Share

Chapter 12- SUSPICIONS ON LEOPOLD

SUNOD-SUNOD na pagkatok sa pinto ang nakapagpamulat kay Leopold isang hapon.

Naniningkit pa ang mga matang bumangon ang lalaki para alamin kung sino ang hindi niya inaasahang bisita.

Napakunot ang noo ni Leopold nang mabungaran ang tatlong unipormadong pulis ang nakatayo sa pinto.

“Good afternoon officers, how can I help you?” saad ni Leopold habang sinisipat ang paligid kung mayroon bang nagaganap na kakaiba.

Bumalik ang atensyon niya sa tatlong lalaki nang mag salita ang isa sa mga ito.

“Good afternoon. Kayo ba si Mr. Leopold Rodriguez?”

“Oo, ako nga. Bakit?”

“Gusto ‘ho sana namin kayong imbitahan sa istasyon para makuha ang inyong panig tungkol sa pagkamatay ni Mr. Crisostomo Almeda,” sagot ng isa sa mga pulis.

Hindi naman na nag salita pa si Leopold batid kasi niya na isa siya sa mga suspect sa krimen dahil naroon siya sa pagtitipon nang maganap ito.

“Can I just call someone? Wala kasing susundo sa anak ko kapag sumama ako sa inyo ngayon,” pakiusap pa ng lalaki.

Nang pumayag ang mga pulis ay inimbita niya ang mga ito na pumasok sa kaniyang tahanan upang maupo na pinaunlakan naman ng mga ito.

Agad niyang tinawagan si Harmony na siyang pinakamalapit sa kanilang lugar upang pakiusapan na sunduin si Lia ngayong hapon. Sinabi lang niya na mayroon siyang aasikasuhin kaya hindi niya masusundo ang bata.

Hindi naman nag dalawang isip ang lalaki na paunlakan siya sa kaniyang hiling. Muli siyang nagpaalam sa mga pulis upang makaligo at makapagpalit muna ng damit.

Matapos ang labing-limang minuto nang paghihintay kay Leopold ay bumaba na rin ito sa salas mula sa second-floor kung nasaan ang mga silid.

Naunang lumabas sa tahanan ang tatlong pulis habang nakasunod si Leopold sa mga ito.

Sumakay siya sa patrol car ng mga ito at iniwan na lamang ang susi ng kaniyang sasakyan sa isang paso kung saan niya iyon madalas iwan sa tuwing pakikiusapan niya si Harmony na sunduin si Lia mula sa paaralan.

Hindi nag tagal ay narating na rin nina Leopold ang istasyon ng mga pulis.

Nakasunod ang tatlo sa kaniya habang siya ay papasok na para bang magagawa pa niyang takasan ang mga ito.

Pinaupo siya sa isang istante at sinabihan na mag hintay sandali para sa mag iinterview sa kaniya.

Makalipas ang ilang minuto ay umupo sa kaniyang harapan ang isang pulis na mayroong dala-dalang mga folder.

Pabalagbag na inilapag ng lalaki iyon at nahahapong umupo sa swivel chair na nasa harap ni Leopold nag salubong naman ang kilay ng binata dahil sa inakto nito.

Tanging ang desk lang nito ang namamagitan sa dalawang lalaki kaya naman ay kung gugustuhin ni Leopold ay madali lang niyang masasaktan ito.

“Who are you?” tanong sa kaniya ng lalaki nang makita siya. Sapo-sapo pa nito ang ulo na sa pakiwari ni Leopold ay malapit nang makalbo dahil sa workloads na mayroon ito.

“Leopold Rodriguez,” matipid niyang tugon.

Binulungan naman ito ng isa pang pulis na nakaantabay lamang sa kanilang dalawa. Napabuntong-hininga ang pulis na nasa kaniyang harapan at umayos na sa pagkakaupo.

“So, you’re one of the suspects.”T umango lang si Leopold bilang tugon.

Umpisa pa lang ay hindi na niya gusto ang pag-uugali ng isang ‘to. Ngunit dahil naging isa rin naman siyang sundalo noon ay pinalampas na lamang niya ang kagaspangan ng pag-uugali ng lalaki.

