Share

Chapter 2

Kumunot ang noo ni Ashburn nang makita niya ang sunog na itlog, hotdog, at tocino sa lamesa.

"Pinaglihi ba siya sa uling? I thought, graduate siya ng Hospitality Management? She can't even fry," sambit niya. Dinig na dinig naman iyon ni Kelly sa may pintuan.

"Disgusting," dagdag niya pa, saka kinuha iyon at itinapon sa basurahan.

Kumuha siya ng mug, at saka nagtimpla na lamang ng kape.

Nagmadali namang naglakad paalis si Kelly nang masaksihan niya ang reaskyon ni Ashburn sa kaniyang ginawa.

Agad siyang naligo at nagbihis para sa kanilang pupuntahan.

Sinigurado niyang kahit white long sleeves at pants lang ang suot niya ay presentable siya tignan.

Nag-text siya agad kay Niana na nakapagbihis na siya at magkikita na lang sila sa plaza.

"Kadiri. Pangtaboy ng langaw," komento niya nang madaanan niya sa sala ang napakalaking wedding picture nilang mag-asawa.

"Ugh! Bwisit talaga ang gurang na 'yon. Nakikita ko pa lang, naiinis na ako."

Agad niyang nilagpasan iyon at saka nagmamadaling lumabas ng kanilang bahay nang hindi man lang nagpapaalam kay Ashburn.

"Ang tagal mo, 'te. Kanina pa ako dito," pagmamaktol niya nang ma-late si Niana ng trenta minutos.

"Baka nakakalimutan mong malayo ang barangay namin? Porket dito ka na sa syudad nakatira?" Sambit naman ni Niana habang inaayos ang kaniyang buhok.

"Tara na. May nakita ako kaninang hiring diyan," aya ni Kelly.

"Nagpaalam ka ba sa mister mo?" Tanong ni Niana habang naglalakad sila.

"Bakit naman ako magpapaalam sa kaniya? Ano siya? Gold?" Natatawang sabi niya.

Hinampas naman ni Niana ang braso niya.

"Malamang asawa mo na siya! Baka ma-miss ka niya kapag wala ka do'n," wika naman ni Niana.

"Maaga yata siyang pumupunta sa opisina niya. Sana nga kahit gabi siya doon, para hindi ko makita ang pagmumukha niya."

"Napakasama mo sa kaniya. Mukha naman siyang mabait, at yummy!" Malanding sambit ni Niana.

"Yuck! Ano'ng yummy do'n? Baka maya't maya pa akong magmano sa kaniya dahil matanda na siya."

Natawa naman si Niana sa kaniya.

"Dito 'yong sinasabi ko sa'yo," wika ni Niana, saka itinuro ang isang bagong bukas na restaurant na may nakadikit na ‘Hiring: Waitress’ sa harap.

Agad naman silang pumasok at naabutan nilang may isang nakapila sa may counter.

"Mag-aapply din kayo?" Tanong ng babae sa counter.

"Opo," sagot naman nung dalawa.

"May iniinterview na sa loob. Maghintay muna kayo diyan, tatawagin kayo. Pakipasa muna ang resume niyo," sambit nung babae.

Agad namang iniabot nina Kelly ang mga resume nila pati na ang babaeng nauna.

Naupo naman sila sa mga nakahandang upuan sa tabi ng counter para maghintay.

Tinawag agad ang naunang babae matapos may lumabas sa may pintuan.

"Madadaan kaya sa ganda ang pagpasok bilang waitress dito?" Tanong ni Niana sa kaniya.

"Kung anu-ano ang iniisip mo," sagot naman ni Kelly sa kaniya.

"Baka sakaling makuha tayong dalawa," natatawang sabi ni Niana. Hindi naman siya pinansin ni Kelly.

"Miss Montemayor, pumasok na po kayo sa loob," tawag nung babae.

Abala naman si Kelly sa pag-usisa sa loob ng restaurant.

"Miss Montemayor?"

Pagtatanong ulit ng babae.

"Hoy! Montemayor daw! Ikaw 'yon, baliw!" Natatawang sambit ni Niana at hinampas pa sa braso si Kelly.

"S-Sorry po," nahihiyang wika ni Kelly, saka siya tumayo.

"Pagpasensyahan niyo na lang po. Kakakasal niya lang po kasi. Hindi pa po kasi siya sanay. Hindi ba, Mrs. Montemayor?" Wika ni Niana at nagtaas-baba pa siya ng kilay kay Kelly.

Pinandilatan naman siya ni Kelly bago pumasok sa loob.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na rin silang ma-interview.

