CLOUD'S POV
Hindi ko mapigilan ang panginginig ng buo kong katawan sa sobrang galit! Sh*t! Ano pa bang ineexpect ko sa babaeng iyon na walang inisip kundi ang kagustuhan at sarili lang niya? Dumiretso ako sa kitchen ng restaurant ko at naabutang nagkukwentuhan lang ang mga staffs. "Good afternoon, sir!," nakangiting bati pa sa 'kin ni Steffano, ang tinuturing kong bestfriend na assistant chef ko rin dito sa resto. He's good at cooking as well as with girls. At parati ko siyang naaabutang nakikipaglandian sa mga waitress ko, gaya na lang ngayon. "What's with the line on your head bro?," pang-aasar nito habang pinaaalis si Lilian, ang kanyang kalandian ng mga sandaling iyon.."What's happening here? Don't you have works?," sa halip ay singhal ko sa lahat ng naroroon na kaagad namang nagsipagbalikan sa kani-kanilang mga trabaho mula sa naabutan kong pag-uumpukan nila."Dude, what's the problem?," kalmadong tanong muli ni Steff. Napabuntung-hininga na lamang ako bago parang talunan na ipinatong ang mga palad sa kitchen island at napatungo. Napatingin pa sa 'kin ang ibang staff nang malakas kong hampasin ang island. They rarely see me like this. And I can feel sh*ts inside habang iniisip na isang walang pusong babae lang ang dahilan ng paghihirap ko ngayon. Ng galit na muli na namang gumugulo sa akin. Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang pabagsak na luha sa mga mata ko kaya agad akong tumingala upang pigilan ang pagtulo no'n. Napahilamos pa 'ko sa mukha sa sobrang inis sa sarili.'Sino ba siya para iyakan ko?,' pagpapatatag ko sa sarili."Back to work," malamig kong sabi bago chineck ang bagong dating na order at ako na mismo ang nagprepare noon. Maraming customer hanggang gabi kaya naging abala na ako. And I forgot about her…. for a while. Cooking helped me a lot para makalimutan ang aking nakaraan. Parang therapy ko na rin ito sa tuwing problemado. Ganito talaga siguro kapag gusto mo 'yung ginagawa mo. Noon pa man naman ay ito na ang gusto kong gawin, ang magluto. Pero dahil na rin sa naging mahirap ang pamumuhay namin ng lola Miling ay hindi ko ito napagtuunan ng pansin. Kinailangan ko kasing magtrabaho agad sa construction site pagkatapos ng high school.'Kaya marahil iniwan ako ni Vier, dahil isa akong talunan noon at wala siyang nakitang kinabukasan sa 'kin,' iyan ang parati kong naiisip sa tuwing maaalala ko kung paanong pinagtabuyan niya 'ko sa buhay niya. Sana nga lang, hindi na niya dinamay pa ang anak namin. Masakit. Sobrang sakit. Halos hindi ko malaman kung paano ako mabubuhay ng mga panahong iyon. Punong-puno ako ng galit at hinagpis. Minsan nga'y naiisip ko kung gaano ba 'ko kasamang tao sa past life ko para parusahan ng ganito. Una, wala pa man ako sa mundo ay iniwan na ako ng aking ama. Nang maisilang naman ako ay nawala rin ang aking ina dahil sa komplikasyon sa panganganak. At maging ang babaeng pinag-alayan ko ng buong puso at pagmamahal ko ay iniwan lang din ako sa ere at mas malala pa, dahil dinamay pa niya ang walang kamuwang-muwang naming anghel. Mas naging miserable pa ang pakiramdam ko nang tuluyan na rin akong iwan ng nag-iisang taong nanatili sa tabi ko, ang aking lola Miling. Lubog na lubog ako nang mga panahong iyon kaya't labag man sa aking kagustuhan ay sumama ako sa aking ama nang minsang bisitahin niya ako matapos malamang wala na ang lola Miling. Naging maayos naman ang pakikitungo ng pamilya n'ya sa akin at hindi ko naramdaman ang pagiging iba ko sa kanila. Pinag-aral din ako ng aking ama ng culinary arts nang malaman na iyon ang hilig ko. Nang maka-graduate ay hindi na rin ako nag-aksaya pa ng panahon. I rented a space for a restaurant and made impossible things possible. From renting a space, I now have two known restaurants isa sa Manila at isa dito sa Ilocos na siyang hinahandle ko. Too fast? Hmm, maybe I was just too eager to meet success para isang araw ay maipamukha ko kay Vier kung anong klaseng tao ay binitawan at ibinasura niya.VIER'S POV Almost 12 midnight na pero ngayon pa lang kami naghahapunan. Masyado kaming nadala sa pagpapractice at hindi na napansin pa ang oras. Marami naman din kasing ilaw sa garden kaya ayos lang na abutin kami ng gabi sa