Share

Chapter 9

Chapter 9: Evidence ain't enough

"Tita..." mabilis akong lumapit ng makita ko si Shzane. Sa tabi n'ya e ang halos trenta pang mga bata na mayroong kaniya-kaniyang ginagawa. Ang iba ay umiiyak habang ang iba ay tahimik lang sa isang tabi.

Niyakap ko kaagad si Shzane ng mahigpit. "Shhhhhh." pagpapatigil ko sa pag-iyak nito. Kailangan naming mag-ingat, maraming lalaki sa labas. Hindi ko sila kakayaning lahat.

Tumayo ako at hinawakan si Shzane sa palapulsuhan. Napatingin ako sa naiwan pang mga bata. Nagdadalawang-isip kung isasama ko pa ba sila sa pagtakas namin. Sa huli ay napailing na lamang ako at dahan-dahang lumabas sa pinto.

"Ahhhhhhh!" napahiyaw ako ng sumalubong sa amin ang dalawang lalaki at hinablot si Shzane palayo sa akin habang ang iba ay tinutok ang baril sa akin.

---

"S-Shzane! S-Shzane!"

Naalimpungatan ako ng marinig ang sigaw ni ate. Mabilis ko s'yang nilapitan at niyakap. Tinapik-tapik ko ang kan'yang likuran upang bahagya syang kumalma ngunit ang ginawa kong pagtapik sakan'ya ay walang epekto.

"Mikaela! S-Si Shzane! S-Si S-Shzane! N-Nak-kita n'yo na b-ba s-sya?"

Mas hinigpitan ko ang pagyakap sakan'ya. "Shhhh. A-Ate, t-tahan na."

"Ate Kim?!" napatingin ako kay Galand na may bitbit na paper bag. Gulat na gulat s'yang napatingin kay Ate Kim.

"Galand, huwag kang tumulala d'yan. Tumawag ka ng doctor."

Kaagad naman s'yang natauhan at mabilis na lumabas. Muli kong binalingan ng tingin si Ate Kim na patuloy pa rin sa pag-iyak.

"A-Ate, stop crying. Kagigising mo lang. B-Baka kung mapa'no ka." saad ko.

Hinintay ko lang na dumating 'yong doctor saka ako naupo sa sofa katabi ni Galand. Tahimik ko lang na pinagmasdan si ate.

"Umiyak ka na naman, Mikaela." napatingin ako kay Galand saka mabilis na napahawak sa pisngi ko. Napaiwas ako ng tingin ng makapa kong basa 'yon. Umiyak ako. Pero saan?

Biglang pumasok sa utak ko ang napaniginipan ko. Isang malawak na kwarto na punong-puno ng mga bata. Sa mga batang iyon ay kabilang si Shzane. Mabilis kong pinilig ang ulo ko upang alisin sa isip ko ang mga nangyari ngunit habang pinipilit ko 'yon na maalis ay lalong sumusuot sa kaibuturan ng utak ko ang nangyari sa aking panaginip.

Simula sa pagkakita ko kay Shzane hanggang sa makasalubong namin ang dalawang lalaki na hindi ko na maalala ang mukha.

Sa panaginip ko ay tanging si Shzane lamang ang sinubukan kong itakas at iligtas. Walang pakialam na sinubukan kong iwan ang mga musmos na bata.

Mariin akong napapikit. Hindi ko maiwaglit sa isip ko ang isipin na napaka-makasarili ko sa panaginip na iyon.

"Makasarili ka naman talaga, Mikaela."

"Hah?"

Kunot noo akong napalingon kay Galand na seryoso din lang na nakatingin sa akin.

"Ang sabi ko, makasarili ka naman talaga."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi n'ya.

"A-Anong sunasabi? P-Pano mo nalaman ang nasa isip ko?" kinakabahan kong saad sakaniya.

Pa'no naman n'ya nalaman ang bagay na nasa isip ko lang? Mind-reader ba 'to?

Kaagad na napaiwas ng tingim si Galand at tila nagulat sa sinabi ko.

"A-Ano-- N-Nasabi mo kaya ng malakas! H-Hindi k-ko binasa ang i-isip m--"

"Ano? Wala naman akong sinabi na binabasa mo ang isip ko ah?"