"Nakakaloka. Sana tanggapin tayo. Para may work na tayo," sabi ni Niana nang makalabas sila sa restaurant.

"Makukuha tayo. Madali lang naman 'yong mga tanong," sagot ni Kelly.

"Sasabihin mo ba sa asawa mo na naghahanap ka ng trabaho?"

Bumuntong hininga naman si Kelly habang naglalakad sila.

"Hindi. Hindi naman niya kailangang malaman. Kung sakaling makuha tayo, 'yong sahod ko eh baka barya lang sa kaniya. Kaya mag-iipon ako para kahit papaano ay may maibawas sa utang namin sa kanila."

"Hindi naman utang ang tawag do'n kapag asawa mo na siya. Kapag mag-asawa na, hindi dapat binibilang ang binibigay na pera ng asawa," komento naman ni Niana.

Umiling iling naman siya.

"Hindi pa nga nag-sisink in sa utak ko na ikinasal na ako. Kapag iniisip ko kasi, sumasakit ang ulo ko," sabi ni Kelly at napahawak pa sa kaniyang ulo.

Biglang tumunog ang cellphone nilang dalawa habang naglalakad kaya napatigil sila at napatingin sa kanikaniyang cellphone.

After nilang mabasa ay nagkatinginan silang dalawa.

"Nakuha ka?" Tanong ni Kelly. Tumango naman si Niana.

Napatili silang dalawa at nagyakapan, saka sila nagtatalon sa gilid ng kalsada.

"After nating grumaduate, ito pa lang ang una nating trabaho," sambit ni Niana habang pumapalakpak.

"True ka diyan! Kailangan nating mag-celebrate!" Sabi naman ni Kelly, saka hinawakan ang kaliwang kamay ni Niana.

"Saan tayo pupunta niyan?" Tanong ni Niana, saka sila nagpatuloy ulit sa paglalakad habang magkahawak ang mga kamay.

"Bumili na lang tayo ng pagkain, tapos sa bahay na tayo kumain," sagot ni Kelly habang hinahawi ang mga baby hair niya sa kaniyang mukha.

"Bahay niyo? You mean sa mansion niyo ni Sir Ashburn?"

Napalingon naman si Kelly kay Niana.

"Hindi. Sa bahay namin! Uuwi ako kina Mama."

Tumango tango naman si Niana sa kaniya.

Agad silang bumyahe nang makabili sila ng mga pagkain.

Ang bahay nina Kelly ay isang oras ang layo mula sa syudad, kaya dalawang sakayan bago makarating sa kanila.

"Mama!"

Sigaw ni Kelly sa harap ng kanilang pintuan habang hawak ang pansit na nakabilao, at si Niana naman ang may hawak ng naka-box na fried chicken.

Nagulat naman ang ina ni Kelly nang makita siya.

"Hello, tita!" Bati naman ni Niana sa kaniya.

Hindi pa man nakakapagsalita ang Mama ni Kelly ay pumasok na si Niana sa loob.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" Tanong ni Klint kay Niana.

"Kasama ko si Kelly," sagot naman niya.

Nang makapasok si Kelly ay naupo agad sila sa hapag-kainan.

"Bakit kayo nandito?" Tanong ng Mama ni Kelly.

Inilapag pa muna nina Niana ang mga dala nila bago sumagot.

"Naghanap kasi kami ng trabaho, Mama. Sakto namang nakuha kaming dalawa. Kaya pumunta na kami dito para mag-celebrate. May trabaho na kami!" Magiliw na wika ni Kelly habang nakataas pa ang dalawang kamay habang si Niana naman ay pumapalakpak.

"Trabaho? Biglaan naman yata? Alam ba 'to ni Ashburn, Kelly?" Tanong ni Klint. Napatingin naman si Kelly sa kaniya.

"Hindi. Hindi naman niya kailangang malaman kung ano'ng mga ginagawa ko. Kumain na lang tayo kaysa sa pag-usapan natin siya."

Kumuha ng mga plato at tinidor si Kelly, saka sila nagsimulang kumain.

Nagkuwentuhan muna sila kung ano ang mga naging adjustments nila noong ikinasal na si Kelly.

"Ano bang plano mo, Kelly?" Biglang tanong ng kaniyang ina nang lapitan siya nito habang siya ay naghuhugas ng kanilang mga pinagkainan.

"Ano'ng ibig mong sabihin, Mama?"

Tinulungan siya ng kaniyang ina sa pagbabanlaw ng mga nahugasan nang patapos na siya.

