Iniharang ko ang aking kaliwang kamay sa aking mukha dahil tumatama ang sinag ng araw dito.
Mabagal kong iminulat ang aking mata ang inilibot ang aking paningin sa paligid. Ilang minuto muna akong nakatingin lang sa kawalan bago nag-sink in sa akin kung nasaan ako sa mga oras na 'to.
Kaagad akong umupo mula sa pagkakahiga sa kama, at inilibot ang aking paningin sa paligid.
Nakalimutan ko na nandito nga pala ako sa bahay ng lalaking 'yon. Nakalimutan ko na isa nga pala akong pekeng asawa ng isang Michael Seth.
Kaagad akong tumayo mula sa pagkakaupo at lumapit sa bag kong nakapatong pa rin sa ibabaw ng lamesa.
Napahinto naman ako nang makita ko ang sira kong cellphone na nakapatong sa mesa katabi nitong aking bag.
Ilang minuto muna akong nakatitig lang doon bago ako napabuntong hininga.
Dahan-dahan kong kinuha 'yon at tinitigan bago ako ngumiti.
Masama pa rin ang loob ko dahil sa ginawa ng lalaking 'yon sa cellphone ko ka
Nakatayo ako ngayon sa tapat ng salamin dito sa walk-in closet na sinabi ni Michael. Tinititigan ko ang aking sarili. Suot-suot ko ang mga damit na ibinigay niya sa akin kanina. Ito ang mga gamit na dala-dala niya at nakapatong sa hawak niya kaninang tray. Napahinga ako ng malalim habang nanatili ang aking mga mata sa aking sarili. Ngayon lamang ako nakasuot ng ganito kagandang damit. Karamihan kasi ng damit ko ay nabili lang sa ukay-ukay, o 'di kaya ay pinaglumaan lang ng mga nakatrabaho ko. Ngayon lamang ako nagkaroon ng damit na may tatak o branded. Dahil wala naman akong kakayahan na bumili ng ganito. Mabilis naman akong napatingin sa kaliwang bahagi ko nang marinig ko ang pagtunog ng bago kong cellphone. Kagat labi ko 'yong dinampot at tinignan kung sino ang tumatawag. "Sino kaya 'to?" tanong ko sa aking sarili habang nakatingin pa rin sa cellphone. Patuloy pa rin ito sa pag-ri-ring pero hindi ko naman alam kung paano ito sasagutin.
"Dito na lang," sabi ko kay Michael habang nakatingin sa paligid ng mataong palengke. Mabagal ang usad namin ngayon dahil maraming tao ang namamalengke. Hindi ko sinabi kung anong lugar ito basta sinabi ko kung saan dapat kami daraan kaya ngayon ay nandito kami. Hindi siya umimik kaya muli ko siyang tinignan. "Dito na lang tayo," ulit ko ngunit nanatili pa rin siyang nagmamaneho. "Ayaw mo ba rito?" tanong ko pa. Nilingon naman niya ako bago niya ibinalik ang kanyang atensyon sa paligid. "Why here? There's a lot of place to go," sabi naman niya sa akin. Napasandal naman ako sa upuan bago ako napahinga ng malalim. "Mura lang kasi ang bilihin dito sa palengke, hindi katulad sa mga grocery store. At saka, ayoko sagarin ang utang ko sa 'yo. Baka wala na akong sahurin," sagot ko naman sa kanya. "What are you going to buy?" tanong naman niya sa akin. Napaikot naman ang aking mata sa paligid. "Kahit ano basta pa
Patuloy ako sa paglakad papasok ng mall. Medyo masama ang loob ko sa ginawang pagtawa sa akin ng lalaking 'yon. "Where are you going?" rinig kong tanong ni Michael mula sa aking likod. Patuloy pa rin ako sa paglalakad kahit 'di ko alam kung saan ba ako dapat magtungo. "Hey," rinig kong sabi niya bago ko naramdaman ang paghapit niya sa aking kamay. "Ano ba?!" bulyaw ko. Napatingin naman si Michael sa paligid bago siya tumingin ulit sa akin. "You are being too loud again," nakakunot noong sabi niya. Hindi naman ako umimik, tanging inilagay ko na lang ang aking kamay sa aking dibdib at masamang tumingin sa kanya. "At nakakainis ka na naman," sagot ko naman bago ako tumalikod muli sa kanya. "What?" narinig kong natatawang tanong niya habang naglalakad sa aking likod. "What-what-in mo 'yang mukha mo," sabi ko naman habang patuloy pa rin sa paglakad. Hindi naman na siya umimik pero narinig ko pa rin an
Patuloy kami sa paglakad papunta sa kung saan. Hindi ko nga alam kung alam ba talaga nitong si Michael kung saan niya nais pumunta. "Saan mo ba talaga trip pumunta?" tanong ko bago tinakbo ang maliit na pagitan naming dalawa. Hindi naman siya umimik pero nakita kong pinasadahan niya ako ng tingin. "Sagot na kasi. Ang usapan papautangin mo ako para makabili ng mga pagkain na iiwan ko sa bahay namin, pero 'di ko alam anong tumatakbo d'yan sa isip mo," sabi ko pa. Napasimangot naman ako bago patuloy na sumunod sa kanya sa paglakad. "Saan mo ba kasi trip na pumunta? Iiwanan kita rito, tignan mo," dugtong ko pa bago ko tinignan ang dinaanan namin kanina. Medyo malayo na rin kami sa mall, at halos tirik na rin ang araw. "Kung gusto mong matusta rito sa araw, babalik na lang ako sa mall. Hihintayin na lang kita sa tapat ng sasakyan mo," hirit ko pa bago ako huminto sa paglakad. Hindi naman siya huminto kahit matapos ng sinabi ko.
