Share

Chapter 193

last update Last Updated: 2025-12-01 21:15:54
Sa opisina, smooth naman ang naging turn-over namin ni Nora. Pixie hair cut at matangkad siyang babae pero angat na angat ang mala-modelo niyang ganda.

“Ang ganda mo!” hindi ko napigilang isatinig.

Natawa ang magkapatid na Nathan at Nikko sa sinabi ko. Nasa loob kami ng conference room, dito nila ako dinala para mag-turn over.

“Guwapo iyan! Hindi mo ba nakikita ang gupit niya?” panunukso ni Nikko.

“Tse!” pagsusungit ni Nora. “Napatunayan ko nang babae ako, may anak na nga!”

Naghalpakan ang magkapatid. May pagkasira rin talaga ang ulo ng dalawang ito. “Mabuti hindi ka napipikon sa dalawang ito?”

Nakangiting umiling si Nora. “Ganyan lang iyang dalawang iyan pero maalaga naman. I’m sure you’ll agree to that.”

“Well…”

“Alanganin si Isla kasi hindi pumasa sa kanya ang pag-aalaga ni Kuya!” natatawang sabi ni Nikko na ikinasimangot naman ni Nathan.

“Sa labas na lang tayo mag-lunch!” biglang sabi ni Nathan. “I-celebrate natin ang pagpunta ni Isla dito sa opisina.”

“Last day na ba?” nakalabing
Lilian Alexxis

Nathan, hanap tayo ng ibang mamahalin mo.

| 12
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (7)
goodnovel comment avatar
cath
ms lili update na po pls? hahahaha miss ko n c abe
goodnovel comment avatar
Dhanjhen Tranquilo Macatlang
paki dagdagan nalang po Ms lilian pag nag update po kayo thank you po
goodnovel comment avatar
Lilian Alexxis
Hello po! Sorry po kung wala pa update, super busy po kasi sa outside world hehehe. Babawi po ako kapag hindi na busy.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 199

    “A-Abe!”Nagising ako sa pananakit ng aking likod na sinundan nang mahinang paghilab. Ilang minuto ko pang pinakiramdaman at napansin kong mas dumalas na iyon kaya ginigising ko na ang aking mister.“Love?” naalimpungatang tanong ni Abe dahil panay pa rin ang tapik ko sa kanya.“Manganganak na yata ako,” kinakabahan kong sabi.Agad siyang napabalikwas. “Has your water broken yet?”Umiling ako. “Hindi pa pero masakit ang tiyan ko. Hindi ko maintindihan parang may kung anong nangyayari sa loob at parang lalabas na ang kambal!”Napatayo si Abe at halos napatakbo papasok ng walk-in closet. Dalawang buwan na kaming narito sa mansyon dahil pumayag lang si Inay na sumama kay Aidan sa London kung sa mansyon muna kami uuwi ni Abe para sigurado raw na naaalagaan ako. Nakabalik na rin sila noong isang linggo pero dito na kami nanatili ni Abe dahil gusto kong ilabas ang kambal ng normal delivery. Kahit tutol ang asawa ko at alanganin si Dr. Flores ay wala silang nagawa kung hindi ang pagbigyan ak

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 198

    Nagugutom na naman ako. Mahigit dalawang oras pa lang nang mag-almusal kami ni Abe pero kumakalam na naman ang sikmura ko. Mula nang mag-seven months ang kambal sa sinapupunan ko, mas lalo akong naging gutumin. N’ung isang araw nag-shopping na kami ni Abe ng mga bago kong damit pangbuntis dahil hindi na kasya ang mga damit ko na binili namin ni Inay noon. Bumigat din ako ng 30 pounds at sa tingin ko ay lalo pang bumibigat!Muling kumalam ang sikmura ko kaya napatayo na ako sa kama. Maaga akong nagising kanina para ipaghanda ng almusal ang aking asawa, sinabayan ko na rin siya kumain at pagkaalis niya ay muli akong nakatulog. Kaya hindi ko lubos maisip bakit gutom na naman ako?Bilin pa naman ni Inay ay mag-ingat ako sa kakakain dahil baka mahirapan ako mag-diet pagkapanganak ko sa kambal. Hindi naman niya sinabi na magpagutom ako, huwag lang daw ako kakain at iinom ng matatamis para hindi ako at ang mga sanggol sa sinapupunan ko lumaki nang husto. Marahan kong pinihit ang seradura ng

