CHAPTER 2: BLACK DRAGON GANG

[Red Dragon University]

Bella's POV

Nandito ako ngayon sa harap ng school na aking pamamahalaan este papasukan pala. Last week ay kumuha ako ng entrance exam dito.

Ayaw ko naman kasi na ituring akong special sa RDU. Masaya ako na nakapasa ako at ngayon ang unang araw ko sa klase bilang transferee student. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na ma-excite.

Bago nga ako pumasok ay maraming paalala sa akin si Mr. Jackson. Una na roon na ang dating Bella Echizen Smith ay magiging Bella Uy na isang ordinaryong estudyante. Binigyan din niya ako ng sarili kong bahay na malapit lamang sa school. Pinagsabihan na rin ako ni Mommy na huwag gamitin ang pagiging gangster ko sa school na ito at umiwas sa gulo.

Pagpasok ko pa lang sa gate ay humanga na ako sa laki ng eskuwelahan na ito, pero may napansin ako. Bawat estudyante na nadadaanan ko ay nagkikislapan ang mga alahas, fashionable shoes, at pati ang kanilang buhok ay kakaiba, para akong nasa isang fashion show. At na-realize ko rin na ako lang ang naglalakad na papasok ng RDU.

Hindi ko akalain na ganito pala ang school na ito. Napatingin ako sa aking suot, para akong outcast. Anyway, it doesn't matter. Ang mahalaga ay magampanan ko ang aking tungkulin. Kailangan ko pa palang magmadali dahil kailangan ko munang i-meet ang Board of Trustee sa school na ito. Kaya tumakbo na ako nang mabilis.

Napangiti ako nang maalala ko ang pag-uusap namin ni Mommy. Masaya siya desisyon ko. Dalawa ang hiling niya: Una, ang maging normal na babae ako. Pangalawa, ang magka-boyfriend. Natawa ako bigla, siguro ang maging normal na babae ay matutupad ko pa, pero ang magka-boyfriend? Malabong mangyari iyon. Sinong lalaki ang ma-i-in love sa tulad ko? Matagal ko nang kinalimutan ang bagay na iyon.

Bigla akong napatigil nang makakita ako ng grupo na nagkukumpulan sa gilid ng building na may malaking arko sa tarangkahan at nakalagay ang salitang 'Red Lounge'. Ano'ng meron? May kung ano na humihila sa akin na pumunta doon.

Damn, Bella! Mamaya ka na makiusyoso dahil mayayari ka talaga kay Board of Trustee kapag na- late ka. Akmang tatalikod na sana ako nang makarinig ako ng hiyaw ng isang lalaki.

"Huwag, maawa na kayo sa akin!" nanginginig na sigaw ng lalaki.

Nagtawanan ang mga tao sa paligid. Hindi na ako nakatiis ay nagpasya akong lumapit doon. "Miss, ano'ng meron diyan?"

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "New student, right?" tanong naman niya sa akin.

Tumango naman ako sa kanya. "Paano mo nalaman?"

"Hindi mo sa akin itatanong kung ano ang nangyayari ngayon," balewalang sagot niya.

Ganon? So normal na ang ganitong pangyayari?

"Sa tanong mo kanina ay may pinaparusahan ngayon dahil binangga niya ang boss ng school na ito.  Dapat Miss hindi ka na nag-aral dito, baka ikaw na ang sumunod sa lalaking binubugbog ngayon." Tumalikod na siya at naglakad palayo.

"Binubugbog?!" bulong ko sa aking sarili. Agad akong nakisiksik sa nagkukumpulan. Nakita ko ang limang gwapo na mga lalaki na balewalang nakitingin sa nakaluhod na duguan na lalaki. At ang isa sa kanila ay may hawak pa na arnis.

"Weak. I don't want to see your f*cking face here in my school or else, manghihiram ka na ng mukha sa aso," mahinahong sabing lalaking nakasandal sa puno habang hinahagis niya ang bola ng baseball, mababakas doon ang isang mapanganib na babala.

