Share

Karma 4 - Living Together

Mabilis na natapos ang program at ang reception. Halos hindi ko naman kilala ang mga bisita maliban lang sa nag-iisa kong bestfriend na si Millicent. Siya lang kasi ang friend ko dahil feeling ng iba ay may pagkamaldita ako pero hindi naman. Yung totoo mabait naman ako kaso medyo isnabera ako lalo na paghindi ko kilala.

Nginitian ko na lang ang mga bisita. Si Dave naman busy sa mga bisita niyang mga businessmen. Pangiti-ngiti nga siya pero pag sa akin wala siyang emosyon and cold. Kinakausap niya lang ako pagtinatanong ko siya o may kailangan lang.

*****

Pauwi na kami sa condo ni Dave. Dito muna kami pansamantala tityra dahil hindi pa tapos ang pinapagawa niyang bahay. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang siya ay tutok na tutok sa pagmamaneho. Ni hindi niya nga ako nililingon.

After an hour, nakarating na kami sa unit niya. Pagkapasok na pagkapasok namin ay agad siyang nagsalita.

“Use the guest room. It’s already clean.” We already talked about ths set-up, right? Kaya wala na tayong dapat pagusapan,” pagkasabi niya nun ay agad na pumasok sa kwarto niya.

“Ok,” yan lang ang nasagot ko.

Pumunta na rin ako ako sa kwarto ko. Malaki ang kwartong to. Nandito na rin ang mga gamit ko, nung isang araw ko pa naidala dito. Naupo ako sa edge ng kama at tinignan ang buong kwarto. Ang ganda nito at malaki. Mas malaki pa ito sa apartment na tinitirahan ko. Pink at violet ang color ng dingding at ceiling. Malaki rin ang kama. Pwedeng magkasya ang tatlong tao dito. May study table, at malaking plasma tv.

Hindi naman ako nagrereklamo nung sinabi niya na sa guest room ako matutulog. Before the wedding, nag-usap na kami ng masinsinan about sa set-up ng married life namin.

--Flashback—

“I will make it clear to you that the wedding and being husband and wife is just a show to the people and also to my parents especially to my mom.”

Iyan ang bungad niya sa akin pagkapasok ko pa lang sa office niya. Tinawagan niya ko para makipag-usap sa akin. Ako naman ay tuwang-tuwa dahil meron siyang number ko. Kinikilig ako habang papunta ako sa company niya pero nawala lang dahil sa sinabi niya.

“Ok.”

“And one more thing. We will not live as a real husband and wife.”

“What do you mean?” takang tanong ko habang naupo na ako sa sofa sa may office niya.

“Ang ibig kong sabihin, wala tayong pakialamanan sa isa’t-isa. We will not be sharing on the same bed. You have your own room the same as me. You are not allowed to call me if there’s nothing important to talk to. You are not allowed to enter in my room. And we will act as a sweet and loving couple when we are in the mansion, in the public place and if necessary. The most important thing you need to remember is don’t expect that I will love you”

“But why...“

Pinutol niya ang sasabihin ko at biglang tumayo. Lumapit siya sa akin. Linapit niya ang mukha niya. Mga 2 inches na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko. Amoy na amoy ko rin ang mabango niyan hininga. Napalunok ako ng sunod-sunod. “Ito na ba. Hahalikan niya ulit ako,” sabi ng utak ko. Pipikit na sana ako ng magsalita siya.

“Why? because it’s your fault. You seduced me and hindi ka umalis agad sa condo ko, so bear all the consequences of your damn action.”

Lumayo na siya at agd na lumabas. Ako. Ito, naiwang tulala at pilit na inaabsorb ang lahat ng sinabi niya.

-- End of Flashback—

Bumaba ako para magluto ng dinner. Halos six pm na rin at nagugutom na ako. Hindi naman ako nakakain ng maayos kanina kasi busy kami sa pag-entertain ng mga bisita. Kapagod kaya.

Binuksan ko ang refrigerator at tinignan kung anong pwedeng maluto. Buti naman may mga stock dito siguro nagrocery si mommy. Maipagluluto ko na rin si Dave for the first time. Naeexcite ako na matikman niya ang lulutuin ko lalo na ang dessert na gagawin ko sigurado akong maiinlove na siya sa akin. May kasabihan nga

“A way to a man’s heart is through his stomach”.  Right Guys? Ang saya ng feeling kasi asawang-asawa ang peg ko ngayon. hihihi.

Nagluto ako ng adobo at chopsuey. Nagsaing narin ako ng kanin kasi masarap kumain paggutom ka. Nagbake din ako ng cupcakes and cookies for our dessert. Kung hindi niyo naitatanong, magaling akong magbake ng different pastries and desserts. Yun ang business ko and my mom taught me how to bake.

Pagkatapos kong magluto ay sinet ko na ang table. Pinaganda ko para maimpress at mainlove siya sa akin. Pupuntahan ko na sana si Dave sa kwarto niya ng nakita ko siyang pababa ng hagdan.

