Share

Chapter 142

Penulis: Lilian Alexxis
last update Terakhir Diperbarui: 2025-10-18 22:38:03
Ipinatawag ni Abe ang abogadong pinagkakatiwalaan niya at hinintay na makarating sa ospital bago pinapasok ang dalawang pulis na ilang araw na rin palang pabalik-balik sa ospital para makuha ang aking statement.

Agad kong ikinwento sa kanila ang ilan sa napag-usapan namin ni Manang Letty na ni-record at isinulat nila sa kanilang notebook. Hindi ko na isinama ang ginawang tangkang pagpapatiwakal noon ni Abe at ang dahilan nito dahil alam kong posible iyong makasira sa DTM. Nagulat sina Abe at Mamang nang sabihin ko na alam ni Manang Letty ang planong pangingidnap sa akin at kung sino ang mastermind.

“Mrs. Dela Torre, paano mo nasabi na kilala ng suspect ang nagpa-kidnap sa iyo?” tanong ng isang pulis.

“Ang ginamit po kasi niyang mga salita ay…” paliwanag ko habang iniangat ang aking mga kamay para i-muwestra ang open and close quotation marks. “Kung alam ko lang na tatanga-tanga ang mga tauhan ni Madam at hindi magagawa nang tama ang pandurukot sa iyo dapat ay sinulsulan ko pa si Senor
Lilian Alexxis

May sirena sa Claveria?

| 13
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (3)
goodnovel comment avatar
ZaAi Semilla Nagero
sana mahuli na Ang nag padukot Kay isla
goodnovel comment avatar
グレース メアリー
Hahaha, Si isla nga ang nagligtas Kay Abe noon ,,,got it....
goodnovel comment avatar
Dhanjhen Tranquilo Macatlang
baka si isla lang yun nag ligtas thank you po Ms lilian
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 200

    Napatitig ako sa asul na karagatan at puting buhanginan. Kitang-kita kong malayang lumilipad ang isang kawan ng flying fish bago muling nag-dive sa ilalim ng tahimik na karagatan. Napahawak ako sa terasa at pinawalan ang isang malalim na hininga bago iniangat ang aking mukha para salubungin ang katamtamang init nang papaangat na araw. “Do you like this house better than the old one?”Napalingon ako sa boses ni Daddy. “I loved it, Dad! Thank you for renovating our old house. This is how Ayah and I used to envision it.”“It’s the least that I could do,” tipid ang ngiting sagot ni Daddy bago tumalikod para sundan si Inay sa third floor.Dapat sana ay ibebenta na lang ni Inay ang bahay at lupang ito pero nanghinayang si Daddy dahil tabing-dagat kaya naalala ko ang pangarap namin noon ni Ayah na magkaroon ng terrace at panoorin ang karagatan mula sa second floor ng bahay. Ako na sana ang gagastos dahil may pera naman ako pero hindi pumayag si Daddy.Dahil 200 square meters lang ang lupa, t

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 199

    “A-Abe!”Nagising ako sa pananakit ng aking likod na sinundan nang mahinang paghilab. Ilang minuto ko pang pinakiramdaman at napansin kong mas dumalas na iyon kaya ginigising ko na ang aking mister.“Love?” naalimpungatang tanong ni Abe dahil panay pa rin ang tapik ko sa kanya.“Manganganak na yata ako,” kinakabahan kong sabi.Agad siyang napabalikwas. “Has your water broken yet?”Umiling ako. “Hindi pa pero masakit ang tiyan ko. Hindi ko maintindihan parang may kung anong nangyayari sa loob at parang lalabas na ang kambal!”Napatayo si Abe at halos napatakbo papasok ng walk-in closet. Dalawang buwan na kaming narito sa mansyon dahil pumayag lang si Inay na sumama kay Aidan sa London kung sa mansyon muna kami uuwi ni Abe para sigurado raw na naaalagaan ako. Nakabalik na rin sila noong isang linggo pero dito na kami nanatili ni Abe dahil gusto kong ilabas ang kambal ng normal delivery. Kahit tutol ang asawa ko at alanganin si Dr. Flores ay wala silang nagawa kung hindi ang pagbigyan ako

