Share

Chapter 11

Chapter 11: Catching death for me

I'm not dumb. Alam kong hindi ako pwedeng mamatay sa labang ito dahil walang magliligtas sa mga bata.

I'll risk my life, but I won't give it up. Dimwit.

Ipapapukpok ko pa sa judge ang mga halimaw na 'to.

Kasalukuyan akong nasa tabi ng fuse ng bahay na'to. Naghihintay ako ng timing. Mula kasi dito ay tanaw ko ang lahat ng demonyong nagtatawanan.

Walang maibigay sa bata, pero ang ulam nila crispy pata. Naikuyom ko ang aking kamao.

Wala daw ibinigay ang boss nila, pero ang totoo, kinupit nila para mabili ang pansariling kagustuhan.

Napailing na lang ako sa inis at muling nag-pokus. Naririnig ko ang usapan nila pero kaagad ding nawala. Ewan ko pero ang mga bagay lamang na naririnig ko ay ang mga bagay na may kaugnayan sa akin o mga bagay na may dulot na panganib.

Kailangan kong patayin ang fuse na ito para magkagulo sila, paniguradong may aakyat sa taas, upang icheck ang mga bata pero kaagad ring bababa dahil iisipin nilang takot ang mga iyon sa dilim. Kailangan maging madilim ang bahay, hangga't busy ang mga ito.

In

3

2

1

Kaagad kong pinatay ang fuse. Tumigil sila sa tawanan at kaagad na napatayo. Nanliit ang mga mata ko sa dilim pero kaagad na napaigtad dahil bigla rin na bumalik ang liwanag sa mga mata ko.

Kinakabahan akong napatingin sa mga lalaki. Pa'nong bumalik kaagad ang kuryente?! Nasa tabi ako ng fuse!

Akmang tatakbo na ako nang mapansin na parang nasa dilim pa rin kung umasta ang mga lalaki. Nanlaki ang mga mata ko sa napagtanto at ipinagsawalang bahala na lamang.

Kaagad akong naupo kasabay ng pagtutok ng flashlight ng isa sa kanila sa pwesto ko.

Napabuntong-hininga na lang ako at mabilis na umalis roon. Nakayuko akong nagtungo sa sala nila at tiningnan ang main door. Iisa lang ang lock nito at mukhang madaling buksan.

Kaagad akong napayuko nang biglang dumating ang dalawang lalaki. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Malaki ang posibilidad na makita nila ako dito. Dilim lamang ang nagtatago sa akin ngayon.

Pigil ang hininga ko nang dumaan sila sa harap ko. Binuksan nila ang maindoor kaya kaagad akong napa-isod nang masinagan ako ng liwanag ng buwan.

Lumabas ang isa sa pinto habang ang isa ay nakasilip lamang sa labas.

"Sa lakas nga sabi ng hangin yan nalaglag!" sigaw ng nasa loob sa nasa labas.

Mukhang tinitingnan nila ang sanga ng puno na nalaglag.

Kailangan kong mapatumba ang dalawang 'yon. Maraming bata sa loob at imposibleng makalabas kami ng bahay na walang nakakapansin. Kailangan nilang mabawasan.

Nagdadalawang isip ako kung lalapitan ko na ba ang nasa pinto. Baka biglang pumasok ang taong nasa labas. Malalagot ako.

Napaatras ako bigla nang may lumabas na guhit sa paningin ko na tila sinisipat ang pinto. Biglang lumitaw ang isang bilog na may dalawang intersecting lines. Sa loob ng bilog ay may isang asul na square at dalawang pulang square.

Namangha ako ng mapagtanto ko na ako ang asul na iyon at ang pula ay ang dalawang ito. Dinetect ng mga mata ko ang lokasyan ng mga sindikatong pinakangmalalapit sa akin.

Biglang lumabas ang numerong 27 sa harap ko na sinundan ng seconds habang nakatutok ang guhit sa pinto.

Kaagad akong napalunok at tumakbo palapit sa lalaki at pinukpok ang batok n'ya ng baril na nakuha ko sa itaas. Kaagad itong natumba kaya mabilis ko s'yang itinayo at iniharang sa harap ko. Tumayo ako sa tabi ng pinto.

