LOGIN“Hi, ikaw ‘yong bagong assistant ni Sir Xander?” anang babaeng lumapit kay Ava habang kumakain ang dalaga sa canteen. May dalang tray ng pagkain ang babae, maaliwas ang mukha at malawak ang ngiti.Bahagyang ngumiti si Ava, tumango.“Ako nga pala si Melody. Sa finance ako, junior accountant. Share tayo ng table ha? Tutal wala ka namang kasama,” anang babae, umupo na sa bakanteng upuan sa tapat ni Ava. “Ano nga palang pangalan mo?”“A-Ava. Ava De Vera.”“Hi, Ava! Welcome sa Monteverde Lines,” umpisa ni Melody, nagsimula nang kumain. “Alam mo, buti pumayag kang maging assistant ni Sir. Hindi na tuloy kami kakaba-kaba araw-araw tuwing pumapasok kami. Pa’no, parang tribute sa Hunger Games ang peg namin dito tuwing nagpapahanap ng assistant o kaya sekretarya si Sir. Walang gustong maging alay sa dragon!” animated na kwento ni Melody, nanikwas pa ang nguso, bakas sa mukha ang tensyon. “Pero at least nandiyan ka na, ligtas na kaming lahat sa buga ng apoy ni Sir tuwing sinusumpong siya ng alam
Abala sa pag-aayos ng files si Ava sa kanyang desk nang may biglang dumating na lalaki at lumapit sa kanya.“Miss, nandiyan ba si Xander?” anang lalaki, bahagyang ngumiti. Agad natigilan si Ava, pinagmasdan ang lalaki. Matangkad ito, matikas din ang tayo. At sa facial features pa lang nito halatang may lahi itong banyaga.Kumurap si Ava. Imbes na sumagot, tipid lang na tumango.“He’s not that busy to accommodate me, is he?” sabi ulit ng lalaki.Sandaling nag-isip si Ava. “I-I don’t think so… S-Sir—““Gian Dimarco. I’m Xander’s friend,” pakilala ng lalaki, inilahad pa ang kamay sa harap ni Ava.Awtomatikong tumayo si Ava at kinamayan ang bisita ng amo, ngumiti rin ng bahagya bago binitiwan ang kamay nito. “I-I’m Ava De Vera, Sir. Kung kaibigan po kayo ni Sir Xander, pwede na po kayong pumasok sa office niya. Pakibitbit na rin po itong mga dapat niyang pirmahan na papeles. Bawal po kasi ako sa loob,” anang dalaga, pinulot ang salansan ng folders na nasa mesa at inabot iyon sa bisita. “
Kanina pa tensiyonado si Ava habang nakatayo sa harap ni Xander Monteverde, ang lalaking pansamantang magiging boss ng dalaga ayon na rin sa pakiusap ng amo niyang si Elize Del Fierro.Nang kausapin siya ni Elize kagabi, ang akala niya, magandang balita na ang sasabihin nito. ‘Yon pala, gagawin lang siya nitong assistant ng kapatid nitong mukhang sinalo ang lahat ng galit sa mundo.Sa ilang buwan niyang paninilbihan sa bahay ng mag-asawang Ralph at Elize Del Fierro, ni minsan wala pa silang naging maayos na encounter ng lalaki. Aaminin niya, marami siyang naging pagkakamali sa kanyang trabaho noon. Ilang mamahaling baso at plato rin ang nabasag niya. Subalit ni minsan hindi siya siningil ng mga amo sa mga 'yon.Bukod tanging si Xander Monteverde langa ng madalas magsungit sa kanya. “She’s a walking disaster waiting to happen,” sabi pa nito minsan. Na ang dapat daw sa kanya ay pinapalayas na sa trabaho.Iniyakan niya ang sinabi nitolalo pa at maraming bisita noon sa mansiyon. Kung may
"You have to help me, El. I need an efficient secretary, ASAP!" bungad ni Xander Monteverde pagkapasok na pagkapasok ng binata sa opisina ng kapatid na si Elize Del Fierro, ang CEO ng GEM advertising agency, isa sa pinakasikat na ad agency sa bansa.Mula sa pagtitipa sa kanyang laptop, nag-angat ng tingin ang babae sa nakatatandang kapatid. She furrowed her brows and heaved a sigh. "Goodmorning too, Kuya," umpisa ni Elize, umirap bago sumandal na sa kanyang swivel chair.She is exhausted from the many roles she's playing now in her life-- a wife, a mother, and a business woman. She has a lot in her plate during that season in her life. Sometimes she barely has enough time for herself. She's not complaining. But often times, she wanted to have a breather too. Pero paano niya gagawin yon, gayong sa nakalipas na tatlong buwan, nakakaapat nang palit ng sekretarya ang kapatid. At tuwing nilalayasan ito ng emplayada nito siya ang naghahanap ng kapalit.Para siyang personal HR manager ng kap
