Share

CHAPTER THREE

Author: Alena
NGUNIT ang labis na pinalaking pagtatanghal na iyon ay lalo lamang nagdulot ng walang tigil na tawanan sa loob ng private room. Si Mitch, na nakaupo sa tabi ni Vincent, ay halos mapatawa nang husto at napasandal pa sa balikat nito.

At si Vincent ay tahimik lang. Wala siyang sinabi kahit isang salita na sinabi.

Ngumingiti pa si Awen habang lumilingon. “Vincent, ganyan—”

Hindi pa man niya natatapos ang salitang “ba,” nakita niya si Kate na nakatayo sa may pintuan.

Nanigas ang ngiti niya.

“Ka—te?”

Napatingin ang lahat sa may pintuan. Lahat sila ay natigilan.

Tumuwid ng upo si Mitch mula sa pagkakasandal sa balikat ni Vincent at nakangiting nagsabi,

“Ay, ikaw na pala ang sinasabi nilang asawa ni Vincent? Hi! Pasok ka na. I’m Mitch, his closest friend.”

Tiningnan ni Kate ang lahat ng nasa loob ng private room. Galit na pinukol niya ang mga tao doon.

Sa wakas ay tumayo si Vincent at lumapit sa kanya. “Kate, bakit ka nandito?” sabi niya sa kalmadong tono. “Nagbibiro lang sila. Don’t take it seriously.”

Tiningnan siya ni Kate, at sa sandaling iyon, pakiramdam niya ay ang lalaking ito ay sobrang estranghero. Akala pa naman din niya ay ipagtatanggol siya ng asawa. Iyon pala kapag tinatawanan ng iba ang kanyang asawa, Ang panig na pipiliin niya…Ay ang panig ng iba.

“Oo nga, Jake… sorry ha? Joke lang talaga ’yon. Don’t be mad,” sabay sabi ni Norman habang ibinabalik ang baso.

“Kate!” Lumapit si Vincent at akmang yayakapin siya.

Ngunit biglang naalala ni Kate si Mitch na nakasandal sa balikat nito habang tumatawa. Naalala niya ang kamay na ginamit nito sa banyo. Naalala niya ang sigaw nitong “Mitch” ng marating nito ang kasukdulan.

At bigla niyang naramdaman na ang kamay na iyon ay napakadumi. Mabilis siyang umiwas.

“Kate.”

Nagulat si Vincent sa pag-iwas ni Kate sa kanya. Napabuntong-hininga siya.

“Ako na ang humihingi ng tawad para sa kanila,” sabi niya. “Huwag ka nang magalit, okay? Pag-uwi natin, I’ll buy you a gift. Anything you want.”

Mapang-asar ngunit malambing na tumingin si Mitch kay Norman.. “Tingnan mo, ginalit mo pa ang asawa ni Vincent. Hindi lahat tulad ko na makapal ang mukha at okay lang sa kahit anong biro.”

Palihim na napatawa si Kate. Talagang nakakagigil ng mga salitang iyon. Ngunit malinaw na hindi iyon napansin ng mga lalaking naroon at sa halip, gustong-gusto pa nila. Biro na puro insulto.

Hindi natuwa si Norman matapos masita. “Humingi na nga ako ng sorry! Hindi ko rin alam na bigla siyang darating. Joke lang naman.”

“Ang biro ay nagiging biro lang kapag natawa ang pinagbibiruan,” ani Kate na nanginginig ang boses dahil sa galit.

Parang ginugol na niya ang lahat ng lakas ng loob na meron siya para lang masabi iyon. Isa siyang pilay. Hindi siya karapat-dapat kay Vincent.. Ang paniniwalang iyon sa loob ng limang taon ay parang sumpang nakakadena sa kanya.

Sa tuwing may matang nagdududa, sa tuwing may tinging minamaliit siya. Ang ginagawa lang niya ay umatras. Magkubli, parang isang ibon sa lungga nito. At manatiling nakatago na mag-isa, para pagalingin ang sarili.