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 198

    Nagugutom na naman ako. Mahigit dalawang oras pa lang nang mag-almusal kami ni Abe pero kumakalam na naman ang sikmura ko. Mula nang mag-seven months ang kambal sa sinapupunan ko, mas lalo akong naging gutumin. N’ung isang araw nag-shopping na kami ni Abe ng mga bago kong damit pangbuntis dahil hindi na kasya ang mga damit ko na binili namin ni Inay noon. Bumigat din ako ng 30 pounds at sa tingin ko ay lalo pang bumibigat!Muling kumalam ang sikmura ko kaya napatayo na ako sa kama. Maaga akong nagising kanina para ipaghanda ng almusal ang aking asawa, sinabayan ko na rin siya kumain at pagkaalis niya ay muli akong nakatulog. Kaya hindi ko lubos maisip bakit gutom na naman ako?Bilin pa naman ni Inay ay mag-ingat ako sa kakakain dahil baka mahirapan ako mag-diet pagkapanganak ko sa kambal. Hindi naman niya sinabi na magpagutom ako, huwag lang daw ako kakain at iinom ng matatamis para hindi ako at ang mga sanggol sa sinapupunan ko lumaki nang husto. Marahan kong pinihit ang seradura ng

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 197

    “Ate Isla!”Masayang salubong ni Helga sa akin hindi pa man kami nakabababang mag-asawa ng kotse. Ang dalaga na ang nagbukas ng pinto para sa akin.“Bakit excited na excited ka yata?” kunot ang noo na tanong ni Abe sa kapatid ni Harris dahilan para bahagyang pumino ang magaslaw na kilos nito kanina.“Ate, may sasabihin ako sa iyo,” pabulong niyang sabi na sandali lang tinapunan nang tingin ang Kuya Johan niya na bumaba na sa driver’s seat.Ngayon lang ulit nagmaneho ng kanyang sports car ang asawa ko. Sinadya pa niyang ipahatid sa condo kagabi ang kotse dahil imamaneho daw niya sa EDSA kesyo patatakbuhin daw niya ng mabilis dahil aalis kami ng bahay ng walang traffic. Paano ba namang hindi siya mae-excite eh pinangakuan siya ni Nathan na luluwag ang EDSA ngayong araw na ito. Nasaktuhan kasi na nasa unit si Nathan at narinig ang reklamo niya na araw-araw niyang binabaybay ang traffic ng EDSA dahil nasa BGC ang DTM habang nasa Quezon City ang Condo namin.Hindi ko alam kung paano ginawa

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 196

    “I also considered filing for a divorce for how many times, but my parents– your grandparents, are very conservative Catholics. And our business requires the head of the Universities to have a good family background,” paliwanag ni Aidan. Iniisip rin daw niya na dumaan na ang ilang taon at posibleng wala na siyang mababalikang single na Amanda sa Pilipinas at mas lalo siyang mahihirapan kapag nakita niya si Inay na may iba na dahil kahit anong gawin niya ay tanging si Inay ang laman ng puso niya. Kaya raw pinili niyang sa Australia manatili para pamahalaan ang isa pang Unibersidad nila roon at inubos ang iba pang oras sa pagtuturo kung saan niya nakilala sina Abe at Orrel. Hinugot ni Aidan ang kanyang wallet sa back pocket ng suot na pantalon at binuksan iyon sa harap ko. Nanlaki nang bahagya ang aking mga mata nang makita ang lumang picture nila ni Inay na magkasama. Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi para pigilan ang namumuong luha sa aking mga mata. Kinuha ko ang wallet niya at p

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 195

    Alas-dos na ng hapon kami nakabalik ni Inay sa bahay. Tinulungan kami ng dalawang bodyguard sa pagbubuhat ng mga dala namin. Ipinasok lang nila sa kusina ang groceries bago sila nagpaalam na lalabas na ng unit. Dahil sa sunud-sunod na nangyari sa akin ay nasanay na ako na may bodyguard na kasama at tila guwardiya sa labas ng unit. “Anak, magpahinga ka na muna. Ako na ang bahala riyan,” utos ni Inay.Ngumiti lang ako dahil ini-spoil na rin niya ako. “Inay, hindi naman nakakapagod magligpit ng groceries.”“Napagod ka na kasi sa pamimili, baka mapaano ka pa,” nag-aalala niyang sabi.“Okay lang ako, Inay. Ikaw baka pagod ka na.”“Kaunti. Tumatanda na yata ako,” natatawa niyang sabi. “Dati naman malayo ang nilalakad ko sa paglalako ng isda.”Nilapitan ko siya at pinaupo muna. “Eh ‘di dalawa tayong magpahinga muna. Ilalagay ko na lang muna sa chiller itong mga karne at frozen food.”Pagkatapos kong ilagay ang mga karne sa chiller at makapaghugas ng kamay ay niyaya ko muna si Inay sa sala pa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status