Home / Romance / LEOPOLD: THE SOLDIER / Chapter 11- SHARING KINDNESS

Share

Chapter 11- SHARING KINDNESS

Author: Atticus
last update Last Updated: 2021-10-21 17:21:04

BASANG-BASA dahil sa ulan si Leopold nang makabalik siya sa kanilang sasakyan.

Kanina pa sana sila nakaalis sa cemetery kung hindi lamang naiwan ni Lia ang stuffed toy niya sa puntod ng kaniyang ama.

“Daddy are why you wet? Where’s your umbrella?” nagtatakang tanong ni Lia sa binata.

Ngumiti naman siya rito. “I gave it to someone who needs it the most.”

Hindi naman na nag salita pa ang bata. Binuhay na ni Leopold ang makina ng sasakyan at pinasibad ito palayo sa lugar. Dahil sa malakas na ulan ay tumigil muna sila sa isang sikat na fast food restaurant sa bansa. Ang maligayang bubuyog.

“Gusto mo ba ng fried chicken, Lia?” tanong ni Leopold sa anak.

“Yes po. Pati po Ice cream,” sagot naman ni Lia.

Nakangiting tumango naman ang binata sa anak. Matapos makuha ang order sa counter ay kaagad din naman silang nakakita ng mauupuan. Maganang nilalantakan ni Lia ang kaniyang mga pagkain nang bigla itong mapatigil nang may makitang tatlong pamilyar na mukha sa labas.

“Daddy! It’s them!” saad ni Lia habang itinuturo ang tatlong binatilyong nakilala niya noong mawala siya.

“Who are they?”

“Friends ko po sila. Sabay po naming nakilala si Ate Andy!”

“Wait, are you sure?”

Tumango-tango sa kaniya si Lia. Mababanaag sa mukha nito na masaya itong makitang muli ang mga kaibigan.

“Okay, just wait for me here and I’ll invite them here, don’t go anywhere, understood?”

“Yes, daddy!”

Tumayo si Leopold mula sa inuupuan atnag lakad patungo sa labas ng establisyemento. Inabutan pa niyang kinakalkal ng tatlong mga bata ang basurahan upang humanap ng kung ano.

“Hi,” bati ni Leopold sa mga ito. Ngunit abalang-abala sila sa kanilang ginagawa kaya naman hindi nila narinig ang lalaki.

Saglit pa silang inobserbahan ni Leopold. Nakita niya kung gaano kaligaya ang tatlo nang makakita ang isa sa kanila ng kalahating hamburger sa b****a.

Paghahati-hatian na sana ng tatlo ang burger ngunit agad silang pinigil ni Leopold. “Huwag na ninyong kainin ang maruming pagkain na ito.”

Bahagya pang nagulat ang binata nang pukulan siya ng masamang tingin ng mga ito.

“Mawalang-galang na sayo bossing ha! Pero ang itinapon ninyong pagkain pa lang sana ang una naming pagkain ngayong araw!”

Nakaramdam naman ng awa ang binata para sa mga ito. “Ano’ng pangalan mo?” tanong ni Leopold sa binatilyo.

“Bernard,” tugon ng binata. “Siya si Kurt at John.”

“Ok. Bernard, Kurt at John, sumunod kayo sa akin sa loob.”

Nagulat naman ang tatlo. “Ha? Papasok kami riyan? Hindi kami papapasukin diyan. Kahit nga may pera kaming pambili hindi kami pinapayagang makapasok nung mamang masungit na ‘yon,” saad ni Bernard na itinuro pa ang matabang guwardiya ng establisyemento.

“Ako ang bahala sa inyo,” wika ni Leopold.

Nag dadalawang isip man ay mas nangibabaw sa mga bata ang nadaramang pagkalam ng sikmura kung kaya naman ay tumango na lamang sila sa gustong mangyari ng estrangherong lalaki.

Nakabuntot ang tatlong bata sa lalaki nang harangin sila ng guwardiya. “Kayo na naman? ‘Di ba sinabi ko na sa inyong bawal kayong pumasok rito? Ang titigas talaga ng mga ulo ninyo!”

Lalapitan na sana ng guwardiya ang mga bata upang ipagtabuyan pero naging maagap si Leopold. 

“Excuse me? Kasama ko sila.”

“S-sir?”

“I said, kasama ko ang mga batang ipinagtatabuyan mo. Customer din sila,” ulit ni Leopold.

“A-ah sige po sir, pasensiya na po. Sige na mga totoy pumasok na kayo. Hindi niyo naman sinabi agad na kasama pala ninyo si sir.”

