Share

CHAPTER TWO

Penulis: Alena
NILABAG ni Vincent ang sarili niyang patakaran, uminom siya ng alak. Halata iyon sa boses niya sa video. Medyo lasing na siya. Paos, masigla, at hindi na kontrolado ang sitwasyon.

Ngunit si Vincent? Sisigaw ng ganito?

Sa alaala ni Kate, si Vincent noong high school ay malamig at mataas ang tingin sa sarili, isang top student na seryoso kapag nag-aaral. Kahit sa sports field, kapag may mga babaeng humahanga sa kanya at nag-aabot ng tubig, ni hindi niya pinapansin. Parang walang sinuman ang pwedeng makalapit.

Nang maging asawa niya si Vincent, lalo pa itong naging pormal, magalang, kontrolado, emotionally stable to the point na halos wala nang emosyon. Hindi kailanman tumatawa. Hindi rin kailanman nagagalit. Palaging malamig. Minsan, kapag hindi sinasadyang nahahawakan ni Kate ang mga daliri nito, pakiramdam niya ay pati temperatura ng katawan ni Vincent ay malamig na parang hindi lang balat ang nagyeyelo, pati puso. Nasasanay na nga siya sa pagiging malamig nito sa kanya.

Sa video, dumaan ang camera sa mukha ng bawat isa. At nakita niya si Vincent. Bahagyang lasing. Kumikislap ang mga mata. Nakataas ang baso. Malakas ang tawa habang masiglang sumisigaw: “Welcome home, Mitch!”

Parang may humigpit sa dibdib ni Kate. Kaya pala… marunong din siyang tumawa. May mga sandali rin pala siyang puno ng init at sigla. Marunong din pala siyang tumawag ng pangalan ng babae.

Hindi lang sa kanya. Hindi siya ang tinatawanan. Hindi siya ang pinapakita ng init.

At lalong hindi pangalan niya ang tinatawag.

“Ma’am Kate, babangon na po ba kayo?”

Narinig niya ang boses ni Ate Nova sa labas ng pinto.

Palaging maayos at regular ang iskedyul ng buhay ni Kate. Kaya nang mapansing wala pa siyang galaw, nag-alala si Nova lalo na at alam nitong may problema ang mga binti ng among babae.

Inilapag ni Kate ang cellphone. “Oo… babangon na po ako. Lalabas na po ako,” sagot niya.

Paos ang boses niya, may bahid ng pigil na hikbi.

Naghanda si Ate Nova ng almusal. Isang pirasong tinapay lang ang nakain ni Kate bago siya tumigil. Wala na siyang ganang ipagpatuloy.

“Ma’am, ano po ang kakainin natin sa tanghali at gabi?” tanong ni Ate Nova habang inaabot ang isang baso ng gatas.

“Kahit ano na lang… basta—”

Sanay na sana siyang sabihin, kung ano ang gusto ng Sir Vincent mo—yun na lang, ngunit sa unang salita pa lang ay nilunok na niya ang kasunod.

Naunawaan iyon ni Ate Nova—dahil araw-araw, pareho lang ang sagot.

“Sabi po ni Sir Vincent, hindi na raw po siya uuwi para kumain ngayon. May lakad po siya.”

Tumango lang si Kate. Syempre hindi siya uuwi.

Kanina lang, sa sa social media, nakita na niya si Mitch ang naglista kung sino ang manlilibre sa susunod na isang linggo at kung ano ang kakainin nila bawat araw.

“Student days’ love is the purest. I’m just a small cute girl with so many kuya who love me!”

Napangiti si Kate ng mapait.

Karaniwan, dalawang oras sa isang araw ang ginugugol niya sa pag-aaral sa kanyang online class, at ilang oras naman sa art theory. Kung hindi siya hahanap ng pagkakaabalahan, paano niya haharapin ang mahabang oras ng maghapon? Gugulin ba niya ang buong buhay niya sa paghihintay ng isang lalaking uuwi?

Naghintay na siya noon. At ang pakiramdam ng paghihintay ay sobrang sakit. Ngunit iba na ang plano niya ngayon. Ang offer na natanggap niya ay kabilang sa huling batch ng university admissions, kaya kailangan niyang magdesisyon agad. Kaya unang ginawa niya ay bayaran ang confirmation fee. Nang lumabas sa cellphone ang notification ng kaltas sa bank account, napabuntong-hininga siya.

