Share

Kabanata 2: Second Time

Sumalubong sa akin ang maraming bampira na nakakalat sa lugar kung saan nakatira si Volter. Lahat sila nakatingin sa akin kalakip ang takot sa kanilang mga mata. Ni isa sa kanila walang gustong lumapit. Ganoon ba talaga ako ka-intimidate na kahit dumaan lang ako babakas na sa mga mukha nila ang takot?

Simula nang mamatay ang mga bampirang kinilala kong mga magulang, hindi na ako nanatili sa lugar na ito dahil pakiramdam ko sobrang sikip na nito para sa amin ni Volter.

"Miss Syrie, kanina pa po kayong hinihintay ni Pinunong Volter," salubong sa akin ng babaeng nakapwesto sa entrance ng bahay. Tumango lang ako at sumunod sa kaniya.

Bumukas ang pinto ng silid kung nasaan si Volter, nakaupo siya sa swivel chair habang naka-de kwatro at nakangiti. "Welcome to our house, Syrie," aniya.

Kumunot ang noo ko. Hindi ito ang inaasahan kong ibubungad niya sa akin. Sinuri ko ang mukha niya pero blangko iyon na tila hinaharang niya ang kakayahan kong makita ang nararamdaman ng isang nilalang.

"Have a sit my little sister," alok pa niya.

Hindi ako umimik at tahimik na umupo sa bakanteng bangko. "Tell me," diretsa kong sabi. "Anong kailangan mo?"

"Oh, c'mon, Syrie. Bawal ko bang imbitahin ang kapatid ko sa sariling bahay namin?" Hawak niya ang kopitang naglalaman ng sariwang dugo. Inuuga-uga pa niya ang upuan.

"It is unusual, isn't?"

"Of course not. Gusto lang kitang kamustahin and besides hindi na rin tayo masyadong nagkikita. Gusto lang kita makasama kahit minsan, bawal ba 'yon." Tumayo siya sa pagkakaupo at lumapit sa akin.

Kumunot na naman ang noo ko.

Seryoso ko siyang tiningnan at sinuri. "Why so sudden, Volter?" nagtataka kung tanong.

Ngumiti siya. "Why you're so mean, Syrie. Hinabilin ka sa akin ng mga magulang natin. I have my responsibilities for you."

"Ganoon ba 'yon? Kaya ba hinayaan mo akong umalis at iwan ang bahay na 'to?" hamon ko.

"Nakaraan na 'yon, Syrie at ngayon gusto kong ayusin 'yong relasyon natin bilang magkapatid. Sino-sino pa ba ang magkakampihan? Tayo lang, 'di ba? Kung magsasanib pwersa tayo laban sa mga taong lobo, siguradong maipaghihigante na natin ang mga magulang natin."

"Mind your own business, Volter. May sarili akong paraan ng paghihigante at kaya ko 'yon ng ako lang." Tumayo ako sa pagkakaupo at lumakad na palayo.

"Eh, kung bumalik ka na lang kaya rito sa bahay?"

Huminto ako. "Thanks but no thanks, brother." Humakbang na uli ako pero muling huminto ng may maalala. "Opps! Wait, Volter pakisabi sa mga alaga mo, I'm not their enemy so don't messed up with me kung gusto pa nilang mabuhay." Tinutukoy ko roon ang mga bampirang nakalaban ko kanina lang.

-

"Huh? Gusto niyang bumalik ka sa bahay ninyo?" gulat na reaction ni Trina nang sabihin ko ang pinag-usapan namin.

"Why not, 'di ba, Syrie?" ani naman ni Vernon na naka-upo sa sofa. Hindi ko sila pinansin dahil ukupado ang isip ko sa pag-iisip sa alok ni Volter habang nakaupo at kaharap ang dalawa.

"Pero kilala natin si Volter he's the kind of vampire na gusto siya ang nasa taas at ayaw niyang malamangan. Sigurado ka ba na kapag bumalik ka roon, magiging maluwag at maayos ang lahat?" opinyon naman ni Trina.

