Share

Chapter 14- ARMAN CHAVEZ

DAHIL sa lead na nakuha ni Leopold ay kaagad siyang nagsagawa ng background check sa mga empleyadong napag-alaman niyang nagkaroon ng problema sa kumpanya.

Nagulat pa siya nang makita ang isang pamilyar na pangalan sa listahan. Arman Chavez. Isa sa mga naging kaklase nila noong sila ay nasa High school pa lamang.

Kilala niya ang lalaki. Mabuti itong tao, ngunit katulad niya ay salat din sa pera ang pamilya nito kaya naman ay kasama niya ito na palaging binubully ng grupo nina Crisostomo noong araw.

Kung noon ay paloko-loko lamang ang mga masasamang ginagawa ni Crisostomo rito ay iba na ito ngayon.

Kasama si Arman sa mga na lay-off na empleyado ng Almeda Electric Corporation.

Kagyat niyang kinuha ang address ng dating kaibigan at mabilis na pinasibad ang sasakyan patungo sa kasalukuyang tinitirihan ng lalaki.

Nang marating niya ang lugar ay sinubukan niyang hanapin ang dating kaibigan dito ngunit makailang beses na rin siyang nabigo.

Maya-maya lang ay isang matandang babae ang lumapit sa kaniya. Humingi ito ng kapalit sa impormasyong maaari nitong ibahagi sa kaniya.

Hindi naman na tumutol pa sa mungkahi ng matanda si Donovan at kaagad na binigyan ito ng one thousand pesos.

Nang maituro sa kaniya ng babae ang isang tahanan sa pagtatapos ng sementadong daanan ay mabilis na pinuntahan agad ito ni Leopold.

Kumatok siya sa pinto sapagkat mukhang natutulog pa ang nagmamay-ari niyon.

Ilang saglit lang ay nakarinig ng mga mahihinang pagkaluskos si Leopold. Dahan-dahang bumukas ang pinto at iniluwal niyon si Arman Chavez.

The man looks defeated. Mahaba ang mga balbas at mababanaag sa mga mata nito ang labis na pagod.

“Sino ka?”

“Hi! Hindi mo ba ko nakikilala?”

Mataman siyang tinitigan ng lalaki at umiling. Kumunot pa ang noo ng lalaki na tila ba pinipilit inaalala kung saan siya nito nakilala. 

“Ako ito, Arman, si Leopold. Dati mo akong kaklase noong high school,”

Lumiwanag naman ang mukha ng lalaki na kung titingnan ay tila ba nasa lampas apatnapung taon na samantalang nasa kalendaryo pa naman ang edad nila.

“Leopold Rodriguez?” pagkumpirma ni Arman. Tumango naman ang binata bilang tugon sa kumpirmasyon nito.

Buong tamis itong ngumiti sa kaniya. Humingi pa ito ng ilang minute upang iligpit ang mga kalat nito sa loob ng tahanan.

Nang matapos ay muling bumukas ang pinto. Subalit, sa pagkakatong ito ay mas malawak na ang pagkakabukas niyon.

“Tuloy ka, classmate!” Mainit na paanyaya kay Leopold ni Arman.

Ipinaghanda pa siya nito ng orange juice at meryenda. Nagpasalamat naman sa kaniya ang binata. “Kumusta ka na, Leopold? Long time no see ha!”

“Oo nga eh. Okay lang naman ako. Eto may kaunting business lang na pinatatakbo,” tugon ni Leopold.

Mapait na ngumiti naman si Arman. Mababanaag pa sa mga mata nito ang lungkot at desperasyon na nadarama.

Saglit lang iyon ngunit hindi pa rin ito nakaligtas sa mga matatalas na mata ni Leopold.

“Mabuti naman kung ganoon.”

“Ikaw? Kumusta ka na?” tanong naman ni Leopold kahit pa alam na niya ang sitwasyon ng lalaki dahil sa partial investigation na ginawa niya para sa pagkatao ng kaharap.