Isang araw na naman ang inilapit niya sa pag-alis kay Vincent. Pagsapit ng hapon, nagpalit siya ng damit at naghanda ng lumabas.

Nagulat si Ate Nova nang makita siyang bihis..“Ma’am, saan po kayo pupunta?”

Kung wala si Vincent, bihira talagang lumabas si Kate.

“Ah… may university classmate po ako na may performance dito. She invited me to meet,” sagot niya.

Ang totoo, magche-check in siya sa hotel malapit sa exam venue. May exam siya kinabukasan, at maaga iyon. Kung manggagaling pa siya sa bahay, baka maabutan siya ng traffic. Huling beses na nag-exam siya ay ilang buwan na ang nakalipas at hindi niya nakuha ang target score. Nang dumating ang deadline ng application, nagpasa siya kahit kulang pa at hindi niya inasahan na matatanggap siya, kaya nitong mga nakaraang araw lang siya muling nagpa-schedule ng exam.

Sa kabutihang-palad, pwede siyang magretake.

“Pero…” tumingin si Ate Nova sa mga binti niya, “Sasamahan na lang po kita?”

“Hindi na,” sagot ni Kate na saway taas ng kamay. “Girls’ gathering lang. It would be awkward if may kasama.”

“Kung ganon, ipapaalam ko po kay sir,” giit pa ni Ate Nova.

“Hindi na kailangan,” mahina niyang sabi. “Hayaan mo siyang mag-enjoy. Don’t disturb him. Tatawag na lang ako after para sunduin niya ako.”

Bitbit ang bag niya, lumabas siya ng bahay. Dahil hirap siyang maglakad, ang condominium na binili ni Vincent sa Pasig ay maluwang. Diretsong elevator pababa. Paglabas sa sikat ng araw, hindi niya namalayang yumuko siya lumiit ang tindig, nagsuot ng sombrero, at itinaas ang kwelyo ng damit. Mula nang mapilay siya, nawala ang Kate na puno ng kumpiyansa sa entablado. Ang pilay na si Kate ay nawalan na ng lakas ng loob humarap sa publiko.

Palaging sinasabi ni Ate Nova na kung lalabas siya, mas mabuting kasama niya ang asawa.

At palaging sinasabi ni Vincent na kung wala ito, manatili na lang siya sa bahay.

Ngunit hindi nila alam na mas kinatatakutan niyang lumabas kasama si Vincent. Mas takot pa iyon kaysa sa paglabas mag-isa. Dahil sa bawat matang tumitingin sa kanila, may mga salita na pumapasok sa kanyang isipan na labis siyang nasasaktan.

Such an outstanding man… bakit pilay ang asawa?

Nagbook siya ng sasakyan papuntang hotel. Sa loob ng sasakyan, tahimik siyang nakatingin sa labas nang bigla niyang makita ang kotse ni Vincent na nakaparada sa gilid ng kalsada, sa harap ng isang restaurant.

“Kuya, sandali lang po. Please stop,” mabilis niyang sabi. Sinunod naman siya ng driver.

Bumaba siya ng sasakyan. Kahapon, kaibigan ni Vincent ang nanlibre. Ngayon naman ay si Vincent, ayon sa comment ni Mitch sa social media nito. Hindi niya alam kung bakit, pero pumasok siya sa restaurant.

“May reservation po ba rito, under Mr. Vincent Fuentebella,” sabi niya, kasabay ng pagbanggit sa huling numero ng cellphone nito.

“Sino po sila Maam?”

“I’m here wife,” ani niyang ipinakita ang ID.

Dinala siya ng waiter sa tapat ng isang private room.

“Dito po.”

“Salamat,” sagot niyang pilit na ngumiti.

Sa totoo lang, hindi rin niya alam kung bakit siya pumunta. Sa bahay, sunod-sunod ang bugso ng emosyon. Pero ngayong naroon na siya, wala siyang lakas ng loob itulak ang pinto.

Mula sa loob, rinig niya ang masayang usapan.

