LOGINMalakas pa rin ang pagkabog ng dibdib ni Elize kahit natapos na niya ang kanyang presentation. Ang akala niya, kay Mr. Blanco lang sila magpe-present ng proposal ni Ivy. Hindi niya akalain na kasama pala sa panel ang mismong may-ari ng DFV na si Mr. Ralph Del Fierro.
Halos umurong silang dalawa ni Ivy kanina sa papasok sa audio-visual room nang ipakilala ni Mr. Blanco si Ralph del Fierro. Kung pwede lang magpa-reschedule ng presentation, marahil kanina pa ginawa ni Elize. Subalit, alam niyang unprofessional iyon. At sa gaya ng GEM na isa palang start-up ad agency, hindi maganda sa imahen ng kanilang kumpanya kung magba-back out siya.
And so, she gathered her wits. Controlled her emotions and be as professional as she can be. She already did her best. Now she awaits for the verdict.
“We are open for any of your feedback, Sirs,” si Ivy, may nginig ang tinig, mabilis na sumulyap kay Elize na noon ay umupo na sa tabi niya. Sa ilalim ng mesa, naghawak-kamay ang magkaibigan.
Nag-usap na sila kanina, kung hindi man nila makukuha ang project sa DFV, tatanggapin nila iyon nang maluwag sa kanilang kalooban. Kung si Mr. Blanco lang sana ang kasama nila sa conference room, alam ng dalawa na malaki ang tsansa nilang makuha ang project. Subalit dahil naroon din si Ralph Del Fierro, malabo nang mangyari iyon.
Ralph Del Fierro is the sole heir of Lorenzo Del Fierro, ang panganay na anak ni Don Pedro Del Fierro ng Del Fierro Minings. Dahil naulila sa ama sa murang edad, namulat si Ralph sa istriktong pmamaraan ng pagpapalaki ng abuelo nito. Some say he doesn’t tolerate mistakes. That he is not easy to please. That he can destroy anything or anyone that gets on his way. He doesn’t give second chances. He destroys. He is cold. He is ruthless.
That is Ralph Del Fierro. An evil man walking in three-piece suite.
Kaya naman, nanghihinayang man sa pagkakataon, tanggap na nina Elize at Ivy ang kahihitnan ng kanilang presentation.
Tumikhim si Mr. Blanco, makailang beses na sumulyap sa boss na nanatiling tahimik sa tabi nito at tila hinihintay siyang magsalita. Alam na ng matandang lalaki ang ibig sabihin ng katahimikan ni Ralph. The proposal was no good and he wants him to say the rejection. “T-thank you for your time, ladies. It was a nice presentation actually. Your concept was perfect but I think—“
“I like it. I like the concept,” putol ni Ralph kay Mr. Blanco na siyang nagpangyari upang matigilan ang matandang lalaki.
“Sir, do you mean…”
“Yes. Give them the project, I think they will do great,” sabi pa ni Ralph, bumaling kay Elize. “Your presentation was flawless. Congratulations,” dugtong pa ng binata, bahagyang ngumiti.
Hindi maintindihan ni Elize kung bakit may kung anong sumirko sa kanyang dibdib. Hindi niya tuloy alam kung dahil ba sa compliment ni Ralph sa kanya o dahil sa ibang dahilan.
His beautiful pair of deep brown eyes were fixated on her, as if trying to know the secrets of her very soul. She wanted to look away but she can’t. Lalo tuloy natulala ang dalaga.
The next few minutes, came as a blur. Next thing she knew, nasa may pinto na ng silid si Ralph at paalis na.
“Congratulations, ladies,” ani Mr. Blanco. “The boss must’ve been really impressed with your work at GEM and of course sa presentation ni Ms. Monteverde.”
Mabilis na inayos ni Elize ang huwisyo, ngumiti. “Thank you Sir for the trust. Umasa po kayo na hindi namin kayo bibiguin,” anang dalaga.
Tumango-tango ang matandnag lalaki. “You’re most welcome. Asahan ninyo ang tawag ko bukas for the contract signing.”
“Sure, Sir. We are more than glad to do business with you,” si Ivy ulit.
Matapos muling magpasalamat, tuluyang nang nagpaalam sina Elize at Ivy. Pigil na pigil pa ng dalawa ang kanilang emosyon habang patungo sa lift. Subalit nang sumara ang pinto ng lift, halos magtitili ang dalawa sa sobrang tuwa.
“Did we just close the deal with DFV. El?” hindi makapaniwalang tanong ni Ivy, bakas pa rin ang gulat sa mukha.
“Yes, we did!” masayang sagot ni Elize, niyakap na ang kaibigan.
Muling impit na nagtitili ang magkaibigan. Kapwa hindi makapaniwala sa mga pangyayari kani-kanina lang.
“I can’t believe we did it!” ani Elize.
