Share

CHAPTER 433

Author: Alena
"VP Norman, nandito ka na pala," bati ni Leon habang tumatayo para salubungin siya.

Ngumiti rin si Mr. Greco bilang paggalang. Nandoon din ang iba pang matataas na executives mula sa malalaking kumpanya sa Maynila. Mukhang nagtitipon ang lahat para pag-usapan ang mga susunod na partnership bago magsimula ang press conference.

Lumapit si Norman at nakipagkamay sa kanila. Dahil walang kakaibang trato sina Mr. Marco at Mr. Greco sa kanya, naging kampante ang kanyang loob.

Unang nagsalita si Mr.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER 438

    Matalim at luhaan ang tingin ni Mitch kay Norman habang nakapikit ang kanyang bibig ang mga mata nito ay tila nagsasabing, "Iligtas mo ako, kailangan mo akong iligtas."Bahagyang nakahinga ng maluwag si Norman. Ngunit hindi pa rin umalis ang mga pulis. At dahil sa matinding kaguluhang iyon, nakuha na nang tuluyan ang atensyon ng mga tunay na mamamahayag.Ang ganitong kasensitibo at nakagugulat na audio recording ay mas mabilis pang kumalat kaysa sa mismong press conference ng Rossi Group. Dahil live stream ang kaganapan sa buong bansa, nag-explode na ang balita sa social media. Dumagsa ang mga reporter sa paligid nina Norman at Mitch para makuha ang pinakaunang impormasyon at makakuha ng mataas na views."Mr. Norman! pakiwanag niyo naman po kung ano talaga ang nangyayari dito!""Mr. Norman, totoo bang dahil sa inggit at galit kaya tinangkang lasunin ni Miss Mitch ang buong pamilya ni Mr. Rossi at ng kanyang dating asawa ni Miss Kate na si Vincent Fuentebella na isang negosyante?"

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER 437

    Tinitigan siya ng guard nang seryoso. "Lalo ka naming hindi pwedeng palabasin kung masama ang pakiramdam mo, ma'am. Tumawag na kami ng ambulansya para sa inyo."Anong ambulansya?!” mura ni Mitch sa kanyang sarili.Nang hindi nakatingin ang guard, mabilis siyang sumingit sa gilid at tumakbo palabas patungo sa comfort room. Balak niyang magtago roon hanggang sa makalabas ang mga pulis. Ngunit huli na ang lahat. Harap-harapan siyang hinarangan ng tatlong opisyal ng pulisya."Ikaw ba si Mitch?" tanong ng pulis.Namutla si Mitch at mabilis na umiling. "H-Hindi po! Hindi ako 'yon… nagkakamali kayo ng taong hinahanap...""Maaari po bang makita ang ID ninyo?"Hawak ni Mitch ang kanyang bag at pilit na itinago ito sa kanyang likod. "W-Wala po... hindi ko dala ang ID ko ngayon."Subalit lahat ng pumasok sa VIP event na ito ay kailangang mag-scan ng kanilang identification cards sa pintuan, kaya halatang isang malaking kasinungalingan ang kanyang sinabi.Nang sabihin ng guard na maaari

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER 436

    Biglang napatigil ang tibok ng puso ni Norman. Anong nangyayari?!Mabilis siyang lumingon kay Mitch at nakitang namutla na rin nang husto ang mukha ng babae.Napakatangang babae! mura ni Norman sa kanyang isip. Patuloy na umalingawngaw ang boses sa audio recording sa buong hall."Kapag nakipaglaro ka sa akin, sisiguraduhin kong mamamatay ng maaga ang anak mo! Nasaan ang telepono mo?! Ilabas mo at patayin mo ngayon din! Sisiguraduhin kong wala kang itatagong recording!" boses iyon ni Mitch na punong-puno ng pagbabanta."Makinig ka sa akin. May gamot ako rito. Ihalo mo ito sa pagkain o sa inumin nila. Siguraduhin mong makakain nina Kate at Mattheus! Kapag nagawa mo ito nang maayos, bibigyan kita ng limang milyon. Ipapadala ko rin ang anak mo sa ibang bansa para mag-aral, malayo sa dating asawa mo na nasa probinsya para hindi na kayo kailanman mahanap!""A-Ano pong gamot ito? Anong mangyayari sa kanila kapag nakain nila ito?" nanginginig na tanong ni Manang Nova sa recording."Haha!