labas. "Hmm.. Madam, tinola ba 'to o sinigang?," nakangiwi at uubo-ubong tanong ni Francel habang nangangasim na hindi ko maintindihan ang mukha."Oo nga madam. Ang asim!," komento naman ni Hero nang siya naman ang tumikim sa inihain ni Alvin na sa pagkakaalam niya ay hindi naman talaga nagluluto."Pasalamat na lang kayo kasi pinagluto ko kayo!," nakabusangot na sagot ni Alvin bago naupo sa kanyang pwesto at sinimulan na ang pagkain. Nakatuon ang tingin naming lahat sa kanya kaya nagkunwari ang lola mo na maayos siyang kumakain kahit halata namang parang gusto na niya iyong isuka. "Kain na," utos nito sa aming lahat. In fairness, may pagbabago naman pala sa bruhang ito. Noon kasi, saksakan talaga ito ng taray at hindi kami pwedeng magreklamo sa mga gusto niya. "Kainin n'yo na lang kasi. Sayang naman 'yung effort ni madam, saka… sayang din 'yung manok ano?," pang-eengganyo ni Francis sa mga miyembro na agad namang sinunod ng lahat. Napangiti siya. Wala pa ring nagbago rito. He's still the same kind of gentleman. Mabait. Sweet. Maalaga. Hindi kagaya ni Cloud. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman habang inaalala ang nangyari kanina. 'Ano 'yon? Mahal niya pa rin kaya ako?,' tanong niya sa sarili. Naramdam ko kasi iyon sa mga halik na iginawad niya sa akin. Pero bakit iba iyon sa naramdaman at ipinapakita niya sa akin mula nung muli kaming magkita dito sa Ilocos.'Mali kaya ako sa naramdaman ko? Baka naman umaasa lang ako na mahal pa rin niya ako kaya ganon ang naramdaman ko nang muli niya kong hagkan?,' sunod-sunod kong tanong sa 'king sarili."Kumain ka na rin Vier," pukaw sa 'kin ni Francis na nakaupo sa katapat ng aking upuan. Tinakpan pa niya ng kamay ang kanyang bibig sabay bumulong, "Bago pa maging dragon si madam," biro niya na ikinangiti ko na lang. Pero hindi pa rin nawala sa isip ko si Cloud lalo na nang matikman ko na ang niluto ni Alvin, "Kung narito si Cloud, baka magawan pa niya 'to ng paraan para sumarap….." napailing na lang ako sa itinatakbo ng isip ko. Sa lahat na lang ba maaalala ko siya?"Pati si Miss Vier napapailing sa asim nitong sinigang!," biro pa ni Risa sa tinola ni Alvin na ikinahalakhak ng lahat. Ang tawanang iyon ang naging paalala ko sa sarili na narito ako para ipanalo ang grupo at hindi para ibalik ang nasirang nakaraan. "I will do my best para makamit namin ang tagumpay," matatag niyang giit sa sarili.VIER'S POV Mabait itong si Ericka. Alam ko 'yon dahil unang kita ko pa lamang sa kanya ay nakagaanan ko kaagad siya ng loob.Gayunpaman ay hindi pa rin mababago ng kabaitan niya ang katotohanan na asawa niya pa rin si Archie Mendez, the worst Mendez I know."I know what happened," aniya nang makaupo kami sa dulong table dito sa restaurant. Dito na kami pumwesto para na rin hindi marinig na mga tao rito ang pag-uusapan namin. Nakaupo ako sa upuan na nakaharap kina Miss Claire at madalas na mahagip ng tingin ko ang pagmamasid niya sa amin ni Ericka. Lalo na sa akin. Parang nag-aalab ang mga tinging ipinupukol niya sa akin kaya sinikap kong panatilihing kalmado ang aking sarili. Iyon ay kahit pa mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy nitong si Ericka na nais niyang pag-usapan."Medyo ano kasi….," panimula ko na may halo pang pag-aalinlangan sa mga salitang maaari kong gamitin para ilarawan ang asawa niya sa harapan niya. "Medyo mabalasik pala 'yang asawa mo," pagtatapat ko sa kanya
VIER'S POV Late na akong naihatid ni Hector nang nagdaang gabi kaya dumiretso na ako sa kwarto at agad din namang nakatulog. Nagmamadali rin akong bumaba at napasarap naman ako ng tulog at hindi ko na namalayaan ang oras. Mag-aalas otso na pala kasi at laking pagtataka ko nang maabutan ko pa sa kusina ang mga kapatid ko. At abalang-abala pa sa pagtulong kay inay sa paggagayak nito ng almusal."Anong meron?," nakangiwi kong tanong sa mga ito."Maupo ka na lang d'yan," seryosong saad ni Allen matapos akong ipaghila ng aking uupuan. Lalo tuloy akong nahiwagaan sa kinikilos ng mgabkapatid ko kaya bumaling na lang ako kay inay na nang mga sandaling iyon ay abala naman sa isinasangag na kanin."'Nay, anong–""Saglit lang anak ha. Matatapos na ako rito," putol niya sa sasabihin ko. "Tophe, 'yung kape," baling niya kay Kristoph na bigla na lang sumulpot sa harapan ko at inihapag sa akin ang bagong timplang kape."Ano na namang meron?," tanong ko kay Tophe pero hindi ako pinansin at pinuntah