“I can’t go home late today, and bawal na rin uminom,” sabi ng isa. “Last night I came home drunk ay nagwala ang reyna sa bahay.”

“Ikaw ba talaga ‘yung kaibigan namin?” tukso ni Mitch. “Didn’t you say before, kahit bumagsak ang langit at lupa, ako ang priority mo? Ngayon under ka na sa asawa? Buti pa si Vincent—solid pa rin!”

Boses iyon ni Mitch, malambing, malambot, parang laging may lambing sa dulo ng salita.

Kaya pala gano’n siya. Kaya pala gano’n ang tipo ni Vincent.

Sayang…

Hindi gano’n si Kate. Kahit pilitin niya ang sarili niya, hindi niya kayang maging malambing ang boses.

“How can Vincent be the same? Kate never even dares to contradict him,” ani ng isang kaibigan.

Muling nagsalita si Mitch. “By the way, Vincent, I heard pilay daw ang wife mo? What happened?”

Walang sumagot.

Pero ang puso ni Kate biglang kumurot.

Sunod-sunod na ang mga salita na narinig niya.

“Honestly, Vincent, naaawa kami sa’yo. You’re rich, good-looking, capable. You could marry anyone. Why someone disabled?” ani ng isa pang kaibigan.

“You’re the best among us. Now that she’s your wife, kahit anong meeting, event, or press conference hindi mo siya maisama. Isn’t that a loss?”

Kaya pala palaging sinasabi ni Vincent na hindi niya kailangang makisali. Na sapat nang manatili siya sa bahay at hintayin ang perang kikitain nito.

Pinupuri siya ng pamilya ni Kate, sinasabing masuwerte siya.

Pero ang totoo… Hindi siya maipakita---maipagmalaki sa mga tao.

Narinig niya ang pilit na tawa ni Vincent. “I still owe her.”

“Owe her? You already paid her so much money. That’s enough! Do you really need to sacrifice your whole life?” bulalas pa ng isang kaibigan.

“Honestly, kahit mag-uwi ka na lang ng rebulto at sambahin araw-araw, may silbi pa.”

“Eh siya? What use is she?”

Pumutok ang tawanan, kasama ang tili at halakhak ni Mitch.

“So… ganyan ba talaga maglakad ang asawa mo?”

Parang umakyat ang dugo ni Kate sa ulo.

Galit. Kahihiyan. At sakit—sabay-sabay.

Itinulak niya ang pinto ng private room. Sa loob, isang eksena ng halakhakan.

Isa sa mga kaibigan ni Vincent, si Norman ay may hawak na baso ng tubig at pilit na paika-ikang naglalakad habang nagbibiro.

“O ayan—ayan—Kate, drink water—sige na—ay! Nadapa! Vincent, buhatin mo ako!”

Tumingin si Kate kay Vincent. Umaasa na kahit sa sandaling iyon, ang asawa niya-- ang lalaking pinakamamahal niya ay magkakaroon man lang ng paninindigan na ipagtanggol siya.
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER FIFTY

    “Kate! Mukhang sinasadya mo na talagang i-provoke ako ah!”May halong galit ang tingin ni Vincent. Sa totoo lang, pakiramdam ni Kate, siya rin ang nagbago. Parang nawala na ’yung dati niyang emotional stability at si Mitch, talagang may malaking ambag doon. “Mukhang nagkamali ako ng tingin sa’yo,” dagdag niya. “Dati akala ko gentle ka, sensible, marunong umintindi. Ngayon, ang galing mo palang manggulo. Tingnan mo si Mitch—”“Ayoko tumingin. Ikaw na lang. Extra look pa, para sakin.”Diretso siyang nag-cut in. Ayaw na niyang marinig kung gaano kabait, kagaling, o ka-special si Mitch.Napikon na rin si Vincent.. “Kung gano’n, huwag kang magsisi kapag pinuntahan ko siya!”Sa pagkakataong ito, talaga niyang isinuot ang earphones. Ibinaba siya ni Vincent sa tapat ng building. “May meeting pa ako mamaya—”Bumaba si Kate at bang!—isinara ang pinto ng kotse. Hindi niya na hinintay na matapos magsalita si Vincent. Ano man ang gagawin niya sa gabi, wala na siyang pakialam.Sa hapunan, nagluto si

