CLOUD'S POV
Alas kwatro pa lang ng umaga at halos wala pa 'kong tulog kakaisip sa babaeng 'yon. Haisst! Mabilis akong bumangon para makaligo at makapagsipilyo na kesa naman bangungotin pa 'ko ng gising dahil lang sa walang kwentang babaeng 'yon. Sabado ngayon at tiyak na mapupuno ng tao sa restaurant kaya kailangan kong makapamili ng mga fresh seafoods na karaniwang inoorder sa amin. Short at simpleng t-shirt lang ang gayak ko para presko sa pakiramdam. Masyado kasing mainit 'pag nagsimula ka nang mag-ikot-ikot sa wet market kaya ganito ang lagi kong gayak sa tuwing magpupunta roon. Una akong nagtungo sa pwesto ni Manang Lena, ang suki naming tindera ng seafoods. Palagi siyang maaga sa palengke kaya sa kanya rin napapapunta ang karamihan ng malalaki at de kalidad na crabs at sugpo na hanap ko."Napaaga ka yata sir Cloud ah," anito na nginitian ko lang. Alam niyang darating ako dahil nga Sabado ngayon pero madalas ay mga alas-singko pa 'ko dumarating kaya itinatabi na niya ang magagandang klase para sa akin. Abala ako sa pagsuri sa mga nakalapag na paninda ni manang nang…"Hinay-hinay naman sa pagcheck niyang alimango, baka ma-conscious 'yan sa'yo," pabirong-bati sa 'kin ng pamilyar na boses na bigla na lang sumulpot sa tabi ko. Bahagya ko lang siyang tiningnan at muli nang ibinalik ang atensyon ko sa mga crabs na inaanalisa ko. Wala akong oras para sa Alvin na 'to."Masyado ka naman 'yatang mabusisi sa pagtingin d'yan. H'wag mong sabihing naipagpalit mo na si Vier at nakapagasawa ka na rito sa Ilocos. At isa ka na ngayong dakilang house husband," anito at malakas na tumawa sa kanyang sinabi. "Maselan ba 'yang napangasawa mo kaya ganyan na lang kung kasuriin mo 'yang binibili mo," dagdag pa nito na nagpapanting ng tenga ko. Ganun ba talaga kababa ang tingin nito sa akin? Mag-aasawa para lang guminhawa ang buhay at maging isang dakilang palamunin? Kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko ay baka nakatikim ito ng isa sa akin."Sampung piraso nito, prawns and tuna please," sa halip ay baling ko na lang kay Manang Lena.."How is she?," out of nowhere ay naitanong ko nang hindi siya tinitingnan."Hmm, ayun, ok naman. Hindi pa rin siya nagbabago, gano'n pa rin."'Yeah, I know,' sa isip ko."Hindi tulad ng iba d'yan," dagdag nito na parang pinaparinggan siya. Bigla akong nagbago ng anyo at ngumiti dito tulad nang kilala niya na Cloud. "Bakit? Meron bang Poncio Pilato sa paligid na nagbago?," pagmamaang-maangan ko. Nakasisiguro ako sa sarili ko na wala na 'kong damdamin para sa kanya after what she did, pero gusto ko pa ring makalapit sa kanya para naman maiparanas ko rin sa kanya ang impyernong dinaanan ko ng dahil sa kanya. Pero hindi ko 'yon magagawa kung wala lang din naman akong dahilan o daan man lang para makalapit sa kanya. I have to be close with this irritating human!"Hmp, medyo iba na kasi 'yang datingan mo," anito na para bang masama ang loob sa akin. 'Ano bang nagawa ko dito?,' sa isip-isip ko."Eto na sir. Pinasobrahan ko na rin 'yan nang hindi ka magkulang ng supply sa restaurant mo ngayong araw," ani Manang Lena habang inaabot nito ang inorder ko. "Wait, restaurant? Restaurant mo?," tila gulat na gulat ito sa narinig at nanlaki ang mga mata sa narinig."Yup! My restaurant." Gusto ko sanang ipagdiinan 'yung 'MY' para supalpalin ito sa mga pinagsasabi niya sa 'kin kanina lang pero baka kung ano pang isipin ni Manang na alam kong nakikinig sa aming usapan kaya pinilit ko na lang na maging mababa ang tono ko. Nanginginang ang mga mata nito sa nalaman at nagpatulong pa sa 'kin kung saan maganda ang mga gulay at isda dahil kabisado ko naman daw ang lugar na 'yon. Huh! At ginawa pa talaga akong tour guide dito sa palengke. Lalo pa 'kong nairita nang mahagip ng mga mata ko ang mga malisyosong tingin ng mga tao roon sa aming dalawa habang tinutulungan ko siyang mamili ng sariwang isda