Mas lumapit ako kay Galand at tinaasan s'ya ng kilay. Hindi ako bobo upang hindi magsuspetsya sa mga kilos at sinasabi nito ni Galand.

"Ano? Sum--"

Napatigil ako sa pagsasalita ng biglang may tumunog na cellphone. Napalibot kaagad ako ng tingin at napatayo ng mapagtanto na ang cellphone kong nakapatong sa lamesa ang tumutunog.

Kaagad akong lumapit at kinuha iyon. Kunot noo kong itsinek ang screen at nanlaki ang mga mata ng makitang number no'ng pulis ang tumatawag. Dali-dali kong sinagot iyon.

"H-Hello? Mr. Romero?" kinakabahan kong saad.

("H-H-Hello? S-Sandali lang p-po. M-Mahina ang s-signal. T-Tatawagan ko po k-kayo ulit.")

"H-Hello? Hello!"

Napahawak ako sa aking buhok ng maputol na ang tawag at huminga ng malalim ng paulit-ulit.

"Ayos ka lang ba, Mikaela? Sino 'yong tumawag?"

Napatingin ako sa tabi ko at nakita si Galand. Sandali muna akong sumulyap kay ate Kim na mugto ang mata at halatang hinihintay ang isasagot ko.

"S-Si Mr. Romero."

Bakas na bakas ang pagkagulat na bumalatay sa kanilang mga mukha. Nanlaki ang kanilang mga mata at bahagyang napanganga.

"Anong sinabi n'ya?!"

"Nahanap na ba nila si Shzane?!"

"Pupunta daw ba tayo sa police station?!"

"May lead na daw ba?!"

Balik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa bago umiling. Bumakas ang pagkadismaya sa kanilang mukha kaya napayuko ako.

"Naputol ang tawag. Mahina ang signal. Tatawag daw s'ya ulit. Hintayin na lang nat--"

Napatigil ako sa pagsasalita ng bigla na namang tumunog ang cellphone ko. Dali dali iyong dinampot at kaagad na sinagot ang tawag. Napasulyap ako kay ate at napabuntong-hininga ng seniyasan niya akong i-loud speaker iyon upang marinig nila.

Ayaw ko muna sanang ipaalam ang takbo ng usapan namin kay ate. Walang kasiguraduhan kung maganda ba ang ibabalita ni Romero pero wala akong choice kun'di sundin s'ya.

"Hello?"

Rinig na rinig ang malakas na ingay sakanila kaya bahagya akong napalayo.

("Hello? Atty. Perez? Tungkol po s--")

Hindi naging malinaw ang buong liniyata ni Romero dahil sa ingay sa kanilang lugar.

"Pardon? Hindi ko masyadong marinig ang sinabi mo Mr. Romero." saad ko.

("Attorney Perez. P'wede po ba kayong pumunta dito sa prisinto? Mayroon kaming nakuhang bagay na may kaugnayan sa kaso n'yo. Kailangan namin kayo upang kumpirmahin kung ito ba ang batang hinahanap n'yo.")

---

"Ito po yung kuha mula sa Lilith Street. Sa tapat ng isang malaking bahay. Yung numero po ng bahay e 4089."

Nandito kami ngayon sa police Station. Tanging ako at si Galand lamang ang nagparito dahil hindi nakalabas si ate ng hospital kahit na anong pilit niya.

Pinapakita ang isang lugar kung saan tanging mga sasakyan pa lamang ang dumadaan.

Hindi ko alam pero parang pamilyar talaga ang bahay na ito sa sa'kin. Para bang nakarating na ako do'n.

"Galand, naihatid mo na ba ako sa bahay na 'yan, kahit na isang beses lang?"

Umiling si Galand na nasa gilid ko. "Aba. Ewan. Hindi pa."

Napairap na lang ako sa sagot n'ya at muling tumahimik bago muling nagmasid sa ipineplay.

Maya-maya pa e isang bata ang mabilis na tumatakbo ang dumaan sa screen. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang pamilyar na kasuotan ng bata.

"Si S-Shzane! Mikaela! S-Si Shzane yan!"