"Bakit ka naghanap ng trabaho? Sinabi na ng magulang ni Ashburn na kahit hindi ka na magtrabaho. At binigyan ka naman ng choice na kung gusto mong magtrabaho ay marami naman silang restaurant para doon ka," wika ng kaniyang ina.

Hindi naman kaagad nakasagot si Kelly sa kaniya. Tinapos na muna niya ang hinuhugasan, saka nagpunas ng kaniyang kamay.

"Hindi ko pa rin kasi maintindihan bakit kailangan ko pong magpakasal sa kaniya. Ang gulo lang po kasi," sagot niya.

"Sinabi naman nila na responsibilidad na nila tayo simula noong namatay ang Papa mo. Gusto lang nilang ibalik ang ginawa ng Papa mo kay Mr. Ashton."

Bumuntong hininga naman si Kelly.

"Kahit na, Mama. Kaya nga mag-iipon ako para mabayaran ang utang natin sa kanila. Hindi po ba sobrang weird para sa inyo na ipakasal ang anak nila dahil lang may utang na loob sila?"

"Mag-asawa naman na kayo, Kelly. At saka, baka gano'n talaga sila," sambit ng kaniyang ina.

"Ibig mo bang sabihin ay sinasamantala natin ang offer nilang tulong? Mama, hindi tayo gold-digger. Kung nahihirapan kayo sa buhay natin, ako 'Ma, kaya ko pa. Kaso sumuko na kayo eh. Isinuko niyo ako."

Hindi niya napigilan ang pagtulo ng kaniyang luha kaya agad siyang tumalikod sa kaniyang ina.

"Niana, mauna na akong umuwi. Baka wala nang masakyan," wika ni Kelly.

Napalingon naman si Klint at Niana sa kaniya.

"Oh, sige. Maggagabi na, baka mahirapan ka pang umuwi," sambit naman ni Niana.

"Mauna na po kami, tita, and kuya."

Kumaway pa si Niana sa kanila bago umalis. Hindi na lumingon si Kelly habang papalayo sila sa kanilang bahay.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Niana nang mapansing tahimik si Kelly. Tumango naman si Kelly at hindi umimik.

"I-text mo ako kapag nakauwi ka na. Mag-ingat ka pauwi," paalala ni Niana bago sumakay si Kelly sa isang jeep.

"Sige. Mag-ingat ka rin."

Kumaway pa muna siya bago sumakay. Hanggang sa makalayo siya ay nakatingin pa rin si Niana sa kaniya.

Maingat na binuksan ni Kelly ang gate ng kanilang bahay nang makauwi siya.

"Baka nandiyan na ang gurang," mahinang sabi niya sa kaniyang sarili habang kinukuha ang susi ng pintuan sa kaniyang bag.

Nang mabuksan niya ay dahan-dahan siyang pumasok upang hindi makalikha ng anumang ingay. Agad niya rin iyong isinara at ni-lock.

"Where have you been?"

"Ay, gurang!"

Gulat na sambit ni Kelly nang pagharap niya ay sumulpot si Ashburn.

Napatingin sa malaking orasan si Kelly, saka tumingin muli sa kaniyang asawa.

‘Mag-aalas otso na pala. Ang hirap naman kasing sumakay ng traysikel kapag gabi na.’

Nakipagtitigan muna siya kay Ashburn dahil sa kaba.

"Saan ka nanggaling? It's late in the evening, ngayon ka lang umuwi," sabi ulit ni Ashburn sa kaniya. Napakamot naman siya ng batok.

"U-Umuwi po ako sa bahay, k-kuya. Nag-celebrate lang. Malayo kasi sa bahay, kaya late akong nakauwi. W-Wala namang curfew 'di ba?"

"Celebrate? Hindi ba nag-celebrate na kayo kahapon? And, oo, walang curfew. Pero kung late ka umuuwi, baka mapagkamalan kitang magnanakaw," malalim na boses ni Ashburn.

‘Ano naman ang nai-celebrate namin kahapon? 'Yong kasal ba? Yuck! Bakit ko naman i-cecelebrate 'yon?’

Habang iniisip 'yon ni Kelly ay gumalaw galaw pa ang kaniyang mga kilay.

"Celebration para sa bago naming trabaho ng kaibigan ko, k-kuya," sagot niya, saka siya naglakad paalis sa harapan ni Ashburn.

Dumiretso siya sa kusina upang uminom. Akala niya ay wala na si Ashburn, pero napansin niya ang reflection nito sa refrigerator habang siya ay umiinom ng tubig.

