Masuk:(
Magulo ang brown niyang buhok na may kahabaan na, balbas sarado at nangangalumata. Bukas ang dalawang butones sa taas ng suot niyang puting long sleeves na pinatungan ng suit. Sandali akong napatda at pinakatitigan ang lalaking nasa harapan ko. Bakit nagkaganito ang asawa ko? Anong nangyari sa lalaking laging neat ang buhok, mukha at pananamit? May kung anong tila pinong karayom ang tumusok sa puso ko. Gusto kong maiyak pero naalala ko ang panlalait ng kanyang ina sa akin kaya bahagya akong natawa. Hindi ba siya inaalagaan ni Brianna? Akala ko ba ay mas karapat-dapat ang babaeng iyon na maging asawa niya?“My love,” halos pabulong na sabi ni Abe habang ang isang kamay niya ay tinangkang hawakan ang mukha ko na mabilis kong inilayo. “Miss na miss na kita. Uwi ka na sa akin please?”Bumigat ang dibdib ko sa tono nang kanyang pagsasalita. Nang hilain niya ako rito ay inakala kong susumbatan niya ako sa aking pag-alis pero parang anumang oras ay iiyak na siya at pinipigil lamang niya.
Nagsalubong ang mga kilay ko sa narinig na pangalan ng kompanya. Nagkunwari akong busy at binubuksan ang laptop.“What about it?” seryosong tanong ng CEO.Nakita ko sa gilid ng mata ko na tinitingnan ako ni Nathan. Baka naalala niya na doon ako galing na kompanya. Hindi ko naman itinago iyon sa resume ko dahil kailangan kong ilagay na may work experience ako.“Binago nila ang proposal. Tumaas ang price,” sabi ni Nikko dahilan para mapalingon ako.Binuklat ng lalaki ang hawak na folder at may hinanap na dokumento. “Napakalayo sa unang presyo!”Kinuha ni Nathan ang dokumento at pagkuwan ay may tiningnan pang isa. Napangiti siya bago ako nilingon. “Gusto mong tingnan?”Sinilip ni Nikko ang tiningnan ni Nathan at saka siya napasinghap. “Ikaw iyan? Ang tagal ka nang hinahanap ni Kuya tapos ikaw pala iyang unang nagpadala ng proposal?”Tumawa lamang ng mahina si Nathan habang hindi ko pinansin ang kanyang tanong. Lumapit ako sa kanila at sinilip ang bagong proposal. Dinoble na nila ang pres
Tinanghali ako nang gising ngayon kaya nagmamadali akong naligo at nagbihis. Itim na wide leg slacks, light blue sleeveless blouse at itim na blazer ang sinuot ko na pinarisan ko na lamang ng two inches na black closed shoes. “Kumain ka muna!” pagharang ni Inay sa akin.“Male-late na po…”Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil pinanlakihan na ako ni Inay ng kanyang mga mata. “Anong usapan natin sa trabaho-trabaho na iyan?”Napilitan akong lumapit sa mesa. Natulala ako sa nakahain sa mesa– sinangag, tapa at itlog. Paboritong almusal ni Abe.“Ayaw mo ba iyang tapa?” nagtatakang tanong ni Inay.“G-Gusto po,” alanganin kong sagot habang nauupo. Umabot ako ng kanin at hiindi ko napigilan si Inay nang lagyan niya ng tapa ang aking plato. Tahimik akong kumain. Pagkuwan ay inilapit niya ang gatas at dalawang vitamins. “Ubusin mo lahat iyan dahil hindi lang ikaw nangangailangan niyan, higit ang mga anak mo,” bilin niya kaya inubos ko ang lahat.Pagkatapos ko kumain ay nagsipilyo lang ako
Dahil wala pa naman siyang tinuturong working station ko ay binitbit ko ang aking bag na agad niyang napansin. “Sorry.” Ini-extend niya ang kanyang kamay na parang inaabot ang bag ko at sandali akong natulala.“Ilalagay ko na lang muna sa chair ko. Mas safe iyan doon,” nakangiti niyang sabi na parang aliw na aliw pa rin sa bawat reaksiyon ko. “Hindi pa kasi inaayos ang work station mo.”Binuksan ko muna ang aking bag at kinuha ang laptop para makapag notes ako bago ko iniabot sa kanya ang bag ko.Malalaki ang hakbang niya patungo sa kanyang mesa at inilagay ang bag ko sa kanyang swivel chair bago iyon itinulak sa puwesto at saka bumalik sa kinatatayuan ko. “Shall we?” Tumango ako habang binubuksan ang laptop. Gusto ko kasi ay handa na ito pagdating namin sa board room. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pinauna lumabas. Agad kong napansin si Nikko na ngayon ay may suot ng suit at halatang hinihintay ang boss.“This is Julius Nicholas Quinn, my younger brother and President of JNQ Ste
A disarming smile and a chiseled, model-like jawline. He really is an irresistibly handsome man whose presence is hypnotic, and I simply can’t take my eyes off his face. Para siyang AI photo na naging tao! Ang pinagkaiba lang ngayon kumpara noong una ko siyang makita ay nakasuot siya ngayon ng itim na long sleeves, suit, dress pants, at pinong leather belt at sapatos. Siya ba ang boss ng kompanyang ito? “You really have a keen way of scrutinizing my look,” humagikgik siya dahilan para makaramdam ako nang pagkailang.Iniiwas ko ang aking tingin sa kanya sa pamamagitan nang pagtingin sa aking mga paa at pagtayo mula sa aking kinauupuan bilang pagpapakita na rin nang paggalang. “Don’t tell me you’ll run away from me again?” aniya kaya muli kong ibinalik ang tingin sa kanyang mukha.Ngumiti ako ng tipid at saka umiling ng bahagya. “I’m sorry if I did that last time. I just thought…”Nakagat ko ang loob ng pang-ibaba kong labi para pigilin ang aking sasabihin. Hindi naman na niya kailan
Magdadalawang linggo na kami sa condo at nagsisimula na akong maburyong. Nasanay ako na nagtatrabaho kaya inip na inip na ako. Umay na umay na rin ako sa kakanood sa ClickFlix. Binuksan ko ang bagong bili kong laptop noong isang araw at nag-browse sa internet. Nagawi ako sa mga job postings. Naisip ko baka may makuha akong trabaho na work from home, Uso naman na ang mga ganun ngayon. Malilibang na ako, kumikita pa. Sa kahahanap ko ay napukaw ang pansin ko sa job opening na naghahanap ng temporary secretary. Agad akong gumawa ng resume at application letter. Gagawa sana ako ng bago kong email address pero nagdalawang isip ako. Binuksan ko na lamang ang isang luma kong email na ginagamit ko dati sa university. Mabuti na lamang at naalala ko pa ang password. Pagbukas ko ay nagulat ako sa limang magkakasunod na email mula kay Cath. Alam nga pala niya ang email kong ito.Sa unang email ay hinahanap niya ako at sinabing nagkagulo sa Claveria nang malaman ni Abe na nawawala kami ni Inay. N







