Home / Romance / A Billionaire's Confession / Chapter 5. Aso at Pusa

Share

Chapter 5. Aso at Pusa

Author: aiLa'veinz
last update Last Updated: 2024-01-10 22:47:02

NEO'S POV

Nandito ako sa pool area ngayon at hinihintay ko sila Drake. Bago pa man ako nakapunta dito nakausap ko na si Manang na utusan nya si Shin na magdala ng alak at pulutan oras na makarating na sila dito. Sinabi ko rin kay Manang na samahan ng tatlong piraso ng rosas na kailangan nyang iabot sa akin .

Napapangiti ako habang iniisip ang reaksyon ni Shin sa gagawin ko.

"Maganda yata ang araw mo ha" sita ni Ivan.

"Masaya lang ako at makakapag relax tayo ngayon. Ilang araw na tayong tambak ang trabaho" ani ko at nag inat inat pa.

Umupo naman sila sa bakanteng upuan at nagsimula kaming mag kwentuhan.

Ilang minuto pa ang lumipas natatanaw ko na si Shin na papalapit sa amin na bitbit ang isang tray.

Isang ngiti ang umalpas sa labi ko na hindi nakaligtas sa paningin ng kaibigan ko.

"Ang ganda ni Shin no, kaya hindi na ako magtataka kung ang supladong bilyonarno ay magiging maamo" panunuksong wika ni Drake.

Nakalapit na sa amin ni Shin isa isang binaba ang alak at pulutan .

Dinampot din nya ang tatlong rosas at inabot sa akin nang hindi sya tumitingin.

"Para saan yan?" tanong ko.

"Ewan ko, kainin mo!" suplada nyang sagot.

Natatawa naman ang mga kaibigan ko.

"Mamaya mo na ako ligawan, nakakahiya sa mga kaibigan ko oh" inosente kong sagot.

Napakagat labi na lang si Shin kaya batid kong nanggigigil na sya sa akin.

"Pero sige, tatanggapin ko na para hindi ka na magalit" pabebe kong sagot kaya malakas na nagtawanan ang mga kaibigan ko.

"Ewan ko sayo Janvir! " inis na ani nya at bumalik na sa loob ng bahay.

"Hanep dude , iba ang galawan mo ah" natatawang wika ni Caleb.

"Syempre, mahal nya ako kaya ayan nanliligaw na sya " natawawa ko pang ani.

Masaya kaming nagkwentuhan at uminom ng alak pagkatapos naman ay nagsipagligo na kami sa pool. Dito namin gugugulin ang oras namin sa ngayon.

SHIN'S POV

"Nakakainis!" ani ko at padabog na sinara ang pinto ng kwarto ko.

Bwisit na lalaking yun. Nagmukha pa akong manliligaw nya.

Kaya pala ganoon na lang ang utos ni Manang sa akin para ipalabas na nililigawan ko sya at take note, sa harap pa ng mga kaibigan nya.

Isang katok ang nagpalingon sa akin. Pagbukas ko ng pintuan tumambad sa akin si Manang na may dalang mga tuwalya.

"Shin, anak, Pinapasabi ni sir na dalhin mo daw ito sa kanila" utos ni Manang sa akin.

"Pwede bang kayo na lang Manang?" nakanguso kong wika.

"Pasensya na Shin, may ibang inuutos kasi sa akin si Sir" ani pa nya kaya no choice na ako at kinuha ang mga tuwalya.

Here we go again.

Nakasimangot akong nagpunta sa pool.

Pagkarating ko doon, Nakita ko si Kiara na may dalang tuwalya.

"Meron naman na pala kayong tuwalya bakit pinapunta mo pa ako dito?" asar na turan ko at hinagis sa upuan ang dala kong tuwalya.

"Oh wag ka ng magalit. Yang dala mo ang gagamitin ko" pang-aasar pa ni Janvir.

Tumalikod na ako at hahakbang na sana palayo.

"Teka lang naman, hindi ganyan manligaw. Dapat matyaga ka " ani pa ni Janvir na kinalingon ko.

Nagsisimula na naman ang mga kaibigan nyang magtawanan.

Napatingin ako kay Kiara na matalim na nakatitig sa akin. Lihim akong napangisi sa mga reaksyon na pinapakita nya sa akin. Kaya isang plano ang nabuo sa isipan ko.

"Naiinip na kasi ako kailan mo ba ako balak sagutin? Gusto mo magdate tayo? " wika ko na kinagulat nya.

Hindi nya siguro inexpect na sasakyan ko ang kalokohan nya.

Maging ang mga kaibigan nya ay natigilan sa tinuran ko.