Umiiyak na tumango naman ang lalaki. Ano pa nga ba ang choice niya?

"Emp, ano na gagawin natin sa kanya?" tanong ng lalaking may hawak ng arnis sa lalaking nagsalita kanina.

"Tama na 'yan, siguro naman madadala na siya ngayon. Hey idiot, sa susunod, kilalanin mo kung sino ang binabangga mo," sabi niya ulit na mukhang kanina pa naiinip.

Tumalikod na sila pero nakita ko na sinenyasan ng nangangalang Emp ang lalaking may hawak na arnis. Ngumisi ang lalaking iyon at dahan-dahang humarap. Alam ko na ang gagawin niya. Bigla akong tumakbo sa gitna at hinawakan ang arnis na dapat sana'y ihahampas nito sa duguan na lalaki.

Nagulat ang lalaking may hawak ng arnis sa ginawa ko.  Hindi lamang siya ang nagulat kundi ang lahat ng estudyante na nakapanood ng pagpasok ko sa eksena. Tumigil din sa paglalakad ang iba pa niyang kasama. Blangko ang ekspresyong makikita sa mukha ng feeling ko leader nila, habang ang ibang kasamahan niya ay amused na nakatingin sa akin.

"OMG! Bakit pumasok pa siya sa eksena?"

"Hala, mayayari siya kay Emp."

"Kawawang babae."

"Stupid b*tch."

Tinitigan ko ng matiim ang nangangalang 'Emp'. His evil eyes looked at me. Napalunok ako sa paraan na pagtitig niya sa akin. Mabilis na pinasadahan ko naman siya ng tingin. He has an arrogant handsome face and a perfect body. His aura is full of confidence and power that no one can mess with him. And there is something about this guy that keeps on bothering me.

Napatigil lang ako sa naiisip ko na makita ko kung paano tumaas ang sulok ng labi na nangangalang Emp. Damn, Bella! Nahuli ka niya!

"Y-You're a cheater Mister," taas noong sambit ko.

Bago siya sumagot ay tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Hindi mo ba alam kung ano ang kaparusahan sa ginawa mong panghihimasok?" seryosong saad niya.

"Hindi," mabilis na sagot ko.

"Nathe, ano pa ba ang hinihintay mo?" tanong niya sa lalaking may hawak ng arnis ngayon.

Nakipagtitigan ako sa kanya. Pinipilit niyang ituloy ang balak niya pero hindi niya kaya dahil pinipigilan ko siya. Pinagpapawisan na siya ng malapot. "F*ck!" mura niyang malakas sabay bitaw sa arnis na ngayon ay hawak ko na.

"Hindi niyo kailangang manakit ng tao para matuto siya, Mister-whoever-you-are," sabi ko habang nakatingin sa pinakalider nila. "Ang tunay na fighter ay hindi lumalaban sa taong walang laban."

"Then, I want you to learn something from me, b*tch," nakangising saad niya. Infairness, kinabahan ako sa sinabi niya sa akin.

"What do you mean?" kalmadong tanong ko sa kanya.

Lumapit siya sa akin at napatingala ako sa kanya. Ang tangkad niya pala. Hinablot niya ang kwelyo ko, pero hindi na ako nagulat sa ginawa niya. Napa "Ohhhh" naman ang mga tao sa paligid.

"Ms. Bella Uy, please proceed to the dean's office immediately. I repeat, Ms. Bella Uy, please proceed to the dean's office immediately."

"Oh sh*t!" bulong ko sa aking sarili. Lagot talaga ako kay Board of Trustee.

"Mr. Who-ever-you-are pakibitawan mo na yung kwelyo ko, narinig mo namang tinatawag na ako" Tinuro ko ang speaker. Ngumisi siya sa akin at pabalyang binitawan ang kwelyo ko. Napaupo tuloy ako. Aray naman! Bwisit na lalaki ito, sarap suntukin ng madala.

"Hey Nerd, mag ingat ka, 'di mo kilala kung sinong binabangga mo," sabi niya sakin.