Nanatili kaming sakay ng nirentahang jeep ni Michael. Pareho lang kaming tahimik habang nakaupo at naghihintay na marating na namin ang palengke. Patuloy akong nanahimik, at hindi kumikibo ngunit agad nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko na dala-dala ko nga pala ang cellphone na ibinigay sa akin ni Michael. Mabilis kong kinapa ang suot kong dress na above the knee. Ngayon ko lang din naalala na wala nga pa lang bulsa ang suot kong damit. "Hala, saan ko inilagay 'yon?" tanong ko sa aking sarili. Mabagal at marahan ko namang nilingon si Michael na nakatingin na pala sa akin sa mga oras na 'to. Mabilis ko naman siyang kinunutan ng noo. "Ano? Tinitingin-tingin mo?" tanong ko bago ko muling ibinaling ang aking paningin sa labas ng jeep. Kunwari ay kalmado lang ako pero ang totoo n'yan ay abot-abot na ang aking kaba dahil hindi ko maalala kung saan ko nga ba inilagay ang phone na ibinigay sa akin ng lalaking 'to. Ipinikit ko naman
Nakatayo kami ngayon sa tapat ng pamilihan. Halos pagtinginan naman kami ng mga tao rito dahil sa itsura ng lalaking katabi ko ngayon. "Tara na kaya? Pinagtitinginan na tayo rito oh," sabi ko bago ko siya bahagyang binunggo sa balikat. "Hoy," pagtawag ko pa ulit nang hindi niya ako kibuin. Kahit paglingon sa gawi ko ay hindi niya man lang ginawa. "Michael," pagtawag ko pa. Mabagal naman niya akong tinignan. "What?" tanong nito sa akin. "Tara na. Pumasok na tayo sa loob. Pinagtitinginan na tayo rito, oh. Palibhasa kasi kung tignan mo naman 'tong palengke parang may balak kang bilhin 'yong lupang pinagtatayuan nito eh," sabi ko pa. Hindi naman kaagad kumibo si Michael ngunit mabagal niya muling nilingon ang buong palengke. "I am actually thinking about it. From the location of this place, this is a good area to start a new business," sagot naman nito sa akin. Halos mapanganga naman ako sa gulat at pagkabigla. "Ser
Kasalukuyan kaming tahimik na nakaupo sa loob ng sasakyan na dala-dala nila Tyron at Redenn. Nagmamaneho si Tyron ng sasakyan habang nakaupo naman sa tabi nito si Redenn na naging maya't-maya ang naging pagsipol habang nakatingin sa labas ng sasakyan. Ako naman ay nanatili lang na nakaupo sa tabi ni Michael na hanggang ngayon ay tahimik na nakaupo sa tabi ko. Kanina pa siya walang imik. Tahimik at diretso rin siyang nakatingin sa labas ng sasakyan. Kung titignan, mukhang may malalim siyang iniisip. "Ah, Michael? Okay lang ba ang lahat?" rinig kong biglang tanong ni Tyron na focus sa pagmamaneho. Hindi naman kaagad umimik si Michael. "Kumain lang talaga kami. Walang samaan ng loob. Pfft," rinig kong rebat naman ni Redenn. Akala ko ay mag-re-react na si Michael ngunit nanatili lang siyang tahimik habang nakatingin pa rin sa labas ng sasakyan. "T*ng*na mo! Umayos ka nga! Hindi 'yon ang tinutukoy ko," rinig ko namang sabi ni Tyron kay Rede
"Kumain na ba kayo?" magiliw na tanong ni Mommy habang nakatayo sa tapat ng aming lamesa. Nandito kami ngayon sa kusina dahil kasalukuyan pang inaasikaso nila Ranie at Reev ang sala. "We're good, Madam," sagot naman ni Michael. Tulala at hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari sa mga oras na ito. Parang hindi ito ang unang beses na nagkita silang dalawa. "Ma'am, saan namin pwede ilapag 'tong mga pinamili namin?" rinig kong tanong naman ni Redenn bago itinaas ang mga dala-dala niyang plastik. Nakasunod naman sa kanya si Tyron na buhat-buhat ang pinaka malalaking plastik bags. "Hala! Nag-abala pa kayo," sabi naman ni Mommy. "Pero pakilagay na lang d'yan. Pasensya na talaga at wala kaming kahit ano ngayon, ah. Bibihira kasi na may bisita kami kaya 'di na ako nakapag handa pa," dugtong pa ni Mommy. Magsasalita na sana ako ngunit nagulat ako nang