Inabutan ng isa pang folder ng kabaro nitong pulis ang lalaki. Panandalian pang kumunot ang noo nito sa mga nababasa bago muling nag salita.

“The night Mr. Almeda was murdered, you were at that party, right?”

“That’s correct.”

“Where were you at eight-forty-five pm, five minutes before the bombing incident?”

“I’m looking for Crisostomo as I was about to leave the party.”

“And you killed him?”

Sa pagkakataong ito ay hindi na nakapagpigil pa si Leopold at pinagtaasan na ng boses ang unipormadong pulis dahil sa pambibintang nito sa kaniya.

“What? What the fuck are you saying?”

“Watch your mouth, Mr. Rodriguez!”

Tumahimik na lamang si Leopold upang hindi na humaba pa ang usapan. 

“Stop making baseless accusations, officer.” Madiin na saad ni Leopold.

“This is not just a baseless accusation, Mr. Rodriguez. We have strong evidence against you.”

Bumadha naman ang gulat sa mga mata ni Leopold dahil sa narinig. “What are you—”

Hindi na siya pinatapos pang mag salita ng pulis. “We have found a pipe that has your fingerprint on it. You can’t deny your crime now, Mr. Rodriguez.”

“This is a mistake.” Leopold muttered.

“Someone killed Almeda and that man, was not me!”

“Detain him,” utos ng pulis sa kasama.

“You can contact your lawyer, Mr. Rodriguez, if you do not have any the state can provide you one.”

Wala nang nagawa pa si Leopold kung hindi ang sumama sa mga ito nang dalhin nila siya sa isang selda. Bago pa makalayo ang pulis na nag detain sa kaniya ay muli niyang tinawag ito.

“Hey sir! I need to call someone,” pakiusap ni Leopold. Hindi naman siya nabigo dahil muli siyang pinalabas ng pulis sa selda at dinala sa telephone booth ng istasyon.

“Excuse me,” agaw ni Leopold sa atensyon ng lalaki habang gumagamit ito ng cellphone sa kaniyang tabi. “I need some privacy, puwede ka bang lumayo nang kaunti?”

Nakasimangot na lumayo naman ang lalaki kay Leopold. “Huwag kang mag alala, hindi ako tatakas,” dagdag pa ng binata nang mapansin na nakatutok sa kaniya ang mga mata nito.

Nang matapos sa tawag ay sumama na rin siyang pabalik sa selda kung saan siya idedetain pansamantala. “I’m telling you; you’ve got the wrong guy.”

“Yeah, right. Lahat sila ganiyan din ang sinabi bago sila tuluyang masistensyahan ng mga hurado,” sagot ng pulis na sinabayan pa nang pagturo nito sa mga presong kasama niya sa loob ng selda.

Naging alerto si Leopold nang lapitan siya ng dalawang lalaki sa selda.

Tinitigan siya nito sa mga mata. Upang maiwasan ang hindi kinakailangan problema habang nasa loob ng selda ay mabilis na nag-iwas ng tingin si Leopold sa lalaki.

“Mukhang astigin ‘tong bagong pasok mga kosa ah!” saad ng kalbong lalaki na may malaking katawan. Tadtad din ng tattoo ang buong katawan nito.

Pumiksi pa si Leopold nang subukan siyang hawakan ng lalaki. Nang-uuyam na tumawa pa ang lalaki. “Matapang din pala mga kosa! Mukhang mag-eenjoy tayong makipaglaro sa gagong ‘to!”

“Ibalato mo na lang sa amin ‘yan amo! Kami na bahala mag binyag diyan!” natatawang saad pa ng isa sa mga preso.

Bahagyang napaatras ang malaking lalaki na nasa harap ni Leopold nang harapin niya ito at titigan sa mga mata.

“Ayoko ng gulo. Kaya pwede ba? Layuan mo ‘ko.” Pahayag ni Leopold.

Pilit na nilunok naman ng lalaki ang bikig sa kaniyang lalamunan tyaka umatras patungo sa kaniyang higaan.

Akala ni Leopold ay magiging maayos na ang lahat ngunit nagkakamali pala siya.

“Kayo na ang bahala sa kolokoy na ‘yan,” utos pa ng lalaki sa mga kasama.