“Ako rin!” segunda ni Ivy, binitiwan ang kaibigan. “Let’s celebrate! Lunch is on me.”
“Hindi ko hihindian ‘yan,” mabilis na sagot ni Elize, malawak ang ngiti.
Two months ago, she was just a jilted bride who was trying to recover from her mistakes in life. Hindi niya halos akalain na sa loob lamang ng ilang lbuwan, magbabago nang ganoon kalaki ang buhay niya.
She owes it all to people who truly loves her, her family and Ivy. And she promised to never let them down ever again.
Nang muling bumukas ang pinto ng lift, sabay na humakbang palabas ang magkaibigan.
Abala sa masayang pag-uusap ang dalawa habang patungo sa parking lot, nang biglang mapahinto si Elize nang makita niya sa tapat ng kanyang sasakyan ang isang taong hindi niya inaasahan.
Nagtatakang hinayon ng tingin ni Ivy ang direksyong tinitignan ni Elize nang bigla itong matigilan. Agad na sumulak ang galit ng dalaga nang mapagsino ang lalaki, ilang metro ang layo sa kanilang kinatatayuan.
“Calvin? Anong ginagawa mo rito?” si Ivy, mataas ang boses.
Kumurap si Ava, pilit na pinakalma ang sarili. Subalit muling humakbang si Xander palapit sa kanya. Sinubukan ng dalaga na muling umatras subalit lumapat na ang kanyang likuran sa pader ng pantry.Lalong kumabog ang dibdib ng dalaga. Wala na siyang mapupuntahan pa. She is cornered. Trapped.Xander watched as Ava struggled to keep her composure. Ayaw na sana pang pansinin ng binata ang nakikita niyang kakaibang inaasal ni Ava mula nang nakalipas na ilang araw. Subalit, hindi rin niya napigil ang sarili.She said she just wanted them to be back to normal— as professional as they can be; just like how they used to. Well, for Xander, he tried to do that too. Kaya lang, si Ava ang mukhang may issue. And he doesn’t understand himself why it bothers him so much.“It’s just a question, Ava. You don’t need to—““H-hindi, Sir. Hindi kita i-iniiwsan,” putol ng dalaga sa sana’y sasabihin pa ng boss.Xander smirked. “Really? Then why do you look like you’re ready to push me and run away?”Lalong
‘Do you like the phone?’Anang text message na natanggap ni Ava nang gabing ‘yon. Marahang napabuga ng hininga ang dalaga, sandaling nag-isip ng isasagot kay Xander.Kanina pa siya nakahiga sa kanyang kama, handa na sanang matulog subalit ayaw pa rin siyang dalawin ng antok. Gaya ng mga nagdaang gabi, marami ulit siyang iniiisip ng gabing iyon. At hindi niya alam kung hanggang kailan matatapos iyon. Subalit…Muling tinitigan ng dalaga ang screen ng cellphone na hawak niya. Latest model ang cellphone na bigay Xander sa kanya. Naka-presave na rin ang number nito nang i-check niya kanina. Sigurdo hinihintay talaga nito ang thank you niya kaya ito nagtext sa kanya.Mabilis na tumipa ng reply si Ava. She can be anything in the world but never an ingrate. Marunong siyang tumanaw ng utang na loob sa sinumag tumulong sa kanya. Sinagip siya ni Xander sa kamay ni Rod. Kung hindi siya siguro nito nahanap ng gabing ‘yon, mas lalo lang siyang napahamak sa kamay ni Rod. Kahit na may namagitan sa k
“Ava, come and join us for merienda,” aya ni Elize sa dalaga matapos nitong ibaba sa mesa ang mga sandwich na bagong gawa mula sa kitchen. Kasalukuyang nasa pool side ng bahay ang among babae at binabantayan ang mag-ama nitong nasa swimming pool.Hindi muna sana tutulong si Ava sa mga gawaing bahay sa loob ng bahay ng mga Del Fierro, kaya lang, dahil weekend, ayaw ng dalaga na manatili sa loob ng kanyang silid. Mas lalo lang siya kasing nag-iisip tuwing mag-isa siya. Hindi lang dahil sa nangyari sa kanila ni Xander. Kundi lalo pa ngayon at muling nagpakita si Rod sa kanya. She needs distraction. Lots of it.Ngumiti si Ava. “H-hwag na po, Ma’am. May gagawin pa po kasi ako sa kusina,” maagap na tanggi ng dalaga sa amo.“Oh c’mon, Ava. Di ba sinabi ko naman sa ‘yo na habang nagtatrabaho ka kay Xander, kahit na h’wag ka na munang tumulong dito sa bahay,” ani Elize.“Wala naman po akong pasok ngayon, Ma’am. At saka hinahanap din po kasi ng katawan ko ang pagtatrabaho dito sa loob ng bahay