Napatingin akong muli kay Kiara na tila nagliliyab sa galit.

"Kung tatanggihan mo ako ititigil ko na ang panliligaw ko" ani ko pa at tuluyan ko na silang iniwan.

Natatawa na lang ako sa mga sinabi ko. Yun lang naman pala ang paraan para tumahimik ang Janvir na yun.

Pumasok na ako sa loob ng bahay para magluto ng hapunan. Kumakanta kanta pa ako nang maramdaman ko ang isang tao na nakatayo sa likod.

"Ikaw pa talaga ang nanliligaw kay Neo?" mataray na wika ng bruha.

Hindi ko sya pinapansin kaya mas lalo syang nagalit.

Bahala ka sa buhay mo bruha, magalit ka hanggang ma-stroke ka.

"Ang kapal naman ng mukha mo at ang lakas ng loob mo e isa ka lang namang muchacha dito!" galit na sigaw pa ng bruha.

"Kiara?! Bakit mo sinisigawan si Shin?" awat ni Manang.

"Nilalandi nya si Neo, Manang. Ang kapal ng mukha nya. Pwede ba Manang wag mo syang kakampihan! Kaya lumalaki ang ulo ng babaeng yan dahil kinukunsinti mo eh!" panduduro ng bruha.

"Kiara!!" matigas na boses ni Janvir.

Mula sa halimaw naging parang kuting na lang si Kiara ngayon.

"Bakit binabastos mo si Manang?" tanong nya at hinarap si Kiara habang kami ni Manang ay nasa gawing likuran nya.

"Hindi naman si Manang eh kundi yang alaga nya. Nilalandi ka nya" pagpapaawa nya.

"Hindi ako nilalandi ni Shin at isa pa kung ayaw mong mawalan ng trabaho ayusin mo yang ugali mo!!" galit na sigaw ni Janvir.

Sumilip ako ng bahagya mula sa likod ni Janvir at nang magtama ang paningin ni Kiara ay agad ko syang binelatan.

Buti nga sayo!

Kaya sa inis nya ,padabog syang nag walkout.

Humingi naman si Janvir ng dispensa kaya nagtuloy na si Manang sa kanyang ginagawa.

Naiwan na lang kaming dalawa ni Janvir sa kusina.

"Nagugutom na po ba kayo? Saglit na lamang to at maghahain na ako" ani ko sabay harap sa kalan pero pinigilan nya ako ng hawakan ang kamay ko.

Hinawakan nya ang magkabilang balikat ko at nilapit ng bahagya ang mukha nya.

"Pumapayag na ako" ani nya sabay kindat.

"Saan?" taas kilay kong tanong

"na makipagdate sayo" nakangiti nyang wika.

Napasapo tuloy ng kamay ko ang mukha ko.

So ibig sabihin sineryoso nya yung mga sinabi ko?

"Biro lang yun sir. Ano ka ba? Naniwala ka naman " ani ko sabay irap sa kanya.

Tinapos ko ang pagluluto ko at naghain.

Hindi naman sya umaalis at tahimik lang nya akong tinitignan.

"Kain na po. Tatawagin ko lang ang mga kaibigan nyo" wika ko.

"Umuwi na sila" ani nito.

Napatango naman ako at akmang aalis na pero pinigilan nya ulit ako.

"Sabay na tayong kumain. Madami ang niluto mo at isa ko lang naman ang kakain" ani pa niya.

Tinignan ko ang hinain ko at bumuntong hininga.

"Okay sige." tipid kong sagot.

Tahimik lang kaming kumakain ng biglang sumulpot ang mga kaibigan nya.

"Kumakain na kayo hindi man lang kayo nagyayaya?!" sigaw ni Caleb.

"Madadaya kayo ha , kala nyo kayo lang ang nagugutom!" angal na ani ni Ivan.

Dahan dahan kong pinihit ang ulo ko at masamang tinignan si Janvir.

"Ang sabi mo umuwi na sila?" pagtataka ko at nagsisimula na namang uminit ang dugo ko.

"Ah eh, sabi kasi ni Shin gusto nya akong makasabay kumain.Kaya pinagbigyan ko lang" paliwanag nya.

"Aba at ako pa ang may gustong sabay tayong kumain?!" inis na wika ko.

Akala ko tapos na sya sa kalokohan nya hindi pa pala.

"Oo, sabi mo pa nga magtatampo ka pag hindi kita sinabayan. Sabi mo rin na gusto mo akong ma-solo" pagpapanggap pa nito.

Napapanganga na lang ako sa tinuran ng lalaking ito. Ang kapal din naman ng apog ng lalaking to.