AUTHOR'S POV FLASHBACK, 2017 Magkakapit-bahay lamang sina Cloud at ang mag-bestfriend na sina Carol at Vier kaya naman naging close ang tatlo sa isa't-isa. Mas matanda si Cloud nang dalawang taon sa dalawang babae kaya naman kuya ang turing nila sa kanya. Kung minsan ay pinangangaralan din sila ni Cloud sa tuwing may mga kalokohan silang nagagawa na lagi din naman nilang pinapakinggan. Bukod pa doon ay si Cloud din ang nagsisilbing protektor, bodyguard at chaperon nila sa tuwing aabutin sila ng madaling-araw sa kung saang lugar kapag may mga dance contest silang sinasalihan. Hindi rin naman pulos ka-seryosohan lang itong si Cloud sa kanila. Paminsan-minsan ay kasama din nila ito sa kaharutan at kasama sa masasayang sandali ng kanilang kalokohan. Ang hindi alam ni Vier ay nagsimula na palang makaramdam ng malalim na pagtingin sa kanya si Cloud. Ngunit dahil na rin sa kawalan niya ng self-confidence ay hinayaan na lang niya sa sarili ang damdaming iyon at pinagpapasalamat na lama
VIER'S POV Hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon ni Hector sa ibinunyag ko sa kanya kanina. Hindi lang pala siya basta-bastang gentleman lang, malawak din ang kanyang pang-unawa at hindi na niya minasama pa ang naging bunga ng aking nakaraang pagmamahal. Tunay nga siguro ang kasabihan na may bahagharing naghihintay sa dulo ng bawat bagyong ating pagdadaanan. At siya ang bahagharing iyon. Matapos kasi ang lahat-lahat ng sakit at pagluha ko, eh heto kami ngayon at masaya pa rin at magkasamang ineenjoy ang view dito sa mataas na bahagi ng Tagaytay habang mahigpit na magkayakap. Matapos ang madamdamin naming pag-uusap kanina ay niyaya na niya ako rito para naman daw makapag-unwined ako. Masyado na raw kasi yatang nai-stress ang kanyang reyna sa mga bagay-bagay. Idagdag pa ang hindi masyadong magandang unang pagkikita namin ng kanyang pamilya. Nawala na rin daw umano ang kilig ambiance sa inihanda niyang surprise lunch kanina na pambawi pala niya sa akin sa ginawa ng kany
VIER'S POV"Iwan n'yo na muna kami," pakiusap ko sa dalawang violinist na agad namang tumalima nang imuwestra sila ni Hector papalabas ng hall."Hon…," sambit niya habang nananatili pa rin ang kanyang mga kamay sa kamay ko. "Hon, please don't leave me," pagsusumamo niya kasabay ng tuluyan na ngang pagbagsak ng kanyang mga luha. Itinaas ko ang mga palad ko sa mukha niya para ako na mismo ang magpunas sa mga luhang iyon na lalo lang nagpapabigat sa aking damdamin. Napakabuti niyang tao at hindi niya deserve ang lumuha at masaktan nang dahil sa katulad ko."H'wag kang umiyak, please," pakiusap ko sa kanya na may panginginig pa sa aking boses na dala na rin ng takot at guilt sa loob ko. Ramdam ko rin na malapit nang bumagsak ang luha ko sa sobrang pagkahabag sa aking nobyo pero alam ko rin na kailangan kong maging matapang sa sandaling ito dahil kung hindi, paano ko pa tatanggapin ang posibleng reaksyon niya sa ipagtatapat ko?"May, may kailangan ka munang malaman Hector," saad ko na ti
CLOUD'S POV"Hello?," tugon ko nang isang unknown number ang bigla na lamang tumawag sa kalagitnaan pa naman ng pagluluto ko."Cloud, ano na ha?," iritadong tugon nito mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa bungad niya sa aking iyon o ano kaya napahilamos na lang ng mukha. Sinenyasan ko na rin si Kevin, ang isa pang chef dito para siya na ang magpatuloy sa niluluto ko"Ang sabi natulog ka raw sa kwarto ni– hmmm–ano," aniya na iniwasan na lang ang pagbanggit sa pangalan ni Vier. Sa pagkakaalam ko ay magkasama sila ngayon sa trabaho at malamang na alam ng lahat ng kanilang katrabaho ang relasyon ni Vier sa kanilang big boss."Anong nangyari ha? Meron ba?," pag-uusisa pa niya."Tsk tsk tsk, hindi ka pa rin talaga nagbabago Carol. Masyado ka pa ring usisera," sagot ko sa kanya habang hindi maiwasan ang matawa sa aming usapan."Ang bagal mo kasi eh," napahinto na ako sa sinabi niyang iyon. "Kung mas napaaga ka lang, eh 'di sana may comeback 'yung KAYO 'di ba?," panenerm