Share

Chapter 206

last update publish date: 2026-02-02 19:35:10
Epilogue

My chest feels tight as I look at her, almost afraid she might disappear if I blink. Her eyes shine like the ocean itself, calm and deep, and her nose bridge looks perfect. Her curly brown hair floats around her, moving like it’s dancing in the water.

I felt like someone grabbed my hand and pulled me out of the water.

“Haah!” paghabol ko sa aking hininga.

“Johan!”

Napakunot ang noo ko sa halos sabay na pagtawag nina Papang at Mamang sa pangalan ko. Iminulat ko ang aking mga mata at pu
Lilian Alexxis

:)

| 5
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Dhanjhen Tranquilo Macatlang
thank you po
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 210

    Epilogue“You may now kiss the bride.”Napangiti ako at kahit ikalawang beses na naming ikinakasal, iba sa pakiramdam na napakasalan ko siya ngayon sa harap ng Diyos at sa harap ng aming mga pamilya at kaibigan.Napatitig ako sa magandang mukha ni Isla na bahagyang natatakpan ng manipis na belo. Mas lalo pa siyang gumanda ngayon. Hindi ko kailanman pagsisisihan na inalok ko siya ng kasal ng gabing iyon.Nagsimula nang maghiyawan ang lahat. Mas excited pa sila kaysa sa akin.“Kiss na raw!”“Bakit ayaw pa buksan?”Sabay kaming natawa ni Isla. Akmang iaangat ko na ang belo niya nang may humila sa pantalon ko. Sabay kaming napatingin ni Isla sa ibaba.“Daddy, ako dapat mag-kiss kay Mommy!” pasigaw na sabi ni Hans.Napangiti ako sa kakulitan ni Hans habang nagtawanan ang lahat.“Wait!” sigaw ng isa pang maliit na boses.Napalingon kami kay Anya na nagmamadaling umakyat sa kinatatayuan naming mag-asawa. “Ako rin! Gusto ko rin i-kiss si Mommy!” sigaw niya habang iniaangat ang kanyang mga br

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 209

    Epilogue“Johan! Napadalaw ka?” magiliw na bati ni Kuya Leo sa akin pagkababa ko pa lamang ng sasakyan ko.“Medyo maluwag schedule ko ngayon kaya naisipan kong bisitahin ka,” palusot ko.Sa totoo lang nagpunta ako rito sa kanila dahil kanina ko pa pinapahanap si Isla mula nang umalis siya sa opisina na balisang-balisa dahil sa pagkakasugod ng kapatid niya sa ospital. Base sa nakuhang impormasyon ni Kuya Des ay dito nakitang nagpahatid sa tricycle si Isla mula sa unibersidad.“Akala ko talagang hindi mo na kami naaalala bilang kamag-anak mo,” tila may tampong sabi ni Kuya Leo.Malayo silang kamag-anak ni mommy pero dito sa probinsiya basta kamag-anak ay hindi dapat kalimutan. Napakamot ako ng aking ulo. “Pasensiya na Kuya, sunud-sunod kasi ang mga nangyari at pinag-aaralan ko pa ang CNMC kaya ngayon lang kita nabisita.”Bigla kong naalala ang dala kong mamahaling alak kaya muli kong binuksan ang passenger seat para kunin ang pasalubong ko.“Huwag ka na magtampo. May pasalubong ako sa i

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 208

    Epilogue“Hi, Isla! Alam kong hindi mo na ako naaalala. Ako ‘yung iniligtas mo noon sa dagat. I am Johan Abraham Dela Torre, but you can call me Abe.”Napangiwi ako. “F*ck! Cringy!”Napatingin ako sa unahan ng kalsada. Malapit ko nang marating ang gate ng state university kung saan nag-aaral si Isla. Graduating na siya this semester at Valentine's Day ngayon, kaya naisip ko na ito na ang pinakatamang araw para magpakilala ako sa kanya.Siguradong magugulat siya. “What if matakot siya?”Pumarada ako sa harap ng gate ng unibersidad at saka matiyagang nag-abang. Sabado ngayon at base sa ibinigay sa akin ni Harris na schedule ni Isla ngayong semester ay hanggang alas-kuwatro lang ng hapon ang kanyang klase. Pinindot ko ang aking cellphone para tingnan ang oras at lumitaw ang wallpaper ko. “You’re so beautiful, my baby blue eyes!”It’s 3:55 already. I checked my face using the side mirror of my vehicle. Guwapo naman kahit galing sa tatlong oras na meeting sa DTM at mahigit 30 minutes na C

