Share

Kabanata 16

What's with the biglaang gala, Kuya? Busy me sa activities tapos sinama niyo pa me here,” busangot na sabi ni Hope.

We're here at the fancy restaurant. Kuya Lucky planned this earlier. Pumayag naman ako because it's sunday. 

“Accountancy pa, brat,” si Healy. 

She's also here with us... kuya Lucky's idea. Ito na raw ang oras para magkasundo kaming lahat.

Hope sneered at her. “You're nangingialam. Shut up, okay?!”

Healy shrugged her shoulders, hindi na pinatulan si Hope. 

Kuya cleared his throat. “It's been a long time since we have a bonding moment. I miss my girls.”

“Ang corny mo, Kuya,” si Hope.

He hissed. “Shut up, brat. I'm trying to be sweet here. Ako muna ang boyfriend niyo ngayon. One at a time. Who wants to be my first girlfriend? Any volunteer?”

No one answered. Nagkunwaring may kausap si Hope sa Cellphone while Healy yawned before leaning on the table and put her chin on her palms. Hindi interesado.

Napailing ako sa dalawa. I turned to Kuya Lucky. 

“Me, kuya!”

”Sure, love,” aniya at tumayo.

Napangiwi ako sa sinabi niya. Love? 

"Saan kayo pupunta?" si Healy.

"Aalis. Maiwan kayong dalawa rito. Aarte niyo! Let's go, love." 

Nagpatianod ako sa paghila niya. I heard the two whimpered. 

"Where are we going, love?" pigil ang ngiti na tanong ko. Just go with the flow, Fortunate. Baliw ang pinsan mo ngayon.

Kinuha niya ang kamay ko at idinikit sa kaniya. "Anywhere you want." 

"Really? Gusto ko sa arcade! Gusto ko ring mag-shopping pagkatapos." 

"In case you forgot, we're here to date not to play and buy your stuff." 

I pouted. "Please." 

Saglit niya akong tinitigan at nasapo niya ang noo. 

"Oh shit, you won." 

I giggled and kissed him on his cheek. "Thank you, love!" 

I dragged him towards the arcade like a child.

"What a brat," he mumbled. 

We spent our time playing all the games in the arcade. Wala siyang nagawa kundi ang sabayan ako sa trip ko and I thank him for that. Hope called us saying she went home already. May gagawin pa raw talaga siya kaya hindi na pumayag na sumama sa amin, gano'n din si Healy. 

"Is this okay?" I asked while showing him the crop top blouse. 

Umiling siya. 

"How about this?" 

I showed him the blue sleeveless dress. 

"No. Masyadong revealing." Lumapit siya sa mga nakahilerang pants and long sleeve dresses. "Here."

Napasimangot ako sa inabot niyang high waisted pants and loose shirt. Wala akong nagawa nang binayaran niya iyon at hinila na ako palabas ng boutique.

Nagtungo kami sa riverside malapit sa mall. We sat on the wooden bench while eating some chips, popcorns, and drinking milkteas as we watch the sun sets.

“Kailan mo siya balak sagutin?” basag niya sa sandaling katahimikan. 

Napatigil ako sa pagsubo. Alam niya?

“W-What do you mean, Kuya? S-Sinong sasagutin?” 

“Alam kong alam mo kung sino tinutukoy ko,” he said, blankly.

“B-But h-how?” utal na tanong ko. 

I don't know how it happened. Wala akong ibang sinabihan maliban kay Hope. Paano niya nalaman ang tungkol kay Rius?

“Did you really think I won't learn everything about you? Of course I knew! I'm just watching you silently.”

“P-Pa'no mo siya nakilala, Kuya?”

“Lumapit siya sa akin dati para magpaalam...na liligawan ka.” Umiwas siya nang tingin at tumingin sa malayo. “Hindi ako pumayag no'ng una, but I realized he will make you happy. Am I right, Fortunate?” He gazed at me. 

Napalunok ako at tumango. “Yeah.”

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa ginawa ni Rius at ang pagpayag ni kuya Lucky. 

“Sagutin mo na siya. Hindi natin alam baka bukas mabagok iyon at magbago ang isip.” pananakot niya.

“Kuya! I thought you're spoiling me!” asik ko.

His mouth curved into a smile. “Kidding. Come here.”

Tumayo ako para umupo sa tabi niya. I rested my head on his shoulder. Umakbay siya sa akin at sabay naming pinagmasdan ang unti-unting paglubog ng araw.