Pagkarinig ni Norman sa sinabi ni Kate ay bumulong pa rin ito. “Pero nag-sorry na nga ako ah.”

“Hindi… Hindi ko tinatanggap…” mas lalo pang nanginig ang boses ni Kate.

Ito ang unang beses na direkta niyang hinarap ang pangungutya. Sobra na.

“Then what do you want?” bulong ni Norman.

Hindi rin alam ni Kate kung ano ang gusto niya. Umiling lang siya. Hindi niya tinatanggap ang panlalait ng kaibigan ng kanyang asawa. At hindi niya tinatanggap na ang kanyang asawa ay nakatayo sa panig ng kaibigan nito.

“Tama na. Stop it,” wika ng asawa niya…Tumayo si Vincent at humarang sa pagitan nila ni Norman.

Siya ang lider ng magkakaibigan ito. Pagkatapos ng kolehiyo, si Vincent ang nanguna sa kanila. Sa talas ng isip niya sa negosyo at sa bilis ng pagpapatupad, doon nila naitayo ang kompanyang kinalalagyan nila ngayon.

Kaya sa sandaling magsalita si Vincent. Walang isa man ang nangahas pang magsalita.

“Kate,” sabi ni Vincent, nakatingin sa kanya at kalmado pa rin, gaya ng dati. Lubhang taliwas sa mga matang may ningning na nakita niya sa video ni Mitch.

“Matagal ko nang kaibigan ang mga ito. Wala silang masamang intensyon. They’re just joking. For my sake, patawarin mo na sila. I’ll ask the driver to take you home.”

“Kate…” nakanguso si Mitch habang lumalapit sa tabi ni Vincent. “Kung may magagalit ka man, sa akin na lang. Don’t avoid Vincent because of this. Dahil sa pagbabalik ko kaya may gathering ngayon. Vincent, yayain mo na rin siya mag-dinner dito. I’ll raise a glass to apologize.”

Umangat ang kilay niya.. Inalok pa siya nito ng juice. Talagang isang napakasarap na juice. “Pasensya na,” sabi ni Kate habang nakatingin kay Vincent.

Kung hindi ito pumayag, hindi mangangahas magsalita nang ganito si Mitch.

Pinipigilan niya ang sakit na kanyang nararamdaman.. “Hindi ako umiinom ng alak,” sabi niya, “at lalong hindi ako umiinom ng juice na may lasang juice,” pauyam niya pang sagot.

Agad na parang maiiyak si Mitch at tumingin kay Vincent. “Vincent, iniinsulto ba niya ako? I—”

Nagkunwari si Mitch pinipigilan ang luha. “Okay lang… okay lang. Maybe I misunderstood her. It’s fine if she scolds me. Don’t blame her.”

Sumeryoso ang mukha ni Vincent. “Kate, mabuti ang intensyon ni Mitch. Why do you have to be so harsh?”

Mabuting intensyon? Tanging tanga lang ang mag-aakalang mabuting intensyon iyon.

Tanga ba si Vincent? Hindi...

Pinili lang niya kung kanino papanig. Kung saan nakaharap ang puso niya. Iyon ang tama. Tiningnan ni Kate ang dalawang taong nasa harap niya, at ang ilan pang nakatayo sa likuran nila. Pakiramdam niya, may isang malalim at hindi matatawirang bangin sa pagitan nila. Sila ang magkakampi. Isang buo at matibay na grupo. At siya ay isang taong biglang pumasok sa mundo nila. Kahit minsan ay hindi siya tunay na nakapasok. Kahit manatili sa gilid, isa pa rin siyang labisan. Isang hindi kailangang tao.