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 207

    Epilogue After a series of consultations with doctors, ipinaliwanag nila na hindi lang naman daw sa sinabi ni Mommy ang dahilan nang pagtalon ko sa bangin, kasama na rin ang pinagdaanan ko sa pagkamatay ni Daddy, sa matagal na hospitalization ni Mommy, ‘yung epekto sa akin nang pagkukulong ni mommy sa kanyang silid at biglang pag-iwan sa akin. I attended one-on-one therapy and group sessions. Dito na rin sa Manila ako nagpatuloy ng high school. “Apo, kumusta ka?” nakangiting tanong ni Mamang sa akin habang nauupo sa aking kama. Naglalaro ako ng PS4 at nakasalampak sa sahig dito sa loob ng kuwarto ko. Sa tuwing wala akong klase nakagawian ko na ang maglaro. Isinandal ko sa tuhod ni Mamang ang aking ulo. Sobra-sobra ang pagsisisi ko nang makita kong umiyak nang husto si Mamang dahil sa pagtalon ko sa bangin. I realized they do not deserve that heartbreak because even though they are grieving the death of my father, they are trying their best to take good care of me and the whole co

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 206

    EpilogueMy chest feels tight as I look at her, almost afraid she might disappear if I blink. Her eyes shine like the ocean itself, calm and deep, and her nose bridge looks perfect. Her curly brown hair floats around her, moving like it’s dancing in the water.I felt like someone grabbed my hand and pulled me out of the water.“Haah!” paghabol ko sa aking hininga.“Johan!” Napakunot ang noo ko sa halos sabay na pagtawag nina Papang at Mamang sa pangalan ko. Iminulat ko ang aking mga mata at puting kisame ang tumambad sa akin. Hindi nagtagal mga mukha ng lolo at lola ko ang nakita ko kasunod ng ilang doktor at mga nurse.“Apo, ano ba ang nangyari? Paano ka nahulog sa bangin?” puno nang pag-aalala na tanong ni Mamang. “Akala namin ay iiwan mo na rin kami ng Papang mo.”Napatingin ako sa kanyang mga mata at hindi ko napigilang mapaiyak. “I did something bad, Mamang.”Inamin ko ang lahat kina Mamang at Papang ang nagawa ko. Na ako ang dahilan kung bakit nagpa-abort ang mommy ko, kung bak

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 205

    Warning: Some scenes in this chapter touch on abortion and suicide. Please read with care.EpilogueMula nang dumating si mommy, may kasabay na ako ulit kumain sa dining room. Bihira siyang ngumiti kaya alam kong may pinagdadanan siya. Lagi ring dumadalaw ang bestfriend niyang si Tita Savannah. Madalas kasama ni Tita ang anak niyang si Brianna. Napaka-suplada, wala namang ilong at laging iniuumang ang kanyang deadly weapon na mukha.Kinakausap ko lang naman siya dahil sabi ni mommy i-entertain ko siya, tapos kung maka-ismid akala mo siya may-ari ng bahay namin. Sa school nakarating sa akin na ipinagkakalat niyang crush ko siya, mabuti na lang pinagtawanan lang siya ng mga nakarinig. Mula rin noon sa tuwing pumupunta sila sa bahay, hindi ko na siya kinakausap kung hindi kailangan.Minsan nagising ako ng gabi at uhaw na uhaw kaya lumabas ako ng kuwarto para uminom sana ng tubig sa kusina. Nagulat ako nang marinig kong umiiyak si mommy kaya pinuntahan ko siya sa kanyang kuwarto. Kakatok

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status