Share

Chapter 141

Penulis: Lilian Alexxis
last update Terakhir Diperbarui: 2025-10-18 20:22:04
“Good morning, my love!”

“Ate, nandito na ulit si Ayah.”

“Anak, gumising ka na. May iku-kuwento ako sa iyo.”

Napakunot ang noo ko sa mga narinig kong salita mula sa pamilya ko. Kanina lang naman ay naglalaro kami ni Ayah, bakit sinasabi niya na nandito na siya ulit? At saka bakit sabi ni Inay gumising na ako, eh kanina nga lang naglalaro kami ni Ayah.

Teka nasaan ba sila? Bakit boses lang nila ang naririnig ko?

May gumagap sa kamay ko at hinawakam iyon nang mahigpit.

“Apo, nami-miss ko na ang mga ngiti mo.”

Si Mamang iyon! Pinisil ko nang mahigpit ang kamay ng matanda at saka pinilit ng aking mga mata na makita siya.

“Doc! Doc! Gising na ang asawa ko!”

Gising? Nakatulog ba ako?

Sinubukan kong idilat ang aking mga mata ngunit nasisilaw ako kaya muli akong pumikit.

“Mrs. Dela Torre, Mrs. Dela Torre, gising po!”

Iniangat ko ang aking kamay para takpan ang aking mga mata at narinig ko ang tila sabik nilang mga reaksiyon. Binuksan ko ang aking mga mata.

“Good morning, Mrs. Dela Torre!” pag
Lilian Alexxis

This chapter is dedicated to Ms. Dhanjhen. Pasensiya na po kung ngayon lang kasi tumanda na naman ng isang taon ang writer ninyo at lumablayf muna... patawarin niyo na ako please? Salamat po sa patuloy na pagbabasa!

| 9
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (7)
goodnovel comment avatar
Lilian Alexxis
Salamat po
goodnovel comment avatar
Dhanjhen Tranquilo Macatlang
thank you po Ms lilian happy birthday po
goodnovel comment avatar
Lilian Alexxis
Thank you po, Ms. Cath!
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 173

    “Isla, please call our Finance Department and double-check these figures. Sorry, bigla akong nagkaroon ng doubt,” bulong ni Nathan sa akin habang hinihintay namin ang pagdating ng ka-meeting niya.Nakabalik na ako sa trabaho kahit tutol si Abe. Wala ring nagawa ang asawa ko nang tumanggi akong bumalik sa poder niya. Pilit kong ipinaliwanag na hindi ako makakampante lalo na sa Claveria. Kaya hangga’t hindi naso-solve ng mga kinuha niyang private investigators ang mga naganap na pagtatangka sa buhay ko, hindi ako uuwi sa kanya. Ipinipilit pa rin niya na walang kinalaman ang kanyang ina sa kidnapping sa akin. Paliwanag pa niya ay lumabas sa imbestigasyon ng private investigators at maging ng pulisya na si Manang Letty ang nagbibigay ng impormasyon sa mastermind ng pangingidnap sa akin tungkol sa relasyon namin ni Abe. Gayunman, hindi raw nila mapaamin ang dating mayordoma kung sino ang mastermind.Nangako rin si Abe na maglalagay na ng pader sa pagitan nila ni Brianna at tuwing Biyernes

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 172

    Nag-aalmusal ako nang tumunog ang doorbell kaya binuksan niya iyon. “Good morning, Inay!” narinig kong bati ni Nathan at nang nilingon ko siya ay nagmamano siya sa nanay ko.“Good morning, hijo! Nag-almusal ka na ba?” mainit na pagtanggap ni Inay sa kanya.Kumamot siya ng kanyang ulo at saka ngumiti. “Hindi pa po, puwede po ba ako maki-almusal? Miss ko na ang luto mo.”“Oo naman!” ani Inay. “Halika!”Nakangiting lumapit sa akin ang lalaki. “Good morning, ba–!”Tinaasan ko siya ng kilay.“Babies!” ngumiti siya ng malawak. “Huwag kang assuming! Mga anak mo ang binabati ko!”Umiling na lang ako. “Umupo ka na para kumain.”“Kakain talaga ako! Luto ito ni Inay!” parang batang sabik na sabik sa lutong bahay na sabi ni Nathan. Palibhasa puro trabaho ang ginagawa kaya laging takeout ang kinakain niya. Muling tumunog ang doorbell kaya ako na ang tumayo dahil nagtitimpla pa ng kape si Inay. “Ako na po, Inay.”Pinagbuksan ko ng pinto si Abe na mabilis akong niyakap gamit ang isang braso lamang