Mariing napapikit pa si Leopold dahil sa mga kaganapan. Hindi niya gustong madagdagan ang offense na maaaring isampa sa kaniya pero hindi rin naman siya papayag na magpabugbog sa mga taong halang ang kaluluwa.

Unang lumapit sa kaniya ang isang patpatin ngunit mukhang sanay sa basag-ulo ang mukha na lalaki.

Susuntukin sana siya nito subalit nagawa niyang maiwasan ito.

Nainsulto naman sa kaniya ang patpating lalaki at ihinilig pa sa magkabilang direksyon ang leeg na para bang mayroon pa itong ace card na ilalabas.

Nang subukan siyang suntukin muli ng lalaki ay inunahan na niya ito.

Nagpakawala siya ng isang malakas na suntok na agad namang kumonekta sa panga ng lalaki. Walang malay itong napahiga sa sahig.

Nagulat naman ang iba pang mga preso sa bilis ng mga pangyayari. Nang makabawi ay agad siyang nilapitan ng dalawa pang lalaki na mukhang hindi pa nakakagawa ng mabuti buong buhay nila.

Inatake siya ng mga ito katulad ng pag-atakeng ginawa ng lalaki. Madali naman silang naiwasan ni Leopold dahil mabilis niyang nabasa ang galaw ng mga lalaki.

Isang minuto lang ang kinailangan ng binata para pabagsakin ang mga kalaban. Nahintatakutan namang napaatras ang ilan pa sa mga preso nang utusan sila ng tumatayong Hari ng selda na atakihin ang lalaki.

Walang nagawa ang Hari ng selda kundi ang atakihin mismo si Leopold. Sunod-sunod siyang nagpakawala ng suntok patungo kay Leopold. Dahil na rin sa masikip na lugar ay nahirapan si Leopold na iwasan ang lahat ng ito.

Napangisi ang lalaki nang mapaatras sa dingding si Leopold. Nang muli na sana niyang pauulanan ng suntok ang binata ay mabilis siyang sinipa nito sa tuhod dahilan para mawalan siya ng balanse at mapaluhod.

Ginamit naman ni Leopold ang pagkakataong ito upang tuhurin ang mukha ng lalaki. Halos matupi ang mukha nito sa lakas ng pagkakatuhod ni Leopold. Walang malay din itong bumagsak sa sahig.

Nagpalakpakan naman naman ang iba pang mga preso sa kanilang nasaksihan. Hindi naman na sila pinagtuunan pa ng pansin ni Leopold at tahimik lamang na naupo sa isang gilid.

“Oh, ano’ng nangyari sa mga ‘yan?” tanong ng isang pulis nang mapadaan sa kanilang selda.

“Ah, wala naman bossing nakatulog lang ang mga ‘yan!” pagtatakip ng isang matandang preso kay Leopold.

Hindi naman na nagtanong pang muli ang pulis at nagpatuloy na sa patutunguhan. Maya-maya ay nilapitan ng matanda si Leopold.

“Ayos ka lang ba, iho?” tumango naman sa kaniya si Leopold. “Mabuti at binigyan mo ng leksyon ang mga mayayabang na ‘yan.”

“Bakit ho ninyo ako pinagtakpan?” pagkanaka’y tanong ni Leopold.

“Wala lang. Gusto ko lang,” sagot ng matanda. “Bakit ka nakadetain ngayon?”

“Murder,”

Nabigla naman ang matanda sa naging sagot ng binata. “Pumatay ka ng tao?”

“Napagbintangan lang ako,” matipid na tugon ni Leopold dahil alam naman niya na hindi rin siya paniniwalaan nito.

Subalit, taliwas sa naiisip niya ay pinaniwalaan siya kaagad nito.

“Hayaan mo’t lalabas din ang katotohanan at mapapawalang-sala ka rin, iho.”

“Naniniwala kayo sa sinabi ko?” gulat na tanong ni Leopold.

“Bakit naman hindi? Mukha ka namang mabait at hindi gagawa ng gulo.”

Napangiti naman si Leopold sa pagiging prangka ng matandang lalaki. Kahit pa ilang minuto pa lamang silang nagkakakilala nito ay nakapalagayang loob na agad niya ito.