Ngumisi ang tatlong binatilyo at binelatan pa ni Bernard ang guwardiya na halata sa mukha ang pagkainis sa tatlo.

Muling pumihit paharap sa lalaki si Leopold at sinipat ang agency at pangalan ng guwardiya.

“By the way, irereport ko sa management ng branch na ‘to ang pang didiscriminate mo sa mga customers. Look forward for your disciplinary action.”

Namutla ang mayabang na guwardiya dahil sa sinabi ng binata. Lihim na napangiti naman si Leopold. Wala naman talaga siyang balak na isumbong ang lalaki dahil hindi niya maaatim na mawalan ito ng trabaho at walang maipakain sa pamilya nang dahil lang sa kaniya. Gusto lang niya itong turuan ng leksyon. Na hindi dapat pinipili ang pinakikitaan ng kabutihan.

Leopold guided the three to their table. Their eyes widened when they saw Lia waiting for them.

“Hi!” Lia greeted the three.

“Hala! Yung matakaw na bata!” gulat na saad ni John.

“Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ni Kurt.

“Nawawala ka ba ulit? Ok ka lang ba?” sa pagkakataong ito ay si Bernard naman ang nag tanong.

Natawa naman si Leopold dahil sa reaksiyon ng tatlo. Hindi niya kilala ang mga ito ngunit nararamdaman niyang mabubuting bata ang tatlo. At isa pa’y naaaliw siya sa kung paanong umasta ang mga ito. Nakikita niya ang batang siya sa mga ito.

Nagpaalam siya sa mga ito upang bumili nang makakain ng tatlo. Nang makabalik ay agad niyang inilapag sa harap ng mga binatilyo ang isang bucket ng fried chicken, kanin, spaghetti at apat na burgers.

“Sige na, kumain na kayo.”

Nagkatinginan muna ang tatlo bago kumuha ng tig-iisang manok at kanin.

Magana na nilang sinimulan ang pagkain. Mataman naman na pinagmamasdan lamang sila ng binata.

Maya-maya ay natuon ang atensyon ni Leopold kay Bernard nang mag salita ito.

“Mabuti na lang at nakita ninyo itong matakaw na bata. Palagi na lang siyang nawawala. Saan niyo po siya nakita? Baka makatulong kami sa paghahanap sa mga magulang niya.”

“I already twold you, hindi ako nawawala,” singit ni Lia na hindi naman pinansin ni Bernard.

“Actually… ako talaga ang Daddy ni Lia,” saad ni Leopold.

Muntik maibuga ni Bernard sa harapan ng lalaki ang pineapple juice na iniinom niya, habang sina John at Kurt naman ay napaubo na tila ba nabubulunan.

“Okay lang ba kayo?” tanong ni Leopold.

“Opo sir,” sagot ni Bernard.

“Kuya Leo na lang ang itawag ninyo sa akin.”

Muling nagkatinginan ang tatlo at alanganing ngumiti sa lalaki. Napansin naman ito ni Leopold.

“May problema ba mga bata?”

“Ahmm… bakit po ninyo kami tinutulungan? Ipapupulis po ba ninyo kami?” kinakabahang tanong ni Kurt.

“Kung tungkol po ito sa insidente dati nang sinubukan naming nakawin ang tablet nitong batang mata—ni Lia… patawarin po ninyo kami!” dagdag pa ni John.

Lalo pang binundol ng kaba ang mga bata nang makita nila mula sa ‘di kalayuan ang mga pulis na nag lalakad papasok sa establisyemento.

Kinakabahan man ay muling nag salita si Bernard. “Itigil nga ninyo ang kaiiyak. Tanggapin na lang natin kaparusahan sa ginawa natin.”

Humanga si Leopold sa katatagan ng loob at sense of justice na mayroon si Bernard. Bagama’t mababanaag sa mga mata ng binatilyo ang takot ay hindi nito iyon ipinahahalata sa mga kasama.

“M-maaari po ba akong humiling bago kami makulong sir?” tanong ni Bernard.

“Maaari po bang ako na lamang ang ipakulong ninyo at hayaan ninyo sila na makaalis sa lugar na ito?”

Nagulat hindi lamang si Leopold kundi pati na rin sina John at Kurt sa mga sinabi ni Bernard. The boy is trying to take responsibility and was trying to take all the blame.  

“Bakit ko naman gagawin ‘yon?”

“Mayroon pa po kaming mga mas nakababatang kapatid na sa amin lang umaasa. Mamamatay sila sa gutom kung tatlo kaming makukulong.”

Ngumiti si Leopold sa tatlong binatilyo. “It’s okay. Walang makukulong sa inyong tatlo.”