Sa inis ko padabog kong binaba ang mga kubyertos sa pinggan ko at tumayo.

"Ayan nagagalit na tuloy sya, kayo kasi eh" paninisi nya sa mga kaibigan nya.

"Pwede ba tumahimik ka Janvir!!" pikon kong sagot.

"Teka, you keep dropping honorifics, ako ang amo mo ah" pang-aasar pa nya.

"Amo mo mukha mo!" mataray kong sagot.

Naririnig ko pa ang halakhak nila kaya halos umuusok na ang ilong ko sa galit.

Ang kapal talaga ng lalaking to.

Pasalamat sya gwapo sya.

Napapangiti na lang ako sa kabila ng mga nangyari.

Gusto ko ang side na to ni Janvir. Nakikita ko ang tunay na saya nya.

Napakaswerte lang ng babaeng mapapangasawa nya.

Alam ko namang inaasar nya lang ako dahil narinig nya ang mga binulong ko sa kanya nung nakaraang gabi.

Mas okay na rin to kaysa lagi na lang mainit ang ulo nya sa akin at saka imposible namang magugustuhan nya ako pero mangangarap na rin ako na sana ako ang babaeng yun.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rhea Grace Santos
cno po c neo at janvir? nakakalito po ung name
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • A Billionaire's Confession   Chapter 60. Huliin si Azhi

    SHIN'S POV Abalang abala si Ram na nakamasid sa isang hide out sa Rizal. Nakakubli lamang sya sa itaas ng puno. Hawak nya ang kanyang sniper rifle. Medyo malayo ang distansya nito sa hide out na pag-aari ni Azhi. Kung tutuusin, hindi lang ito basta hide out. Mayroon pa itong ikalawang palapag. Ilang minuto lamang ang nilagi ni Ram sa taas ng puno at tumalon na ito upang makababa. "Positive?" tanong ko agad sa kanya. Nakasandal lamang ako sa puno habang naka cross arms. "Ay! T*ngn*!" gulat na wika ni Ram sabay tutok sa akin ng kanyang rifle. "Go ahead. Pull the trigger" paghamon ko sa kanya habang tinitignan ko ang aking mga kuko. "Shin, ano ba?! Papatayin mo ba ako sa gulat?" reklamo nito sabay baba ng kanyang armas. "Hindi ba napaka walang kwenta naman ng cause of death mo pag ganon?" natatawang wika ko sa kanya. "Bakit ka ba nandito? Kala ko ba misyon ko to?" atungal nya sa akin habang hinihimas nya pa rin ang kanyang dibdib. "As if namang hahayaan kita ng ganoo

  • A Billionaire's Confession   Chapter 59. Impormasyon

    NEO'S POV "Sir?" tawag ni Maynard kay Seann ng makarating ito sa mansion ko. Magkakasama pa rin kasi kami dahil mukhang mahihirapan kaming ma-trace kung sino ang leader ng King Cobra Organization. "Maynard? Halika. Tuloy ka? Pinapunta ka ba ng kapatid ko dito?" usisa naman ni Seann kaya naman napatango si Maynard. "Pinapaabot po ni Lady Shin ito" magalang na wika ni Maynard sabay abot ang dokumento na kinuha naman ni Seann. Tahimik lamang kaming nakamasid sa kanilang dalawa dahil mukhang seryoso ang dahilan kung bakit inutusan ni Shin si Maynard na papuntahin dito. Binaling ko ang tingin ko kay Seann nang basahin nya ang dokumento. Nakikita ko ang panginginig ng kanyang kamay na halos lukutin na ang papel na hawak nya. Mukhang hindi nya nagustuhan ang nilalaman ng dokumento. "ano ang nilagay mo sa dokumento Shin?" tanong ko sa isip ko. Diretso akong tinignan ni Seann kaya napakunot ako ng aking noo. "Pakihanda ang mga tauhan mo Neo. Alam na ng kapatid ko kung sin

