Home / Romance / A Great Love's Vengeance / Chapter 9: BABY BOY

Share

Chapter 9: BABY BOY

Author: Mawi
last update Last Updated: 2024-01-27 22:12:56

VIER'S POV

 Maaga akong nagising kahit na mag-aalas dos na kaming nagsitulog. Hindi kasi ako mapakali dahil nakaligtaan ko pala siyang tawagan and  I miss him so much, kaya naman kahit pupungas-pungas pa ang mga mata ko at inaantok pa ay bumangon na 'ko sabay dampot sa cellphone ko sa table.

 Sigurado naman akong mahimbing pa ang tulog ng lahat ng kasamahan ko dito sa bahay dahil pagod at puyat ang mga ito kaya kampante 'kong tinungo ang kusina para makapagkape at pagkatapos ay mabilis ko nang idinial ang number ni Miss Cynthia. 

 Si Miss Cynthia ang may-ari ng dance studio sa London kung saan ako nagtrabaho bilang dance instructor. Single lady ito sa edad na 53 kaya marahil ganoon na lamang ang pagkasabik at tuwa nito nang malamang buntis pala ako.

Yes. Lumipad ako papuntang London kasama ang aming anak ni Cloud sa aking sinapupunan. Hindi ko siya ipinala*l*g gaya ng sinabi ko noon kay Cloud. Sinabi ko lang naman 'yun sa kanya dahil alam kong hindi siya papayag na umalis ako at magtrabaho sa ibang bayan habang dinadala ko ang anak namin at hindi iyon maaari. Hindi niya ako maaaring pigilan sa plano ko dahil ang pangingibang-bansa lang ang nakikita kong paraan noon para masuportahan ko ang lahat ng pangangailangan ng aming pamilya.

 At para sa pamilya ko, kaya kong isakripisyo ang lahat, kahit pa ang kapalit noon ay ang pagkawala ng pagmamahal niya para sa 'kin. 

 Kahit naman kasi hindi ako nakapagtapos sa kolehiyo ay mataas pa rin ang pangarap ko, lalo na para sa aming pamilya. Gusto ko rin na mapagtapos sa pag-aaral ang mga kapatid ko at para magawa 'yon ay kailangan ko talagang isantabi si Cloud at ilihim sa kanya ang pagdadalantao ko.

 Kaso nga, nalaman pa rin niya kaya kahit labag sa kalooban ko na saktan siya ng ganoon katindi ay nagawa ko pa rin. 

 Muli ay sumalakay sa aking sistema ang sakit na naramdaman ko nang gabing iyon. Hindi dahil sa pisikal na sakit na naidulot niya sa akin kundi ang sakit na makita siyang miserable nang sabihin kong wala na ang aming anak. Hinding-hindi ko iyon makakalimutan at walang araw na lumipas na hindi ko hiniling na mapatawad ako ni Cloud sa nagawa ko.

"Hello," tugon mula sa kabilang linya na nagpahinto ng pagbabalik-tanaw ko sa nakaraan.

"Hello, Miss. Can I talk to him?" 

"I think he doesn't want to talk to you," malamig na tugon sa akin ni Miss Cynthia na ikinadismaya ko. "He's trying to control it but it's too obvious that he sulks at you," dagdag pa nito.

"So–"

"My goodness Vier! How could you forget to call George," pagtataas na nito ng boses sa akin. "You know he misses you every minute right?" Dismayadong-dismayado ito sa akin sa tono pa lang ng pagsasalita nito. Masyado kasi nitong mahal si George at gaya ko ay ayaw niya ring nakikitang malungkot ang  anak ko na parang anak niya na rin.

"I'm really, really sorry. Where is he?"

"Wait," sabi lang nito.

 Noong una ay takot talaga ako sa kanya. Masyado kasi itong istrikta sa mga tao niya at isa pa ay hindi ako naging tapat noon tungkol sa aking sitwasyon kaya ilag ako sa kanya para lang hindi niya mapansin ang pagbukol ng tyan ko. Kaso masyadong matalas ang mga mata nito at minsan akong sinundan sa comfort room pagkatapos ng isang dance session. 

