Share

CHAPTER 2

Zoe Colette's POV

The night is lively, pero ito ako ngayon wala sa sarili. Tahimik na nakaupo rito sa loob ng eroplano habang ang tingin ay nasa labas ng bintana. Malayo ang tingin at pilit na tinatanggap ang nangyari sakin.

Tatlong araw akong nanatili doon sa hotel kasama ang traidor kong kaibigan. Isa siya sa mga nagbabantay sakin. Apat lang kaming tao ngayon dito sa eroplano. Naka-private airplane kami. Hindi inalis ng demonyong si Atlas ang pagkakatali sa kamay at paa ko. Tatlong araw lang akong nakahiga doon sa kama. At kapag kakain ako si Atlas lang din ang nagpapakain sakin. Sa loob ng isang araw isang beses lang ako kumain at tuwing gabi lang. Si Atlas din ang nagpapaligo sa akin. Hindi na tigil ang kababuyan ng demonyong 'to sa tatlong araw na lumipas.

Muli ko na naman naramdaman ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Bakit sa akin pa nangyari ang ganitong kababuyan? Ano bang nagawa ko? Naging mabait naman akong anak noong na bubuhay pa sila mama at papa. Bakit sa’kin? Bakit?!

Naramdaman ko na naman ang malambot niyang kamay sa aking mukha. Katabi ko ngayong ang demonyong ito, habang nasa harap ko naman ang traidor kong kaibigan. May kasami din kaming isang lalaki. Hinawi niya ang mukha ko paharap sa kanya. Pinunasan niya ang luha sa aking mata, gamit ang kanyang kamay. Sunod bumaba ang kamay nito sa aking labi. At pati ang tingin niya. Pinagmasdan ko lang ang dahan-dahang paglapit ng mukha niya hanggang sa dumampi na ang labi niya sa akin. Palalim ng palalim ang halik nito.

Shit!

Gumagalaw ang dila niya sa loob, nilalaro ang akin. Gusto kong pumiglas pero hindi ko magawa dahil nakatali ang mga kamay ko sa upuan nitong eroplano.

Ang devil na ito hanggang dito sa eroplano umabot ang pagkababoy.

Napangiti ako ng makaisip nang paraan para masaktan siya.

"SHIT!" napahawak ito sa kanyang bibig. Kinagat ko lang naman ang kanyang labi. 

"Bitch!" Sinampal niya ako nang pagkalakas-lakas.

Tumayo si Atlas sa pagkakaupo at umalis sa puwesto niya. Sinundan naman siya no’ng isang kasama namin. Muli kong binaling ang tingin ko sa labas.

"Colette?"

Hindi ko ito binigyan ng tingin. Ayokong makita ang mukha nang babaeng 'to. Ayokong makita ang mukha nang isang traidor.

Humahagulgol ako...

Hindi ko mapigilan. Ang sakit lang sa parte ko kasi siya lang ang labis kong pinagkakatiwalaan, pero siya rin ang naging dahilan kung bakit ako na baboy nang ganito.

Sa dinami-dami ng tao sa mundo. Bakit ang bestfriend ko pa?! Bakit?

"Colette, so...sorry." sa pagkakataong ito ibinaling ko na ang paningin ko sa kaniya.

"Sorry? May magagawa pa ba ‘yang sorry mo, huh? Bestfriend kita Maisha, bakit mo nagawa sa akin 'to? Bakit?!" Naiinis ako... ay hindi nagagalit ako. Gusto kong iparamdam sa kaniya ang kababuyang dinanas ko sa kamay ng demonyong Atlas na ‘yon. Gusto kong maramdaman niya lahat ng‘yon.

Humagulgol ito. "Sorry, Colette. Please forgive me."

"Bakit ka umiiyak? Wala kang karapatang umiyak, traydor kong kaibigan." Patuloy pa rin ito sa paghagulgol.

"Nagawa k-"

"Ayoko ng marinig ang paliwanag mo. Hindi na maibabalik pa nang paliwanag mo ang lahat sa dati. Hindi na maibabalik pa ng mga paliwanag mo ang nawala sa akin!" Sa tuwing titingin ako sa kaniya naaalala ko lahat ng kababuyan na nangyari sa’kin.

"Get lost. Ayaw na kitang makita pa. Kalimutan mo nang magkaibigan tayo, dahil kinalimutan ko na, na may kaibigan ako."

Mas lalo itong humagulgol sa pag-iyak. 

"Sorry talaga, Colette." Tumayo ito at umalis na sa harapan ko.

Naninikip ang dibdib ko dahil sobra kasi ang paghagulgol ko.

Ang sakit... sobrang... sakit!

Isinandal ko na lang ang ulo ko sa upuan ng eroplano. Ipinikit ang aking mata.

Mama kunin niyo na po ako, nakikiusap ako...

...

"Baby?" Awtomatikong naimulat ko ang mata nang maramdaman ko ang hininga niya sa aking tainga. Nakatuon ang parehong braso nito sa magkabilang gilid ko. Bahagya itong lumayo sa akin. At Ngumiti.

"Are you a wake? We're here."

Tumingin ito doon sa labas ng bintana. Natuon din doon ang paningin ko. Ngunit na agaw ng atensiyon ko ang kamay niyang humawak sa aking baywang at inangat ako. Napahawak ako sa kanyang dibdib. Doon ko lang napansin, tinanggal niya na ang pagkakatali sa kamay ko. Tinulak ko siya palayo. Kasabay ng pagtulak ko ang pag-alis din ng kamay niya sa aking baywang.