sa isang stall doon.'Do they think na magkarelasyon kami? Wow!'"The h*ll," bulong ko at mabilis na humakbang na palayo."Cloud… Cloud!," malakas na tawag pa niya sa pangalan ko habang humahabol. "The h*ck—!," mura ko habang pinagtitinginan na ako ng mga naroroon. Idinaan ko lang ang mga binili ko sa restaurant para i-freezer at pagkatapos ay tumuloy na kami sa bahay ng pinsan nito na tinutuluyan nila. Well, he kept on saying 'mansyon' bilang pangtukoy sa tinutulayan nila but for me, it's just a house. Well, malaking bahay but not a mansion. He asked me kung pwede ko silang ipagluto for breakfast since isa na pala akong chef. Oh 'di ba? Matapos niya kong gawing tour guide, ngayon naman ay driver at cook pa nila! Just wow! Ga'no ba kataas ang tingin niya sa sarili niya para gawin akong utus-utusan? Kung 'di ko lang siya kailangan, nunca na pansinin ko man lang ang mayabang na 'to! I am planning to prepare a corn soup for the group. Ituro lang niya sa 'kin ang daan papuntang kusina para maisara niya ang gate pero hindi pa man ako nakakapasok sa kusina ay may nahimigan na 'kong boses. "You're really great," ani Vier na abot-tenga ang ngiti na animo'y kinikilig habang may kausap sa cellphone. Napahigpit tuloy ang hawak ko sa mga bitbit na ingredients. 'Who the h*ll is she talking to?' Hindi ko man aminin sa sarili pero naiinis akong makita siyang masaya– sa piling ng iba."I miss you baby." Baby? Oh sh*t! Ano 'yun? And the way she almost cried as she said she misses him doubled the pain inside me."Ok baby. Bye. I love you, I love you, I love you," sabi pa niya sa kausap na kung malapit lang siguro ito ay marahil napupog na niya ng halik. Halos mabitawan niya ang teleponong hawak nang makalapit ako sa kanya. "Baby?"VIER'S POV Mabait itong si Ericka. Alam ko 'yon dahil unang kita ko pa lamang sa kanya ay nakagaanan ko kaagad siya ng loob.Gayunpaman ay hindi pa rin mababago ng kabaitan niya ang katotohanan na asawa niya pa rin si Archie Mendez, the worst Mendez I know."I know what happened," aniya nang makaupo kami sa dulong table dito sa restaurant. Dito na kami pumwesto para na rin hindi marinig na mga tao rito ang pag-uusapan namin. Nakaupo ako sa upuan na nakaharap kina Miss Claire at madalas na mahagip ng tingin ko ang pagmamasid niya sa amin ni Ericka. Lalo na sa akin. Parang nag-aalab ang mga tinging ipinupukol niya sa akin kaya sinikap kong panatilihing kalmado ang aking sarili. Iyon ay kahit pa mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy nitong si Ericka na nais niyang pag-usapan."Medyo ano kasi….," panimula ko na may halo pang pag-aalinlangan sa mga salitang maaari kong gamitin para ilarawan ang asawa niya sa harapan niya. "Medyo mabalasik pala 'yang asawa mo," pagtatapat ko sa kanya
VIER'S POV Late na akong naihatid ni Hector nang nagdaang gabi kaya dumiretso na ako sa kwarto at agad din namang nakatulog. Nagmamadali rin akong bumaba at napasarap naman ako ng tulog at hindi ko na namalayaan ang oras. Mag-aalas otso na pala kasi at laking pagtataka ko nang maabutan ko pa sa kusina ang mga kapatid ko. At abalang-abala pa sa pagtulong kay inay sa paggagayak nito ng almusal."Anong meron?," nakangiwi kong tanong sa mga ito."Maupo ka na lang d'yan," seryosong saad ni Allen matapos akong ipaghila ng aking uupuan. Lalo tuloy akong nahiwagaan sa kinikilos ng mgabkapatid ko kaya bumaling na lang ako kay inay na nang mga sandaling iyon ay abala naman sa isinasangag na kanin."'Nay, anong–""Saglit lang anak ha. Matatapos na ako rito," putol niya sa sasabihin ko. "Tophe, 'yung kape," baling niya kay Kristoph na bigla na lang sumulpot sa harapan ko at inihapag sa akin ang bagong timplang kape."Ano na namang meron?," tanong ko kay Tophe pero hindi ako pinansin at pinuntah