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 197

    “Ate Isla!”Masayang salubong ni Helga sa akin hindi pa man kami nakabababang mag-asawa ng kotse. Ang dalaga na ang nagbukas ng pinto para sa akin.“Bakit excited na excited ka yata?” kunot ang noo na tanong ni Abe sa kapatid ni Harris dahilan para bahagyang pumino ang magaslaw na kilos nito kanina.“Ate, may sasabihin ako sa iyo,” pabulong niyang sabi na sandali lang tinapunan nang tingin ang Kuya Johan niya na bumaba na sa driver’s seat.Ngayon lang ulit nagmaneho ng kanyang sports car ang asawa ko. Sinadya pa niyang ipahatid sa condo kagabi ang kotse dahil imamaneho daw niya sa EDSA kesyo patatakbuhin daw niya ng mabilis dahil aalis kami ng bahay ng walang traffic. Paano ba namang hindi siya mae-excite eh pinangakuan siya ni Nathan na luluwag ang EDSA ngayong araw na ito. Nasaktuhan kasi na nasa unit si Nathan at narinig ang reklamo niya na araw-araw niyang binabaybay ang traffic ng EDSA dahil nasa BGC ang DTM habang nasa Quezon City ang Condo namin.Hindi ko alam kung paano ginawa

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 196

    “I also considered filing for a divorce for how many times, but my parents– your grandparents, are very conservative Catholics. And our business requires the head of the Universities to have a good family background,” paliwanag ni Aidan. Iniisip rin daw niya na dumaan na ang ilang taon at posibleng wala na siyang mababalikang single na Amanda sa Pilipinas at mas lalo siyang mahihirapan kapag nakita niya si Inay na may iba na dahil kahit anong gawin niya ay tanging si Inay ang laman ng puso niya. Kaya raw pinili niyang sa Australia manatili para pamahalaan ang isa pang Unibersidad nila roon at inubos ang iba pang oras sa pagtuturo kung saan niya nakilala sina Abe at Orrel. Hinugot ni Aidan ang kanyang wallet sa back pocket ng suot na pantalon at binuksan iyon sa harap ko. Nanlaki nang bahagya ang aking mga mata nang makita ang lumang picture nila ni Inay na magkasama. Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi para pigilan ang namumuong luha sa aking mga mata. Kinuha ko ang wallet niya at p

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 195

    Alas-dos na ng hapon kami nakabalik ni Inay sa bahay. Tinulungan kami ng dalawang bodyguard sa pagbubuhat ng mga dala namin. Ipinasok lang nila sa kusina ang groceries bago sila nagpaalam na lalabas na ng unit. Dahil sa sunud-sunod na nangyari sa akin ay nasanay na ako na may bodyguard na kasama at tila guwardiya sa labas ng unit. “Anak, magpahinga ka na muna. Ako na ang bahala riyan,” utos ni Inay.Ngumiti lang ako dahil ini-spoil na rin niya ako. “Inay, hindi naman nakakapagod magligpit ng groceries.”“Napagod ka na kasi sa pamimili, baka mapaano ka pa,” nag-aalala niyang sabi.“Okay lang ako, Inay. Ikaw baka pagod ka na.”“Kaunti. Tumatanda na yata ako,” natatawa niyang sabi. “Dati naman malayo ang nilalakad ko sa paglalako ng isda.”Nilapitan ko siya at pinaupo muna. “Eh ‘di dalawa tayong magpahinga muna. Ilalagay ko na lang muna sa chiller itong mga karne at frozen food.”Pagkatapos kong ilagay ang mga karne sa chiller at makapaghugas ng kamay ay niyaya ko muna si Inay sa sala pa

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 194

    Nanonood ako ng ClickFlix sa sala nang tabihan ako ni Inay sa sofa. “Anak, mag-grocery muna ako. Wala na tayong stocks.”Napakunot ang noo ko. Parang isang buwan na ring hindi ako nakakapagbigay kay Inay ng pang gastos sa bahay. Sobra akong naging abala sa mga nangyari.“Sama ako, Inay! Bored na ako dito sa bahay,” sagot ko na agad nang in-off ang TV.Ilang araw pa lang mula nang mag-resign ako sa JNQ Group of Companies at pakiramdam ko ay bored na bored na ako sa buhay ko. Hindi yata talaga ako ipinanganak para mag-buhay prinsesa. “Sigurado ka?” nagtatakang tanong ni Inay.Tumango ako. “Magpapaalam lang po ako kay Abe at magbibihis ng damit pang-alis.”“Sige, anak. Hintayin kita,” nakangiting sagot ni Inay. “Miss na rin kita ka-bonding.”Napangiti ako kay Inay at nagmamadaling pumasok sa silid namin ni Abe. Tinawagan ko ang mister ko ng naka-loudspeaker habang kumukuha ako ng leggings at blouse. Pagkuwan ay narinig kong sinagot niya ang tawag.“Love, naistorbo kita?” malambing kong

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status