Share

Flirt#3: Ang manliligaw ni Dean.

---------------------

Sa punto d’ bista ni Liah.

----------------------

That damn dean! He dared ridicule me. Let’s see how upright you are Dean. I will flirt with you and let’s see how much self-control you have. He is the first person who lectured me without even knowing my intention for breaking that jerk’s heart. Siya rin ang unang tao na namahiya sa akin sa klase. 

You keep on asking for my attention, huh? 

I shall give him a good show. Now that he saw how toxic I am, mas lalayo siya sa akin, it means mas magiging challenging ang pang-aakit ko sa kanya. Mas rewarding kapag ang hate at disgust na nararamdamn niya sa akin ay mapalitan ng love at admiration. Mas satisfying kasi ang laro kung mahihirapan kang ipanalo, right?

I should have read Greene’s book of art in seduction, maraming style ng pang-aakit na nakasulat doon. Malay mo isa sa mga iyon ay effective kay Dean. Dahil hindi ko siya nakuha within a month ang reward ng pustahan namin ay umakyat na sa 100k. Malaki rin iyon ah, I don’t need to swipe my card para sa pagliliwaliw kung mananalo ako HAHAHHAHHA. Since monitored nila daddy ngayon ang expenses ko ay nahihirapan akong gumastos.  

Anyway, may klase kami sa kanya ngayong araw. Makikita ko ulit siya, it has been five days noong huling kita naming. Isang araw lang namin siya na-meet at tinatamad muna akong guluhin siya sa office. Nagiisip pa ako kung paano ko siya aakitin.

“I will call 10 presenters to recite the preamble,” aniya pagkapasok pa lang niya ng room. Umiwas siya ng tingin sa akin. Ah ganun? After mo ako pagmukhaing masamang tao last time ay hindi mo ako magawang tingnan ngayon?

Ayun nga binalasa na ni dean ang puting piraso ng papel na naghahawak ng buhay namin sa buong semester. Alam ko na matatawag ako, lagi naman akong malas sa ganito eh. Buti sana kung sa raffle ako nabubunot kasi hindi eh, sa graded recitation lang.

Nagtawag siya… sa walong tinawag niya ay dalawa ang hindi nakasagot ayon singko sa graded recitation. Ang ika-siyam na natawag ay si Lore, syempre kahit poqita iyan ay hindi naman bobo ang kaibigan ko. Ang taray ng lola niyo nagmamaganda sa harap habang nire-recite ang preamble. Tatawa na sana ako kaso natawag ako.

Shuta naman, bakit nadawit pa ako sa huling tao na matatawag?! If I know gusto niya lang aking makitang nagrerecite at tumayo malapit sa kanya.

“We the sovereign Filipino people, imploring the aid of Almighty God, in order to build a just and humane society and establish a government that shall embody our ideals and aspirations, promote common good, conserve and develop our patrimony, and secure to ourselves and our posterity the blessings of independence and democracy under the rule of law and a regime of truth, justice, freedom, love, equality, and peace, do ordain and promulgate this constitution.”

Okay medyo hiningal ako mga sismars! Pero atleast nairaos ng ganda ko ang graded recitation ni dean.

“Very good. I hope you learned your lesson. Do advance study because I will surprise you with things like this. Going back to our lecture, why do you think the Preamble is included in the 1987 constitution?”

“Ms. Faunteen, what is the essence of Preamble?” 

Sabi na eh, miss ako nitong si dean. Pansin niyo lagi akong tinatawag sa graded recit?

“Preamble is merely “prayer” in the constitution. The Filipinos are God-driven thus, they included preamble as source of light that would aid in ascertaining the meaning of ambiguous provisions in the constitution.” Umupo na ako at nakatuon ang tingin ko kay Max. Nakita kong napalunok siya ng mag-lip bite ako habang nakikipagsukatan ng tingin sa kanya. AHHAHAHHA his face, it’s entertaining.

“The constitution is the highest law or the mother of all laws. It is a direct action of the people by which fundamental powers of the government are established, limited and defined. The Constitution has two classifications, it may be a written or codified constitution, example is 1987 constitution. The other one is uncodified like the UK constitution which evolved customs and traditions.”

“Ms. Buencamino, tell me the order of law from highest to lowest.”

“Hindi ako sure sir ah… hihihi… hmmm una po is Constitution, next ay statutes…” Nahinto si Lore sa pagsagot, malamang hindi na niya alam ang next. Duh, bakit naman kasi itatanong niya iyon eh hindi pa naman naming na lelecture iyon. Noong nakaraan eh theories of states lang tinuro niya. So, ineexpect niya ba na alam naming agad?

Sit down.” Tumingin siya sa akin… 

Hoy! Subukan mo akong tawagin, patay ka sa akin. Hindi ko rin alam ang sagot at siguradong mapapahiya ako rito. Ayaw ko pa naman iyong tinawag ako sa recit tapos hindi ko nasasagot. Ang taas ng tingin ng block ko sa akin at kapag nagkataon ito ang unang beses na hindi ko masasagot ang tanong niya. Usually, ang mga prof dito ay hindi nagpaparecit bago maglecture pero itong si Dean ay tila walang patawad sa recitation. Ang tradisyon ng Elysian ay dapat may exam parati after ng lecture at ang recitation ay ginagawa lang after ng lecture. Well, hindi naman sinabi sa handbook na bawal ang magparecit bago at habang naglelecture, hindi lang kami sanay sa bagong approach ni dean. Para siyang sakit sa puso na hinahi-jack kami para atakihin.