“You're already a grown woman. One day, I will be gone and you'll learn to be independent. Matuto kang maging matapang sa lahat ng oras, Fortunate. But for now, I will be a shoulder that you can cry on. Ako ang magiging lakas mo sa oras na susuko ka na,” he gave me a tender kiss on the top of my head.

“Kuya...”

“Hangga't nabubuhay ako rito sa mundo, walang mang-aapi sa'yo,” he whispered whole heartedly. 

Tears filled my eyes. My heart ached with his words. Something feels off. 

Napaangat ako nang tingin sa kaniya. “You're not leaving me, right?!” I asked nervously.

“I won't. Maliban nalang kung may business trips.” Matabang siyang tumawa sa sinabi.

I sighed heavily and leaned on him again. “Salamat kung gano'n, Kuya. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka.”

Hindi siya nagsalita. Niyakap niya lang ako nang mahigpit. 

Kinabukasan ay hindi na ako sinundo ni Rius dahil hinatid kaming dalawa ni Hope ni kuya Lucky. Mawawala siya ng ilang linggo for business matter.

“Bye, girls! Take care always.”

Humalik ako sa pisngi niya bago bumaba ng kotse. “Bye, Kuya. I will miss you! Ingat sa flight. Pasalubong ko ha?”

He just nodded while smiling. Nakarating ako sa room namin ng may ngiti sa labi. Nagkakagulo ang mga kaklase no'ng pumasok ako.

“What's going on?” Tanong ko kay Winslet.

“UP fair ngayon. Hindi mo alam?” gulat niyang tanong. Umiling lang ako.

“Hays. Alam mo bang may concert mamaya ang banda nila Aki?”

“Really? Tara 'nood tayo mamaya!” msayang pag-aya ko.

Isang malungkot na ngiti ang iginawad niya. My smile faded. “W-Why?”

“May kamahalan kasi ang ticket eh. Wala akong budget para ro'n. Pero kung gusto mo manood, sasamahan nalang kita na bumili ng ticket.”

Napangiti akong muli. Akala ko kung ano na.

“I'll treat you, don't worry. Let's go?”

“P-Pero--”

Wala na siyang nagawa at nagpatianod nalang sa paghila ko. I bought two tickets for us. 

“Fortunate! Winslet!” tawag ni Aki sa amin nang makarating kami sa venue rito sa sunken garden.

He looks dashing with his outfit. Mas lalo ring nadepina ang kaniyang singkit na mga mata sa kaniyang pagngiti. 

“Mabuti nandito kayo, especially you, Fortunate. Gagalingan ko mamaya!” aniya bago bumalik sa kinalalagyan.

“Goodluck!” sigaw ko.

Makalipas ang ilang minuto ay nagsimula na ang kanilang banda. They're popular not just here but also outside the University. Tatlo silang lahat. Akiro is the main vocalist. Iyong dalawang ay drummer at guitarist. 

Halos mamatay sa kilig si Winslet no'ng kumanta na si Aki. The audience's screams were deafening. Wala akong ginawa kundi ang ngumiti lang at pumalakpak para sa kanila. 

“Ladies and gentlemen, let's welcome our special guest for tonight, Ms. Cassidy Cabalahin! A round of applause, please.” the host announced. 

Bahagya akong nagulat sa narinig pero napapalakpak din kalaunan. I saw her walked confidently on the stage. 

“Good evening, my fellow students! This song is dedicated to all of you.” She smiled before closing her eyes to sing. 

Habang kumkanta siya, nanindig ang balahibo ko sa boses niya. Her voice was melodious that almost made me sleep at my position right now. My mouth parted. Ang galing niya! 

Ang sigaw at hiyaw ng mga manonood ang naghari sa venue. Lahat sila humahanga sa ganda ng kaniyang tinig... isa na ako ro'n.

“Uh, before I stepped out of this stage...” She looked around the surrounding until her eyes met mine. “I want to call my beloved friend here on stage. She's also has a great voice. Malalaman niyo lang na totoo sinasabi ko kung papayagan niyo ako.” Sabay ngiti sa host. 

Tumango ito sa kaniya. “I'm calling for the attention of Ms. Fortunate Agony Fariscal to come here on stage.”

