siyang nagpapanatili sa kaniyang tuyo.

Sinubukan niyang lingunin ang mukha ng matangkad na lalaking nag magandang loob na tulungan siya ngunit sa kabilang dako ito nakatingin na para bang hindi ito interesado na makita man lamang ang hitsura nang tinutulungan nito.

Nagitla pa si Andrea nang hawakan siya sa mga kamay ng lalaki. Para siyang dinadaluyan ng libo-libong boltahe ng kuryente. Hindi siya kaagad nakapag react.

Bumalik lamang siya sa katinuan nang maramdaman ang pag-alis ng lalaki sa kaniyang tabi. Doon lamang niya napagtanto na iniwan nito sa kaniya ang payong upang gamitin niya samantalang ang lalaki naman ang siyang tumatakbong parang bata sa ulanan.

“Hey wait!” Tawag niya sa lalaki. “We can share with this… umbrella.” dagdag pa niya na tanging siya na lamang ang nakarinig.

“Thank you…” mahinang usal pa ni Andrea.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status