“Dave, Uhmm, kain tayo. Nagluto ako ng dinner at nagbake din ako para sa dessert. Halika na, alam kong gutom ka na rin kasi nakita kita na ang unti lang ng kinain mo kanina.”

“No, thanks. I’m not hungry. You can eat by your own.”

Naglakad na siya papunta sa may pinto. Teka, aalis ba siya? Saan kaya siya pupunta? Iiwan niya ba ko ngayon dito ng mag-isa? Should I ask him? There’s nothing wrong with that right? I’m now his wife and I have a right.

“Dave,” tinawag ko siya. Natigil naman siya sa paglakad at tumingin sa akin na parang naiinis.

“What?”

“Uhmm, Di kaba kakain? Aalis kaba? Anong oras ka uuwi? Sinong kasama mo? Pwede ba akong sumama?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

“What? Are you a reporter or something? Ang dami mong tanong nakakainis. And to inform you, Its none of your business,” mariing sabi niya sa akin.

Tuluyan na siyang umalis at iniwan akong nag-iisa dito. Bakit naman ganun? Galit ba talaga siya sa akin at parang ayaw niya akong kasama. He despised me that much that he chooses to leave me here with no one to talk to.

Pumunta na lang ako ng kusina at kumain mag-isa. Sayang naman ang niluto ko kung walang kakain. Marami kayang nagugutom. Habang kumakain, hindi mapigilan ng luha kong tumulo. Akala ko pagkasal na kami magigng ok na ang lahat. Na mawawala na ang masamang memory ng bad meeting naming. At magiging masaya na rin ako, na may kasama na ako sa buhay, sa pagkain, sa pagtulog at sa marami pang bagay. Pero parang mali ako. Maling- mali.

Pagkatapos kong kumain ay iniligpit ko na ang pinagkainan at maga left over. Pumunta na ako sa kwarto at tinawagan si Millicent. Hindi ko mapigilang humagulgol ng pag-iyak ng sinagot niya ang tawag ko.

[ Hello, best]

"Hello” *sniff*sniff*

[Kumusta ang first night? Kumusta… Wait! Umiiyak ka ba?]

“Best, nasasaktan ako. Alam mo ba yun? Akala ko pagkinasal na kami magigng ok ang lahat. Magbabago ang turing niya sa akin at hindi siya magagalit,” tuloy- tuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko.

[Yan nga ba ang sinasabi ko. Eh! Halos 3 weeks pa lang kayo magkakilala kaya alam ko mangyayari ito. Ok ka lang ba? Bakit? Anong ginawa niya sayo? Sinaktan k aba niya? Kwento dali!]

“Hindi naman niya ko sinaktan pero iniwan niya ko dito ng magisa. Nagluto din ako ng dinner but he chose to leave instead of having dinner with me for the first time being married. Nung tinanong ko kung saan siya pupunta nagalit siya sa akin. Tignan niya ako at sinagot ng it’s none of my business.”

[Best, friendly advice lang, start pa lang yan ng married life mo with him. Huwag kang sumuko agad dahil lang sa simpleng pagbabalewala niya sayo. Hindi ikaw ang Allyssa na nakilala ko. Palaban yun at hindi umuurong sa kahit na anong laban pero ang kausap ko ngayon parang ang weak at parang susuko na. Friend, payo ko lang yan sayo. Marami pang araw na magkakasama at magkakausap kayong dalawa. Pinili mo yan sa situation na yan kaya panindigan mong tama ang lahat ng decision mo. Kaya Fight! fight! fight! Remember your motto ang goals kaya huwag ka ng magcry. ha?]

“Thanks Millicent, You’re right. I am not Allyssa if I am weak and crying. Start pa lang ito kaya hindi ako magpapatalo.”

[Ok ka na?]

“Yeah, thanks ulit”

[Ok, Ok. Youre welcome. Matulog ka and please stop crying for Godsake. You are not a child anymore. Sige na matulog ka na para marefresh na ang mind mo. Goodnight! Love you.]

“Thanks, Goodnight and Love you too.”

Tama si Millicent, hindi ako magpapatalo. Lakas kaya ng fighting spirit ko. You’ll see Dave, you’ll fall for me deep that you’ll never think letting me go. Wala sa vocabulary ko ang sumuko.

***

--Condo—

Wednesday -5:30 am

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Inaantok pa talaga ako kaso ang sakit sa mata ng liwanag. Tinignan ko kung saan iyon nanggagaling, yun pala naiwan ko pa lang nakataas ang curtains ng window ko kagabi dahil sa nakatulog na ako sa kakaiyak at pagod. Hindi ko nahintay si Dave na umuwi. Hay! Bad Wife!!!

“Hay.”

Napabuntong hininga na lang ako sa nangyari kagabi. Tama si best. I need to be strong and this situation is what I want and I’m a fighter. Pagod lang siguro yun si Dave.

“Tama! kaya mo yan Yssa! Fight! Fight! Fight!” sigaw ko ng malakas para mareset ulit ang mind ko sa fighting mood.

