CHAPTER 10

Zoe Colette's POV

"Gusto kong pirmahan mo ang kontrata na ‘yan upang sa gano’n ay mawalan na sayo nang karapatan ang iyong kapatid na si Haley." Seryosong wika nito na

siyang ikinagulat ko.

 Kung gano’n alam niya? Pero bakit?

Muli akong natawa sa hindi malamang dahilan. Bakit ko nga pala natanong kung

alam niya na kapatid ko si Kuya Haley? Samantalang pangalawa nga pala kami sa pinakasikat na mayaman dito sa Pilipinas. Lalong-lalo na sikat kaming tatlong magkakapatid bilang isang independent na anak na hindi umaasa sa yaman ng kanilang magulang. Nanlilisik ang matang muling ibinaling nang demonyong ito ang tingin sakin. 

"Woman, why are you laughing again?" Jerk... Inirapan ko ito. Ibinaling ang tingin sa papel. 

"Devil, bakit mo ginagawa sa’kin

'to? Hindi mo naman talaga ako gusto ‘di ba?" Seryosong tanong ko

dito. "Hayaan mo na lang akong umalis at kakalimutan ko lahat ng mga kababuyang ginawa mo sa’kin." Dagdag na wika ko pa. 

"Ikaw babae, ay mawawalan na ng karapatan sa kayamanan ng iyong mga magulang kapag na pirmahan mo na ‘yan. Ikaw ay magiging asawa ko na habang buhay at hindi na magbabago pa ‘yon."

Hindi niya sinagot ang mga tanong ko sa kaniya bagkus pinagpatuloy niya ang naudlot na sinasabi kanina. Inaasahan ko na ang ganyang sagot niya. Nakakatawa

lang kasi wala naman talaga akong pakialam sa yaman ng aking mga magulang, sila lang itong makulit. 

"Walang sino man ang puwedeng kumuha sayo mula sa’kin, kahit ang kapatid mo pang lalaki. Mananatili ka sa tabi ko kahit anong mangyari." Seryosong wika pa nito.

Habang binabasa ko ang kontrata na hawak-hawak, napukaw ang atensyon doon sa pangalawa sa sampong gusto niyang mangyari habang kapiling ako at bilang

kanyang asawa. Unang-una dito ang paghawak sa aking d****b sa oras na kami ay matutulog. Pangalawa, ang pagsabay naming maligo. Nanlilisik ang aking matang binalingan siya ng tingin.

"Gago ka ba? Hindi ko pipirmahan 'to, Devil!" Inilapag ko yung hawak-hawak kong kontrata. "Itong katawan ko para lang sa taong mahal ko at hindi para sa

iyo!" Muli kong wika. Mabilis nitong hinawakan ang panga ko. Napangiwi ako nang higpitan niya ang pagkakahawak dito. 

"Babae, hindi ka na virgin. Tingin mo may tatanggap pa sayo?!"

Natawa ako. "Ang pagibig ba para lang sa mga virgin? Kung mahal ka talaga ng isang tao tatanggapin at tatanggapin ka niya ano man ang nakaraan mo." Napahawak ako sa kanyang braso ng higpitan niya pa ang pagkakahawak sa

panga ko. "Sa iyo kasi wala naman talagang pagmamahal. Sex lang naman ang

habol mo. Bakit hindi ka na lang pumunta sa mga bar? Tutal diyan ka naman nagsimula ‘diba?!" Mas lalo itong nagalit sa sinabi ko. 

Tutal baboy na baboy na rin naman ako sa ginagawa niya lalabanan ko na lang siya. Gagawa pa rin ako ng paraan mabayaran lang ang utang nila mama at papa pati na rin ni Kuya Haley masalba lang ang kompanya nila mama. Makakaalis pa rin ako sa bahay na 'to at makakalayo sa lalaking 'to. 

"Lahat ng babae pinapangarap ako. Ma-suwerte ka dahil ikaw ang pinili ko." May pagmamalaking wika niya. 

"Hindi ako tanga gaya nila. Kung gusto mo sila ang kunin mo at ipalit mo sa’kin." Pagmamatigas ko. "Hindi lahat ng babae nabibili ng pera mo." Muling wika ko.

"Kaya nga ikaw ang pinili ko." Nagulat ako sa sinabi niya. Iniwas niya ang tingin sa’kin at binitawan ang pagkakahawak sa aking panga. 