“Salamat po,”

“Naku! Hindi mo kailangang magpasalamat. Alam ko kasi ang pakiramdam nang mapagbintangan kaya nauunawaan ko na hindi pa klaro ang laman ng isip mo. Pasasaan ba’t malalampasan mo rin ang mga pagsubok na ito.”

“Ang ibig ho ninyong sabihin ay inosente rin kayo?” nagugulumihang tanong ni Leopold sa matanda na ngumisi lang sa kaniya. “Bakit po hindi kayo umapela sa korte para mapatunayan na wala kayong kasalanan?”

Pagak na napatawa pa ang matanda. “Mahirap lang ako at napakahabang proseso ang kinakailangan para mapawalang-sala ako at isa pa, nag-iisa na lang ako sa buhay. Namatay ang asawa ko nang mabangga siya ng isang sasakyan. Na-comatose siya at nagamit ko ang lahat ng pera na mayroon ako para ma-admit siya sa ospital. Pero hindi nag tagal ay binawian din siya ng buhay.”

Nakikita pa rin ni Leopold sa mga mata ng matanda ang sakit na dulot ng nakaraan nito. Nauunawaan niya na hindi madaling makalimutan ang mga sugat na iniwan sa puso at isipan ng mga pangyayaring hindi natin inaasahan.

Nauunawaan niya ito sapagkat hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakaahon mula sa malalim na hukay na gawa ng mga sugat na iyon.

“Hayaan po ninyo, tutulungan ko kayo.”

Lalo namang natawa ang matanda sa kaniya. “Huwag ako ang alalahanin mo, iho. Alalahanin mo ang sarili mo.” 

BAGO pa sumikat ang araw kinabukasan ay naroon na sa istasyon ng mga pulis si Raymund kasama ang isang abogado.

Habang abala sa pakikipagtalo ang pinsan niya sa mga pulis dahil sa pag detain sa kaniya ay ipinapaliwanag naman sa kaniya ng abogado ang sitwasyong kinasasadlakan niya.

“This might take long, Mr. Rodriguez. Malakas ang ebidensya nila laban sa’yo. They have your fingerprint on the murder weapon.”

“I already told them what happened, Atty. Kaya may fingerprint ako doon ay dahil sinalag ko yung tubo nang ipalo sa akin ‘yon nang pumatay kay Almeda!”

“I understand, Mr. Rodriguez. Pero wala pa tayong pruweba para mapatotohanan ang alibi mo, kahit CCTV footages ay wala kaming nakuha mula sa crime scene,” paliwanag ng abogado.

Mariing napapikit si Leopold sa narinig. Pakiramdam niya ay pinagkakaisahan siya ng mundo ng mga sandaling iyon.

Hindi nag tagal ay lumapit na si Raymund sa kaniya.

“Don’t worry, Kuya. I’ll get you out of there.”

“Thanks! But how about Lia? Is she good?” nag-aalalang tanong niya sa binata.

“Kasama niya si Harm at si Aling Vicky ngayon sa bahay ninyo. Naroon din ako kanina bago ako mag punta rito. She’s doing good, though hinahanap ka niya bago siya matulog kagabi.”

Napabuntong-hininga na lamang si Leopold. Alam naman niya na hindi pababayaan ng mga ito ang bata pero nalulungkot pa rin siya na hindi niya pa ito makikita ng ilan pang mga araw.”

“I’m counting on you, Mund. Huwag mo siyang pababayaan.”

“What are you saying? Makalalabas ka rito as soon as possible, and besides, tinawagan ko na rin si Tito.”

Nanlaki ang mga mata ni Leopold dahil sa narinig. “What? Why did you call him? What the fuck were you thinking?”

“Why? Eh siya lang ang alam ko na makakatulong sa’yo ngayon eh. Don’t tell me, you’re still not in good terms with him?”

“No, it’s not that. Ayoko lang na madumihan ang pangalan niya just because of me.”

“And who the hell told you that crap, Leopold?”

Umalingawngaw sa buong presinto ang boses ni General Rodriguez. Nakasuot pa ito ng uniporme na halatang nanggaling pa sa isang importanteng pagpupulong.

“Damn. ”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status