LOGINTWO MONTHS LATER
“Elize Victoria, nasaan ka na ba? Malapit na ko sa office ng Del Fierro Ventures. Please tell me you’re already there. Nakakahiya kapag na-late tayo. Ang hirap pa namang makakakuha ng slot for appointment sa kanila,” ani Ivy na noon ay nasa daan pa rin at hinahabol ang oras ng oras ng meeting nila.
Natawa si Elize. “Kaya nga ako nagtataka na late ka ngayon kahit na ilang beses mo akong ni-remind kagabi na dapat before 9 AM, nandito na tayo sa DFV.”
“So you mean, nandiyan ka na nga?” Napabuga ng hininga si Ivy. “Hay, thank god! Akala ko pagdadaanan ko ulit ang lahat ng hirap sa pagkuha ng appointment sa DFV. Paano naman kasi, si Javi tawag nang tawag kagabi. Hindi raw siya makatulog. London is so cold without me raw. Naawa ako. I talked to him until dawn. Ayon, puyat na puyat ako.”
Humagikgik si Elize. “Ano ba kayong dalawa? Para namang matagal sa London si Javi. Next week nandito siya ulit.”
Lumabi si Ivy sa kabilang linya. “Ilang araw pa ‘yon. I miss my honeybear so much.”
Umirap na kunwari si Elize. “Oo na, kayo na ang sweet. For now, you need to focus on coming here fast. Malapit nang mag-alas nueve, Ivy Grace! Bilisan mo! Hihintayin kita dito sa lobby ng DFV,” ani Elize bago tinapos ang tawag, muling binuksan ang kanyang laptop ati pinag-aralan ang proposal presentation niya para sa Golden Era Media o GEM, ang ad agency na itinatag nilang dalawa ni Ivy.
The past months had been kind to Elize. Mula nang gumaling siya sa pulmunya, nagsimula na silang magplano ni Ivy tungkol sa bago nilang business venture. Mula pa noong mga bata, plano na nilang magtayo ng kumpanyang magkaibigan. They always wanted to establish an ad agency of their own. Kaya naman bahagyang sumama ang loob ni Ivy kay Elize nang biglang iwan ng dalaga ang lahat para lang sumama kay Calvin sa Sta. Ignacia. Ang akala ni Ivy, wala na talagang pag-asang mabuhay pa ang pangarap nilang iyon ng kaibigan.
But time and luck were on their side this time, dahil mula nang bumalik si Elize sa Maynila, naging maayos ang planning at eventually, establishment ng sariling ad agency ng magkaibigan. In just two weeks, they gathered their funds and founded GEM.
Kahit pa hindi pumayag si Calvin na i-pull out ni Elize ang investment ng dalaga sa construction firm nito, Elize got the money from the sale of her condo unit in Sta. Ignacia. Iyon ang ginamit nila ni Ivy na seed money for GEM. Nagbigay din ng share niya si Ivy bago ito nag-quit sa trabaho nito sa import/export business ng mga magulang nito.
Their first client, was Ivy’s parents. Sinunod nila ang mga magulang ni Elize para naman sa transportation business ng mga Monteverde. Sa loob lamang ng isang buwan, nagkasunod-sunod na ang maliliit na proyekto ng GEM through word of mouth.
But there’s no stopping for them. They are aiming for bigger clients. Kaya naman nang malaman ng dalawa na naghahanap ng ad agency ang DFV para sa bagong produkto ng kumpanya, talagang trinabaho ng magkaibigan ang proposal na iyon. And now they are there, just moments away from a make or break project.
Elize is not bothered though. Confident ang dalaga na makukuha nila nag project na ‘yon. They worked hard for it. It’s their best proposal to date. At sigurado siya, it will never go to waste.
Samantala, habang abala si Elize sa pagre-review sa slides na ginawa niya para sa presentation, pumasok sa building ang isang matangkad at guwapong lalaki. Nakasuot ito ng asul na suit at makapal na shades. Sa tikas at tindig pa lang nito, halatang may sinasabi. His aura exudes dominance, power and even danger. Siya si Rafael Dominic Del Fierro o Ralph, ang CEO ng DFV.
Pagdating ng lalaki sa may elevator, nagsilabasan ang lahat ng sakay niyon at sabay-sabay na bumati sa lalaki. Isang tipid na ngiti lamang ang isinagot ng lalaki sa mga empleyado bago pumasok sa lift kasunod ang isa pang lalaki.