“P-po?”

“Hindi ko naman tinawagan ang mga pulis at hindi naman ninyo tuluyang kinuha ang tablet ni Lia kaya wala kayong ginawang masama.”

Nauunawaan ni Leopold ang hirap na dinaranas ng mga ito at kung bakit muntik silang makagawa ng masama.

Ang mga katulad nilang nasa pinaka laylayan ng lipunan ang siyang dapat na tinutulungan.

Ang mga pulitiko na walang ibang-bukambibig kundi ang mithiing makatulong sa mga mahihirap sa tuwing sila ay mangangampanya lang ang siyang yumayaman.

Matapos maihalal ng sambayanan ay kalilimutan na lamang ang mga pangakong binitiwan. Hahayaan nilang mamatay sa gutom ang mga maralitang mamamayan habang ang bulsa nila ay pakapal nang pakapal dahil sa pagnanakaw sa kaban ng bayan.

“K-kung hindi po ninyo kami ipakukulong ay bakit may mga pulis dito?” nagtatakang tanong ni Bernard.

“Huh? Pulis? Saan?”

Nang mag-ikot nang paningin si Leopold ay nakita niya ang dalawang police officer na kasalukyang papalapit sa counter upang umorder nang makakain.

“Huwag ninyo silang intindihin, mukhang kakain lang naman sila.”

Sabay-sabay pa na bumuntong hininga ang tatlo.

“Oh siya, ipagpatuloy na ninyo ang pagkain,” utos ni Leopold sa mga bata.

Pagkatapos ay tumayo siya at nagtungong muli sa counter. Pagbalik niya ay may dala na siyang ilang supot ng pagkain.

Kunot-noo namang napatingin sa mga supot na dala niya si Bernard nang ilapag niya iyon sa harap ng mga ito.

“Para san po ang mga ito, sir?”

“Para sa mga kapatid ninyo.”

Saglit pang natulala ang binatilyo. Naalala niya bigla si Andrea nang bigyan din sila nito ng mga pagkain upang dalhin sa kanilang mga kapatid.

Nangingilid ang mga luha na napayuko si Bernard.

“Maraming salamat po sir! Hindi ko po makalilimutan ang kabutihang loob ninyo sa amin!”

“Don’t mention it. Kung tapos na kayo ay sabay-sabay na tayong lumabas.”

Tumango naman ang mga bata. Nang makalabas ay nagpaalam na rin sina Leopold sa mga ito. Nilapitan ni Bernard si Lia.

“Psst, batang matakaw…” tawag ni Bernard kay Lia. “Mag iingat ka na palagi ha? Huwag ka na ulit lalayo sa Daddy mo para hindi ka na mawala.”

Nakangiting tumango lang si Lia sa binatilyo na hinaplos at kinurot ang pisngi ng cute na bata.

“Sir—Kuya Leo… maraming salamat po ulit sa kabutihang loob na ipinakita ninyo sa amin. Sa tanang buhay ko ay dalawa pa lamang po kayo ni Ate Andy ang tumulong sa amin.”

Napaisip si Leopold nang marinig ang pangalan ng babaeng tinutukoy ni Bernard. “Ate Andy? Siya ba yung nakakita kay Lia at nag dala sa presinto ng mga pulis?”

“Opo!” tugon naman ni Kurt.

“Ah ganun ba? Tinulungan din pala niya kayo. Sayang at hindi kami nagpang-abot noon. Disin sana’y nakapag pasalamat man lamang ako.”

“Maganda po ‘yun si Ate Andy. Bagay nga po kayo eh!” sabat ni John na agad namang siniko ni Bernard kaya naluluhang napatahimik.

“Mauuna na po kami, Kuya. Ibabahagi po namin ito sa mga kapatid naming naghihintay sa pag-uwi namin,” paalam ni Bernard.

Paulit-ulit pang kumaway ang tatlo kina Leopold at Lia hanggang sa mawala na sila sa paningin ng mga ito.

Sina Leopold at Lia naman ay nag tungo na sa Lia’s Gourmet upang bisitahin sina Harmony. Nag liwanag ang mukha ni Harmony nang masilayan silang papasok sa pinto.

“Bossing L! Batang makulit!” agad silang nilapitan ni Harmony. “Mabuti naman at dumalaw kayo. Ilang araw na rin tahimik dito sa restaurant.” Nakangusong dagdag pa ng binata.

“Pasensiya na, kinakailangan kasi ako sa doon sa branch nina Raymund sa Tagaytay due to some minor problems.”

“Everything’s okay?”

