Share

The Vain Man

Gilliane honestly thought everything would be easy for her if she was in an unfamiliar place. Na hindi niya na maiisip pa si Stefan. Hindi niya babalikan ng babalikan sa kanyang isipan ang mga bangungot na nangyari. Hindi niya paulit-ulit na itatanong sa kanyang sarili kung bakit hindi siya para kay Stefan at hindi na sasagi sa isip niya ang tanong kung bakit nagawa nitong maghanap pa ng iba kahit na ibinigay naman niya ang lahat dito at hindi siya nagkulang kahit kailanman bilang partner nito.

Inakala niya na hindi na siya iiyak ng iiyak kada gabi at hindi na maiisip ang malaking kahihiyang nangyari sa kasal niya. Ang kahihiyan ng pamilya niya na alam niyang apektado din dahil sa pagtalikod nito sa kanya sa mismong araw pa na pinaghandaan din ng mga magulang niya. 

Hindi siya pinabayaan ng matalik na kaibigang si Phoebe. She had always been with her. Sinikap siya nitong aliwin at ibaling sa ibang bagay ang atensiyon niya. She and her boyfriend Jerome brought her out to dinners, to bars, malls and any place just to entertain her. 

Ipinakilala siya ng magkasintahan sa ilang mga kaibigan at dinala sa mgagandang lugar na alam ng mga ito para lamang maaliw siya at makalimutan kahit papaano ang mga nangyari. They were shopping with her and bring her in some beaches to relax. Jerome even let her hang around in his own penthouse to see the relaxing beautiful view of the city. He even join her for a drink and continuously listen to her dramas. 

Kahit pa nga inilabas niya lahat lahat ng frustrations, hate and drama niya sa lalaki na kunway ito si Stefan ay pinaagpas nito para lamang sa kanya. He accepted every painful words she gave him para lamang mailabas niya ang kanyang sama ng loob at naniniwalang lilipas din lahat at makakalimutan niya ang dating kasintahan.

Alam ni Gilliane na nakakaapekto na siya sa relasyon ng magkasintahan pero hindi pa rin siya ng mga ito iniwan sa ere at hinahayaang mag-isa. Kapwa man abala ang dalawa sa ospital sa umaga at sa gabi na lang ang free time ng mga ito sa isa't-isa, ngunit inaasikaso pa rin siya ng mga ito pagdating ng gabi.

Wala ng panahon sina Phoebe at Jerome para sa lambingan. They didn't mind, Gilliane knew, but she also knew they needed some time together. Iyong silang dalawa lang na kagaya ng ibang normal partners though their relationship was relatively new. Jerome was Phoebe's first serious relationship in a very long time. Ayaw na ni Gilliane na makaabala pa sa dalawa o makisingit pa sa mga nakatakdang schedule ng mga ito.

Kaya naman tinanggap niya ang imbitasyon ng ina ni Phoebe na manatili muna siya sa Tagaytay at doon muna pansamantalang maglibot. Maganda daw doon at makakapagrelax siya papaano dahil tahimik at hindi kasing gulo at ingay ng Maynila.

Her best friends house was so lovely with a lovelier view. The place was peaceful and nobody can hear her even she screams of her frustrations in life. Napakatahimik at napakapayapa ng lugar. Tanging mga ibon lamang ang maririnig pati ang huni ng panggabing mga kuliglig. Perpekto ang lugar upang mapayapa ang kanyang isip at sugatang puso. Para makapag-isip siya at kahit papaano ay hindi marinig ang ingay ng magulong lungsod.

Ngunit sa hindi malamang dahilan, lalo lang siyang nalulungkot, lalo lamang niyang naiisip ang lahat. Lalo lamang nagsusumiksik si Stefan sa utak niya pati ang mga masasakit na alaala. Every details of jer painful past.

Kada umaga, pahirap nang pahirap ang pagbangon sa higaan. Sa gabi, mas nadadalas ang kanyang pag-iyak at halos ikapuyat niya ang sobrang kalungkutan. Pakiramdam niya ay lalo lamang siyang mababaliw sa lugar na ito dahil lalo lamang niyang naiisip si Stefan dahil sa katahimikan ng paligid. Dahil sa tahimik ng lugar kaya lalo lamang bumabalik sa isip niya ang bawat detalye ng sakit na nangyari.

After a week, she went back to the city. Hindi niya natiis na manatili sa Tagaytay dahil baka anumang oras ay lalong ikabaliw niya.

Pagkabalik niya ng Manila, walang nadatnan si Gilliane sa condo unit ni Phoebe dahil abala ang kaibigan sa isang operasyon na aabutin pa ng ilang oras. Kaya naman napagpasyahan niya na lamang na lumabas para kumain ng dinner at magmasid masid sa paligid. Malamang na pagod na si Phoebe pag-uwi at ayaw niyang mag-abala pa ang kaibigan sa kanya.