Ang problema lang talaga do’n ay 'yong sa kontrata at ‘yong dalawang gusto niyang mangyari the rest kasi doon tungkol na sa kanyang mga anak. Gaya na lang na

bantayan ko si Miles at pasayahin ito. Maging isang tunay na ina sa kanyang mga anak. Alagaan sila sa tuwing nagkakasakit ang mga ito. Lalong-lalo na subaybayan

ang panganay at pangalawang anak sa pag-aaral. Kahit hindi ko pirmahan itong kontrata hindi pa rin naman ako makakaalis sa lugar na 'to at alam kong hindi niya hahayaang mangyari ‘yon. Kahit siguro magkamatayan pa kami. 

Napabuntong hininga ako. "Pipirmahan ko 'tong kontrata sa isang kondisyon." Muli niyang ibinaling ang tingin sakin. "Hahayaan mo kong

magtrabaho para makabayad sa utang namin sa iyo. Desidido pa rin akong makaalis sa lugar na ito kahit abutin pa ng ilang buwan." Seryosong wika ko rito. 

Natawa ito, "Babae, mukhang hindi ka talaga nakikinig ano? Sinabi ko na ‘diba, hindi kita hahayaang makaalis kahit anong mangyari." Seryosong wika niya. "I

told you, I'm not negotiating with you. Pirmahan mo na iyan para tuluyan ka nang makalaya sa iyong kapatid." Muli niyang wika. Hindi ko pipirmahan niya hanggat hindi siya pumapayag sa gusto ko. Ano gusto niya lang masusunod? Ayos naman siya. Tsk!

May inabot ito saking Black card na siyang ikinagulat ko. "This is my black card, you can buy what you want. Hindi mo kailangan magtrabaho. Kailangan mo

lang gawin ay manatili sa tabi ko."

Takte! Puwede ko bang ipangbayad yan sa utang ng pamilya ko sa kaniya. Pinapangarap kong magkaroon na nang ganyan pero hindi nag-iissue ng black

card ang kompanya namin tanging kompanya lang nila Atlas ang nag-iissue niyan at tanging miyembro lang ng pamilya ang mabibigyan. Sikat na sikat ang black card na iyan dahil puwede mong mabili lahat ng gusto mo gamit iyan kaya isa rin

sa mga dahilan kung bakit habulin ng babae si Atlas dahil diyan pero masyadong wais ang mokong ginagamit niya rin ang black card para matikman lahat ng babae

at sa huli bigo nilang makuha ang black card. Ang suwerte ko naman kasi kusang ibinibigay ni Atlas ang black card niya sa’kin pero

hindi ko puwedeng tanggapin iyan mas lalong masisira ang pangalan ko sa dalawang anak niya kapag nalaman nilang tinanggap ko ang black card na iyan. Hinawi ko ito palayo sa akin. 

"Hindi ako gumagastos ng pera lalo na kung hindi ko naman pinaghirapan. Isipin mo naman ang sasabihin ng dalawa mong anak kapag nalaman nilang

tinanggap ko yang black card mo." Seryosong wika ko dito. "Pipirmahan ko ang

kontrata kapag pumayag ka sa gusto ko. Babayaran ko ang pagkakautang ng

pamilya ko sa iyo gamit ang sarili kong pagsisikap. ‘Wag kang mag-alala hindi

ako lalapit kay Kuya Haley hanggat hindi ko nababayaran ang utang namin sa iyo at para mapanatag din yang sarili mo." Muling wika ko sa kaniya. Nginitian

ko siya. Take note hindi ‘yon basta ngiti lang nakakaakit na ngiti ‘yon. 

"Wala na kong magagawa kundi gawin 'to sa iyo, babae." Seryosong wika nito na siyang ipinagtaka ko. 

Sobrang bilis nang pangyayari bigla na lang itong lumapit at pinahiga ako roon sa sofa. Napahagulgol na naman tuloy ako dahil sa ginawa niya. Kasabay no’n ang

takot na nararamdaman. Mahigpit niyang hinawakan ang aking dalawang kamay. 

"Stop... stop!" Humahagulgol kong wika. "Mixer, do it now!" Sigaw na utos nito. Humahagulgol na tiningnan ko si Mixer na palapit ngayon sa’kin may kinuha ito sa

kanyang bulsa at hindi ko alam kung ano ‘yon. Hindi ko kasi maaninag ng mabuti

dahil sa aking luha. 

"Tama na!" Nagmamakaawang wika ko. Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking

hinalalaki at hindi ko na alam ang sunod na nangyari dahil napapikit na ako sa sobrang takot. Patuloy akong humahagulgol sa pag-iyak habang mahigpit na hinahawakan ng demonyong 'to ang dalawa kong kamay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status