Maya-maya pa ay natapos ang bilang sa paningin ko at biglang pumasok ang lalaki kanina.

"Sabagay. Medyo maliit din yung sanga e." wika nito habang diretso ang tingin.

Nang makalampas ito ng bahagya sa akin ay kaagad kong pinukpok ang batok nito kaya napabagsak silang dalawa sa sahig.

Napahawak ako sa balikat kong bahagyang kumirot dahil sa bigat ng demonyong binuhat ko.

Kaagad ko silang hinila papunta sa gilid kung saan, hindi sila madaling makikita.

Kaagad akong tumakbo ng tahimik para hanapin ang basement nila.

Bigla ay may lumabas na arrow sa mga mata ko na nakaturo sa kanan. Napakunot ang noo kong sinundan iyon. May kalayuan pinatunguhan pero nakahinga ako ng maluwag ng makita ang pinto ng basement sa harap ko.

Idinikit ko ang tainga ko sa pinto at kaagad na pumasok nang walang marinig. Ibig sabihin no'n, walang panganib.

Kaagad kong hinalikwat ang basement. Puno ito ng mga baril pero iba ang hinahanap ko at malaki ang posibilidad na dito lang nakatago 'yon.

Napansin ko ang isang pinto dito na kapag binuksan mo ay makakalabas ka na. Kung ako lang siguro, ay madali iyon, pero kapag kasama ang mga bata ay medyo may kahirapan na.

Nabuntong-hininga ako nang makita na ang hinahanap. Kinuha ko ang isang plais na nakita ko rin dito sa basement at pinutol ang isang wire na siguradong daluyan ng kuryente nila. Ngayon, kahit buksan nila ang fuse, walang papasok na kuryente.

Kaagad akong lumabas ng basement at tahimik na nagtungo sa kinaroroonan ng mga bata. Laking pasasalamat ko dahil walang nakakita sa akin at tila lahat busy sa paghahanap ng sira ng daloy ng kuryente. Napagtanto na siguro nila na hindi brownout.

"Tita, ano na gagawin natin?"

Sinenyasan ko si Shzane na kumalma at tumahimik. Kaagad naman s'yang natahimik at himikbi-hikbi.

"Susunod kayo sa akin okay?"

Saad ko sakanila. Karamihan ay tumango at ang iba ay mabilis na umiling.

"Huwag na po, ate. Hindi rin tayo makakalabas. Masasaktan lang tayong lahat kapag nahuli tayo."

May ilang sumang-ayon habang ang iba ay umiling.

"Walang mahuhuli, walang masasaktan. Sinisiguro ko sainyo. Magtiwala kayo sa akin, please."

Hindi nagtagal ay pumayag na rin ang mga bata. Dahan-dahan kaming lumabas sa kwartong pinagkulungan sa kanila at nagtungo sa direksyon patungo sa sala.

"At saan kayo pupunta?"

Tila binuhusan ako ng malamig na tubig sa narinig. Sa harap ko... sa harap naming lahat, mayroong sampung kalalakihan. Hindi sila kumpleto dahil tanda ko, dose ang bilang nila at sampu lamang ang nasa harap ko, nandito na ang dalawang lalaki kanina. At alam kong bumalik na ang kuryente nila.

Bigla ang paghagulhol ng mga bata sa likuran ko. Pinigilan ko ang pagtulo ng luha ko. Hindi ako naiiyak dahil sa takot, naiiyak ako dahil, ang tiwalang ibinigay sa akin ng mga bata ay wala na.

Humakbang palapit sa aking ang lider ng mga sindikato.

"Saan mo dadalhin ang mga bata, miss?" ngumisi ito sa harap ko.

"Tita!"

Napatingin ang lalaki kay Shzane at mas lalong ngumisi.

"Kaya ka pala narito, dahil sa pamangkin mo? Hmm?" napaatras ako nang hawakan n'ya ang mukha ko.

Nakaramdam ako ng matinding takot lalo na't ako lang ang maaring magligtas sa mga bata. Rinig ko rin ang paghalakhak ng mga tauhan n'ya.

"Boss, hindi makita sa serveillance came--"

Natahimik ang lalaking dumating nang makita ako at pumunta na lamang sa likod ng lider nila.