Halos manigas ako sa kinatatayuan nang marinig ang sinabi niya. K-Kailan pa kami naging magkaibigan? What's going on, Cassidy? Ano ba talaga ang plano mo?

“F-Fortunate. P-Punta ka raw doon,” si Winslet.

Wala sa sariling inihakbang ko ang mga paa patungo sa entablado. Cassidy smiled widely at me.

“Listen up, everyone! Siguradong mamamangha kayo sa ganda ng kaniyang tinig. Thank me later.” She winked.

I was standing in the corner of the stage when she went to my side. She plastered a wicked smile on her face. "Go ahead, Fortunate. Maybe you were lucky as your name but this time, the luck was on my side. I'm here to watch you embarrass yourself in front of them. Goodluck!" 

Pinagmasdan ko siyang bumaba sa entablado. I shivered with the blown of the wind. I look around and saw Winslet giving me a thumbs up, trying to cheer me up. I smiled at her. 

Naglakad ako patungo sa gitna. Napalunok ako habang mahigpit na humawak sa mikropono. Tahimik ang lahat... naghihintay na magsimula ako.

“Go, Fortunate!” Akiro whispered. Nasa likod ko siya kaya 'di na ako nag-abalang lumingon. I just smiled. 

I closed my eyes tightly. You can do it! Kakanta ka lang, Fortunate. Wag mong hayaang magtagumpay si Cassidy sa pagpapahiya sa'yo. Prove her wrong. 

I starts singing the song 'Through the rain' by Mariah Carey. Habang kumakanta ako, umihip ang malamig na hangin na tila'y sumasabay sa aking pag awit.

I opened my eyes as I sing the last part. “You're gonna make it through the rain.”

I saw him watching me intently the moment I opened my eyes that made my heart throbbed rapidly. Katabi niya ang mga kaibigang pumapalakpak din katulad ng iba. I received compliments and praises from different people. Ngumiti lang ako at nagpasalamat. 

Cassidy gave me a death glare and walked away. Inis at pagkapahiya ang nakalarawan sa kaniyang mukha. 

Natapos ang event na iyon ng maayos. My eyes were looking for him pero di ko na siya nakita sa dagat ng mga tao. Magkasabay kaming naglalakad nila Winslet at Akiro papalabas ng unibersidad. 

“Grabe ang galing mo kumanta, Fortunate! May hidden talent ka pala ha!” masayang sabi ni Winslet habang nakakapit siya sa braso ko. 

“I agree! You can join our band if you want to, Fortunate. Sabihin mo lang,” si Aki. 

Tumango lang ako. Wala akong balak. May nahagip ang mata ko kaya napatigil ako sa paglalakad. Humarap ako sa kanila at alanganing ngumiti. 

“A-Ah, mauna na kayo. M-May dadaanan pa kasi ako. Okay lang ba?”

Winslet's eyes went round. “Sigurado ka ba? Gabi na eh baka mapano ka!”

“I can manage. Isa pa nandyan naman 'yong family driver namin,” I assured.

“Okay. Ingat ka ah?” tumango ako.

Tumingin ako kay Akiro. “Are you sure? Puwede kitang samaha--”

“No need. Okay lang, promise,” pagputol ko sa sasabihin niya. 

He just sighed. “Alright. Tawagan mo ako kapag nagkaproblema.”

When they're gone, I walked silently towards their side and took a peek from the wall. Nakita kong umiiyak si Cassidy habang kinakausap si Rius. 

“Bakit ayaw mo sa akin?! Ano bang nagustuhan mo sa babaeng 'yon?!” she shouted.

Rius sighed. “Matagal ko nang sinabi sa'yo na magkaibigan lang tayo, Cass. Hindi na lalagpas pa ro'n. Ano pa bang hindi malinaw para sa'yo?”

“I don't understand! Wala namang espesyal sa kaniya pero ba't mo siya nagustuhan? She's just frail and boring! I bet she will never satisfy you on bed!” asik nito.

I slightly got affected by her words. I already know it, Cassidy!

He pursed his lips tightly. “She's frail, huh? Kaya ba nakaya mo siyang saktan ng gano'n kadali? I knew what you did few days ago, Cassidy. Sa oras na ulitin mo iyon, pasensyahan nalang tayo.”

Tears shone in her eyes. Napakagat labi siyang tumingin sa nakatiim bagang na kaharap. “What? Ngayon kaya mo nang maging masama para lang sa babaeng iyon? I can't believe this!”