Tumingala ako at sinalubong ang mga titig niya sakin. Ang yabang! Tumayo ako at nilingon ko ang lalaking duguan.

"Hey, tumayo ka na riyan. Dapat 'di ka nagpapaapi, kalalaki mong tao para kang hindi lalaki." Inalalayan ko siyang tumayo at ibinigay ang panyong nasa bulsa ko.

"Here, ipunas mo 'yan sa mukha mo, at saka.... huwag kang matakot sa kanila." Tinuro ko ang anim na parang mga hari kung umasta na blankong nakatingin sa direksyon ko. "Dahil sa school na ito, walang mataas o mababang estudyante dahil pantay-pantay lang tayo."

Natulala lang sa akin ang lalaking nabugbog. Marahil hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ko. Tumalikod na ako sa kanya at naglakad na palayo. Napaisip ako bigla, nasaan nga pala ang Dean's Office?!

Kaya ang nangyari , bumalik ako sa lalaking duguan. "Hey, saan pala ang Dean's Office rito?" tanong ko rito. Nanginginig na tinuro niya ang direksyon.

"Salamat!" nangingiting nagpaalam ako sa kanya. Huminto ako sa tapat ng anim na lalaki at tumingin ako sa lalaking nangangalang, "Emp".

Ngumiti ako sa kanya nang matamis at saka nilingon ang lalaking may ari ng arnis.

"Here!" Abot ko sa kanya ng arnis.

"Next time, lagyan mo pa ng pressure para magtagumpay ka," mahinang bulong ko sa kanya na ikinamula ng mukha niya.

Nagsimula na akong maglakad patungo sa Dean's Office nang madaanan ko si Emp at nagsalita siya.

"You will pay for what you've done," mahinang sambit niya sa akin. Nilingon ko siya ulit at nagkibit-balikat na lang ako sa kanyang tinuran.

----------------------------------------------------*

I stop at the door of the Dean's Office and knock three times. No one comes to open it, so I turn the knob. I gulp a few times and compose myself.

"Goodmorning Ms. Melissa—er Board Trustee pala," pilit na ngumiti ako sa kanya. Ngunit napaalis ang ngiti ko nang makitang nakatalikod at tila may tinitignan siya sa labas ng bintana. Walang ingay na dahan-dahan ako lumapit sa kanya at sinilip kung ano ang kanyang tinitignan. Napakagat ako sa aking labi na makita ko ang grupo ng mga lalaki na naglalakad palayo. Sila lang naman ang mga na-encounter ko kanina. Sana naman ay hindi niya nakita ang nangyari kanina.

"Idiots," wala sa sarili niyang bigkas na nagpagulo sa akin.

Napadiretso ako ang tayo na makita ko na dahan-dahan siyang lumingon sa direksiyon ko. Hindi ko mapigilan na titigan siya. She's looking at me with no expression on her face. But her pair of brown eyes is getting into me.Tila nakita ko na iyon dati pa… somewhere… but I can't remember where I have seen those eyes. 

"I see you're already here," says the Board of Trustee. "And you're late, hindi magandang ehemplo ang ginawa mo. Ikaw pa naman ang first scholar sa university na ito," iiling- iling na sambit niya.

Napayuko ako sa pagkapahiya. "I'm sorry."

"Hindi ka lang late, na-encounter mo pa ang Black Dragon Gang," naiiling na sambit niya sa akin.

Black Dragon Gang? Huh? Sino sila?

Tumingin ang Board of Trustee sa akin at mukhang nabasa naman niya ang aking iniisip. Napangiti siya sa akin at may kinuha sa kanyang drawer. Pagkatapos ay inilapag ang mga pictures sa lamesa niya. Nagulat ako na makilala ko ang mga ito.

"These six handsome men are the founder of Black Dragon Gang."

Oh… Crap! Sila lang naman ang nakabangga ko kanina.

Habang tinitignan ko ang kanilang larawan ay wala akong masabi sa kanilang kaguwapuhang taglay.

"Fuji Cervantes,"sabay turo niya sa isang lalaki.