"Pero tama si Volter, wala ng ibang magkakampihan kung 'di kami," seryoso kong sabi.

"Hindi naman porket nandito ka, hindi ka na kakampi. Mas mabuti lang 'yong ganito. 'Yong ikaw para sa sarili mo."

"Kung sabagay, may point ka Trina," pag-sang-ayon ni Vernon.

"Salamat sa opinion ninyong dalawa. Kailangan kong mag-isip, lalabas muna ako," paalam ko, saka tumayo at lumabas ng bahay.

Sumalubong agad sa akin ang malamig at sariwang simoy ng hangin. Nang makapwesto ako sa bahaging tahimik, niyakap ko ang sarili ko, saka tumingin sa matatayog na puno na sumasabay sa pag-ihip ng hangin.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nagdadalawang isip akong pumayag sa alok ni Volter. Hindi sa nagdududa ako sa kaniya, pakiramdam ko lang hindi talaga kami bagay magsama sa iisang bahay. Idagdag pa ang ilang mga bampira na labis ang pagtutol sa akin kahit noon pa man.

"Oy, Syrie bakit nandito ka sa labas?"

Lumingon ako at nakita ko si Persuz na kakauwi lang ata mula sa kampo ni Volter.

"Bakit ka pinatawag ni Volter?" diretso kong tanong habang diretsang nakatingin sa mga mata niya.

Tumaas ang kilay niya habang nakapasok ang kamay niya sa leather jacket na suot. "Gusto niyang kausapin kita na sumang-ayon sa gusto niya," aniya.

"Iyon lang?"

"Yes, why?"

"Ahm! Wala, sige na pumasok ka na," sabi ko. Tumalikod na uli ako at humarap sa mga puno. Buong hapon na rin akong nag-iisip kung papayag ba ako o hindi sa alok ni Volter.

Utay-utay nang nilalamon ng dilim ang paligid at ito ang gusto kong oras para maglakad-lakad sa paligid.

Nagsimula akong maglakad papasok sa gubat kung saan may batis roon. Gusto kong marinig ang lagaslas ng tubig at madampian ito. Kabisado ko na ang gubat at hindi rin ako nangangamba sa panganib dahil palagi akong nakahanda sa maaaring mangyari.

Kalauna'y narating ko ang batis, tila musika sa akin ang lagaslas nito. Napangiti ako at nanabik na madampian ang malamig na tubig. Lumapit ako sa batis kasama ang kagustuhang madampian iyon. Kakaibang ligaya ang naging hatid ng malamig na tubig sa akin.

Kung sana buhay pa ang mga magulang ko, nandito sana sila para panoorin akong lumangoy at magtampisaw sa batis na ito. Inalis ko ang aking kamay sa batis at dahan-dahang lumayo roon. Pinatahimik ko ang magalaw na tubig at doon ko tiningnan ang repleksiyon ko. May lungkot doon dulot ng alaalang bumubuhay sa kagustuhan kong maghigante.

Habang nasa seryoso akong bahagi, mabilis akong kumilos ng maramdaman kong may nanonood sa aking taong lobo. Tumayo ako sa pagkakaupo at nagmasid sa paligid.

"Lumabas ka kung sino ka man," matapang kong sabi habang hinahanda ang aking sarili.

Mayamaya pa'y may lalaking lumabas mula sa malagong damo. Matipunong lalaki. Mabilis akong napaatras. Alam kong hindi siya normal na lobo, malakas ang enerhiyang nararamdaman ko sa kaniya.

"Napadaan lang ako rito at hindi ko sinasadyang makita ka," paliwanag agad ng lalaki.

Tinitigan ko siya at alam kong nagsasabi siya ng totoo. Pero bakit parang nakita ko na siya? Tama! Siya 'yong tampalasang tumulong sa akin kahapon.

"Then, why you were watching me?" mataray kong tanong.

"I've felt someone's here, I'm just curious who or what it was then, I've found out that it's you, an arrogant woman werewolf," makahulugang aniya habang nakatingin sa mga mata ko.

