Blind Choices (Tagalog)
Blind Choices (Tagalog)
Author: Vixius Vixxen
PROLOGUE

"My! There are a lot of people in my castle!" Sigaw ng apat na taong gulang na batang si Aalia habang tumatakbo papasok sa kanilang tahanan.

Ang kastilyong tinutukoy niya ay ang abandonadong bahay sa kanilang tapat na matagal ng walang nakatira ilang taon na ang nakalipas. 

Lumabas ang kanyang ina mula sa kusina at sinalubong ang anak. "Aalia! Nanggaling ka nanaman doon. Sinabi ko naman sa iyo na huwag kang magpupunta doon at baka may ahas pang naligaw doon. Paano kung mapahamak ka sa pagpunta-punta mo roon." Suway ng ina.

"Pero po walang ahas doon! You know I'm a princess mommy, so Aalia should have a castle and I choose it as my castle and its mine now! I have it first but they took it." Sumbong ng batang si Aalia. Tinuro nito ang abandonadong bahay. "Look! Can you see that? Sinisira nila ang castle ko!"

Tinignan ng ina ang sinasabi ng anak. Maraming tao nga ang naroroon at sa tingin niya ay mga manggagawa ang mga iyon. Mukhang may nakabili na ng lupa at balak i-renovate ang bahay.

Napahinga siya ng malalim at pumantay sa nakasimangot niyang anak. "Anak, its not yours to begin with. May iba ng nagmamay-ari roon noon pa man kaya hindi mo pwedeng basta na lang angkinin iyon."

"Pero iniwan na nila yung house so it means someone can claim it." Katwiran ng anak.

"Anak, hindi porket iniwan ay wala ng nagmamay-ari. May rason kung bakit walang taong nakatira doon like maybe they choose to live to other places kaya walang tao roon."

"But I like that house. I want it to be my castle."

"Hindi ba sinabi ko na sa iyo, hindi lahat ng bagay ay nakukuha mo. May nakatira man doon o wala you don't have the choice. Its either you leave it and choose the other house or if you have money you can buy the house so you can have it pero sometimes kahit may pera ka kung ayaw ng may-ari hindi mo pa rin iyon makukuha. So you have to think and make wise decision anak. Bago angkinin ang isang bagay siguraduhin mo na saiyo nga iyon at wala ngang nagmamay-ari, okay po?"

Tumango ang batang si Aalia at ngumiti sa ina. "I get it po. I'll look for other house na lang po  to be my castle. Can you make me one mommy?"

Natuwa ang ina at mahinang pinisil ang pisngi ng anak. "Sure anak, but you have to wait okay? Kasi mommy needs to work--so much work para may pera si mommy pambili ng castle ni Princess Aalia, okay?"

Muling tumango ang bata. "Opo. Mommy magwowork din po ako!"

"At ano namang work ang gagawin mo? You're still a little princess so you just have stay in the castle and do your best to grow up healthy."

"Right! Then I'll study hard too so I can make you proud mommy! and also daddy! Can daddy still see me even if he's in heaven?"

"Of course naman anak. Daddy will always watch you so you have to do your best so daddy will be so happy and proud."

"Yes mommy! I'm going to be the most beautiful princess and the most genius in the world! So You can't leave me too mommy promise?"

Natawa na lamang ina sa tinuran ng anak. "Of course anak I promise, mommy will be always be with you."

"Everyone lied to me." Sa kanyang pagbabalik tanaw sa nakaraan ay naalala niya ang mga habilin ng kanyang ina at kung paano sa huli ay iniwan siya nito at binali ang pangakong hindi siya nito iiwan. 

Ngayon sa pangatlong pagkakataon ay muli nanamang nabali ang pinangako sa kanyang hindi siya iiwan nito. Napakahirap isipin na ayaw na niyang may mangakong muli sa kanya ngunit ninais din niyang may mapaghawakan na kahit man lang sa pangakong walang kasiguraduhan ay may makapitan siya at hindi sumuko ngunit ngayon nga ay mukhang masisira na ang lahat at wala ng natira sa kanyang pagkakataon upang maniwala pa.

Pinagsisihan niya ngayon kung gaano siya kabulag sa mga desisyong kanyang pinili para lamang manatili sa kanyang tabi ang taong kanya na lamang inaasahan ngunit ngayon ay pati ito ay iiwanan na siya.

"Alam ko namang umpisa pa lang ay hindi na kita pagmamay-ari pero nagbulag-bulagan ako. I still choose you even I didn't have the chance. Ngayon nga ay pati ikaw ay iiwan ako." Hinayaan ni Aalia na pumatak ang luha sa kanyang mata.

"Its your choice Aia." Malamig na sabi sa kanya ni Amir na lalong nagpasikip ng kanyang d****b.

"And I regret it! I should have listen to mom! Dapat umpisa pa lang pinili ko ng lumayo sayo. Dapat nung malaman ko pa lang na may ibang nagmamay-ari sayo ay hindi na kita hinayaan pang makalapit at makapasok sa puso ko. Dapat pinili ko na lang mag-isa. Edi sana ang pinagluluksa ko na lang ngayon ay ang mga magulang kong maaga akong iniwan, edi sana kahit papaano buhay pa ang puso ko. Pero Amir ang puso ko--patay na ang puso ko. Its all my fault, Amir! Its all my goddam fault!" Hindi na niya napigilan pang ilabas ang kanyang hinanakit.

Hinayaan niya ang sariling bumagsak sa lupa at paulit-ulit na hinampas ang d****b sa pagbabakasakaling mawawala ang pagkirot nito. Mas lalo pang pinatay ang puso niya ng makitang nasa harap lamang niya ang lalaki at nakatingin sa kanya.

Hindi niya alam kung anong nararamdaman ng lalaki at ayaw niyang alamin iyon sa pag tingin sa mga mata nito.

Hindi umalis sa kanyang harap si Amir at wala rin naman itong ginawa kahit man lang daluhan siya.

Makalipas ang ilang minutong katahimikan at tanging hinagpis lamang niya ang naririnig ay pinilit niyang magsalita upang tuldukan na ito habang may lakas pa siyang natitira.

"Amir your name means a king, I used to call you my prince in our world where you are the ruler and I am your princess. No one can dictate you, and no one defies your choices but in this world your name is just a name and you'll only stay as a shadow where you need to follow the real one." Tumayo siya at lakas loob na tinignan ang mga mata ni Amir.

"But you know, I'm still hoping that you'll have your own body and not just become a prince in our world but also become a king in this world." Sa huling pagkakataon ay matamis siyang ngumiti kay Amir.

"Atleast even if I am not your princess anymore, I hope you'll find your queen and live freely. Thank you Amir."

"Thank you for everything and I hope this will be my last mistake and I will not be blind of my choices."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status