Tinignan ko naman ito. He's the mysterious type among of them. Matangos ang ilong at singkit ang kanyang mga mata. Para siyang koreano. His look is so innocent yet dangerous. Mukhang masakit magsalita ang lalaking ito dahil sa aura palang niyang nakakaintimidate.

"He is the son of our President. Ang pamilya niya ang nagmamay-ari ng pinakamalaking hacienda at sikat na real estate company dito sa Pilipinas. Siya ang utak ng Black Dragon Gang."

"Nathaniel Sy," turo niya sa lalaking katabi ni Fuji sa larawan. Siya ang lalaking pinigilan ko kanina.  Mukha siyang pilyo pero sa tingin ko ay seryoso siya pagdating sa babae. May pagka happy go lucky ang aura niya. "Ang pamilya nila ang nagmamay-ari ng biggest clothing company sa Asia. His father is the world's famous supermodel and his mother is the world's famous fashion designer."

"Sila naman ang magpipinsang Monteverde," turo niya sa tatlong lalaki na magkakatabi. Doon ko napansin ang pagkakahawig nilang tatlo. Para silang may lahing Japanese dahil may pagkasingkit ang kanilang mata. Mapuputi ang kanilang balat at maganda ang hubog ng kanilang katawan. Pero isa lang ang nasisiguro ko na hindi sila basta-basta. Alam ko na malalakas sila.

"Trace Monteverde." He's the quiet type. Siya iyong tipong walang pakialam sa paligid niya. Blonde ang kulay ng kanyang buhok. "Pag-aari nila ang Monteverde Airlines at maging ang Monteverde Multimedia & Telecommunications. Siya ang katulong ni Fuji sa pagbabantay ng system sa Black Dragon Gang."

"Jace Monteverde." He loves having fun so much. Iyon ang unang pumasok sa aking isip na makita ko siya dahil parang walang problema ang lalaking ito dahil sa nakaka good vibes niyang ngiti. Kulay pula ang kulay ng kanyang buhok na agaw pansin kanina. "Pag-aari naman nila ang mga Monterverde Supermarkets, maging ang malaking shipping lines sa Pilipinas. Kilala siya bilang playboy ng grupo."

"Rain Monteverde." Maitim ang kanyang buhok at gwapo tulad din nila. Napakunot-noo ako na maalala ko siya dahil siya lang naman yung lalaki na tuwang tuwa sa nangyayari kanina. Hindi ko gusto ang ngiti niya na tila may kahulugan iyon.         

"Pag-aari nila ang Monteverde Banks, na kilala rito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. Ang Mommy niya ay kilala sa pagiging number one executive chef na nagmamay-ari rin ng sikat na Love Restaurant na may iba't ibang branch sa magkabilang panig ng Pilipinas."

"And lastly.... Jarvis Fortalejo." 

I remembered the way he's staring me. Para akong hinihigop na kanyang tsokolateng mga mata. Magkasalubong ang kanyang mga kilay pero hindi nabawasan ng kanyang kagwapuhan. Matangos ang kanyang ilong at manipis ang pulang labi niya na para bang kay sarap halikan. Napatingin ako sa kanyang katawan at kitang kita doon ang kanyang biceps. Napalunok ako bigla. God, he's so gorgeous…

"Ang pamilyang Fortalejo ang isa sa pinakamayaman sa Asya. Pag-aari nila ang biggest oil company at sila rin ang manufacturer ng mga luxurious cars na naka based sa France. He's the heir of the Fortalejo's hotel group. Kilala siya bilang Emperor or Emp for short."

Namilog ang aking mga mata sa mga sinabi niya. Hindi ordinaryong mayaman lang ang aking nakabangga—mga bigatin silang tao. Kaya pala ganoon na lamang ang takot ng ibang estudyante sa kanila kanina.

"Kaya kapag binangga mo ang Black Dragon Gang, isa lang ang maipapayo ko, magdasal ka Ms. Bella," amuse na sabi niya sa akin.

What the hell?

"Moving on, so, what do you think of your first day in school?" nakangiting wika niya.