AUTHOR'S POV FLASHBACK, 2017 Magkakapit-bahay lamang sina Cloud at ang mag-bestfriend na sina Carol at Vier kaya naman naging close ang tatlo sa isa't-isa. Mas matanda si Cloud nang dalawang taon sa dalawang babae kaya naman kuya ang turing nila sa kanya. Kung minsan ay pinangangaralan din sila ni Cloud sa tuwing may mga kalokohan silang nagagawa na lagi din naman nilang pinapakinggan. Bukod pa doon ay si Cloud din ang nagsisilbing protektor, bodyguard at chaperon nila sa tuwing aabutin sila ng madaling-araw sa kung saang lugar kapag may mga dance contest silang sinasalihan. Hindi rin naman pulos ka-seryosohan lang itong si Cloud sa kanila. Paminsan-minsan ay kasama din nila ito sa kaharutan at kasama sa masasayang sandali ng kanilang kalokohan. Ang hindi alam ni Vier ay nagsimula na palang makaramdam ng malalim na pagtingin sa kanya si Cloud. Ngunit dahil na rin sa kawalan niya ng self-confidence ay hinayaan na lang niya sa sarili ang damdaming iyon at pinagpapasalamat na lama
VIER'S POV Hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon ni Hector sa ibinunyag ko sa kanya kanina. Hindi lang pala siya basta-bastang gentleman lang, malawak din ang kanyang pang-unawa at hindi na niya minasama pa ang naging bunga ng aking nakaraang pagmamahal. Tunay nga siguro ang kasabihan na may bahagharing naghihintay sa dulo ng bawat bagyong ating pagdadaanan. At siya ang bahagharing iyon. Matapos kasi ang lahat-lahat ng sakit at pagluha ko, eh heto kami ngayon at masaya pa rin at magkasamang ineenjoy ang view dito sa mataas na bahagi ng Tagaytay habang mahigpit na magkayakap. Matapos ang madamdamin naming pag-uusap kanina ay niyaya na niya ako rito para naman daw makapag-unwined ako. Masyado na raw kasi yatang nai-stress ang kanyang reyna sa mga bagay-bagay. Idagdag pa ang hindi masyadong magandang unang pagkikita namin ng kanyang pamilya. Nawala na rin daw umano ang kilig ambiance sa inihanda niyang surprise lunch kanina na pambawi pala niya sa akin sa ginawa ng kany
VIER'S POV"Iwan n'yo na muna kami," pakiusap ko sa dalawang violinist na agad namang tumalima nang imuwestra sila ni Hector papalabas ng hall."Hon…," sambit niya habang nananatili pa rin ang kanyang mga kamay sa kamay ko. "Hon, please don't leave me," pagsusumamo niya kasabay ng tuluyan na ngang pagbagsak ng kanyang mga luha. Itinaas ko ang mga palad ko sa mukha niya para ako na mismo ang magpunas sa mga luhang iyon na lalo lang nagpapabigat sa aking damdamin. Napakabuti niyang tao at hindi niya deserve ang lumuha at masaktan nang dahil sa katulad ko."H'wag kang umiyak, please," pakiusap ko sa kanya na may panginginig pa sa aking boses na dala na rin ng takot at guilt sa loob ko. Ramdam ko rin na malapit nang bumagsak ang luha ko sa sobrang pagkahabag sa aking nobyo pero alam ko rin na kailangan kong maging matapang sa sandaling ito dahil kung hindi, paano ko pa tatanggapin ang posibleng reaksyon niya sa ipagtatapat ko?"May, may kailangan ka munang malaman Hector," saad ko na ti
CLOUD'S POV"Hello?," tugon ko nang isang unknown number ang bigla na lamang tumawag sa kalagitnaan pa naman ng pagluluto ko."Cloud, ano na ha?," iritadong tugon nito mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa bungad niya sa aking iyon o ano kaya napahilamos na lang ng mukha. Sinenyasan ko na rin si Kevin, ang isa pang chef dito para siya na ang magpatuloy sa niluluto ko"Ang sabi natulog ka raw sa kwarto ni– hmmm–ano," aniya na iniwasan na lang ang pagbanggit sa pangalan ni Vier. Sa pagkakaalam ko ay magkasama sila ngayon sa trabaho at malamang na alam ng lahat ng kanilang katrabaho ang relasyon ni Vier sa kanilang big boss."Anong nangyari ha? Meron ba?," pag-uusisa pa niya."Tsk tsk tsk, hindi ka pa rin talaga nagbabago Carol. Masyado ka pa ring usisera," sagot ko sa kanya habang hindi maiwasan ang matawa sa aming usapan."Ang bagal mo kasi eh," napahinto na ako sa sinabi niyang iyon. "Kung mas napaaga ka lang, eh 'di sana may comeback 'yung KAYO 'di ba?," panenerm