Paglingon niya ay nakatayo sa may pintuan at naka-krus na ang mga braso ni Ashburn at wala man lang kaemo-emosyong nakatingin nang deretso sa kaniya.

"You don't have to do that. Hindi ba napag-usapan na natin nina Mommy na kahit hindi ka na magtrabaho? And why all of a sudden eh gusto mong magtrabaho?" Walang gana pa ring tanong ni Ashburn sa kaniya nang akma niya itong lalagpasan sa pintuan.

Nagpatuloy naman sa paglalakad si Kelly upang maiwasan ang mga tingin niya.

"B-Baka nakakalimutan mo, kuya, na kaya tayo nagpakasal eh binayaran niyo ang mga utang namin—"

"You're one of our responsibility. Remember when your father saved my Dad? Because of him, buhay pa si Daddy. Kaya tinatanaw namin na utang na loob 'yon. Kaya naisip ni Daddy na iahon kayo sa hirap. Dahil hindi naman lahat ay ililigtas si Daddy," pagpuputol ni Ashburn sa sasabihin ni Kelly.

Napahinto sa paglalakad si Kelly at napalingon sa kaniya. Hindi nagustuhan ang sinabi ni Ashburn.

"Opo, sinave ni Papa ang Daddy mo. Pero hindi ko pa rin gets bakit tayo nagpakasal, kuya. Tsaka nakakahiya na baka isipin ng mga tao na gold-digger kami."

Nakayukom ang mga kamo ni Kelly dahil sa inis. Biglang bumilis pa ang tibok ng kaniyang puso dahil sa pagpipigil ng emosyon.

"Hindi ba nandoon ka noong binayaran natin ang utang niyo? Ang sabi natin sa kanila ay pinag-ipunan nating dalawa 'yon, para hindi nila isipin na pinakasalan mo lang ako dahil sa pera."

"Gano'n pa rin ang tingin nila, kuya. Dahil mayaman kayo, tapos magpapakasal ka sa mahirap? Kahit sino ay magtataka, ni hindi nga nila nakitang magkasama tayo," inis na sambit ni Kelly.

"Mas importante pa ba 'yan kaysa sa mabayaran niyo ang lahat ng utang niyo? And hindi naman namin kayo sinisingil, kusang loob naman 'yon. Nagpakasal tayo dahil responsibilidad na namin kayo after ng ginawa ng Papa mo."

Napailing naman si Kelly.

"Ang lalim pala ng kahulugan ng responsibilidad sa mga mayayaman," sabi niya.

Nagbuntong hininga siya at napatingin sa taas, saka napahawak sa kaniya ulo.

"Listen, you don't need to work. Baka isipin ni Mommy ay pinapabayaan kita," kalmadong wika ni Ashburn.

Napalingon naman sa kaniya si Kelly.

"Hindi mo ako obligasyon, kuya. Gagawin ko ang lahat—"

"Will you stop calling me kuya?"

Parang nawala sa character si Ashburn nang marinig ni Kelly na may halong inis ang tono ng boses niya.

"Well, obviously, mas matanda ka sa akin, kuya," sagot naman sa kaniya ni Kelly.

"Kahit na. Baka may makarinig. Ano na lang ang sasabihin ng iba? Almost everyone ay kilala kami."

"Eh ano'ng itatawag ko sa'yo? Browny?"

Sinamaan siya nang tingin ni Ashburn sa pagbibiro niyang iyon.

"You're so disrespectful."

"S-Sorry. Tsaka wala namang makakarinig. Hindi naman tayo kailangang magkasama."

"Meron. Pupunta ang mga kaibigan ko bukas," sagot naman sa kaniya ni Ashburn.

Nanlaki naman ang mga mata ni Kelly at napatingin lalo kay Ashburn.

"M-Mabuti na lang ay magsisimula na kami sa trabaho bukas," kabadong wika niya.

"They want to meet you," dagdag pa ni Ashburn.

"H-Ha? Bakit daw?"

"Ano'ng bakit daw? Malamang kasal na tayo. At ang alam nila ay matagal tayong may sikretong relasyon, kaya hindi ka nila kilala. Hindi rin sila nagpunta kahapon, that's why they want to see you," kalmadong sagot niya jay Kelly.

Bumuntong hininga na naman ulit si Kelly.

"Busy nga ako bukas. Wala naman akong balak magpakilala," sambit ni Kelly.

Nagsimula siyang maglakad papunta sa hagdanan.

"For the sake of my image, kailangan mong magpanggap na you're inlove with me," utos sa kaniya ni Ashburn.

Bigla siyang natisod sa unang baytang ng hagdanan nang marinig iyon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status