Nagpakabusog siya nang husto sa Filipino food. Ikinain niya lahat ng lungkot na nadarama sa puso dahil nabatid niyang bihirang-bihira siyang kumaing mag-isa sa labas. Palagi niyang kasama si Jerome o 'di kaya ay ang kaibigang si Phoebe. Sinikap niyang gawing abala ang mata sa pagmamasid sa paligid at ibaling ang atensiyon sa in-order na pagkain para mapigilan ang sariling maiyak na naman sa loob ng restaurant dahil sa lungkot na lunulukob sa kanya.

Pagkakain ay naglakad-lakad si Gilliane. Sinabi sa kanya ni Jerome na hindi gaanong ligtas ang lansangan ng Kamaynilaan. Huwag daw siya basta-basta na lamang sasakay sa taxi o makikipag-usap sa hindi kakilala. Marami na ang nagbago sa lugar. Dati ay kabisado ni Gilliane ang mga daan pati mga establishment sa paligid. Wala nang gaanong pamilyar sa kanya sa Maynila.

Nang may madaanang bowling place ay sinubukan niyang maglarong mag-isa, at dahil may billiards table din doon ay hindi niya iyon pinalagpas. Pinagod niya ang sarili kahot na mag-isa lamang siyang naglalaro. Wala siyang pakialam kung may mga nakatingin sa kanya ng mga oras na iyon. Ibibaling niya sa cue ball ang nararamdaman niyang lungkot at galit ng mga oras na 'yun. Nang makaramdam ng pagkainip ay umalis an rin siya at naghanap ng iba pang mapapagkaabalahan.

Sa halip na sumakay ng taxi ay pinili na lamang niyang maglakad. Hindi siya sigurado kung gaano katagal na siyang naglalakad dahil kahot papaano ay nalibang naman siya sa mga nakikita niya sa paligid. Hindi niya alam kubg nasaang parte na siya ng mga oras na 'yon o kung gaano na kalayo ang narating niya sa paglalakad nang mapukaw ang kanyang atensiyon ng isang mailaw na signage ng bar. Nasa rooftop iyon ng isang matayog na building. Hinanap niya agad ang entrance at walang atubiling pumasok dito.

The bar she entered was sophisticated and quiet. May mga cubicles sa enclosed and air-conditioned area para naman sa mga customer na gusto ng privacy. 

She ordered a bottle of white wine at mas pinili ang isang table sa labas kung saan kaunti lamang ang naka-upo. Hindi pa man siya nakakaupo ay napahanga na siya agad sa nasulyapan. Nakikita kasi roon ang napakaganda at napakakulay na view ng siyudad. Samu't-saring makukulay na ilaw na tila sumasayaw sa paligid ng builing na iyon. Ngumiti na lamang siya bagu hilahin ang upuan at maupo.

Tahimik siyang uminom habang nakatitig sa view. Bahagyang dumaan sa isipan niya na kunan ng larawan ang magandang view upang mai-post sana sa I*******m, ngunit kaagad din niyang naalala na wala pala siyang cell phone na dala at deactivated na ang lahat ng social media accounts niya.

Nagpakawala siya ng buntong-hininga dahil sa isiping iyon.

"Is this seat taken?"

"I'm---" Natigil si Gilliane sa pagsasalita at napatingin sa lalaking nagtatanong. Hindi siya kaagad sumagot dito, pinakatitigan niya ang mukha ng lalaki. The first thought that came to her mind was, he needed some shave. The second thought was that this unbelievably gorgeous man looked familiar. Hindi lang niya maalala kung saan at kung kailan sila nagkaharap, pero alam niyang nakita na niya ito sa kung saan. Pati rin kasi ang tinig nito ay bahagyang pamilyar sa kanya.

"Do you mind if I join you, Miss?" Isang matamis na ngiti ang nakapaskil sa mukha ng lalaki. Nakikita niya ang kislap ng paghanga sa mga mata nitong nakatunghay sa kanya. He was looking at her like she was the prettiest girl in there. Like he doesn't want to move his eyes away from her.

Gilliane's third thought was that the man was dangerous for her. He was too gorgeous and he even looked like he wanted to flirt with her. 

She had never been good at flirting. She was never been good at boys who were obviously interested in her. She had always been with Stefan, only him.

Hindi na siya nagkaroon pa ng karanasan sa iba kahit gwapo pa o interesado sa kanya. She never entertained any boys before. Kahit pa anak ng kung sinong mataas na tao o kaya ay modelo man. She doesn't care. Kuntento na siya noon sa boyfriend niyang si Stefan.