Pinipigilan ang mga luha, marahang natawa pagkatapos irapan ang mga ito at tumalikod palabas. Sa likuran niya, narinig ang boses ni Mitch, “Vincent, ganyan ba talaga si---

“Ayos lang,” sagot ni Vincent. “She knows how to understand. Pag-uwi namin, I’ll talk to her. Let’s continue. Just ignore this.”

Sa dilim, tumalikod si Vincent at nagpadala ng message sa driver para sunduin si Kate. Gusto sana ni Kate na umalis nang maayos. Matatag. Ngunit hindi niya kaya. Habang mas emosyonal siya, mas lalo siyang paika-ika. Sa sandaling iyon ang itsura ba niyang nagmamadaling lumalabas, balisa at wasak ay hindi ba kamukha ng ginaya ni Norman kanina?

Siguro, pagkatapos niyang umalis, mas lalo pa silang tatawa, mas lalo pa siyang pinagtatawanan. Pinunasan niya nang madiin ang luha at mas binilisan ang lakad. Mas mabilis. Mas paika-ika.

Nang makahabol sa labas ang driver ni Vincent ay wala na roon si Kate. Bumalik ang driver at ipinaalam iyon kay Vincent. Bahagyang kumunot ang noo ni Vincent at tinawagan si Kate ngunit walang sagot.

Tinawagan niya ulit pero pinapatay ang tawag niya. Maya-maya, naka-off na ang cellphone ni Kate.

Hindi pa rin mapakali si Norman dahil sa nangyari..“Vincent, honestly, masyado mo siyang kinukunsinti. Sa estado mo ngayon, sa itsura mo, kahit sinong babae ang pakasalan mo, aalagaan ka sa bahay. Siya pa ang may ganang magtampo. You’re too kind.”

Tahimik si Vincent.

Sumuporta ang iba sa sinabi ni Norman.

“Tama si Norman. Ang dami mong isinakripisyo para sa kanya, para sa pamilya niya. Pagod ka na sa labas, hindi ka niya inuunawa. Maliit na bagay lang, nagtatampo na. Tama ba yun?”

“Oo nga. Ang pakasalan mo siya, sobrang swerte na niya. Kung hindi, bilang isang pilay, sino pa ang tatanggap sa kanya? Kung hindi mo siya pinakasalan, ang makakatuluyan lang niya ay kapwa may kapansanan.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER 200

    “Hindi kasi makatingin si Mitch sayo dahil masyado kang mataray…”Hindi na natapos ni Vincent ang sasabihin niya dahil eksaktong dumating ang taxi. Wala nang balak si Kate na makinig pa. Sumakay siya at mariing isinara ang pinto.Mataray? Napatawa siya nang mapait habang nakaupo sa likuran ng sasakyan. Napakaironic naman. Ang babaeng minsang nagtangkang sunugin siya nang buhay ay inosente at kaawa-awa sa paningin ni Vincent.Samantalang siya, na siyang tunay na biktima, ay siya pa ang masama.Siya pa ang mataray. Napahawak siya sa dibdib. Mabuti na lamang at malapit na siyang makaalis. Malapit na siyang makawala sa dalawang taong ito. At higit sa lahat, may bago pang buhay na naghihintay sa kanya. Kung hindi dahil doon, baka matagal na siyang nalunod sa sama ng loob at naging isang taong puro hinanakit na lamang ang laman ng puso.Pagkauwi niya ay agad siyang naligo, kumain ng kaunti, at pagkatapos ay tumawag sa kanyang lola sa pamamagitan ng video call.Hindi siya pwedeng madalas pumu