Parang kumulo ang dugo ko sa narinig ko mula sa kaniya. "I'm not but you are," balik ko.

Ngumiti ang lalaki at humakbang palapit sa akin. "Admit it, Miss. Kung hindi ka mayabang bakit 'di ka nag-thank you sa akin nang tinulungan kita kahapon?" hamon niya.

"Dahil hindi ko hiningi ang tulong mo."

"No, because you're an arrogant."

"How dare you!"

Sa isang iglap, nagbago ang anyo ko. Lumabas ang balahibo sa buo kong katawan kasabay ng mga pangil at mahahaba kong kuko. Nabali ang mga buto ko at naging paa ng lobo.

"Grrr!" nanghahamon kong ungol.

"Oh c'mon, masyado kang mainit, eh," cool lang na balik ng lalaki.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, inatake ko siya. Tumalon ako ng mabilis patungo sa kaniya pero mabilis siyang nakaiwas. Halos mabungkal ang lupa nang sumadsad doon ang mga paa ko. Sinubukan ko uling, umatake pero lubhang mabilis ang lalaki sa pag-iwas.

Hindi naman ako papayag na hindi ako makakaisa sa kaniya, tumakbo ako ng mabilis paikot sa kaniya, pabilis ng pabilis. Nang makatyempo ako, tumalon ako para sakmalin siya pero nagulat ako ng makailag pa rin siya.

"Grr!" galit kong ungol.

"Easy, Miss." aniya.

Hindi! Kailangan kitang masaktan o kahit mapatay. Tumalon ako pero hindi sa kaniya bumagsak, sa likod niya. Humarap siya sa akin, kasabay ng pagtalon ko. Naiwasan na naman niya ako.

Naglakad ako palapit sa kaniya ng dahan-dahan. Kailangan kong makalapit sa kaniya para masakmal ko siya. Nang ilang dipa na lang ang layo ko sa kaniya, sinugod ko siya at nang akmang iilag siya, doon ko siya tinalon at sa wakas nahuli ko ang katawan niya pero bakit biglang tila nanghina ang buo kong katawan? Nang akmang itutusok ko ang matitilos kong kuko sa kaniyang katawan, 'di ko nagawa. Nawalan ako ng lakas sa 'di ko malamang dahilan.

Hindi ko maigalaw ang katawan ko at alam kong malapit na akong magpalit ng anyo dahil sa di ko alam na dahilan. Tila hindi na gumana ang buo kong sistema.

At katulad ng inaasahan ko, bumalik ako sa pagiging tao, walang saplot at ang malala nakapatong ako sa ibabaw ng lalaking ito. At sa pagbalik ko sa pagiging tao, bumalik ang lakas ko pero alam kong hindi ko na kayang mag-anyong lobong muli.

Nang akmang tatayo na ako, mabilis akong niyakap ng lalaki na naging dahilan para lumaki ang mga mata ko.

"Anong-"

"You're naked, remember?" Salitang nagpatimo sa akin at nanatiling nakadapa sa kaniya. Nakalimutan kong n*******d nga pala ako.

Bahagya kong nilihis ang katawan ko sa katawan niya. "Ipikit mo lang 'yang mga mata mo," utos ko. "Don't you dare to open it, bubulagin kita," banta ko.

"Uh-uh!" natatawang sang-ayon niya. "Eto na nga ako, nakapikit na. I don't want to lose my eyes, gusto ko pang makita kung gaano ka ka-sexy," pilyong aniya kasunod ang pagtawa.

"How dare you! Bastos!" Tatayo na sana uli ako pero naalala kong n*******d ako.

"Eto, naman 'di na mabiro. Wait, just stay!"

Naramdaman kong gumalaw ang kamay niya patungo sa jacket niyang suot, pilit niya 'yong hinubad kahit nakahiga at sa kabutiha'y nagawa niya.