 Hinang-hina ako noon at napasandal pa nga ako sa pader dahil sa sobrang pagod at sobrang pananakit ng tiyan ko. Sobra ang takot ko noon para sa anak ko. I cried a lot at ang sunod na nakita ko na ay nasa hospital bed na ako at si Miss Cynthia sa tabi ko.

 Mula noon ay naging close na kami at halos anak na ang turing niya sa 'kin. Binigyan niya rin muna ako ng mas magaang trabaho sa studio gaya ng pagsagot sa mga inquiries para sa dance classes habang ipinagbubuntis ko pa si George.

"Hello," anang cute na boses mula sa kabilang linya.

"Hello baby boy. How was your day?," malambing kong bungad sa kanya.

"Why do you have to leave me here? I'm missing you," sa halip ay tanong niya. Dama ko din ang lungkot at pagtatampo niya sa 'kin sa mga sinabi at nasasaktan akong malaman na nalulungkot siya.

"I miss you too baby boy," mangiyak-ngiyak kong tugon sa aking anak at gustong-gusto ko na muli siyang mayakap.

"Mom, are you crying?"

 Kagyat akong napatawa habang pinupunasan ang tumulong luha sa pisngi ko. He really has great senses.. just like his dad.

"No, I'm not. I just have colds," pagtanggi ko.

"You're lying mom."

 Tuluyan na 'kong napatawa habang iniimagine ang hitsura niyang nakanguso at nakatitig sa 'kin ng masama gaya nakasanayan niyang gawin.

"What are you doing now? It's quite late already." 

"I'm just practicing our song," sabi nito na ang tinutukoy ay ang kanta ng Air Supply na 'Two Less Lonely People in the World'. Ito kasi ang themesong namin na lagi naming kinakanta kapag nalulungkot ako o kaya ay may hindi masyadong magandang nangyari sa school niya.

"Can you sing it for me," request ko na siya namang ginawa niya. 

 I really love how he sings kahit pa medyo nawawala sa tono at kung minsan nga ay pati lyrics ay namamali rin.

"Wow, you're really great!," proud na proud kong saad nang matapos na siyang kumanta. "I miss you baby."

"I miss you too mom," malambing niyang tugon at mukhang nawala na rin ang tampo sa 'kin.

"Ok, enough of that for today. It's already past your bed time," dinig kong sabi ni Miss Cynthia sa kanya.

"Ok baby. Bye. I love you, I love you, I love you," paalam ko na sa kanya.

"Bye mom, mwuaah" paalam nito na may kiss tone pa.

 Ilalapag ko pa lang sana ang cellphone ko sa mesa nang –

"Baby?" 

 Halos tumalbog ang puso ko sa kaba lalo na nang malaman ko kung sino ang naroroon.

'Of all people!'

"A-anong ginagawa mo rito? Pa'no ka nakapasok?" 

 Pero sa halip na sumagot ay inismiran lang ako nito at ipinatong ang dala nitong plastic sa mesa.

"At sino naman kaya ang malas na lalaking 'yan na nilalandi mo ngayon ha?"

 Napatitig ako sa mukha ni Cloud habang sinasabi niya sa mukha ko ang mga salitang 'yon. Kitang-kita ko sa ekspresyon niya ang pangmamaliit n'ya sa akin. Nilalandi? Gano'n ba ang tingin niya sa 'kin ngayon?

 Parang gusto kong maluha sa nakikita kong pagbabago sa kanya. Hindi na siya 'yung Cloud na minahal ko. 'Yung Cloud na parati akong iniintindi. 'Yung Cloud na walang ibang ipinararamdam sa 'kin kundi pagmamahal lamang.

"B-bakit ka nagbago Cloud?," 'di ko napigilang itanong. Hindi ko na kasi alam kung kilala ko pa ba ang Cloud na kaharap ko ngayon.