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER 199

    PAGKABABA ni Kate mula sa sasakyan, kasabay ng pagdampi ng mga paa niya sa lupa ay may narinig siyang pamilyar na boses.“Vincent——”Napapikit siya ng bahagya. Si Mitch na naman. Parang saan man siya magpunta, laging may Mitch na biglang sumusulpot. Nagulat din si Vincent nang makita ito.“Bakit nandito ka?”Masayang ngumiti si Mitch at agad na lumapit sa kanya.“Hindi ba sabi mo bibilhan mo ako ng milk tea? Mula sa pinanggalingan mo hanggang sa lugar kung saan mo ako susunduin, dito lang sa mall na ito may branch ng gusto kong milk tea kaya naisip kong dito na lang kita hintayin. I wanted to see you earlier.”May halong lambing at kilig ang boses nito habang nakatingin kay Vincent. Samantala, si Kate ay tahimik lamang na nakatayo sa gilid ng kalsada. Nakabook na siya ng masasakyan at apat na minuto na lang ang hihintayin niya.Nang mapansin siya ni Mitch, agad itong nagkunwaring nagulat. “Ay! Kate, nandito ka pala? I didn't know.”“Mmmm,” simpleng sagot ni Kate. “May inayos lang kami.

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER 198

    AT parang sinadya ng tadhana. Sa mismong sandaling sumagi sa isip ni Kate ang pangalan ni Mitch, tumunog ang telepono ni Vincent. Pagkasagot pa lamang ng tawag ay narinig agad niya ang matamis at malambing na boses mula sa kabilang linya.“Vincent...”Napapikit si Kate. Si Mitch ang nasa kabilang linya.. Sino pa nga ba? Mabilis na nagsuot ng Bluetooth headset si Vincent. At agad na lumambot ang boses nito.“Hey.” Napakalambing ng boses nito kay Mitch. Napakaamo. Parang bawat salita ay may kasamang pag-aalaga. Hindi man marinig ni Kate ang kabilang panig ng usapan, sapat na ang mga sagot ni Vincent upang maintindihan ang nangyayari.“Okay, susunduin kita. Hintayin mo ako diyan, okay?.”“Mmmm.”“Gusto mo bang dalhan kita ng milk tea?”“Sige, bibilhan kita.”Mapait na napangiti si Kate.Alam na alam na niya ang susunod. Kaya bago pa man ito makapagsalita, siya na mismo ang nagbukas ng pinto at bumaba ng sasakyan.“Kate!”Agad ding bumaba si Vincent at mabilis siyang hinarangan. Napatingi

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER 197

    “Kapatid mo pa rin siya.” Maikli ngunit mabigat ang sagot ni Vincent habang mas diniinan niya ang silinyador at pinabilis ang takbo ng sasakyan.Napatingin si Kate sa kanya. May gusto sana siyang sabihin. Pero hindi naman siya maaasahang tao. Hanggang doon lang iyon sa isip niya.Hindi na niya itinuloy. Wala nang saysay.Sa loob ng limang taon, paulit-ulit nang ipinakita ng pamilya niya kay Vincent kung gaano sila kagulo, kasakim, at kahirap pagkatiwalaan. Hindi mabilang na beses na niyang pinayuhan si Vincent na huwag nang tulungan ang pamilya niya, huwag nang bigyan ng pera, at huwag nang pagbigyan sa lahat ng gusto nila.Ngunit iisa lang palagi ang sagot nito. “Pamilya mo pa rin sila.”Noong mga panahong iyon, iniisip ni Kate na mahaba pa ang hinaharap nilang mag-asawa. Akala niya, unti-unti ring maaayos ang lahat sa paglipas ng panahon. Hindi niya inasahan na ang pagbabalik ni Mitch ang magsisilbing mitsa ng lahat ng matagal nang nakatagong problema.Sa isang banda, mabuti na rin s