  • A Billionaire's Confession   Chapter 58. Iparanas ang impyerno

    SHIN'S POVMarahas ang pagbuga ko ng hangin kaya napatingin lamang sa akin si Ram.Sumasakit na ang ulo ko dahil sa patong patong na problema. Idagdag pa ang hindi namin pagkakaayos ni Neo.Sumobra na yata ako sa kanya? "Mukhang stressed na stressed ka ha" puna ni Ram sa akin. Sabay kuha nito sa ice coffee na inorder nya at ininom ito."Hindi naman. Hindi ko lang alam kung paano magsisimula." matamlay na wika ko sa kanya."Sa King Cobra ba yan? o kay Neo?" tanong ni Ram sa akin kaya tumingin ako sa kanya."Kahit hindi mo sagutin ang tanong ko Shin alam kong si Neo ang gumugulo ng isip mo. Bakit hindi na lang kayo magtulungan na kunin ang hustisya para sa anak nyo? Ganoon din naman ang gusto nya hindi ba? Ang makapaghiganti sa King Cobra Organization." mahabang wika nito at sumandal sa upuan.Hindi pa rin inaalis ni Ram ang tingin nya sa akin na tila ba hinihintay lamang nya kung ano ang maaari kong isagot sa kanya. "Pero nilihim nila sa akin ang tungkol dito....." ani ko na pinutol

  • A Billionaire's Confession   Chapter 57. Magkanya kanya na lang

    NEO'S POVAlas dose na ng mapagpasyahan kong magtungo sa restaurant. Nagugutom na kasi ako dahil hindi ako nag-almusal kanina.Maaga akong umalis para hindi na ako makita ni Shin. Alam kong namumuhi sya sa akin at nararamdaman ko ang panlalamig nya.Hindi ko rin sya tinatabihan sa pagtulog para kahit paano ay hindi ako makadagdag ng pasanin sa kanya.Ilang minuto lang ang lumipas at nakarating ako sa isang japanese restaurant.Pinagbuksan ako ng guard upang makatuloy na sa loob.Nilinga ko ang paligid upang maghanap ng bakanteng mesa pero hindi ko inaasahan ang nakita ko.Nandito si Shin at may kasama syang isang lalaki. Maputi, reddish brown ang buhok na bahagyang mahaba. Malaki rin ang kanyang pangangatawan na hindi nalalayo sa akin. Hindi sya pamilyar sa akin pero sa mga kinikilos nila parang matagal na silang magkakilala.Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Mabuti pa ang lalaking iyon at nagagawa nyang pangitiin ang mahal ko.Napataas naman ang kilay ko ng biglang punasan ng lalak

  • A Billionaire's Confession   Chapter 56. Pananahimik ni Neo

    "Hello? Ano??!! Anong ibig mong sabihin?" hindi makapaniwalang turan ni Seann sa kausap nya sa telepono."Sige, sige. Babalik kami ngayon ni Zach dyan" sagot nyang muli bago pinatay ang telepono."Bakit? May problema ba sa camp?" tanong naman ni Zach sa kanya pero umiling sya.Nasa kanya ang atensyon ng lahat. Hindi nya alam kung paano uumpisahan ang kanyang sasabihin."Anong problema Seann?" usisa ni Ivan sa kanya."Kailangan naming bumalik sa camp ni Zach ngayon din" malamig na sagot nito.Nakatitig lang sya kay Neo na nakayuko na tila ba malalim ang iniisip nito."Ano ba kasi yun? Bakit hindi mo na lang kami diretsuhin?" naiiritang tanong naman ni Caleb.Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ni Seann. Isa- isa rin nyang tinignan ang bawat isa na kasama nya ngayon."Si Shin nasa camp" ani ni Seann na nagpaangat ng mukha ni Neo."Anong sabi mo?!" tanong ni Neo sa kanya. "Si Shin nasa camp. Mukhang may balak syang gumawa ng sarili nyang plano para makaganti" sagot muli ni

  • A Billionaire's Confession   Chapter 55. Gagawa ng Sariling Hakbang

    SHIN'S POV"Ano nakuha mo ba?" tanong ko kay Ram.Si Ram ang isa sa pinagkakatiwalaan kong assassin.Walang nakakaalam na nagtatrabaho sya para sa akin maliban sa aming dalawa."Yeah. Napaka- easy naman ng pinapagawa mo. Wala na bang mas hihirap dyan" pagyayabang nya sa akin habang nilalaro nya pa ang kanyang bangs na kulay reddish brown.Napangisi naman ako sa kanya. Tunay ngang isa sya sa pinakamahusay na assassin ng grupo. Binuksan ko ang sobre na naglalaman ng death threat at ang resulta ng finger print test.Nanlaki ang mata ko ng makita ito."Wala? walang nakitang finger print?" dismayado kong wika kay Ram."Mukhang nagsayang lang tayo ng oras dyan sa bagay na yan" naiiling na sagot ni Ram sa akin.Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ko."Ano ba kasi ang mayroon dyan.?" tanong ni Ram at tinuro ang papel na hawak ko gamit ang kanyang nguso."Narinig ko lang si Janvir at ang mga kaibigan nya. Nagpaplano silang maghiganti dahil sa nangyari sa anak namin" sagot ko kay

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status