Until I Found You (Xander and Ava)Xander Monterverde is famous for his knack for business, his undeniable charm, and his family’s social status. He carries a silent authority wherever he goes. And anyone who befriends him gets to have an access to his limitless connections in the business world. Xander has it all, including an explosive temper. Dahilan kung bakit walang makatagal na sekretarya o assistant sa binata.Then there’s Ava De Vera, the tech-savvy yet clumsy maid of Elise Del Fierro, Xander’s sister. Mula pa noon ay inis na ang binata kay Ava dahil lagi itong may aberya sa pagsisilbi nito sa bahay ng kapatid. For Xander, Ava is a walknig disaster—someone he must stay away from if he wants his anger under control. Xander has nothing to do with Ava. He knew that from the very start. And yet in some twist of fate, Ava suddenly becomes his personal assistant, intertwining their fates in a love that defies circumstances… even danger.
Mabibilis ang mga hakbang ni Elize habang paakyat ng dalaga ng hagdan. Sa ibaba ng bahay ay kasalukuyang ginaganap ang housewarming at dinig na dinig ng dalaga ang pag-iiyak ng tatlong-buwang gulang na anak na si Elijah. Nang makarating sa second floor ay agad na tinalunton ni Elize ang nursery. Inabutan doon ng dalaga si Nana Meding, ang kinuha nilang pansamantalang taga-alaga sa anak. Inihehele ng matanda ang sanggol subalit ayaw nitong tumigil.“Naku hija, mabuti at umakyat ka. Aba ay ayaw magpababa nang magising. Mukhang alam na marami kayong bisita sa ibaba at gusto ring sumali,” anang matanda.Mabilis na humakbang palapit si Elize, kinuha ang anak mula sa bisig ng matandang babae. “Hey there sweetheart, what happened? Nasa baba lang si Mommy, anak,” alo ng dalaga sa anak. Agad na sumandal sa dibdib ni Elize ang sanggol, tumugil na sa pag-iiyak.“Ku-u, talagang ikaw lang ang gusto ng anak mo, Elize. Matatagalan bago ko siya mapaamo,” nangingiting komento ni Nana Meding. Galing s
Imbes ba matakot sa lalaking kaharap, nagtaas ng noo si Calvin, umigting ang panga. "Ikaw na naman? Bakit ka ba laging nakikialam? May pag-uusapan kami ni Elize. Siya ang gusto kong nakausap, hindi ikaw," anang binata, bumaling kay Elize, lumambot ang mga mata. "We need to talk, Elize. Kahit saglit
“Elize, hija. Bakit hindi ka pa kumakain? Masama ba ang pakiramdam mo o ayaw mo sa pagkain?” si Felicia nang mapansing hindi pa nababawasan ang pagkain sa plato ng anak gayong kanina pa sila nag-umpisang maghapunan.Mula nang bumalik sa Maynila si Elize, hindi na nakaligtaan ng mga Monteverde na ku
Abala si Ralph sa pagtatrabaho nang biglang pumasok si Mark sa kanyang opisina. “What is this time, Mark? Hindi ba ang sabi ko, ayokong maistorbo ngayong araw,” anang binata, hindi inaalis ang mata sa kanyang laptop.Pinag-aaralan ng binata ang mga proposal for collaboration na ipinasa sa kanya ng
“Ma’am, kung may kailangan po kayo, please don’t hesitate to call me,” ani Mark, inabot ang calling nito kay Elize. “Ipapaalam ko po agad kay Sir—““There’s no need to bother yourself about me, Mark. Kaya ko ang sarili ko,” putol ni Elize nang tuluyang huminto ang sasakyan sa tapat ng DFV. Kanina,