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER FORTY-NINE

    “Seryoso ka talaga?” Pangit na pangit ang itsura ng mukha ni Vincent. Kunot ang noo at salubong ang kilay.“Oo.” Hindi naman siya kailanman nagbibiro. Hindi rin siya nagseselos. Hindi rin siya nagtatampo.“Fine.” Tumango si Vincent. “Huwag kang magsisi.”Bumalik siya sa counter at tinuro ang sampung relo. “Lahat ’yan, kukunin ko!”Sa puntong iyon, malinaw na kay Vivian ang lahat, si Kate ang legal wife, at ’yung naunang umalis… tea-flavored third party.Biglang isinara ni Vivian ang glass cabinet. “Pasensya na po, sir. Hindi ko na ibebenta.”Hindi makapaniwala si Vincent. Unang beses sa buhay niya na may tumanggi sa pera niya.“Alam mo bang kung gugustuhin ko,” malamig niyang sabi, “kaya kong bilhin ang buong shop na ito?” ani pa ni Vincent.Umangat ang baba ni Vivian, matigas ang tindig. “Mas pipiliin ko pang mag-bankrupt kaysa magbenta. Maliit lang ako, pero ayokong may lumabas sa kamay ko na mapupunta sa kabit.”“Ikaw—” Halata na talagang napikon si Vincent.Si Kate na ang namagitan

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER FORTY-EIGHT

    Isa-isang tiningnan ni Vincent ang mga invoice, tapos biglang napatawa, isang malamig, mapanuyang tawa.“Shit,” napabuga siya ng hangin.“Sir…” Medyo nag-alangan si Vivian, halatang naguguluhan kung ano ang problema.“Walang kinalaman sa’yo,” malamig na sabi ni Vincent. “Ilabas mo lahat. Lahat ng sampu.”Kahit si Mitch, ramdam na may mali na. Mahinang tumawag, “Vincent…”Sa sandaling iyon, napansin ni Vivian si Kate na dahan-dahang lumalabas mula sa likod. Dahil sa pag-aalala, siya muna ang kinausap nito.“Mabuti naman at bumalik ka na. Okay ka lang ba? Are you alright?” tanong ni Vivian sa kanya..Sabay na napalingon sina Vincent at Mitch at sabay nilang nakita si Kate. Hindi alam ni Kate kung guni-guni lang niya, pero parang naglalagablab ang mga mata ni Vincent.Inasikaso muna siya ni Vivian. “Pwede ka bang umupo muna? Tatapusin ko lang ipakita sa kanila ’yung mga relo, tapos titingnan ko na ’yung ring mo.”“Anong ring?” Biglang naging alert si Vincent, bakas ang matinding pagbabant

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER FORTY-SEVEN

    SA unang pahina ng notebook, malinaw na nakasulat..“100 Little Things About Mitch.”Ang unang nakasulat. “Mitch’s birthday is May 16.” Parang nabitawan ng lakas ang kamay ni Kate, nahulog ang notebook sa sahig.Ang password ng bahay nila ay: 52516. Ang password ng safe ay: 0516.Sa loob ng limang taon, ang tinirhan niya pala ay condominium nina Vincent at Mitch. Biglang parang masikip ang hangin sa paligid. Pinisil niya ang dibdib niya, humihingal, pilit humihinga pero parang hindi sapat ang hangin.“Ma’am Kate…”Boses ni Ate Nova mula sa labas ang nagbalik sa kanya sa ulirat.“Anong kailangan mo?” sagot niya, habang yumuyuko para pulutin ang notebook. Sa ikalawang linya, malinaw pang nakasulat.“Have one or more houses that Mitch likes. Password is her birthday.”Hindi na niya kinayang magbasa pa. Ibinaba niya ang notebook sa loob ng safe, inayos ang lahat, parang walang nangyari.Nasa pintuan si Ate Nova. “Ma’am, nagpadala po si Sir ng fresh crabs. Paano raw po lulutuin?”“Make it s