"Boss, naputol ang linya ng kuryente sa baseme--"

Kaagad ding natahimik ang lalaking dumating nang makita ako at pumwesto na lamang sa likod ng lider nila.

Ngayon, dose na sila sa harap namin. Mas lumakas ang hagulhol ng mga bata kaya napapikit ako.

Ngumisi ang lalaki sa harap ko.

"Alam mo miss, magaling ka naman e. Pinutol mo na nga linya ng CCTV namin, pinutulan mo pa kami ng kuryente. Daig mo pa meralco ah."

Inikutan ako nito habang tumatawa ang mga tauhan n'ya sa likod.

"Kaso miss, mas magagaling sa'yo ang kinalaban mo." bulong nito sa tainga ko kaya napapikit ako ng mariin.

"Mga wala kayong kwentang tao." mariing bulong ko na gumulat sa kanila.

"Tapang ah. Sumasagot pa!" sigaw ng isang lalaki kaya nagtawanan sila.

"Kayong lahat. Mananagot sa batas. Sisiguraduhin kong hindi kayo makakalabas." gigil na saad ko.

"Ano ka, aboga--"

"Tanga ka ba? Abogado yan. Si Perez. Yung madalas sa tv."

Napanganga silang lahat sa sinabi ng isa sa kanila.

"So.." naagaw ang pansin ko ng lider nila.

"Masarap ba ang isang, abogado?"

Humalakhak silang lahat sa sinabi ng lider nila. Lalong kumulo ang dugo ko.

Mabilis kong hinablot ang lider nila at kinuha ang baril sa ilalim ng damit. Itinutok ko iyon sa ulo n'ya.

"Lumayo kayong lahat! Kung ayaw n'yong patayin ko 'tong hayop na 'to, lumayo kayo!"

Panigurong wala silang ibang kakampi sa likod ko, dahil kumpleto na sila.

Kaagad nilang itinutok ang baril nila sa akin kaya diniinin ko pa ang pagkakahawak sa leeg ng lalaki.

"Ibaba n'yo ang baril n'yo. Kung ayaw n'yong sumabog ang utak nito ngayon." may diin ang bawat salitang sinambit ko.

Nagdadalawang isip nilang binaba ang kanilang baril at kinakabahang tumingin sa akin.

"Tumabi kayong lahat! Alis sa daanan!"

Malaya kong natanaw ang maindoor nang humawi sila. Umikot ako kaya sumunod ang mga bata sa likod ko.

Nagsitakbuhan ang bata palabas ng bahay habang hawak ko pa ang lalaki.

"T-Tita.."

Kumabog ang dibdib ko nang marinig ang boses ni Shzane na nasa likod ko pa rin.

"Lumabas ka na Shzane. Bilis!"

Nagdadalawang isip s'yang tumingin sa akin.

"LABAS!"

Narinig ko ang hagulhol n'ya na tumakbo palabas.

Alam kong imposible ko na mailigtas ang sarili ko ngayon. Lumuluha kong tiningnan ang mga lalaki. Hindi ako natatakot sainyo. Tngina.

Hinihigpitan ko pa ang hawak sa leeg ng lider nila. Kailangan ng mga bata ng sapat na oras para makalabas. Kahit anong paraan, sana magawan nila ng paraan na mabuksan ang gate.

God please, help us.

I'm done living my life for myself. All this time, I am only thinking about myself. Wala akong pakialam sa ibang tao. Puno ng lokohan ang buhay ko. Wala akong pakialam kung may naaagrabyado hangga't kumikita ako. Tngina. Nabulag ako ng pera. Tama si Galand, sobrang makasarili ko na. Pero mali s'ya, mukhang hindi ako ang magliligtas sa mundo.

"M-Mikaela!"

Tila bumagal ang mundo ko ng makarinig ako ng putok ng baril kasabay ng boses ni Galand. Nawala na ako sarili ng biglang sunod-sunod na pumasok ang mga pulis sa bahay.

Kaagad kong binitawan ang lalaki at lumingon sa likuran ko at lalong napaiyak. Nagkamali ako, trese ang bilang at hindi dose.

There he is.. si Galand. Sinalo n'ya ang bala na dapat ay sa akin.

"Zero!"

And here I am, crying and shouting his name for the first time.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status