“Yep! All is good now.”

Nalipat ang atensyon nila sa mga bagong pasok na customers nang bumukas ang pinto. Si Lia naman ay naupo muna sa isang bangkito sa counter habang naglalaro sa kaniyang tablet.

At dahil na rin sunod-sunod ang naging pag dating ng mga customers ay tumulong na rin si Leopold sa pagkuha at pag seserve ng mga orders.

Pasado alas-otso na ng gabi nang maubos ang customers ng Lia’s gourmet.

Bagama’t napagod sa maghapon ay nakangiti pa rin si Harmony na tila ba hindi ito nauubusan ng lakas. Nagyaya pa nga itong uminom na pinaunlakan naman ni Leopold.

“Haay! Ang sarap talaga ng beer kapag pagod ka,” saad ni Harmony na napapapikit pa. “Sayang lang at wala man lang tayong naging customer ngayon na maganda.”

Tahimik naman na napangiti sa kapilyuhan ng binata si Leopold. Sinipat niya si Lia na kasalukuyang nakikipag kuwentuhan sa kusinera nilang si Aling Vicky habang kumakain ng kung ano mang inihain sa kaniya ng ginang.

“The business is good. We’re profiting more than we can imagine. But… how about you boss? Are you good?” seryosong tanong ni Harmony sa kaniyang amo na itinuturing na rin niyang nakatatandang kapatid.

“Would you please stop calling me ‘boss’ or ‘amo’? it feels weird, and what do you mean by that?” balik na tanong ni Leopold kahit pa may ideya na siya kung ano ang tinutukoy nito.

“The ghosts. The nightmares, perhaps?” sagot ni Harmony bago laklakin ang serbesang nasa bote.

Saglit na natahimik si Leopold. Pagkanaka’y muli itong nag salita.

“They’re all coming back and I don’t know why. I can’t fend them off. Whenever I close my eyes, I see them… and the memories of that tragedy haunts me all throughout the night.”

“Wish I could help Kuya.”

“Nah, just you helping me out with my business is more than enough, Harm. Thank you for being the little brother I never had.”

Matamis na ngumiti si Harmony sa lalaki na sinundan nito ng isang pag ngisi. “Corny mo, amo.”

The two closed the night with a fist bump. Thanking the universe for giving them a family they can lean on.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • LEOPOLD: THE SOLDIER    Chapter 121- A BITTER SWEET ENDING

    LEOPOLD had spent the past three days working from his restaurant after their mission. Trying to forget how he barely see any signs of Bart and Malia. Their brothers in the organization are relentlessly working to track down the man who took his daughter but to no avail. He will visit Julie at their medical facility later. His friend just woke up few hours ago. They thought they were about to lose Julie but thank all the gods of mankind they didn’t. He was about to wrapped up when a familiar face entered the restaurant. “Mr. Rodriguez, long time no see!” said the man who arrived. “Mr. Lacasa. Great to see you,” ani Leopold. “Is it?” pagbibiro pa ng matanda na sinundan nito ng malutong na halakhak. Hindi alam ni Leopold kung bakit pero hindi talaga siya napapakali kapag nasa malapit ang matanda. Pero na ganito pa ang nararamdaman niya ay hindi naman niya ito maaaring itaboy sapagkat “I haven’t seen you in a while, Mr. Rodriguez. Are you busy with something else?” tanong ni Conrad

  • LEOPOLD: THE SOLDIER   Chapter 120- MAN'S HONOR

    THE sound of someone making breakfast awoke Leopold from his slumber. Every instinct deep down told him to keep his eyes closed, but he knew it was a fool’s errand. Time was passing, and he was almost out of it.He opened his eyes to see Atlas smiling at him, “Good morning,” Atlas greeted, “slept well?”Leopold nodded slightly, unsure how to respond. “Yes, what are you doing here early this morning?” he said as she slowly got up. “When this is all over, we have a lot to talk about you and me.”Atlas furrowed his eyebrows. “About what?”“About your frequent trespassing here at my house, you dipshit!” Leopold extracted his self from the bed, hearing the joints in his back popping. In few short minutes, he was done taking a bath and went downstairs. Atlas and Julie had a hot bowl of soup and a side of bacon waiting for him.“Come on! Dig in!” Julie invited.“You can cook?” Leopold inquired making the woman spout.“Of course. Do you really think you’re the only one who can cook among all