“Ms. Faunteen, you keep on staring at me. I believe you want to answer, right?”

Ay anak ng pitong malalanding baka! Papansin naman itong si Dean. Napilitan akong tumayo, lahat sila nakatingin sa akin. 

Constitution… Statutes ...” shit! Anong kasunod? Tinatawag ko ang lahat ng hoely spirit tulungan niyo ako! “Statutes… Ordinances?” tatlo pa lang iyan, bubu ka ba magbilang liah? Taenang braincells ito, ano nga kasi iyong isa pa?

You may take your sit. I believe, I told you to do advance reading. You are a polsci student you should not settle for spoon feed information. Noong panahon naming kailangan pa naming pumunta ng malayong library para lang magself-study, maswerte kayong kabataan ngayon dahil may mga libreng sites na para maaccess ninyo ang mga p*f’s and such.”

Tsss! Ayan na naman siya sa values and shits niya. Ano naman kung maswerte kami dahil sa technological advancement? Bakit ba siya nangingialam kung anong ginagawa namin sa privilege namin? 

“Going back, we have the constitution as supreme law of the land, followed by statutes, administrative order and lastly ordinances.”

Blah…blah… tuloy – tuloy lang siya sa pagdiscuss, nahinto siya ng may tumunog ang buzzer ng room, meaning may tao sa labas. 

“Excuse me for a while. Please get one whole shit of yellow pad then answer the following on white board. President of the class, collect the papers and bring them to my office,” aniya sabay pindot ng controller at ayun lumabas ang 20 items na post assessment exam. 

So, you want me to go to your office, huh? What a lucky day to flirt with our lovely dean ihihihih. Excited kong kinolekta ang papel pagkatapos.

“Huy, beshyy huwag mo namang ipahalata na excited kang puntahan si dean. Ano na gurl, mukhang hindi ka naman umubra kay dean. Bayaran mo na ako ng 100k sa katapusan ah. Talo ka na aminin mo na kasi hindi mo kayang akitin si dean,” tudyo ni Lore sa akin. Binulong lang naman niya, syempre hindi naming pwedeng iparinig sa iba. 

“Tumahimik ka nga muna. Baka bumula bigla iyang bibig mo o di’ kaya lumuwa iyang mata mo kapag nakita mo kaming pasekretong lumalabas.”

“Hindi ka talaga susuko ah. Sige, goodluck na lang. Feeling ko bakla si dean. Hindi mo ba nasesense? Magdadalwang buwan na siya rito pero wala man lang akong nakitang may kasama siyang babae. Tapos ang selan niya pa kamo, alam mo kilala pala ng personal nanny ko iyang si Dean. Chinika ko kasi sa kanya na ang gwapo ng bago nating Dean. Tas ayun sabi niya kaklase niya raw dati noong highschool si Dean, bakla raw iyan si Dean. Never daw nagka-interes sa babae iyan si Dean, instead may scandal raw iyan na nakipag-date daw siya sa mga bakla.”

Wait. What?!

“Edi subukan natin,” saad ko nang nakangisi. Hmm… interesting, kaya siguro mainit ang mata niya sa akin dahil maganda ako at insekyurang mahadera siya kaya gusto niya akong pinapahiya sa klase. 

“Anyway, doon muna ako kay Maurice ah.”

“Tss guguluhin mo na naman iyong crush mo ah. Baka gusto mo ihagis ka nun sa bundok tralala,” biro ko sa kanya. Sumimangot naman siya sabay walk out. Ewan ko bas a babaeng iyon kung anong nakita niya kay Maurice at inlababo siya sa kambal ko.

Anyway, let’s go na muna kay Dean my bebeloves. Time to bother him again… la~la~la~. Pasipol-sipol pa akong pumunta ng office niya, as usual nakabukas na naman. Malamng nasa office na siya, bawal kasing i-lock ang office kung may tao sa loob para malaman kung may tao ba o wala. 

Pinagulong niya paatras ang swivel chair niya. Nahuli ng mata ko ang pasimple niyang pagtakip sa bibig niya… AHAHAHAH may trauma ka baby? Don’t worry hindi ako manghahalik ngayon. 

Kung wala kang sasabihin or itatanong you may leave now, Ms. Faunteen.”

Too bad, pinapalayas mo na agad ako huh. 

“I have a question, Mr. Dereux.”

Tumingin siya sa akin nang seryoso at sinamahan pa nang pagkunot ng noo niya. “What is it?”

Bakla ka ba talaga, sir? Come to think of it, I don’t know the real Maximillan Dereux. Ang alam ko lang ay mahirap siya at may loans na kailangang bayaran. Kasalanan ito ni Lore, kung ano tuloy naiiisip ko.

“Are you not interested in dating me?”

Akala ko naalis na ang masamang Espiritu sa’yo. Why do you keep on asking me that stupid question?”

“How many times do I have to tell you? I Like you.”

“I know you are young and want some extreme game of romance, I won’t fall for your game, Ms. Faunteen,” aniya sabay balik ng tingin sa libro na binabasa niya.

Ginagalit talaga ako ng isang ito. Two months niya na akong nirereject, never have I ever been rejected by the guys I want to seduce. Tiniklop ko ang libro niya at hinarang ang kamay ko sa cover nito. “Fine. I guess I’m a little bit rude for forcing you to date me. Then… I have no choice…” ngumisi ako atsaka pinagpatuloy ang sasabihin ko. “I will court you properly, Dean. Maximillan Dereux.”

I must have gone crazy, the mighty Merliah Faunteen will court a guy for the first time! He is not just a guy but a dean of our college.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status