“Have some water first,” umpisa ni Xander bago inilapag sa maliit na mesa ang bottled water na mula sa maliit na ref ng silid. “After that, we will talk,” dugtong pa ng binata, bago umupo sa silya na nasa tapat lang ni Ava.Sandaling pinakatitigan ng dalaga ang inumin, hindi sigurado kung susundin ang sinabi ng boss o hindi. Nakapag-shower na siya at nakabihis na rin ng damit na pinahiram sa kanya ni Xander. Subalit pakiramdam ng dalaga, nanunuyo pa rin ang kanyang lalamunan.Pakiramdam niya nakipaghabulan siya nang ilang oras nang nagdaang gabi at iniinda na ‘yon ng kanyang katawan. Well, masahol pa sa pagtakbo ang naranasan niya kagabi. She was kidnapped, drugged, almost sold off and then…Nang magising siya kanina, wala siya talagang maalala sa mga nangyari ng nagdaang gabi. O mas tamang sabihin na hindi siya sigurado sa kung ano sa mga nasa isip niya ang totoo nangyari at hindi. Puno rin ang kanyang isip ng mga tanong. Mga tanong na hindi niya alam kung paano at saan hahagilapin
Ang maingay na pagba-buzz ng kanyang cellphone mula sa kung saan ang nagpagising kay Xander. Sandaling sinanay ng binata ang kanyang mga mata sa madilim at ‘di gaanong pamilyar na silid. Then it dawned on him, naroon siya sa quarters niya sa lumang station ng Monteverde Bus Lines. Relief flooded his chest in an instant. At the same time, that’s when he felt that there’s another person sleeping beside him.Sandaling minukhaan ng binata kung sino ang nasa kanyang tabi. And when he realized it was Ava, memories of last night came flooding right through his head.Ava’s sudden disappearance. The bidding at The Den. Ava’s pleas. The kiss and…‘Fck!’Umigting ang panga ni Xander, napalunok din pagakatapos. Hindi pa rin halos tumitimo sa isip ng binata ang mga ginawa niya, nila ni Ava nang nagdaang gabi.He’s supposed to save her. Not bed her!‘Dammit!’Muling napatingin si Xander sa nagba-buzz na cellphone mula sa kung saan. Maingat na bumangon sa kama ang binata at hinanap ang gadget, Nata
Maingat na itinabi ni Rod ang kanyang sasakyan sa gilid ng daan. Halos isang oras na rin mula nang makatakas siya sa The Den matapos magkaroon ng police operations doon.Police operations.Gigil na napapukpok sa kanyang manibela ang lalaki.Hindi niya alam kung paano nangyari ang lahat ng ‘yon. Maingat siya, sila. Lahat ng ginagawa sa club ay monitored. Lahat ng mga emplyeado roon ay mapagkakatiwalaan niya. Isa pa, alam niyang walang kakanta sa mga ito kahit na mahuli man ang mga ito dahil hawak niya ang pamilya ng mga ito. They wouldn’t dare to tell him he’s behind the operation of The Den. All his employees knew what he’s capable to do. Kaya naman, kumpiyansiya siyang hindi malalaman ng kahit na sino ang tungkol sa kanya. He’s been running that place for almost three years now. Ngayon lang nagkaaberya nang gano’n.He was supposed to earn millions again tonight. Subalit…Kung hindi lang siya agad natimbrehan sa secret room kung saan minomonitor niya ang galawan sa loob ng club, baka
“W-what are you doing h-here, Calvin? W-why are you—“ halos hindi masabi-sabi ni Elize ang nais niyang sabihin. She was too confused by Calvin's presence there--- her workplace, a place which should be one of her safe spaces.Marahang nagbuga ng hininga si Calvin, sinubukang humakbang palapit sa da
“E-Elize, sandali lang. Mag-usap tayo. Baka pwede pa nating ayusin ‘to,” salubong ni Calvin sa dalaga nang matapos ang pagbibigay ng statement ni Elize sa mga pulis.“Please Engr. Sarmiento, h’wag mo nang abalahin pa ang kliyente ko," umpisa ni Javi, hinarang ang sarili sa harap ni Elize. Si Ivy na
Imbes ba matakot sa lalaking kaharap, nagtaas ng noo si Calvin, umigting ang panga. "Ikaw na naman? Bakit ka ba laging nakikialam? May pag-uusapan kami ni Elize. Siya ang gusto kong nakausap, hindi ikaw," anang binata, bumaling kay Elize, lumambot ang mga mata. "We need to talk, Elize. Kahit saglit
“Elize, hija. Bakit hindi ka pa kumakain? Masama ba ang pakiramdam mo o ayaw mo sa pagkain?” si Felicia nang mapansing hindi pa nababawasan ang pagkain sa plato ng anak gayong kanina pa sila nag-umpisang maghapunan.Mula nang bumalik sa Maynila si Elize, hindi na nakaligtaan ng mga Monteverde na ku