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER FORTY-SIX

    Sa mga nakaraang araw, parang naging ugali na ng panahon, pagdating ng gabi, laging umuulan. Hindi pa katagalan ng makatulog si Kate, narinig na niya ang mga patak ng ulan sa bintana. Sa bawat paghinga niya, amoy na amoy pa rin ang bango ng tea seed cake shampoo. Pakiramdam niya, parang bumalik siya sa probinsya, sa gabing katabi niyang matulog ang Lola niya. Tahimik. Panatag. Safe. Kaya ang sarap ng tulog niya sa gabing iyon.Nagising siya sa tunog ng alarm clock.Sa unang sandali, lutang pa ang isip niya. Akala niya nasa bahay pa rin siya ng Lola niya kaya sakto lang ang init ng kumot, hindi malamig, hindi mainit. At sa paghinga niya, nandoon pa rin ang amoy ng tea seed cake… at—niyayakap niya ang Lola niya…Sandali.Niyayakap niya ang Lola niya? Bigla siyang nagising ng tuluyan.Imposible. Umuwi na siya mula sa bahay ng Lola kagabi..Pagmulat niya ng mata, unang bumungad ang kwelyo ng dark blue na pajama, tapos pataas—Adam’s apple, at bahagyang stubble sa baba…Parang may sumabog sa

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER FORTY-FIVE

    Siguro nga… meron. Noong high school, crush niya si Vincent. Pero wala siyang lakas ng loob na lapitan ito para magtanong ng lesson. Kahit pa may pagkakataon, siguradong forced situation lang iyon at yung tipong wala na siyang choice.Mukhang amused si Vincent sa alaala. “Naalala mo ba? Anong pagkakataon ’yung lumapit ka sa akin? Tahimik ka noon eh, very demure, sobrang tahimik.”“Hindi ko na maalala,” malamig na sagot ni Kate. Wala siyang ganang balikan ang nakaraan. Sa lagay ng marriage nila ngayon, anong saysay ng pagbabalik-tanaw sa kabataan? Vincent, nostalgic ka ba talaga? Hindi pa ba sapat sa’yo ang pagbabalik ni Mitch?“Ako na lang magturo sa’yo,” sabi ni Vincent habang binubuklat ang spanish book niya. “Matagal na rin akong hindi nag-aaral, pero basics—kaya pa.”Iwinagayway niya ang libro.Napansin ni Kate, habang nagfa-flip siya ng pages, wala na ang silver ring sa kaliwang palasingsingan niya. At kung kaya ba talaga niyang magturo ngayon? Hindi rin sigurado.“Huwag na,” sabi

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER TEN

    Habambuhay niyang dadalhin ang bigat niya ng isang pabigat na hindi niya matakasan, paano nga ba hindi sasakit?Ang taong pinakamamahal niya ay nasa tabi lang niya, pero dahil sa kapansanan niya, hindi siya magawang mahalin ng tunay—paano nga ba hindi mas sasakit?Ang konsensya at ang pagnanais na

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER NINE

    HINDI inakala ni Kate na ibababa ni Vincent ang ulo niya at marahang hinipan ang sugat sa pulso ni Mitch.“Later, lagyan mo ng ointment,” sabi niya sa mahinang tinig. “Para hindi mag-iwan ng scar.”Hindi kailanman nakita ni Kate ang ganitong tingin sa mga mata ni Vincent. Kahit noong naaksidente s

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER THIRTY-EIGHT

    Bahagyang ngumiti si Kate. Sa harap ng taong tunay na nagmamahal sa’yo, wala kang maitatago.“Lola,” sabay akbay niya sa braso nito at isinandal ang ulo sa balikat nito.“Gusto kong mag-aral ulit sa labas ng bansa. Sa tingin mo, okay lang ba?”Si Lola Matilda ang tanging taong kaya niyang kausapin n

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER THIRTY-TWO

    “Pa, may hiya ka pa ba?” Hindi na napigilan ni Kate. Hindi niya talaga maisip kung paanong umabot sa ganitong level ang pagiging maluho ng sarili niyang pamilya. Lumaki silang ordinaryong pamilya—six digits? May naipon na ba ang mga magulang niya ng ganung halaga sa buong buhay nila?Pagkarinig noon

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status