 I saw him laughed sarcastically. 

"Dahil ba 'to sa nangyari Cloud? Dahil ba—"

"Don't you dare talk about it!," singhal niya sa akin habang dinuduro ako ng kanyang daliri. Kitang-kita ko rin kung pa'nung manginig ang panga niya sa sobrang galit.

"Cloud, let me–"

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Daisy Pedron
ang lungkot at ang sakit naman ng kabanatang ito....
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 54: A HIDDEN TRUTH

    VIER'S POV Mabait itong si Ericka. Alam ko 'yon dahil unang kita ko pa lamang sa kanya ay nakagaanan ko kaagad siya ng loob.Gayunpaman ay hindi pa rin mababago ng kabaitan niya ang katotohanan na asawa niya pa rin si Archie Mendez, the worst Mendez I know."I know what happened," aniya nang makaupo kami sa dulong table dito sa restaurant. Dito na kami pumwesto para na rin hindi marinig na mga tao rito ang pag-uusapan namin. Nakaupo ako sa upuan na nakaharap kina Miss Claire at madalas na mahagip ng tingin ko ang pagmamasid niya sa amin ni Ericka. Lalo na sa akin. Parang nag-aalab ang mga tinging ipinupukol niya sa akin kaya sinikap kong panatilihing kalmado ang aking sarili. Iyon ay kahit pa mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy nitong si Ericka na nais niyang pag-usapan."Medyo ano kasi….," panimula ko na may halo pang pag-aalinlangan sa mga salitang maaari kong gamitin para ilarawan ang asawa niya sa harapan niya. "Medyo mabalasik pala 'yang asawa mo," pagtatapat ko sa kanya

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 53: AN ODD MORNING

    VIER'S POV Late na akong naihatid ni Hector nang nagdaang gabi kaya dumiretso na ako sa kwarto at agad din namang nakatulog. Nagmamadali rin akong bumaba at napasarap naman ako ng tulog at hindi ko na namalayaan ang oras. Mag-aalas otso na pala kasi at laking pagtataka ko nang maabutan ko pa sa kusina ang mga kapatid ko. At abalang-abala pa sa pagtulong kay inay sa paggagayak nito ng almusal."Anong meron?," nakangiwi kong tanong sa mga ito."Maupo ka na lang d'yan," seryosong saad ni Allen matapos akong ipaghila ng aking uupuan. Lalo tuloy akong nahiwagaan sa kinikilos ng mgabkapatid ko kaya bumaling na lang ako kay inay na nang mga sandaling iyon ay abala naman sa isinasangag na kanin."'Nay, anong–""Saglit lang anak ha. Matatapos na ako rito," putol niya sa sasabihin ko. "Tophe, 'yung kape," baling niya kay Kristoph na bigla na lang sumulpot sa harapan ko at inihapag sa akin ang bagong timplang kape."Ano na namang meron?," tanong ko kay Tophe pero hindi ako pinansin at pinuntah

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 52: THE OLD DAYS

    AUTHOR'S POV FLASHBACK, 2017 Magkakapit-bahay lamang sina Cloud at ang mag-bestfriend na sina Carol at Vier kaya naman naging close ang tatlo sa isa't-isa. Mas matanda si Cloud nang dalawang taon sa dalawang babae kaya naman kuya ang turing nila sa kanya. Kung minsan ay pinangangaralan din sila ni Cloud sa tuwing may mga kalokohan silang nagagawa na lagi din naman nilang pinapakinggan. Bukod pa doon ay si Cloud din ang nagsisilbing protektor, bodyguard at chaperon nila sa tuwing aabutin sila ng madaling-araw sa kung saang lugar kapag may mga dance contest silang sinasalihan. Hindi rin naman pulos ka-seryosohan lang itong si Cloud sa kanila. Paminsan-minsan ay kasama din nila ito sa kaharutan at kasama sa masasayang sandali ng kanilang kalokohan. Ang hindi alam ni Vier ay nagsimula na palang makaramdam ng malalim na pagtingin sa kanya si Cloud. Ngunit dahil na rin sa kawalan niya ng self-confidence ay hinayaan na lang niya sa sarili ang damdaming iyon at pinagpapasalamat na lama