Bago sumara ang pinto ng elevator, nahagip ng tingin ng lalaki ang bulto ng isang babae na nakaupo sa may lobby. Same brown hair and pretty face. Hindi siya pwedeng magkamali.
“It’s her,” bulong ni Ralph habang paakyat ang lift sa kanyang opisina sa executive floor.
“Sir, ano po ‘yon?” ani Mark, ang assistant ng binata.
“Call the reception. Tanungin mo kung may visitor tayo ngayon na ang pangalan ay Elize Monteverde,” anang lalaki.
Pinanlakihan ng mga mata si Mark. “Sir, nandito si—“
“Do what I said, Mark. I want answers right away,” muling utos ng binata sa assistant.
Agad na tumalima si Mark, tumawag sa reception. At bago pa muling bumukas ang lift, nakuha na nito ang sagot sa mga tanong ng boss.
“Sir, it is indeed Ms. Elize Monteverde. She’s here to present a proposal at the marketing department about our new product. She and her business partner are representing their ad agency, Golden Era Media,” pagbabalita ng assistant.
“What’s my schedule this morning?”
“May video conference po kayo sa potential client natin sa Singapore. Meron din po kayong kailangang pirmahan na documents na kailangang ma-process before lunch. You also have—“
“Hold everything for now,” putol ni Ralph sa assistant.
“Sir?”
“I think I want to attend the pitch-in presentation of Ms. Monteverde with the marketing department. Tawagan mo sila agad sa marketing. Sabihin mo, papunta na ko,” ani Ralph, bago makahulugang ngumiti.
Madaling–araw na subalit nasa ospital pa rin si Elize. Ilang oras na ring nakaupo sa bench sa labas ng ICU room ni Ralph ang dalaga—nag-aabang sa muling paggising ng binata. Kanina pa umalis ang mga Del Fierro at nagsabing babalik na lang bukas ng umaga. Gustuhin man ni Don Pedro na manatili sa ospital hanggang hindi nagigising si Ralph, hindi rin pumayag si Margarita sa gusto ng matandang don dahil sa edad nito, masama na rito ang nagpupuyat. But Elize decided to stay. Kahit na mag-isa siyang maiwan doon, gagawin niya.She made a promise to herself, she will never leave that place until Ralph wakes up.Sa totoo lang, kahit na sinabi na ng doktor na ligtas na si Ralph, hindi pa rin talaga makampante si Elize hanggang hindi niya muling nakakusap ang asawa. She knew, she was just making things hard for her but… she cannot help it.She just loves him too much. Muling pinagsalikop ng dalaga ang kanyang mga kama, pilit na pinatatag ang sarili habang pinagmamasdan sa viewing window si Ralp
Sa floor kung nasaan ang operating room ng ospital dinala ni Mark si Elize. Nais mang magtanong ng dalaga sa assistant ng asawa, subalit natatakot siyang marinig ang maaring isagot nito.Kaya naman tahimik lang na sumunod si Elize kay Mark. Hindi nalaon, narating din nila ang operating room. Sa labas niyon, naroon sina Margarita at Don Pedro, naghihintay kasama ang ilan sa mga tauhan ng matandang don."Anong ginagawa dito ng babaeng 'yan? Bakit siya nakapasok?” reklamo agad ni Margarita nang makita si Elize na kasama ni Mark. “Hindi ba nag-utos ka na na Pete sa management ng ospital na ito na bawal munang pumasok ang kahit na sino? Take her away, Mark! She's an outsider!" anang matandang babae, sa matigas na tinig.Subalit hindi natinag si Elize. She stood her ground. She will fight her way to stay there. Kahit na sino pa ang makabangga niya."I will not go anywhere, Doña Margarita. I will wait here like all of you," matapang na sagot ng dalaga.Sarkastikong natawa si Margarita. "At a