“Pero hindi ako susuko. Hangga't hindi pa kayo, may pag-asa pa ako.” Lumapit siya kay Rius at hinawakan ang mukha nito. “Magugustuhan mo rin ako, Sole.” She pressed her lips on his. 

Tumigil sa pagtibok ang puso ko dala nang gulat at sakit. 

His eyes widened and stilled on his position.  Come on, Rius... push her away! I'm inwardly praying pero hindi siya umiwas o pumalag na lalong nagpasakit sa puso ko. I shook my head with disappointment. 

I turned my back at them but I stepped on something that made a loud sound. Nanigas ako sa kinatatayuan. Nang makabawi ay agad akong tumakbo palayo sa kanila. 

“Fortunate?” 

Hindi ako lumingon at nagpatuloy lang sa pagtakbo. Nagsilaglagan ang mga traydor kung luha pero agad ko iyong pinunasan. Hinihingal na tumigil ako sa isang madilim na parte ng kalsada. Bahagya akong kinapos ng hininga sa ginawang pagtakbo. Umupo ako doon at tahimik na umiyak. 

Mula sa kadiliman ay pinagmasdan ko ang liwanag na nagmumula sa mga ilaw at bituin sa kalangitan. Parang gusto kong manatili rito habang buhay dahil kahit madilim, nakikita ko pa rin ang liwanag. Maihahalintulad sa sitwasyon namin ni Rius... siya ang liwanag habang ako ang kadiliman na tatanawin lang siya mula sa isang sulok na nagningning.

“Fortunate.” 

Halos mapatalon ako sa gulat hindi dahil sa boses niya kundi sa kaniyang pagdating. My heart ached more with sudden appearance. 

How did you found me? Nasa dilim na ako pero nahanap mo pa rin ako. I smiled bitterly.

Hindi ako nagsalita.

“It's not what you think it is. Nabigla lang ako sa ginawa niya. I'm sorry, please,” pagsusumamo niya.

“It's o-okay,” I whispered. 

“Baby, please.” Kinuha niya ang mga kamay ko at hinalikan ang likod nito.

Umiwas lang ako nang tingin. Ang sakit. 

“Hindi ko ginustong mahalikan niya. Labi mo lang ang gusto kong halikan habang buhay,” he whispered softly that almost made me want to weep loudly. 

“If you don't want to see me, lalayo muna ako. Pero hindi ako papayag na iwan kita rito nang mag-isa. Ihahatid kita sa inyo.”

I glance at him. Tears welled deep in my eyes again as I stared at his eyes. I don't want him to stay away! Hindi ko kaya! Baka iwan niya na ako nang tuluyan. 

“W-Wag... I mean I-I'm s-sorry for being jealous freak. Hindi ko sinasadyang makaramdam nang gano'n. Patawad.” Suminghot ako. “Wag kang lalayo, please. Okay lang na may halikan kang iba, basta wag mo lang akong iiwan. Hindi ko kaya! Ayoko, Rius!” I whimpered like a child.

I may be sound desperate but I don't want him to stay away from me. Titiisin ko ang sakit at selos sa halip na bumalik sa dati ang lahat... na hindi ko man lang siya nahahawakan o nakakasama nang ganito.

“Promise hindi na ako magseselos o magiging immature. Iintindihin ko ang lahat--”

He shut my mouth with a passionate kiss. Nanlaki ang mga mata ko habang siya'y napapikit. Hinabol ko ang hininga nang pakawalan niya ang labi ko. Dinikit niya ang kaniyang noo sa akin at mariing pumikit. Tumama ang mabango niyang hininga sa ilong ko.

“Sagutin mo na ako, please,” pagmamakaawa niya. 

“S-Sige,” wala sa sariling turan ko. I felt my cheeks heated. Napakagat labi ako nang gulat siyang tumingin sa akin.

“Really?!” paninigurado niya.

“A-Ah, oo.”

He kissed my cheeks repeatedly. “Thank you, baby. Finally, akin ka na.”

Niyakap niya ako nang mahigpit at masuyong hinalikan sa ulo. Napapikit ako dahil do'n. 

“I'll take you home.”

I nodded. Hinawakan niya ang kamay ko habang tinatahak namin ang daan pauwi.  Umalis kami sa lugar na iyon na may masayang ngiti sa mga labi. 

You're mine now, Mr. Fabroa. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status