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 171

    “My question was answerable with a yes or no,” anas niya habang gumuhit ang pagkadismaya sa kanyang mukha.Napapikit ako. Naramdaman kong namumuo na ang luha sa aking mga mata at alam kong hindi ako puwedeng bumigay ngayon dahil hindi pa kami ligtas. Tuluyang bumagsak ang luha sa mga mata ni Abe. “I thought we both want a complete family.”Wala naman akong sinabi na ayaw ko na sa kanya. Hindi ba niya naintindihan ang sinabi ko? “Paano tayo magiging kumpleto kung may taong gusto akong mawala sa buhay mo? Naisip mo ba na kapag may nangyari sa akin ay damay ang mga anak mo sa sinapupunan ko?”“Hindi ako tumitigil para malaman kung sino iyon!” tumaas na ang boses ni Abe.Hindi ko napigil ang mapaluha. Kasunod ng pagsakit ng tiyan ko. “Ahhhhhh.”Nataranta si Abe nang makitang umiiyak ako at pinindot ang buzzer sa nurse station. Hindi nagtagal ng may dumating na doktor at nurse para i-check ako.“Naririnig namin sa labas na nagtatalo kayo,” seryosong sabi ng doktor bago nilingon si Abe. “

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 170

    Para akong nakalutang pero may kakaiba sa hinihigaan kong kama kaya idinilat ko ang aking mga mata. Hindi pamilyar ang kisame. Iniangat ko ang aking kaliwang kamay at napangiwi ako sa sakit. Nang tingnan ko kung bakit masakit ay nakita kong may swero iyon habang si Nathan ay natutulog at nakaunan sa kutson ng hospital bed ko. Iaangat ko sana ang kanan kong kamay para abutin siya pero tila may pumipigil kaya nag-alala ako sa aking kamay. Nilingon ko iyon at nagulat ako na nakaunan sa kamay ko si Abe.Matagal kong tinitigan ang guwapong mukha ng mister ko. God! Kahit ilang beses kong sabihin na galit ako sa kanya ay hindi ko kayang ipagkaila sa sarili ko na mahal na mahal ko ang lalaking ito. Kunot ang noo ni Abe habang natutulog, dahan-dahan kong hinila ang kamay ko pero agad siyang nagising na halatang hilo pa dahil nakatulog talaga siya.Pagkakita niya sa mukha ko ay agad niyang hinalikan ang kamay ko nang paulit-ulit. “I’m so sorry kung na-stress kita.”“Dinugo ako kanina, Abe. Anong

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 169

    Hindi ko na rin napigil ang mga luha ko. Nilingon ko si Inay na tahimik na nakikinig sa amin. Wala siyang alam tungkol sa hinala kong ang nanay ni Abe ang may kinalaman sa pagkamatay ni Ayah. “Nakita ang mommy mo na galing sa loob ng bahay namin bago nadatnan ni Inay na naghihingalo na ang kapatid ko. Anong ginawa niya sa loob ng bahay?” mahina ang boses kong tanong habang nagpapalit-palit ako nang tingin kina Abe at Inay. Napatingin si Abe kay Inay. May kung anong mensahe siyang nais iparating. “Anak, walang kinalaman ang mommy ni Abe sa pagkamatay ni Ayah,” mahinahong sabi ni Inay. Napalingon ako kay Inay. “Inay, kung walang kinalaman ang mommy ni Abe. Anong pakay niya sa bahay natin?” naguguluhan kong tanong. Napatingin si Inay kay Abe bago hinawakan ang kamay ko. “Gusto niya lang daw mayakap ang kapatid mo kaya siya sumilip,” paliwanag ni Inay dahilan para lalo akong malito. “Kalokohan iyan, Inay! Ilang beses niyang ininsulto ang espesyal na kondisyon ni Ayah!” naiinis kong

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 168

    Alas-siyete na ng gabi pero hindi pa bumabalik si Nathan galing sa site inspection niya sa Pampanga para sa ginagawang subway project ng JNQ Construction. Puwede naman iyon gawin ng ibang structural engineers ng kompanya pero napansin ko na isang ugali niya ay ang pagsasagawa ng biglaang site inspections para masigurong ginagawa ng pulido base sa napag-usapan at kontrata ang lahat ng proyekto.Sabi niya kaninang umaga ay sabay kaming uuwi sa condo dahil ayaw na niya akong tumatawid na mag-isa sa kalye pero ayaw ko naman maiwan mag-isa dito sa opisina lalo na karamihan sa empleyado ay umuuwi na ng alas sais ng gabi kaya nagpadala na ako sa kanya ng mensahe na uuwi na ako.Paglabas ko ng lobby at akmang tatawid na ako ng may dalawang lalaki na nakasuot ng itim ang pumuwesto sa kaliwa’t kanan ko. Hindi nila ako dinikitan pero sinabayan nila ako sa paglalakad. “Love.” Napahinto ako maglakad sandali nang marinig ang boses ni Abe sa likod ko. Bahagya ko siyang nilingon at muling humakbang

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status