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER 435

    Inagaw ng reporter ang micr mula sa host at muling nagtanong nang may halong panggigipit, "Mr. Greco, minsan na ring sinabi ni Mr. Mattheus Rossi na walang katuturan ang sinasabing pagmamahal sa bayan, at bumalik lang siya rito sa Pilipinas para kumita ng pera! How can you explain that statement?"Napatigil si Mr. Greco. Agad na nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha at mabilis siyang sumagot, "Kailanman ay hindi sinabi iyon ni Mr. Rossi! That statement never came from him!"Handang ipaglaban ni Mr. Greco na bumalik si Mattheus Rossi sa bansa dahil na rin sa kagustuhan ng kanyang ina na makabalik sa sariling bayan. May tahanan ang bawat tao, at may ina itong gustong makauwi. Kaya bago pa man mangyari ang lahat, ginawa ni Mattheus ang lahat para magtayo ng magandang pundasyon sa Maynila upang magkaroon ang kanyang ina ng tahanang babalikan anumang oras.Subalit, kahit ipinaliwanag na ito ni Mr. Greco, hindi pa rin tumigil ang walanghiyang reporter."Talaga po? Pagbabalik sa pinagmul

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER 434

    Masayang-masaya si Norman habang pinapakinggan ang papuri ng mga tao sa paligid niya. Kahit alam niyang ginagawa lang nila ito para makakuha ng pabor, masarap pa rin sa pakiramdam na sa kanya nakatuon ang atensyon ng lahat.Nang tumingin siya sa kabilang panig ng bulwagan kung saan nakikipag-usap si Mr. Greco sa ibang mga tao, napangiti siya ng mapait.Matapos ang tanghalian, idaraos na ang opisyal na press conference. Puno na ng mga reporters at cameramen ang hall, at balitang nakalivestream ito sa buong bansa. Gusto niyang mapanood kung paano mapapahiya ang Rossi Group sa harap ng publiko.Nang tawagin ng staff ang mga bisita para lumipat sa conference room, pumasok si Norman at hinanap ang kanyang pangalan sa mga upuan. Subalit nagulat siya nang makitang wala ang pangalan niya sa VIP front row!Sa halip, ang dalawang taong pumalit sa kanya kanina sa kainan ang nakaupo sa harap, habang siya ay inilagay sa pangalawang hanay… "VP Norman! Dito pala ang pwesto mo!" lumingon pa ang is

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER 433

    "VP Norman, nandito ka na pala," bati ni Leon habang tumatayo para salubungin siya.Ngumiti rin si Mr. Greco bilang paggalang. Nandoon din ang iba pang matataas na executives mula sa malalaking kumpanya sa Maynila. Mukhang nagtitipon ang lahat para pag-usapan ang mga susunod na partnership bago magsimula ang press conference.Lumapit si Norman at nakipagkamay sa kanila. Dahil walang kakaibang trato sina Mr. Marco at Mr. Greco sa kanya, naging kampante ang kanyang loob.Unang nagsalita si Mr. Greco sa harap ng grupo. "Good afternoon, everyone. Dapat ay si Mr. Mattheus Rossi mismo ang haharap sa inyo ngayong tanghali. Pero dahil sa isang hindi inaasahang emergency sa kanyang pamilya, ako muna ang humahawak ng kanyang mga tungkulin ngayon. We seek your kind understanding."Sa totoo lang, halos lahat ng naroroon ay nakarinig na ng tsismis tungkol sa umano'y pananalason sa pamilya ni Mr. Rossi. Nang marinig ang kumpirmasyon mula kay Mr. Greco, lalo silang naghinala na totoo nga ang mga

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER FOUR

    MAINGAT na inobserbahan ni Mitch ang sitwasyon at saka siya sumingit sa tamang sandali.“Vincent, huwag kang magalit dahil sinasabi ng lahat na hindi maganda ang asawa mo,” malumanay niyang sabi. “They’re just worried about you. Think about it—ilang taon na kayong magkakaibigan. Kahit may nasabi sil

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER THREE

    NGUNIT ang labis na pinalaking pagtatanghal na iyon ay lalo lamang nagdulot ng walang tigil na tawanan sa loob ng private room. Si Mitch, na nakaupo sa tabi ni Vincent, ay halos mapatawa nang husto at napasandal pa sa balikat nito.At si Vincent ay tahimik lang. Wala siyang sinabi kahit isang salita

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER TWO

    NILABAG ni Vincent ang sarili niyang patakaran, uminom siya ng alak. Halata iyon sa boses niya sa video. Medyo lasing na siya. Paos, masigla, at hindi na kontrolado ang sitwasyon.Ngunit si Vincent? Sisigaw ng ganito?Sa alaala ni Kate, si Vincent noong high school ay malamig at mataas ang tingin sa

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER ONE

    SA BANYO, maririnig ang tuluy-tuloy na lagaslas ng tubig. Si Vincent iyon, naliligo. Ala-tres na ng madaling-araw at kakauwi lang niya. Nakatayo si Kate sa tapat ng pinto ng banyo. May gusto sana siyang pag-usapan nila.. May kaba sa dibdib niya, and she wasn’t sure kung papayag ba ito sa sasabihin n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status