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 51: STILL LOVING YOU

    VIER'S POV Hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon ni Hector sa ibinunyag ko sa kanya kanina. Hindi lang pala siya basta-bastang gentleman lang, malawak din ang kanyang pang-unawa at hindi na niya minasama pa ang naging bunga ng aking nakaraang pagmamahal. Tunay nga siguro ang kasabihan na may bahagharing naghihintay sa dulo ng bawat bagyong ating pagdadaanan. At siya ang bahagharing iyon. Matapos kasi ang lahat-lahat ng sakit at pagluha ko, eh heto kami ngayon at masaya pa rin at magkasamang ineenjoy ang view dito sa mataas na bahagi ng Tagaytay habang mahigpit na magkayakap. Matapos ang madamdamin naming pag-uusap kanina ay niyaya na niya ako rito para naman daw makapag-unwined ako. Masyado na raw kasi yatang nai-stress ang kanyang reyna sa mga bagay-bagay. Idagdag pa ang hindi masyadong magandang unang pagkikita namin ng kanyang pamilya. Nawala na rin daw umano ang kilig ambiance sa inihanda niyang surprise lunch kanina na pambawi pala niya sa akin sa ginawa ng kany

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 50: UNFOLDING THEIR SECRETS

    VIER'S POV"Iwan n'yo na muna kami," pakiusap ko sa dalawang violinist na agad namang tumalima nang imuwestra sila ni Hector papalabas ng hall."Hon…," sambit niya habang nananatili pa rin ang kanyang mga kamay sa kamay ko. "Hon, please don't leave me," pagsusumamo niya kasabay ng tuluyan na ngang pagbagsak ng kanyang mga luha. Itinaas ko ang mga palad ko sa mukha niya para ako na mismo ang magpunas sa mga luhang iyon na lalo lang nagpapabigat sa aking damdamin. Napakabuti niyang tao at hindi niya deserve ang lumuha at masaktan nang dahil sa katulad ko."H'wag kang umiyak, please," pakiusap ko sa kanya na may panginginig pa sa aking boses na dala na rin ng takot at guilt sa loob ko. Ramdam ko rin na malapit nang bumagsak ang luha ko sa sobrang pagkahabag sa aking nobyo pero alam ko rin na kailangan kong maging matapang sa sandaling ito dahil kung hindi, paano ko pa tatanggapin ang posibleng reaksyon niya sa ipagtatapat ko?"May, may kailangan ka munang malaman Hector," saad ko na ti

  • A Great Love's Vengeance   Chapter 49: THAT KIND OF LOVE

    CLOUD'S POV"Hello?," tugon ko nang isang unknown number ang bigla na lamang tumawag sa kalagitnaan pa naman ng pagluluto ko."Cloud, ano na ha?," iritadong tugon nito mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa bungad niya sa aking iyon o ano kaya napahilamos na lang ng mukha. Sinenyasan ko na rin si Kevin, ang isa pang chef dito para siya na ang magpatuloy sa niluluto ko"Ang sabi natulog ka raw sa kwarto ni– hmmm–ano," aniya na iniwasan na lang ang pagbanggit sa pangalan ni Vier. Sa pagkakaalam ko ay magkasama sila ngayon sa trabaho at malamang na alam ng lahat ng kanilang katrabaho ang relasyon ni Vier sa kanilang big boss."Anong nangyari ha? Meron ba?," pag-uusisa pa niya."Tsk tsk tsk, hindi ka pa rin talaga nagbabago Carol. Masyado ka pa ring usisera," sagot ko sa kanya habang hindi maiwasan ang matawa sa aming usapan."Ang bagal mo kasi eh," napahinto na ako sa sinabi niyang iyon. "Kung mas napaaga ka lang, eh 'di sana may comeback 'yung KAYO 'di ba?," panenerm

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status