Napabuntong hinga na lamang ako. "Unbelievable." 'Yun na lamang ang aking nasabi. "Actually, napagod ako sa mga narinig ko mula sa inyo, Ms. Melissa."

"Sa nakikita ko, mukhang hindi ka man lang natinag sa gulong pinasok mo? Saan ka kumukuha ng confidence?" nakangiting tanong niya sa akin.

Ngumiti ako bago sumagot. "Hindi ako natatakot na ipaglaban ang mga bagay na alam kong tama."

Makahulugan siyang ngumiti sa akin at lumapit sa kinaroroonan ko. "Nasabi na sa akin ni Mr. Jackson kung ano ang magiging status mo rito sa eskuwelahan. 'Eto ang schedules at assigned rooms mo."

Kinuha ko sa kanya  ang  isang  manipis  na  booklet.  Agad ko itong binuklat. "Ito lang ang masisiguro ko sa 'yo, walang makakaalam ng buong pagkatao mo bilang heiress ng Echizen Family. Alam kong ang Black Dragon Gang ay gumagawa na ng hakbang para makakuha ng information na laban sa iyo."

Napaangat ako ng tingin sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit niya ako tinutulungan pero nagpapasalamat ako dahil doon.

Inilahad niya ang kanyang kanang kamay, sabay sabing, "Goodluck Ms. Bella Smith, ay sorry, Bella Uy na pala."

Inabot ko ito at hindi ko maintindihan kung bakit parang tuwang-tuwa siya. Naglakad kami hanggang sa pintuan pero bago niya buksan ang pinto palabas ay tumigil siya at tiningnan ako.

"Tapos na ang mission na ibinigay sa akin ng iyong Lolo. Alam ko na bata ka pa para sa ganiyang pamamalakad pero naniniwala ako sa iyo, Bella. Sabi nga nila, 'Each generation goes further than the generation preceding it because it stands on the shoulders of that generation. But you will have opportunities beyond anything we've ever known.' Goodluck, Miss Bella," nakangiting wika niya.

At tuluyan na siyang lumabas ng kuwarto. Iba ang pakiramdam ko kay Ms. Melissa, ang weird nga pero ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya na hindi ko alam kung bakit dahil ito palang naman ang una naming pagkikita. Natigil ako sa aking pag iisip. Ito nga ba? Napailing ako. Imposible.

Lumapit ako sa bintana kung saan kitang kita ang buong campus ng RDU. Mukhang hindi magiging madali ang school life ko dahil sa nangyari kanina. Ang importante ay mapapangalagaan ko ang pinaka-iingatan ni Lolo.

Jarvis' POV

Nasa archery shooting range kami ngayon ng RDU. Matatagpuan ito sa likod ng school na kung saan malapit ang headquarters namin. At dahil sa wala kaming magawa ay nagpustahan kami na kapag natalo nila ako ay ibibigay ko ang 1954 Mercedes-Benz.

Napailing si Jace ng walang 10 points ang mga tira ko. Tinapik- tapik pa niya ako na ikinainis ko. "Emp, are you serious?" iiling- iling na tanong niya sa akin. "Bakit parang wala ka sa mood ngayon?"

"That shot was f*cking stupid. May gumugulo ba sa iyo, Emp?" tanong naman ni Rain.

"Worried ka ba sa babaeng kumalaban sa iyo kanina?" tanong ni Trace na seryosong nakatutok ang mga mata sa laptop niya.

Napatingin din sa akin ang iba. "F*ck," ang tanging nasabi ko. That girl!

"Eh, kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Jarvis kanina, ano sa tingin mo ang gagawin mo, Jace?" tanong ni Fuji.

Napaisip siya. "Well, if I were in Jarvis' situation, hindi ko palalagpasin ang ginawa niya lalo pa't isa siyang babae. Kasiraan sa pagkalalaki ko iyon," mayabang na sabi niya. "But she's a girl after all, so maybe, I should forgive her." Ngumiti pa siya ng malisyoso.