Tumayo ako at lumabas ng aking room. I need to cook breakfast for me and my husband. That what’s a good wife usually do, right?  Kaya yan ang gagawin ko at pagsisilbihan ko siya.

Nagluto ako ng pancake, hotdog, bacon at scrambled egg. I also make coffee for him. I don’t know if he used to eat breakfast or not. After I have already finished setting the table, I took a bath and get ready to go to school. Natapos akong magayos ng 6:30 am and I have a class at eight am so I need to get to school fast. Malayo kasi ang condo na ito sa university. Wala kasi kaming planong magout of the coutry for our honeymoon. Nung tinanong nga kami ni Mommy kung saan kami mag-hohoneymoon ay sumagot agad si Dave na may meeting siya this month kaya hindi pwedeng umalis siya. Kaya ito balik ulit kami sa dating routine. Ako sa school and siya naman sa office.

Kinatok ko na si Dave sa kwarto niya. Siguro umuwi naman siya kagabi. 7:00 am ang alis niya papunta sa company habang ako naman ay 8: 00 am ang start ng first class ko. Katok ako ng katok pero walang sumasagot. Siguro tulog pa siya kaya napagpasyahan kong pumasok na lang at gisingin siya. Pinihit ko ang doorknob at ang swerte ko dahil hindi nakalock ang pinto niya. Titignan ko lang naman kung gising na siya baka magalit lalo sa akin yun kung hindi ko siya ginising at malate pa siya sa work niya.

“Dave! Yoohooo! Dave” dahan dahan akong pumasok at nilibot ko ang buong kwarto niya pero wala siya. Inayos ko na lang ang kama niya kasi sobrang gulo.

"Nasaan kaya si Dave?’ tanong ko ng pabulong. Ah, teka, baka naliligo.

Pumunta ako sa may banyo para malaman kung nandoon nga siya. Habang palapit ako ay rinig ko ang tunog ng water na galing sa shower. Naliligo nga si Dave.

Inayos ko na lang ang susuotin niyang damit at inilatag ko ito sa ibabaw ng kama. Pagkatapos na ko ay lumabas na ako. Ayokong magalit na naman siya sa akin sa pagpasok ko sa kwarto niya at pangigialam ko ng closet niya.

Ilang minuto rin ang lumipas bumaba bar in siya. “Good morning, Dave,” binati ko siya ng nakangiti pero tignan niya lang ako at dumiresto ng kusina. Sinundan ko rin siya. Nakita ko siya sa may kitchen counter na nagtitimpla ng kape niya kaya nilapitan ko siya. Kaso umiwas siya at pumunta sa dining area dala ang tasa ng coffee niya at umupo.

“Dave, kain ka na. Hindi ko kasi alam ang kinakain mo tuwing breakfast kaya eto lang ang naluto ko pero kung may gusto ko sabihin mo lang magluluto ako.”

Nagstart na akong lagyan ng plate niya ng food pero natigil yun kasi nung bigla siyang magsalita. “No, thanks, I don’t eat breakfast. Just eat and stop pestering me.” Tinignan niya lang ako at uminom ulit ng coffee niya habang may binabasang files sa office niya.

“Sorry.” Yumuko na lang ako at nagsimulang kumain.

After 10 minutes, natapos na rin ako sa pagkain at siya naman ay tumayo na pero bago siya tumayo may sinabi siya.

“Next time, huwag kang papasok sa kwarto ko. Do you understand?”

“But…” magsasalita pa sana ako kaso pinutol niya.

“DO YOU UNDERSTAND?” pasigaw na sabi niya.

“Yes, Sorry.”

Natakot ako sa kanya nung bigla siyang sumigaw. Wala naman akong ginawang kasalanan sa kanya para sigawan niya ako. Inayos ko lang naman ang susuotin niya. Masama ba yun? Asawa naman niya ako diba?

Tumayo na siya at naglakad papuntang sala para kunin ang gamit niya. Sinundan ko siyang muli kasi may sasabihin ako sa kanya.

“Uhmm, Dave, pwede bang sumabay na lang ako papuntang university? Kung ok lang sayo.” nahihiya kong tanong sa kanya.

Tinignan niya lang ako ng matalim at hindi siya nagsalita. Gets ko na kung ano ang ibig sabihin niya dun. It means NO. NO! As in NO!.

“Ah, ok, sige na umalis ka na baka malate ka pa sa work mo. Hinid na ko sasabay kasi may gagawin pa pala ako. Hehe,” pilit ang tawa ko kasi pinipigilan kong tumulo ang luhang pinipigilan ko kanina pa.

“Kaya ko naman pumunta sa university. Maaga pa naman. Sige ingat ka. Bye bye!” Kinawayan ko siya. Tinignan niya muli ako at lumabas na ng unit. Saktong pagkasara niya ng pinto, tumulo na ang luha ko. Hindi ko na napigilan na sunod-sunod na pagtulo ng luha ko dahil sa cold at masamang pagtrato niya sa akin.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ginusto mo yan Yssa kaya magtiis ka
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status