PURO FLASH NG CAMERA ang sumalubong samin pagkababa namin ng eroplano. Napahinto ako sa paglalakad dahil do’n. Napapikit ako at ginamit ko ang kamay ko para bahagyang matakpan ang mata ko at hindi masilaw sa mga ilaw ng camera na nakatuon ngayon samin.

"Mrs. Wood, kamusta na kayo?"

"It's been five years since no’ng last na makita kayo nang publiko, kamusta na kayo?"

"Totoo ba na nagkaroon kayo ng alitan ni Mr. Wood? Kaya ba kayo lumipad ng america para asikasuhin ang divorce paper niyo?"

"Totoo ba na mayroon kayong lalaki?"

Sandali akong natuliro. Hindi ko alam ang gagawin, biglang nakita ko na lang ang paglapit ng kamay niya at gamit yun tinakpan niya ang aking mata. Hinawi niya ang ulo ko at idinikit sa kanyang katawan. Nakakulong ako ngayon sa pagitan ng kanyang bisig at ng bahagi ng kanyang dibdib. Nalanghap ko na naman tuloy ang kanyang pabango. Is sweet, It's smell like pineapple a smoked pineapple with some woods and it's smell good. Really good. At kung hindi ako nagkakamali Aventus ang pabango niya.

Nagsimula na kaming maglakad. Hinayaan ko siya na gumalaw at dalhin ako kung saan. Basta hinahakbang kulang itong paa ko.

Huminto ito kaya napahinto din ako, inalis niya na rin ang kamay niya sa aking mukha. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at inilakbay ito sa paligid. Wala ng mga camera na nakatuktok samin, nasa labas na kami nang airport. May mamahaling ferrari na nakahinto ngayon sa harap namin.

"Colette?"

Mabilis akong lumingon sa likuran ko ng marinig ang familiar na boses na 'yon. Tuluyan na ngang tumulo ang luha sa aking mga mata nang makompirma ko na siya nga iyon. Kusang humakbang ang mga paa ko palapit sa kaniya.

"Kuya Haley." Hagulgol ko nang mayakap ko na siya. Hindi ko inaasahan na makikita ko agad si Kuya Haley dito sa airport.

"Kamusta kana? Okay ka lang ba? Hindi ka ba sinaktan ng gagong ‘yan, huh?" May pag-aalalang tanong nito nang kumawala sa pagkakayakap sa akin.

Umawang ang labi ko, ngunit walang sinabi na kahit ano. Gusto kong sabihin sa kaniya ang ginawa ng demonyong‘yon sa akin pero hindi ko magawa. Kitang-kita ko kasi sa mata at mukha nito ang problemang dinadala. At ayoko ko nang dumagdag pa ro’n. Alam ko ang hirap na pinagdaanan niya simula nang mawala sila mama at dumagdag pa ako ro’n. Kahit hindi sabihin ni kuya sakin alam ko at nararamdaman ko ‘yon. Simula ngayon, ayoko nang idamay pa si kuya sa problema ko. Sasarilinin ko na lang ang lahat at lulutasin kong mag-isa.

Tumango ako. "Okay lang ako kuya, huwag kang mag-alala sa’kin." Ngumiti ito at pinunasan ang luha sa aking mata. Muli niya akong niyakap nang mahigpit.

Sorry kuya, sorry sa mga problemang idinulot ko. Hindi na mauulit.

"Stop the dramatic scene we need to go, baby." Hinawakan niya ang aking braso at marahan akong pinaharap sa kaniya.

Hindi ko alam na sobrang lapit niya pala, dahil do’n nauntog tuloy ako sa kanyang dibdib.

"ATLAS!" Galit na galit na singhal ni kuya rito.

Mas lalo akong idinikit ni Atlas sa kanyang dibdib ng tangkain ni kuya na kunin ako mula sa pagkakayakap niya.

"Men, she's not your woman anymore." Malamig na wika ni Atlas. "Let's go baby." Hindi pa rin ako binibitawan ni Atlas. Hindi niya rin ako hinayaan na masulyapan si kuya.

"Atlas let her go, kalimutan mo na yung tungkol sa arrangement. Gagawa ako ng paraan para mabayaran lahat ng utang ng mga magulang namin sa kompanya niyo. Hayaan mo na ang kapatid ko." Rinig kong wika ni kuya.

"How sweet, but I only react to this woman. Every time she's around with me, I feel more comfortable than any other. So I decided to keep her around."

What?

"Don't worry from now on I won't treat her badly. I will not let this woman go," mariin ngunit malamig na wika ni Atlas.

Comfortable with me? He's torturing me.. what this asshole doing?

"Yah, let me go!" Tinulak ko ito palayo pero bago pa ako makapaglakad papunta kay kuya mabilis itong nakabawi at muli ulit akong niyakap.

Bakit niya ba ginagawa sa’kin 'to?

"Baby, you don't understand, you are my woman now. You can't go right now just because you want. I'm the one who decided if you can go. Don't pick fights with me because it's useless," malamig na wika nito.

What? Hindi niya ako pagmamay-ari, hindi pa kami kasal! Wala siyang karapatan sa’kin! Wala siyang magagawa kung aalis ako at hindi manatili sa piling niya!

Muli ko ulit siyang tinulak palayo, ngunit muli lang ulit akong bumalik sa pagkakayakap niya.

"Now, let's go baby." Naglakad kami na ganoon ang postora papunta roon sa ferrari na nakahinto sa harap namin. Hindi niya pa rin kasi ako binibitawan. Binuksan ni Atlas ang pinto nang kotse at maingat akong isinakay roon. Kahit na nakasakay na ako roon hindi ko pa rin masilayan ang mukha ni kuya. Nakaharang kasi sa bintana ang demonyong ito.

Kuya...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status