  • LEOPOLD: THE SOLDIER   Chaptet 119- FOR THE SEAT

    THE gong sounded, and Hiroshi and Asahi limped and stumbled back to their starting marks. They exchanged pleasantries of bowing to each other and their grandfather. Hiroshi went to his defensive stance, while Asahi went on to his offensive strikes. The round kicked off with Asahi screaming wildly, smashing his left hand and his feet against Hiroshi’s defenses. Hiroshi blocked what must have been a dozen strikes effectively despite his poor balance with one good leg. Finally, Asahi seemed to collapse as his eyes closed. Instinctively, Hiroshi, tried catching his brother. Leopold saw what was happening before Asahi opened his eyes. Exploiting your older brother’s protective instinct to get him to drop his guard. You rotten bastard! Leopold thought at the back of his mind. Asahi’s left hand sprung like a rattlesnake toward the center or Hiroshi’s chest. Hiroshi gripped his brother’s forearm, desperately trying to keep the lethal object of his hand off her heart. Asahi seesawed with hi

  • LEOPOLD: THE SOLDIER   Chapter 118- CLAN CONFLICT

    LULAN ng dalawang sasakyan ay mabilis na tinalunton nina Leopold ang daan na maaaring tinahak ni Bart kasama si Malia.Ngunit hindi na nila makita pa ang mga ito. Maging ang grupo ni Jonas na umikot pa upang sana ay salubungin ang mga ito ay hindi sila nagawang maabutan.Alam ni Leopold na hindi sasaktan ni Bart ang bata ngunit may kung anong bagay ang nag bibigay sa kaniyang dibdib ng kaba. Kaba na kanina pa hindi naaalis sa kaniyang sistema.Kasalukuyan na silang pabalik ngayon sa Headquarters ng Crow. Naroon din na nag aabang ang ilan pa nilang mga kasamahan na hindi nakasama sa ibang sumaklolo sa kanila.“Is everyone safe, Sir Jonas?” tanong ni Abel habang katabi ang kakambal na si Cain.“Thankfully, Yes.” Jonas replied.“Thank god!” Napahalukipkip na tugon pa ng lalaki.Hindi nag tagal ay dumating na rin ang grupo nina Leopold. Nanlulumong napaupo ang lalaki sa high stool ng bar. Napansin ito ng iba pa ngunit hindi na lamang sila nag salita.Matapos bigyan ng isang baso ng scotch

  • LEOPOLD: THE SOLDIER   Chapter 117- CONFRONTING THE TRUTH

    NO ONE couldn’t fathom how uneasy Leopold was. Almost a dozen of armed men were in front of them. A small move and they will be dead. The worst case scenario— His daughter will die as well.His mind tried to calculate any escape route but to no avail. They were surrounded. One resistance from them and the three of them would be dead meat in an instant.A shape of a human being emerges from the darkness. Leopold was stunned upon seeing the man standing in front of him. It was Bart.His serious face began to show emotions that he tried to suppress long ago when he saw Malia. His daughter.“How did you find us?” Leopold asked the man.“It is not that hard to track your whereabouts, Leopold.” Bart answered.Muli nitong sinipat ng tingin si Malia. Humarang naman si Leopold nang mapansin ito. “Why are you doing this? Why did you join the Golden Circle?”“To get my revenge to you,” tugon nito bago muling tiningnan si Lia na nagtatago sa likuran ni Mira. “And to get my daughter back.”Parang

  • LEOPOLD: THE SOLDIER   Chapter 116- UNEXPECTED ENGAGEMENT

    PARANG ipo-ipo sa ginawang pag kilos ang lahat. Kaagad na tumakbo patungo sa van sina Julie, Faustus at Leopold upang kunin ang kanilang mga baril.Habang si Mira naman ay kagyat na hinila sa isang gilid si Lia na naguguluhan sa mga nangyayari.“Tita? What are you playing po?” Nagtatakang tanong ng paslit na ang akala ay naglalaro lamang ang mga nakatatanda.“Uhh…” Umikot muna sa paligid ang mga mata ni Mira bago sagutin ang bata. “We’re about to play hide and seek baby, at tayong dalawa ang magkakampi kaya huwag kang aalis sa tabi ni Tita Mira, okay?”“Okay po,” sagot naman ng bata.“Leopold, Faus, Julie, Flint! With me!” utos ni Jonas.Nag-aalala naman na napatingin si Leopold kay Mira at Lia. Hindi niya nais iwanan ang anak sa gitna ng kaguluhan.“Don’t worry, I’ll take care of your daughter,” paniniguro ni Mira sa nag-aalalang ama.“I’ll be with them, Pare. Huwag kang mag-alala,” singit naman ni Atlas.Matipid na ngumiti naman si Leopold sa kanila. “Thank you guys. Take care.”“Le

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status