"Join me, then." wika ni Gilliane nang maiproseso sa isipan ang nangyari. May isang bahagi sa kanya na nais kutusan o kurutin ang sarili, itanong kung sigurado ba sa nais niyang gawin. Was she ready to meet new people or meet new guys? 

Nope, she was not ready. Nais lang marahil niyang subukan ang kanyang kakayahan. Nais niyang alamin ang kanyang limitasyon o kung hanggang saan ang kaya niyang gawin. She had some girl friends who were comfortable flirting in the bar. Some of her friends also didn't mind going out with other guysthan their boyfriends. But, she had never been that girl. Ang sabi ng kanyang mga kaibigan, iyon ay dahil sa Filipina siya at pinalaki sa isang konserbatibong tahanan. Noon, kahit na humanga o kiligin sa ibang lalaki ay hindi niya ginagawa. She been too faithful. 

Masyado lang din marahil siyang nalulungkot at kailangan niya ng makakausap o makakasama.

She was not going to bed with this man, katwiran ng utak niya. Gilliane just wanted to know how a man like this operate. How does flirting works. 

Nais niyang makita kung paano siya nito aakitin o lalandiin, kung may mga killing words ba ito para lamang mapa-oo ang babaeng kagaya niya. 

Sa kanyang palagay ay hindi gaanong mahihirapan ang lalaki. She was slightly attracted already. Those intense eyes who never left her were starting to give her odd fluttery feelings in her stomach. And those manly scent was already in her system.

Gilliane liked this, she had realized. Mula nang maging boyfriend niya si Stefan, wala nang lalaking tumingin sa kanya ng ganoon. O may mga tumingin man ngunit hindi niya pinaglaanan ng panahon. She had always been off-limits. At kay Stefan lang palagi nakatuon ang kanyang mga mata.

Puro na lamang Stefan, maybe she needs this man in order to forget him. She needs this.

"Bakit nag-iisa ang isang napakagandang babaeng katulad mo sa lugar na ito?" tanong ng lalaki.

Kanina pa napansin ni Gilliane na halos couple ang mga parokyano ng lugar. Mangilan-ngilan lang ang mga katulad niyang walang kasama.

"Dahil hinihintay kong lapitan ako ng isang guwapo at mabangong lalaking katulad mo," nakangiting tugon niya. She swore that that just came naturally. Hindi niya sigurado kung magandang comeback iyon o alme sa pamantayan sa lalaking kaharap, ngunit hindi maikakaila ni Gilliane na naaaliw siya s amga sinasabi o ginagawa niya ngayon.

Lumapad ang ngiti ng guwapong lalaki. "That line work for you?" nanunudyo nitong tanong.

"I don't know, you tell me." Ininom niya ang kakasalin lamang na alak sa kopita niya.

Tumango ang lalaki. "It works actually. Guwapo ba talaga ako sa paningin mo? Hmmm... Let's hear more of it."

Gilliane softly chuckled. This mas was pretty adorable in his own ways. Alam niyang alam nito ang sariling pang-akit ngunit hindi arogante ang pagsasalita nito, hindi mayabang sa halip ay mas naaaliw. "You know you're pretty?"

"Pretty?" natawa nitong gagad. "I don't know. Should I take that as a compliment or..."

"A compliment, you vain man." Naitirik na ni Gilliane ang mga mata.

"You're also pretty."

"Alam ko." Tumango pa siya.

Inilahad ng lalaki ang kamay nito. "I'm Se---"

Itinaas ni Gilliane ang isang kamay. "No. No names."

Nagsalubong ang mga kilay ng lalaki. "No names? Why? Well, that's new to me."

"I'm not interested in knowing your name and I don't want to give you my name either." Naisip ni Gilliane na maaari siyang magbigay ng ibang pangalan ngunit ayaw niya itong gawin. Isa pa, hindi siya magaling magsinungaling.

"Hindi ka interesado? Talaga?" Nakita niya ang bahagyang pag-angat ng isang kilay nito. Nais niyang matawa.

"First time?" tanong ni Gilliane sa nanunudyong tinig.

"It's new, but not really a first time. So what should I call you?"

"Anything will do."

"Sweetheart, malinaw kong nakikita sa mga mata mong interesado ka."

Napapangiting umiling siya. "A little. More than little, maybe. Hindi lang ako sigurado kung gugustuhin kong malaman ang pangalan mo. Nang lapitan mo ako, ano ang naiisip mong kahihinatnan ng pag-uusap na ito?" Alam niya ang sagot ngunit kailangan pa niyang itanong. Hindi siya sigurado kung kailangan ng kumpirmasyon para sa kanyang ego boost o nais lamang niyang malaman ang tumatakbo sa isip ng lalaking katulad nito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status