Share

Chapter 115- MIRACLE

PATAKBONG pumasok sa medical facility ng Crow si Leopold. Parang tambol sa lakas ang pag kabog ng kaniyang dibdib ng mga sandaling iyon.

Ni hindi na nga niya nahintay pang matapos ni Atlas ang hatid nitong balita kanina. Dahil base pa lang sa hitsura kanina ng lalaki ay hindi mabuting balita ang hatid nito sa kaniyang tahanan. Pakiramdam pa nga niya ay ang oras na mismo ang kalaban niya ng mga sandaling iyon.

Wala siyang kinatatakutan. Kahit nga si kamatayan ay maaaring mahiya na lang sa kaniya dahil hindi na niya ito kinatatakutan. Sa dinami-rami na rin ng mga laban at misyon na hinarap niya ay kabisado na niya kung paano niyang matatakasan ang taga-sundo ng mga kaluluwa.

Pero para sa kaniya ay naiiba ang mga sandaling ito. Hindi man siya naniniwala sa mga Diyos na sinasamba ng mga tao ay pakiwari niya ay luluhod sa kahit na saang simbahan, mosque o templo ng mga ito para lang humiling na huwag munang bawiin ang pinakamamahal na anak.

Naging kapansin-pansin para sa kaniya na wala ni
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status