Bago pa ako makapag-reak ay nakasigaw na si Galand kaya hindi ko na itinuloy.

Nakahinga ako ng naluwag dahil kahit papaano ay may clue na sa mga pinuntahan ni Shzane ngunit muling nanikip ang dibdib ko ng biglang mayroong mga nakasuot ng bonet ang humabol kay Shzane atsaka marahas s'yang kinarga. Kita sa video ang pilit na pagpalag ni Shzane sa mga lalaki hanggang sa hindi na sila mahagip ng cctv.

Natahimik kaming lahat. Maging ang maingay na si Galand ay hindi nakapagsalita.

"So, attorney. Palagay ko ay itong batang ito ang inyong hinahanap. Huwag po kayong mag-alala. Magpapapunta na po ako ng mga tauhan ko doon sa Lilith street upang tingnan ang lugar doon." saad ni Sir Romero.

Hindi ko s'ya sinagot at tumingin kay Galand.

"Galand, ihatid mo ako doon."

Umiling s'ya. "Hindi ko alam kung saan 'yon."

Napabuntong-hininga ako at tumingin sa mga police.

"Sasama ako.

Bakas ang pagtutol sa mga mukha nila ngunit wala silang nagawa kun'di ang ngumiti ng peke at tumango sa akin.

---

Paulit-ulit ko pa ring iniisip ang napaniginipan ko. Hindi 'yon mawaglit sa isipan ko. Lalo na ngayong mga panahon, maraming bagay ang nangyayari sa akin na mahirap paniwalaan. Natatakot ako, baka mamaya, magkatotoo ang nakita ko sa aking panaginip.

Isa pa, ewan ko pero kinakabahan ako. Bakit nakarating si Shzane sa lugar na 'yon? Hindi ba n'ya kasama si y-- Nanlaki ang mata ko at dali-daling hinablot ang cellphone bago nag-dial ng number.

"H-Hello? Ate!"

("H-Hello M-Mikaela, anong b-balita?")

Napakunot ang noo ko.

"Hindi pa ba nasabi sa'yo ni Galand?"

("H-Ha? W-Wala pa s'ya d-dito e.")

Napabuntong-hininga ako.

"Ate, hintayin mo na lang si Galand, okay? May gusto sana muna akong itanong."

("Baki-- Ha? Ano 'yon?")

"Nasan si Yaya Marie? Bakit hindi n'ya nabantayan si Shzane?"

("Ah. N-Nasa bakasyon si Yaya. Hindi mo pala alam? M-May sakit kasi ang anak n'y--")

"Ah sige, ate. Bye."

Kaagad kong pinutol ang liniya ng tawag at umayos na ng upo.

"Attorney, andito na po tayo."

Napatingin ako sa labas at nakita ang isang bakanteng lote. Hindi ko alam pero pamilyar talaga ang lugar na ito sa akin. Parang nanggaling na ako rito.

Mabilis akong lumabas at nagmasid sa paligid. Nilibot ko ang aking paningin. Isa lamang itong payapang bakanteng lote kung tutuusin pero maari nga namang pag-ganapan ng krimen.

Napailing ako sa naisip at muntik ng matisod ng maapakan ko ang isang bagay. Kaagad kong inalalayan ang sarili ko at yumuko para tingnan iyon. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang singsing na regalo ko kay Shzane noong nakaraang birthday n'ya. Dali-dali ko 'yong pinulot gamit ang gloves na suot ko.

"Attorney, sa pamangkin mo ba 'yan?"

Tumango ako kay sir Romero. "Yes."

"Maari ko ba munang makuha 'yan? Maari 'yang ebidensya."

Tumango na lang ako at iniabot sakan'ya iyon. Bilang abogado, alam kong isa iyong ebidensya.

Mabilis na umalis si Mr. Romero sa harapan ko at nag-masid sa paligid. Tumalikod na lamang ako at bumalik sa ginagawa.

"Tulong!"

Napaigtad ako sa gulat ng makarinig ng hagulhulan. Wlaa sa sariling napalibot ako ng tingin. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.

Nadako ang aking paningin sa katabing bahay ng bakanteng lote. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Parang may hindi tama.

Related chapters

DMCA.com Protection Status