Hindi maampat-ampat ang luha ni Elize habang lulan siya ng taxi na patungo sa St. Matthew’s Hospital. Ang sabi ni Mark nang tumawag ito ulit sa kanya, na doon daw itinakbo ng mga rumespondeng medic si Ralph at kasalukuyang inooperahan.Muling nanginig ang mga kamay ni Elize, pinigil ang paghikbi.Bakit nangyari na naman ang bagay na ‘yon? Is that what her gut was warning her about this morning?That day started out right. In fact, masaya niyang inumpisahan ang araw na ‘yon. Silang dalawa ni Ralph. They even made plans after work. Paanong nauwi na naman sa isang trahedya ang lahat? Wala na bang katapusan ang pagdurusa niya?Bumaling sa labas ng bintana ng taxi si Elize, tumingin sa langit. Bakit ba lahat na lang ng hilingin niya, hirap na hirap siyang makamtam?Nang umalis siya sa Sta. Ignacia upang magbagong buhay, sunod-sunod na gulo muna ang pinagdaanan niya bago niya tuluyang naiwasan si Calvin. Well, on-going pa rin ang kaso nito at ni Juliette. But still, she has hope that one da
“Para sa babaeng napakahaba ng hair ngayong araw. Heto, coffee delivery,” ani Ivy, marahang ibinaba sa mesa ni Elize ang paper bag ng isang sikat na coffee shop.Nangunot-noo ang dalaga, inabot ang paper bag. “Kanino galing?”“E di kanino pa, kay Ralph siyempre,” sagot ni Ivy, umupo na sa sofa chair sa opisina ni Elize.Agad namang binasa ni Elize ang note na nakaipit sa delivery.‘Have a quick break. Thinking of you still. See you, later- RDF’Iyon ang nakasulat sa note. Agad na nag-init ang pisngi ni Elize. Napuno ng kilig ang dibdib. Kung pwede lang niyang hilahin ang oras, kanina pa niya ginawa. She wanted to see Ralph again—talk to him, be with him.“Oh god, you’re already smitten, Elize Victoria!” muling kantyaw ni Ivy sa kaibigan.Hindi umimik si Elize lalo lang pinamulahan ng pisngi, inabala ang sarili sa pagkuha ng kape sa loob ng paper bag.“And you’re blushing!” dugtong pa na komento ni Ivy.Natawa na si Elize. Hindi na niya talaga maipagkakaila ang nararamdamn niya kay Ral
“Ralph,” nagtatakang tawag ni Elize sa binata nang mabungaran niya ito sa sala ng bahay nila. Wala pang alas otso ng umaga at papasok na sana ang dalaga sa opisina. Kaya naman labis na lamang ang pagtataka niya nang makita ang asawa sa mismong bahay nila.“Goodmorning!” ani Ralph, tumayo na mula sa sofa, ngumiti. “I’m here to pick you up. Ihahatid kita ngayon sa office mo,” diretsong paliwanag ng binata.Sandaling nagsalubong ang mga kilay ni Elize, marahang bumaba ng hagdan. “Uhm, I can drive. So…”“Sira ang sasakyan mo, hija,” sabat ni Felicia na naroon lang pala sa may lanai at nagkakape kasama si Eddie.“Paano pong nasira, Mom? It was fine when—““Hindi umaandar, Elize. Kaya pina-pick-up ko kanina sa mga tauhan natin para matignan,” si Eddie naman, ibinaba na sa mesa ang binabasang broadsheet bago sumimsim ng kape sa mug na nasa harap nito.Lalong napanganga ang dalaga. “Pero okay pa naman ang—““Sumama ka na kay Ralph, hija. Kanina pa siya naghihintay sa ‘yo,” putol ni Felicia sa
“T-tama na, P-Papa! T-tama na!” pakiusap ni Richard kay Don Pedro. Nakaluhod sa sahig ang matandang lalaki, nakatukod na ang mga kamay sa baldosa dahil sa iniindang sakit ng pagpaparusa ng don.Dahil hindi matiis ang anak, si Margarita na mismo ang gumawa ng paraan upang mailabas ng kulungan si Richard. Nagbayad ng malaki ang matandang donya para lang mailabas ang anak sa mismong araw ding iyon. Naisip niyang walang bale ang pera basta masiguro niyang ligtas ang kanyang nag-iisang anak.Subalit hindi nakaligtas sa parusa ni Don Pedro si Richard nang makauwi sa mansiyon. Gaya ng nakagawian, pinarusahan ng matandang don si Richard sa pamamagitan ng sariling batas ng mga Del Fierro. Fifteen lashes for small mistakes and thirty lashes for serious ones.Richard was getting the heavier punishment. Subalit hindi pa nito napapangalahati ang parusa, halos sumuko na ito.Muling iwinasiwas ni Don Pedro ang leather belt na hawak nito na siyang ipinanghahaplit nito sa anak. “Paanong tama na? Hindi







