KUMAKAIN si Mia mag-isa ng hapunan na walang kasalo. Nang matapos nilang magbaliw-baliwan ni Cyrus ay nagpaalam ito na may pupuntahan lang daw saglit. Samantala si Jondray naman ay wala pa rin, umaga na iyon umalis ngunit hindi pa rin bumabalik. Siguro ay kasama ng binata ang kasintahan nito tuwing linggo. Nakakainis mang aminin pero nasasaktan siya sa isipang iyon. Hanggang kailan ba niya isasaksak sa isip niya na isa lamang siyang maid. Pero ang isip niya habang tinatakwil si Jondray at pilit binabaon sa limot ang mga nangyari kagabi, mas lalo pa ‘yatang hinahanap ng isip niya ang binata. What happened to her? Did she fall in love with that man? “Enjoying your dinner?” “Ay, gwapong butiki ka!” Mabilis na gumalabog ang puso niya ng marinig ang boses ni Jondray mula sa likuran niya. Nagulat siya dahil kanina pa niya iniisip ang binata tapos bigla-biglang susulpot. Pero mas nagulat siya sa lumabas mula sa kanyang bibig. Anong sabi niya!? Gwapong butiki. Nang humarap siya sa binata
Umiba na ang aura nito, umaliwalas bigla ang mukha nito ng makita ang kabuuan niya at tinitigan siya. Sinuri nito ang itsura niya mula ulo hanggang paa. She was wearing a beautiful white dress that reached down to her ankles, and she had her hair pulled up into a high bun. She looked absolutely stunning. Ang binata pa ang bumili nito at ipinasuot sa kanya para daw maayos ang itsura niya pagbisita sa kanyang pamilya. “What a beautiful lady.” Manghang komento ni Cyrus sa kanya. “Pwedeng sumama?” “No, you can’t.” Mariin na pigil ng binata kay Cyrus. Cyrus instantly smiled while looking at her. "Why? Are you going on a date?" “Just shut the fuck up.” Seryosong wika nito na pareho nilang ikinatahimik ni Cyrus. “Let’s go, Mia.” Anito. Jondray took her by the arm and pulled her towards his car, opened the passenger seat for her, and let her inside. Parang may kuryente na dumaloy sa buong katawan niya dahil sa simpleng paghawak nito sa kanya. Kaagad na kumabog ng mabilis ang puso ni
Tumango siya sa kapatid niya na mukhang nahihiya kaya naisip umalis. Binalingan naman niya si Jondray na kanina pa tahimik sa tabi niya nang umalis ang kanyang ina’y. Kumunot ang noo niya dahil umiikot ang tingin nito at sinusuri ang mga nakasabit na picture frame sa ding-ding nila. Tumigil ang mga mata nito sa family picture nila. Kung saan kumpleto pa sila at buhay pa ang kanyang tatay. Tumikhim muna ang binata na mukhang may gustong itanong. “Nasaan na ang tatay mo?” Malungkot na ngumiti si Mia. “Wala na siya. Matagal na rin siyang patay.” May simpatya na tumingin sa kanya ang binata. “Sorry. Hindi ko na dapat tinanong pa iyon.” Nginitian niya ang binata at saka tumayo upang kunin ang picture frame nila na nakasabit. Nang makuha niya iyon, muli siyang umupo sa tabi ni Jondray. “Namatay siya na tanging sulat lamang ang iniwan sa akin. Hanggang ngayon ay hindi ko iyon binabasa dahil masakit sa kalooban ko ang naging dahilan kung bakit siya namatay.” Muling bumalik sa isip ni Mia
ININAT NI Mia ang mga braso niya kasabay ang pagmulat ng mga mata niya at magaan ang pakiramdam niya na umupo mula sa pagkakahiga. Nang masilaw siya liwanag na tumatagos sa kurtina na puti mula sa bintana ng silid niya ay bumangon na siya ng tuluyan. Ang gaan ng pakiramdam niya sapagkat iba ang pakikitungo sa kanya ni Jondray simula nang magpunta sila rito sa kanila. Alam niyang palabas lamang ang lahat, alam niyang pagpapanggap lamang ang lahat pero masaya siya kahit na hindi totoo ang meron sa pagitan nila. Akmang aalis na siya sa pagkakahiga para ayusin ang sarili ng bumukas ang pinto ng silid at pumasok mula doon si Jondray na may dalang maliit na tray at puno ng pagkain ang nasa tray na dala nito. May isang basong gatas, tinapay, palaman at prutas. Tahimik lamang itong naglalakad at kunot ang noo niyang sinundan ng tingin ang binata, inilapag nito ang dalang tray sa side table. Kakain siya sa loob ng kuwarto? Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ng lalaking ‘to. Pagka-usa