Bumuntong-hininga si Arman bago muling nag salita. “Minamalas pa rin sa buhay,” ani ni Arman.

“Bakit? May problema ba? Baka makatulong ako sa’yo,” pagmamaang-maangang ganting tanong naman ni Leopold.

Nakikita niya sa ekspresyon ng mukha ni Arman ang hesitation na ipaalam sa kaniya ang mga suliranin nito sa buhay.

Muli pang nagulat si Leopold nang muling mag salita si Arman. “Hindi ko alam. Pakiramdam ko pinagkakaisahan ako ng mundo. Una, nawalan ako ng trabaho. I-ikalawa naman ay ang pagkamatay ng anak ko.”

Hindi ipinahalata ni Leopold ang pagkagulat sa narinig. “N-namatayan ka ng anak?” Tumango naman sa kaniya ang lalaki.

Hindi preparado ng mga sandaling iyon ang binata kaya naman ay hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin upang mapagaan man lang kahit konti ang mabigat na pakiramdam nito.

“I’m so sorry for your loss, wika pa ni Leopold.

Nakangiting pinahid naman ni Arman ang mga butil-butil niyang luha sa mga mata at muling magiliw na hinarap ang dalaga.

Nag-offer pa ang lalaki na doon na lamang mananghalian sa tahanan ni Arman.

Pinaunlakan naman ni Leopold ang imbitasyon nito upang mas makapag imbestiga na rin.

“Puwede ba akong magtanong, Arman?”

“Ano ‘yon?”

“Ano ang dahilan at nawalan ka ng trabaho?”

“Tinanggal ako sa trabaho ng kumpanya Almeda Corporation last week dahil lamang sa hindi ko pagpasok ng isang araw,” sagot ni Arman.

“Bakit mo nga pala naitanong?”

“Wala naman curious lang talaga ako sa naging dahilan. Mula pagkabata kasi ay kilala na kita, at alam kong isa ka sa mga pinakamatalinong estudyante noon kaya naman ay batid ko na mag ta-top ka sa larangang napili mong pasukin,” tugon ni Leopold.

Humingi naman ng paumanhin si Leopold nang mapansin na hindi na nais pa na mag komento ang lalaki.

Habang abala sa paghihiwa si Arman nang mga sangkap na lulutuin ay iginala naman ni Leopold sa paligid ang kaniyang paningin. Magulo ang lugar.

May iba’t-ibang klase ng mga placardsang nakasabit sa dingding.

Lahat ng iyon ay nagpapaabot nang galit sa pamunuan ng Almeda Corporation, lalong lalo na para kay Crisostomo.

May nakasabit pa ngang litrato ng yumaong si Crisostomo sa dingding. Subalit, mayroon itong isang malaking “X” mark sa mukha nito.

“Mukhang napakalaki ng galit mo para kay Crisostomo, kaibigan ha?” pasaring ni Leopold kay Arman na kasalukuyang isinasalang ang iba pang mga rekados para sa niluluto nitong sinigang.

Matalim ang mga mata ni Arman nang pasadahan nito ng tingin ang litrato ni Crisostomo. Dahil dito ay mas tumibay pa ang hinala niya na maaaring si Arman ang may kagagawan nang pagkamatay ni Crisostomo Almeda.

“May problema ba, Arman?”

“Ah, naku! Wala naman. Siya nga pala, paano mo naman nalaman kung saan ako nakatira?” tanong pa ni Arman sa binata.

Dahil hindi naman niya maaaring aminin kay Arman na sadyang ipinahanap niya ito dahil isa ito sa mga suspect sa pagpatay kay Almeda at kaya siya naroroon ay dahil pasimple niyang iniimbistigahan ito.

Labis ang pagkagulat ni Leopold sa mga sumunod na nangyari. Nanlalaki ang kaniyang mga mata habang pilit na iniiwasan ang inuunday na itak ni Arman patungo sa kaniya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status