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER 196

    HINDI binitiwan ni Vincent si Kate hanggang makarating sila sa parking lot. Maingat niya itong pinasakay sa sasakyan. Pagkatapos ay umikot siya at naupo sa driver's seat. Ngunit nang maisara niya ang pinto, agad na nagbago ang hangin sa loob ng kotse.Parang may unos na biglang namuo.“At ikaw!” biglang sabi ni Vincent.Napakurap si Kate. “Ano na naman?”“Napakalaki ng lakas ng loob mo!” inis na wika sa kanya ni Vincent.Tuluyan siyang naguluhan. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lamang itong nagalit. Napansin marahil ni Vincent ang pagtataka niya kaya napabuntong-hininga ito. Huminga muna nang malalim bago nagsalita.“Sabihin mo nga sa akin, paano mo nalaman ang ginagawa ni Benjie?”Hindi naman maaaring banggitin ni Kate ang boyfriend ni Vivian na tumulong sa kanya kaya nagkibit-balikat siya.“Kapatid ko siya. Kilala ko ang ugali niya. Hindi ko naman alam ang lahat. May mga hinala lang ako kaya pumunta ako roon para takutin siya at paaminin.”Napatawa si Vincent. Ngunit hind

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER 195

    SA harap ng napakabigat na pagpipiliang iyon, unang beses na nakita ni Kate na nag-alangan ang ama. Samantala, si Benjie ay halos mawalan na ng ulirat sa takot.“Pa! Pa!” umiiyak nitong sigaw habang nakaluhod sa sahig. “Hindi mo pwedeng pabayaan ako! Ayokong makulong! Pa, iligtas mo ako!”Napatingin si Oscar kay Kate at pagkatapos ay kay Vincent. Puno ng pag-aalinlangan ang mukha nito. “Anak...” mahina nitong sabi, “mas mabuti pang sa ate at bayaw mo ikaw makiusap. Ano bang magagawa ko? Wala naman akong pera at wala rin akong kapangyarihan. Bakit ako ang pinipilit mo?”Si Benjie ang paboritong anak ni Pina. Kaya nang marinig nito ang sinabi ng asawa, agad itong nagliyab sa galit.“Kung pipirmahan mo lang ang waiver, tapos na sana ang problema!”Napangiwi si Oscar dahil sa narinig. “Eh hindi nga ako kusang pumapayag! Paano mo sasabihing voluntary iyon kung pinipilit ako?”“Anak mo siya!” sigaw ni Pina. “Pababayaan mo siyang makulong?”Biglang nag-iba ang ekspresyon ni Oscar. Sanay itong

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER SIXTY-SEVEN

    “Vincent, bakit hindi ka na lang sumama kay Mitch? Why bring me here?” tanong ni Kate, hindi maitago ang pagkalito.Napatawa si Vincent, ngunit may halong galit ang tono. “Mrs. Fuentebella… I didn’t know you’re this generous. Kung ganito pala, dapat noon pa ako naghanap ng sampu o higit pa.”Hindi s

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER SIXTY-FIVE

    Hindi ba’t umalis na si Vincent kasama si Mitch? Bakit nandito pa siya? Hindi niya mapigilang tanong sa kanyang isip.Nakatayo si Vincent sa paanan ng hagdan, suot pa rin ang suit niya mula sa party. Sa gitna ng mga elite, hindi siya nagpapahuli, nananatili ang tindig at presensya niya. Ngunit halat

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER SIXTY-FOUR

    Gaya ng inaasahan ay lumapit si Vincent kay Mitch. Pagkakita pa lang nito sa kanya, parang agad nakahanap ng sandigan si Mitch. Bigla itong umiyak, mahina at tila nagpapaawa. “Vincent… I didn’t. I really didn’t… I just. I saw Mrs. Miller and got excited. I wanted to approach her, to help you, to be

  • A Crippled Wife in a Cold Marriage   CHAPTER SIXTY THREE

    Nagbago ang mukha ni Mitch. Napatingin siya kay Vincent, tila naghahanap ng paliwanag sa mga mata nito kung bakit ganito ang trato ni Mrs. Miller kay Kate? Si Vincent naman ay halatang naguguluhan din. Hindi niya maintindihan kung kailan pa nagkaroon ng koneksyon ang asawa niya sa pamilya Miller..

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status