Nagtawanan sina Fuji at Rain sa sinabi ni Jace.

"Kahit siguro poste na naka-skirt ay papatusin mo, Jace," natatawang sabi ni Rain.

Nagkibit-balikat na lamang siya at kumuha ng arrow at bow para tumira. "I'm pretty sure na sexy ang nerd na iyon."

Napailing ako sa mga sinasabi niya. Umaandar na naman ang pagkamanyak nito. Tinungo ko ang upuan na bakante at umupo sa tabi ni Nathaniel na mukhang kanina pa malalim ang iniisip. Biglang tumunog ang aking cell phone. Dinukot ko iyon sa aking bulsa at inis na tiningnan ito. Napakunot noo ako nang makita kong tumatawag ang ate kong monster. Hindi ko ito sinagot at hinayaan ko lang na mag-ring nang mag-ring.

Pinapanood ko si Jace na tuwang tuwa sa tira niya dahil naka-10 points siya na sunod-sunod. He's a lucky bastard! Muling nag-vibrate ang phone ko. This time, tinext na lang ako ng ate ko, pero halos lumuwa ang mata ko sa gulat. Agad ko siyang tinawagan.

"What?" bungad ko sa kanya.

"Balak mo talagang hindi sagutin ang tawag ko, Jarvis Fortalejo?!" galit na sabi niya sa akin. Binuo na niya ang pangalan ko so ang ibig sabihin ay galit na talaga siya.

"Kung may sasabihin ka, just tell me right now, Ate Lara"  mahinahong sabi ko, pero naiinis na talaga ako.

"May prospective bride ka na at approved na ito ni Grandpa."

"Arranged marriage? Okay. Don't tell me that she's a princess of an island? Or she's the daughter of a shopping-mall magnate?" naiinis na tanong ko.

Jarvis," seryosong sabi niya. "Alam mo naman ang solusyon sa problema mo."

Hindi ako nakaimik sa sinabi niya.

"Tawagan mo na lang ako kapag may good news ka."

"Okay. Take care." Huminga ako nang malalim para kalmahin ang aking sarili at nilingon ko si Trace.

"Trace, nahanap mo na ba ang pinahahanap ko sa iyo?!" naiiritang tanong niya sa akin..

"Who?!" tanong naman ni Fuji.

"Sino pa ba? Eh di yung pinagnanasaan ni Jace," natatawang sambit naman ni Rain.

"Loko ka, Rain ah," natatawang sabi ni Jace.

Tahimik na tumango siya sa akin at nagsimulang basahin ang mga nakuhang information na na-hack niya sa system ng Red Dragon University tungkol sa nerd na iyon.

Name: Bella Uy

Age: 18 years old

Year: 1st year college

Parents: Deceased

Course: Business Administration Major in Management

"First scholar ng Red Dragon University dahil na-perfect niya ang entrance exam," dagdag pa ni Trace.

"Wow! Na-perfect niya ang exam dito?!" nanlalaki ang mata na tanong ni Nathe.

"Hmm... expected sa isang nerd. Interesting," balewalang sambit ni Rain.

Tumayo si Jace at tinungo ang kinaroroonan ni Trace. Napakunot noo kami sa inasal niya dahil ang loko ay nagbabasa na sa laptop ni Trace.

"Nakakapagtaka dahil ang ilan sa mga subjects natin ay kapareho ng sa kanya. Ang cool nito," ngingising sabi ni Jace.

"Ano'ng cool doon? Hindi naman tayo pumapasok ng classroom," sabi ni Fuji.

"Ano na ang balak mo, Jarvis?" tanong sa akin ni Nathe.

"Well...a welcome surprise for our new transferee," napangising sambit ko sa kanila.

Nagkatinginan sila at napapailing na lamang sa sinabi ko. Gusto kong may paglabasan ako ng inis ko at siya ang nakita kong prospect sa araw na ito.

Ngumiti pa ako ng makahulugan nang marinig ko ang sinabi ni Jace.

"Kawawang babae," bulong na lamang ni Jace.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status