Inabutan kaagad sila ng menu pagkaupo nila at pumili sila ng kakainin nila para sa agahan. Ang alam ni Mia, nag-agahan na ang binata kasabay ang mga kapatid niya at ang kanyang Nanay, pero heto mukhang sasabayan siya ulit nito kumain. Malakas kumain ang binata pero ang pangangatawan nito ay mala-adonis. And yeah, pinagpapantasyahan niya iyon habang naghihintay sila sa order nila. “Tahimik ka.” Pansin ni Jondray sa kanya. Naglalaro ka kasi sa isip ko. Ayun ang gustong sabihin ni Mia. “Ah, wala naman kasi akong dapat sabihin.” “Bibigyan kita ng pahintulot na magtanong sa akin, And after that, I will ask you a questions as well.” “Kahit ano?” Paninigurado niya sa binata. Tumango-tango ang binata. Argh! Pagkakataon na niya itanong ang buong pangalan nito. Umayos si Mia nang upo at saka pinagkatitigan ang binata na komportableng nakasandal ang likod sa upuan habang nakatitig rin sa mga mata niya. Walang kurap-kurap na nagtanong si Mia. “Ano ang buo mong pangalan?” Jondray smiled at
“ANAK, NGAYON na ba talaga kayo babalik ng Maynila?” Tanong ng ina’y ni Mia habang palabas sila ni Jondray ng bahay. “Hindi ba pwedeng bukas na lang kayo umalis?” Bakas ang lungkot sa mukha ng kanyang ina’y kaya naman niyakap niya ito nang mahigpit. “Nay, baka hindi na kami makaalis niyan kakapigil mo.” Sabi niya sa gitna ng pagyayakapan nila. Pinakawalan siya nito sa pagkakayakap at hinaplos ang buhok niya pababa sa kanyang pisngi. “Dumalaw kayo sa susunod na buwan. Mamimiss kita.” Ngumiti siya. “Opo ina’y. Pangako, babalik kami sa susunod na buwan.” “At ikaw naman Kiffer. Salamat sa pagmamahal mo sa anak ko. Ikaw na ang bahala sa kanya. Alagaan mo siya.” Nangingiting sumagot si Jondray. “Ako po ang bahala kay Mia. Aalagaan ko po siya.” Mabilis na napabaling si Mia kay Jondray nang marinig ang boses nito sa tabi niya. Kakaiba ang kislap ng ngiti sa labi nito na para bang tunay ang mga sinabi nito. Pagbalik nila sa Maynila, babalik na ulit ang lahat sa dati, babalik na ulit ang
“Nasaan si Mia?” Nakayukom ang kamao na tanong niya sa lalaking may malaking ngisi sa labi. Motherfucker, malalaman ko rin ang pagkatao at intensyon mo, fucker! Namulsa pa ang gago. “Anong ginagawa mo dito?” Mayabang na tanong ng lalaki. “Hindi ka welcome sa bahay ko. Ano ba kasi ang ginagawa mo dito, huh?” Hindi niya pinansin ang tanong ng lalaki. Dere-deretso siyang naglakad papasok sa loob ng kabahayan at halos halughugin niya ang kabuuan ng bahay para lang makita ang dalaga. Nang hindi niya makita si Mia, handa na siyang pumasok sa silid na nakita niyang nakasarado ng bumukas iyon at lumabas doon ang dalaga. May bitbit itong maleta at sa kabila naman ay bag. Kaya pala wala na ang mga gamit nito sa guest room sapagkat dinala na nito ang mga gamit nito. Hindi niya alam kung bakit biglaan itong umalis sa puder niya na walang paalam. Pero isa lang ang alam niya, meron itong matinding dahilan at iyon ang kailangan niyang alamin. “Mia…” Napatil ito sa paghakbang at saka napatingin
Hinalungkat niya ang malaking cabinet na nasa kuwarto ni Jondray na may mga dami na panlalaki hanggang sa makakita siya ng puwede niya magamit na pangbabae. Napapaisip tuloy siya kung sino ang nakakasama ng binata sa bahay bakasyunan na ito dahil may mga pambabae na gamit. She, then took a bath to clean herself. The cold water on her face, trying to wash away her worries. Nang matapos siyang maligo at magbihis ay inayos niya muna ang buong kuwarto na medyo magulo. Sigurado siyang palaging nandito si Jondray at ang kasintahan nito dahil magulo ang kuwarto na mukhang palaging ginagamit. Kaya pala madalas wala siya sa bahay. Pagkatapos masiguro na malinis at maayos na ang kuwarto ay lumabas na siya ng silid upang magtungo sa kusina kung saan pinapapunta siya ni Jondray. Malawak ang kabuuan ng bahay-bakasyunan pero iisang silid lang, maliit na living room at may kusina na makikita kaagad dahil wall lang ang pagitan ‘nun sa living room. Napatigil si Mia sa paghakbang at bahagyang umawan