"Here, wear this," aniya. Habang nakapatong ako sa kaniya, ipinatong niya sa akin ang jacket. Kinuha ko yon at mahigpit na hinawakan. "Isuot mo 'yan sa pang-ibaba." Hindi ako umimik. "Tumayo ka na patalikod, nakapikit lang ako," dagdag pa niya.

Nagdududa akong tumingin sa kaniya. "At paano ako magtitiwala sa 'yo?"

"Just do it," utos niya. "Basta pipikit lang ako."

Hindi ko alam pero bakit naniniwala agad ako? Bakit nawala ang pagdududa ko ng ganoon kadali? Sino ba ang lalaking ito?

Dahan-dahan akong bumangon at mabilis na tumalikod. Tinali ko sa baywang ko ang dalawang kamay ng jacket.

Narinig ko ang kaluskos ng pagbangon ng lalaki. May ginawa siya na hindi ko kita. "Isuot mo 'to." Iniabot niya sa akin ang damit at base roon alam kong nakatalikod siya.

Nagdalawang isip pa akong kunin iyon.

"Gusto mo bang h***d kang maglalakad pauwi?"

Mabilis kong kinuha ang damit at sinuot iyon. Inayos ko ang jacket sa parteng baba para hindi iyon bumuka.

Nag-angat ako nang tingin at tumambad sa akin ang tila hulmadong katawan ng lalaking lobong ito. Napako ang mga mata ko roon sa 'di ko malamang dahilan kahit normal na sa akin ang makakita ng n*******d na mga lalaki.

"Hindi lahat ng nilalang sa gubat kaya mong tapatan, hindi mo ikapapanalo 'yang init ng ulo mo," aniya na boses ay nagsesermon.

Masungit akong tumingin sa kaniya. "At sino ka para pangaralan ako?" Napataas na ang tono ng boses ko.

"Isa sa mga kalahi mo at hindi kalaban."

Nagbago ang expression ng mukha ko. Napalitan ng galit. "Kalahi?" Ngumisi ako. "Nagkakamali ka, hindi kita kalahi. Iba ako sa inyo," galit kong balik.

Nagtakang nangunot ang noo ng lalaki. "Paanong iba? Hindi ka iba. You have your tail, your fur, fangs and claws like us. Werewolf ka at kalahi mo kami."

Ngumisi ako. "Tama ka, I have what every werewolf has, pero matagal na akong iba. Ibang pananaw. Iba kumpara sa inyo."

"At anong pananaw mo na naiiba sa amin? Bakit ba galit na galit ka sa kung saan ka nagmula?" balik niya na tila naiinis na sa akin at wala akong paki.

"It's none of your damn business!"

"Pero gusto kong makialam. Dahil hindi ko alam ang dahilan kung bakit sarili mong lahi, itinatakwil mo."

"Hindi ko tinatanaw na utang na loob ang pagtulong mo sa akin ngayon," madiin kong sabi.

Napasinghap at napailing na lang ang lalaki sa sinabi ko. Mabilis akong tumalikod at tumakbo palayo, pauwi.

Bakit ganito ang nararamdaman ko ko? Bakit sa kabila ng galit at pagkamuhi ko sa kagaya niya, bakit hindi ko magawa sa kaniya? Bakit may nagsasabi sa akin na dapat hayaan ko ang lalaking 'yon na pumasok sa buhay ko? Hindi ko alam, naguguluhan.

May kakaiba sa kaniya na waring nagpapahupa ng galit sa puso ko. May kakaiba sa lalaking 'yon na kahit gusto kong maging bayolente, tila ang init na dulot ng galit, lumalamig dahil sa presensiya niya sa tabi ko.

Sino siya? Anong meron sa kaniya?

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
hayyy Syrie naguguluhan k tuloy sa nararamdaman mo
goodnovel comment avatar
Totoy
Ewan ba riyan kay Syrie HAHAH
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
Tama sya syrie kalahi mo sya bakit sobrang galit mo sa kanya dahil werewolf din Ang pumatay sa mga magulang mo
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status